CHAPTER 2

Dedicated to CjBenedictBencito. Bruhh haha :). Sana magustuhan mo \(○^ω^○)/

•^•^•^

Chapter 2~First Meeting

Kurt's POV

Naglalakad ako sa hallways ng school kasama ang mga kaibigan ko. Diko alam kung late na ako sa klase, wala naman akong pake sa school. Tss. Para san pa at anak ako ng may-ari kung mag-aaral pa ako.

"Sa tingin ko late na tayo sa klase, dude"

Napatingin ako sa nagsalita. Si Dwight. Tsk. Palibhasa kasi bookworm. Sa aming tatlong matatalik na magkaibigan, si Dwight lang ang masipag mag-aral. Kaya nagmumukha siyang nerd eh, nerd na gwapo. Pero syempre mas gwapo ako ^_~.

"Ano naman ngayon? May magagawa ba yung prof natin na yun kung ma-late tayo? Baka ihampas ko sa pagmumukha niya birth certificate ko eh" Sabi ni Gab

-_-

Anong konek nung certificate niya? Naknang!

"Anong konek ng birth certificate mo?" Tanong ko

Nagkibit-balikat si Gab. "Diko rin alam"

Putspa -_-

"What? Ang gulo mong kausap, Gab" Inis na sambit ko saka siya sinamaan ng tingin. Nakaka-letche eh.

"Dude, kalma. Alam mo namang may sapak sa utak si Gab papatulan mo pa" Natatawa-tawang sabi ni Dwight habang tinatapik ang balikat ko.

Sabagay, tama siya. Sa aming lahat si Gab lang ang may saltik sa utak. Pano kami naging magkakaibigan despite of our attitudes? Simply because our parents were friends since before, kaya simula sa nung mga bata pa kami magkakasama na kami. So yeah.

Hanggang sa makarating kami dito sa harap ng room namin, hindi tumahimik si Gab at Dwight. Nakakarindi sila, pero sanay na ako sa dalawang yan.

Binuksan namin yung pinto at tumambad sa amin ang nagle-lesson naming prof. Mukha ngang late kami. Tsk.

"Who are the three of you? And why are you late?" Agad na bungad sa amin ng magaling naming prof. Tss

I mentally role my eyes upon the statement of the prof. Mukhang bago, hindi kami kilala eh.

"Sorry, prof" Sabay na sagot ni Dwight at Gab, di ako kumibo, pero hindi sincere yung pagkakasabi ni Gab kasi ang sama ng tingin niya sa prof. Well, same as mine.

Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita,

"Does it even matter kung bakit kami late? Buti nga pumasok pa kami eh"

Wala akong pake kung pabalang yung pagkakasagot ko. Masyadong ano eh!

Naglakad kami nila Gab papunta sa upuan namin. Which is sa pinaka-likod ng classroom. Nang makaupo kami, napansin ko yung dalawang babae na nakaupo sa harapan namin. Mukhang bago yung isa, at pamilyar naman yung isang babae. Hay bahala na!

After classes, dumiretso kami nila Gab sa tambayan naming magkakaibigan. Lunch break na, so malamang nandun na yung mga yun.

Nang makarating kami, agad kaming pumasok nila Gab at gumulantang sa amin ang kaganapan sa loob ng kwarto. May sari-sarili silang mundo. May nagvi-video games, may nagbi-billiards at iba pang board games, yung iba naman ay natutulog, nakain at nanood lang.

"Hey guys" bati ni Dwight matapos isara ang pinto

Sabay-sabay na lumingon sa amin ang nga kaibigan namin.

"Uy nandito na pala kayo" sabay-sabay nilang sabi

"Hindi anino lang namin toh" pang-aasar ni Gab

Naiinis na binatukan ni Aron si Gab, "Namimilosopo ka na naman!"

"Aray naman! Ba't kailangan mambatok?!" inis na sabi ni Gab habang masama ang tingin kay Aron

"Ewan" sabay walk-out ni Aron

Napailing-iling na lang ako sa kanila. Kapag kami magkakasama, walang oras na hindi mag-iingay at magsisigawan. Ganyan kaming magkakaibigan.

Napabaling ako sa mga natutulog sa sahig, nakahiga sila sa carpet. Kumunot ang ulo ko

"Jansel .." tawag ko kay Jansel na ngayon ay inaayos na yung mga stick na ginamit nila sa billiard.

