THREE
ASTERFREL
Since first day ng pasukan ngayon ay as usual magkakaroon kami ng introduction at dudugtungan pa raw namin ito na about sa sarili namin.
Alam ko naman after nito ay magpapalaro ulit ang aming guro, as usual again pero sa tingin ko nama'y iba ang mga laro ngayon kumpara last year kaya keri na.
Mas lalong iiba dahil iba yung feels kapag kasama mo sa iisang grupo ang poging transferee! Joke lang, hindi pa talaga nagsisimula ang groupings since mamaya pa ang game.
Naramdaman ko namang tumayo ang aking katabi hudyat na siya na ang magpapakilala, "Jasper Ramsley Zaragosa, dancing and gaming is life!"
Nagsihiyawan ang aking mga lalakeng classmates pagkasabi niya no'n at may pa rock 'n roll pa ito sa kanyang mga kamay. Ang baduy!
Naiiling na napatawa na lamang ako sa ginawa ng aking katabi, nang tumayo ako ay binangga niya muna ang aking balikat bago umupo kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Anong tinatawa-tawa mo?" tanong pa nito. Tinaasan ko ito ng isa kong kilay at naghahamong tinignan, "Hindi pwede?"
"Love birds, tama na iyan! Mauubusan na tayo ng oras," pagpapahinto sa amin ni Miss Donna kaya wala na akong choice kundi humarap sa aking mga kaklase.
Dinapuan ko muna ng tingin si Arturo bago magsalita, "I'm Asterfrel Bazin, you can call me whatever you like and of course I'm very approachable. Let's be friends!"
Nagsipalakpakan naman ang aking mga kaklase na akala mo'y nanalo ako sa isang paligsahan, napatingin ako sa likuran ko nang may biglaang nagsalita mula roon.
"So puwede kang tawaging 'baby'? Babe? Love? Honey?" tanong ng nakangising si Lucas na siyang kaibigan nitong katabi kong si Jasper.
Napakibit-balikat ako bago siya sinagot, "Bakit? Si Arturo ka ba? Si Arturo lang ang pwedeng tumawag sa'kin ng mga iyan 'no!"
Nagsitawanan ang aking mga kaklase nang marinig iyon mula sa akin. Shet, sobrang lala ko na ba? Napaupo ako pagkatapos at sinalubong ang mga titig ng aking mga katabi.
"Crush mo na agad iyong transferee? Ayos lang ba iyang mga mata mo?" sunod-sunod na tanong ni Neil sa akin.
Nginitian ko muna ito ng kay tamis-tamis at sasagutin na sana pero pinutol na agad ako nitong si Jasper.
"Oo nga, magpacheck-up ka na kaya?" sinamaan ko agad ito ng tingin at binalewala na ang kanyang sinabi dahil nagsalita na si Neil.
Pagkatapos magpakilala ni Neil ay kinalabit ko ito kaya napalingon ito agad sa akin, umisog pa ako papalapit sa pwesto niya para naman 'di makikialam itong si Jasper.
"Anong problema ba 'pag nagka-crush ako kay Arturo? Kasing pogi mo naman siya ah?" nagtatakang tanong ko rito, natigilan ito saglit at saka ako nginisihan.
"Wala naman, binabalaan ka lang. Kawawa ka 'pag nahulog ka ryan," napasulyap muna ako kay Jasper na ngayo'y nakatutok lang sa aming mga kaklase.
"Sabagay! Sa tindig at mukha pa lang ay 'di na ako sasaluhin no'n! Akalain mo, hali ka, tignan mo ang katawan ni Arturo." tinuro ko naman si Arturo na nasa harapan lang namin ang pwesto.
"Sa tingin mo sasaluhin ako niyan? Tutuhugin kamo! Male-lechon na ako no'n! Hahaha!" nagtawanan kami ni Neil dahil sa sinabi kong may halong katotohanan.
Sobrang payat ni Arturo at dumagdag pa ang katangkaran niya na nagmimistulang stick na, pero wait... stop... ang judgmental ko na masyado! Ang bad ko na!
Huminto na ako sa pagtawa at napahawak sa bandang tiyan ko dahil sumasakit ito, kahit pala tumawa ka masasaktan ka pa rin.
"Hindi naman gaanong kagwapo si Arturo," bigla nitong wika kaya nginisihan ko ito.
"Ah so 'di ka rin kagwapuhan? Oh... ba't nahulog ako sa'yo noon?" tanong ko sa kanya at sinadyang ibulong ang huling kataga ng aking sinabi.
Mahirap na, baka mag-assume pa 'to! Wala na akong nararamdaman sa kanya ah at ayoko na, ang dami ko kasing kaagaw.
"Anong binubulong-bulong niyo ryan?" usisa naman nitong katabi namin. Sumandal naman ako sa aking upuan at tinignan ang ngayong panghuling magpapakilala.
"Wala ka na ro'n, tol!" ngising saad ni Neil. Mabuti naman at 'di mabulgar itong taong ito.
Minsan kasi hindi worth it pagtuonan ng pansin ang mga lalakeng alam mong 'di ka naman seseryosohin. Like duh? Tanga lang ang gagawa no'n!
TUMAYO na agad kaming lahat pagtunog ng bell at nagpaalam sa guro namin. Sabi'y may gagawin daw kami pagkatapos ng recess kaya mas mabuting kumain daw kami ng marami.
Wow, papagurin yata kami ni Miss ah!
"Aster! Sabay na tayo!" sigaw ng bakla kong kaklase na si Dustin na ngayo'y kasama niyang papalapit sa pwesto ko sina Rina at Anne kasama ang anim pa naming mga kaibigang babae.
Since siyam lang kaming babae ay agad na rin kaming nagkasundo pati na rin si Dustin lalo na't hindi naman mahirap makipag-close sa mga may pusong babae, hindi ba?
"Dami paniguradong tao sa canteen ngayon, kapagod makipagsiksikan tas 'di naman pipiliin ng tindera gaya ng 'di niya pagpili sayow! Break it down yow!" napatingin ako kay Rina nang sabihin niya iyon.
"Nagpaparinig ka ba ryan?" tanong ko habang sumasabay sa kanyang lakad.
Napatawa naman ito at napatingin din sa akin, "Wow! Ako nagpaparinig? Bakit? Natamaan ka ba? Kahit naman 'di ka na makipagsiksikan eh 'di ka pa rin pipiliin no'n!"
Nagsikantyawan ang aking mga kaibigan dahil sa sinabi ni Rina kaya napatawa na lamang ako.
Pinatahimik naman kami ni Jessica na siyang binanggit ko na konti na lang ay sasabuyan kami ng alcohol.
Pinagtitinginan na rin kasi kami ng mga Grade 7 nang madaanan namin ang lobby nila kaya no choice kami kundi tatahimik talaga.
Nang makarating ng tuluyan sa canteen ay as expected sobrang dami ng tao lalo na't may pumapasok na parents at nakikipagsiksikan din.
Tinungo namin iyong panghuling tindahan dahil wala masyadong tao sa tindahan nila. Napangiti ako nang kita ang aking pinsan, "Hi ate!"
Tinignan lamang ako nito at tinanguan, kasama nito ang kanyang dalawang kaibigan na kakabili lang din sa tindahan na aming pinuntahan.
"Kahit kailan talaga ang sungit ng pinsan mo!" bulong ni Gella sa amin at napatingin sa papalayong likuran ng pinsan ko at ng mga kaibigan nito.
"Hayaan na, namamansin naman iyan sa bahay nila," which is true naman talaga.
Sabihin na nating topakin itong pinsan ko at minsan lang talaga namamansin kapag nakakasalubong ko siya rito sa school pero wala naman iyong problema sa akin dahil sanay na ako.
Sa katagal na namin dito sa paaralang ito ay sinong hindi mai-immune sa kanyang turing sa akin?
Bumili na kami ng makakain sa pinakapaborito naming tindahan since sobrang bait ng tindera rito.
"Ate, isang potato chips po!" nakangiti kong saad dito at inilahad na ang bente pesos.
Kinuha ko naman ang potato chips na nakalapag na sa mesa na nakapaloob sa isang maliit na paper bag na tama lang para ipagkasya itong pagkain, syempre cheese flavor kasi ito lang naman ang lasang nababagay rito, para sa'kin.
"Aster, nakausap ko si Arturo kanina." agad akong napalingon kay Anne nang banggitin niya ang pangalang iyon.
"Ha? Ano'ng pinag-usapan niyo?" lumapit ako lalo rito at nakangiting nag-aabang sa kanyang sasabihin.
"Naeexcite ka talaga? Hindi ka man lang kinakabahan o ano?" tanong nito na agad nakapagpailing sa akin.
Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at niyugyog siya, "Dali na kasi! Wag ka ng magpa-suspense! Atat na ako, huhu. Ako yata pinag-usapan niyo! Sign na ba ito?"
"Gaga, hindi!" pagpuputol nito sa sobrang ganda kong sinabi. "Don't his surname ring a bell to you?" tanong nito na nakapagpangisi sa akin.
"Wow, english!" react ko sa sinabi niya, pinandilatan niya naman ako ng mata kaya napa-peace sign na lamang ako.
"Seryoso kasi!"
Napahawak ako sa aking baba at nag-iisip tungkol sa sinabi ni Anne. Balondo... Balondo?
Nagtataka ko siyang tinignan habang hawak-hawak pa rin ang aking baba, "Oh, anong meron sa Balondo niya?"
"Iyong dad niya ay kakilala ng mom mo! Sabi niya pa nga na ikaw pala iyong anak ni Mrs. Arlene Bazin! Kilala ka niya! Hala ka!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, "Shet, baka ano pang sabihin no'n kay mama!"
Hindi na ako mapakali ngayon at isa-isang tinignan ang aking mga kaibigan na akala mo'y isang nawawalang tuta.
Narinig ko naman ang tawa ni Rina kaya napalingon ako sa kanya, napa-lip gesture siya sa bandang gilid namin kaya napatingin ako roon.
"Edi kausapin mo? Too easy!" sabi pa nitong si Rina na akala mo'y ang dali-dali lang gawin lalo na sa mga pinagsasabi kong kahihiyan patungkol sa kanya sa aming klase.
Napakagat ako sa aking koko at malalim na pinag-iisipan ang sinabi nina Anne at Rina.
Bahala na nga!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top