"Bakit, Kurt?" tanong ni Jansel

Tinuro ko yung mga natutulog sa sahig. "Anong nangyari sa mga yan? Bakit mga mukhang pagod?"

"Diko rin sure eh, pagdating namin ni Aron kanina nandiyan na sila. Tanungin mo sila King, sila sila yung magkakasama kahapon"

Tumango ako saka hinanap si King. Nakita ko siyang kausap sila Dwight sa mini counter habang nakain ng cake.

"King!" tawag ko sa kaibigan kong busy makipagtawanan kila Dwight.

Agad siyang lumingon sa akin saka naglakad palapit sakin.

"Bakit, Kurt?" tanong ni King

"Anong nangyari diyan sa mga yan? Sabi ni Jansel magkakasama daw kayo kahapon, bakit mukhang mga pagod na ewan yan?" nagtatakang sabi ko

"Ah yun ba! Kasi nagpunta kami sa studio na pinagpa-practisan natin. Ayun napuyat kami dahil dun" paliwanag ni King

"At ano namang ginawa niyo dun para mapagod at mapuyat tong apat na toh?" iritadong tanong ko

"Eh kasi naman, ang usapan namin hanggang 11:30 lang kami dun. Eh nag-extend sila hanggang 2:30 ng hating-gabi" kamot-ulong sagot ni King

Inihilamos ko sa mukha ko yung kamay ko, ako nagtitimpi na lang ha. "How many times do I have to tell you na every weekends lang tayo pwedeng pumunta sa studio. At kung sunday man, hanggang 9:30-10:00 lang ng gabi"

"Sorry, Kurt. Di na yun mauulit. Sorry talaga"

Napabuntong-hininga na lang ako. "Just don't let this happen next time"

Tumango si King bago bumalik sa pagkain ng cake. Kung nagtataka kayo kung bakit may studio kaming napagusapan. It's because all of us love dancing. At kaming makakaibigan ay may sariling grupo. Hindi ko kuna sasabihin yung name para may thrill.

"Oy, gisingin niyo yang apat na natutulog at sumunod kayo sa cafeteria. Dun tayo kakain ng lunch" sabi ko saka tumayo na

Naglakad ako papunta cafeteria. Alam ko namang kasunod ko lang si Gab at Dwight. Pagdating namin sa cafeteria, agad jaming dinumog ng mga babaeng baliw na baliw samin.

"Kyaa! Kurt ang gwapo mo!!"

"Gab please notice me!"

"Dwight i-tutor moko please!!"

I roll my eyes at the girls surrrounding us. Sikat kami nila Gab dahil nga anak ako ng may ari ng school, at dahil na rin sa looks namin. Pero nakakairita sila ...

Agad kaming umupo nila Gab sa lamesang nakareserba para sa aming magkakaibigan. Kumunot ang noo ko ng biglang tumayo si Gab at Dwight saka lumapit sa isang lamesa na may apat na babaeng nakaupo. Tumayo ako saka lumapit sakanila.

"Kait is that you?" tanong ni Gab ng makalapit ako sakanila

Kunot noo akong bumaling sa babaeng tinuturo ni Gab. At agad na nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino yung babaeng tinutukoy ni Gab

"Kait?!" gulat kong sabi

Kait Dimples Cortez is a childhood friend of mine, Gab and Dwight. Simula elementary days magkakasama na kami, yun nga lang umalis sila last year ng family nila without us knowing the reason.

"H-hi, guys" sabi ni Kait habang nakatungo

"Long time no see! Kelan ka pa umuwi?! At bakit hindi mo kami sinabihan ha?! Ikaw talaga!" sabi ni Dwight kay Kait saka ginulo ang buhok nito

"Ano ba, Dwight! Wag mo nga guluhin buhok ko!" inis na sabi ni Kait habang masama ang tingin kay Dwight

"Hi Kuya Kurt!"

Agad akong tumingin sa pinanggalingan ng boses at ganun na lang ang gulat ko nang makita si Alex, ang kapatid ni Kait.

"Alex?!"

"One and only" biro ni Alex

Napailing iling na lang ako sa sinabi ni Alex. Actually, Dwight is the first one to meet Kait and her sister. Same village kasi ng tinitirhan sila Dwight, and it si happen na magkapit-bahay sila kaya ayun! Naging close din namin sila ni Gab. Same goes with Alex.

"Ay, oo nga pala. May ipapakilala kami sa inyo ..." sabi ni Kait at hinila palapit sa amin ang dalawang babae, ang isa ay blonde ang buhok at yung isa naman ay brown.

"Meet Gaille Mendoza and her sister, Jan Althea .. Gaille, Jan, meet Kurt, Gab and Dwight. My friends"

"Hi, nice meeting you!" masayang bati nung babaeng brown ang buhok, whose name is I guess Alex.

"Hello" cold na sabi naman nung Gaille. Tss. Anong problema neto?

"Ang cold mo naman, Gaille. Ganyan ka ba talaga? Para kasing kalog naman yung itsura mo" pabirong sabi ni Gab. Loko talaga eh

"Sorry ah. Di naman talaga ganyan ang ate ko, pero kapag first time niyang makilala, ganyan talaga siya. Lalo na pag lalaki" paliwanag ni Jan. Buti pa ito ang bait

"Ganun? Hehe, sana naman magkasundo kami ng Ate mo kahit papano, ano?" tatawa-tawang saad ni Dwight

"Nako wag ka mag-alala, mabait naman si Gaille. Magkakasundo rin kayo niyan" nakangiting sabi ni Kait.

Napairap ako. "Mukha naman kasing di siya ganun ka-approachable. Wag niyo nang ipilit ang sarili niyo kung ayaw naman. Tsk" inis na sabi ko

This time, humarap na sa amin si Gaille. "Excuse me? Eh sa ayaw kong magsalita eh, anong pake mo? Saka wag ka ngang umasta na parang matagal na tayong magkakilala" mataray niyang sabi sabay irap sa akin.

Aba naman talaga!

"Ang alam ko kasi, di naman masamang makipag-kaibigan. Kaya sana di ka ganyan kung mag-react. Ang OA kasing tignan" nakahalukipkip kong sabi

"Talaga lang ha? Kwento mo sa may pake" masamang tingin ang pinukol nito sa akin habang sinasabi yan

Magsasalita pa sana ako nang magsalita si Alex, "Haha ang cute niyo mag-away. Parang mag-on lang. LQ ganun"

"What?!" sabay na sigaw namin ni Gaille bago tumingin ng masama sa isa't-isa at umiwas ng tingin

"Haha ang cute talaga" natatawa pa ring sabi ni Alex. Baliw na bata

Naki-upo na lang kami nila Gab sa kanila, tutal naman nandito na rin lang kami. At dahil na-miss namin ang nag-iisang babae sa aming magkakaibigan.

"Nga pala, kamusta na kayo? Isang taon tayong di nagkita eh" nakapout na sabi ni Kait, jusko nagpapacute

"Okay naman. Pero dapat kami ang nagtatanong niyan sayo eh" sabi ni Gab

Tumawa lang si Kait at nagumpisa na silang magkwentuhan. Pero napansin kong napaka tahimik talaga ni Gaille eh. Mungewan.

"Hoy!" tawag ko

Tumaas ang isa niyang kilay. "Bakit?" masungit niyang tanong.

Bakit ba ang taray niya? ( ̄. ̄)

"Bakit ba ang taray mo? Wala naman akong ginagawa sayo eh" sabi ko

"Basta. Diko kasi gusto yung inasta mo kanina sa harap ng prof. Kala mo kung sino eh" bulong niya pero narinig ko naman

Nakangising sumandal ako sa upuan at pinagkrus ang braso ko sa dibdib ko. "Well, may karapatan naman kasi akong mainis. I am the son of the owner of this school anyway" pagpapaalam ko sakanya

Nakita kong nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Tignan mo na hahahaha!

"Seryoso ka ba diyan?" gulat niyang tanong

"Yup. I am not named Kurt Brion for nothing" seryoso kong tugon, para maniwala siya. It's obvious that she's doubting.

"Okay. Sabi mo eh"sabi niya saka muling sumimsim sa juice niya.

Aba't. Talaga itong babaeng toh sinusubukan ako eh. Pasalamat siya at ... Aish!

Nagkwentuhan pa kaming muli hanggang sa dumating na yung nga kaibigan namin. Nakita ko ang pagkamangha sa mukha ng magkapatid na Mendoza, well, magulantang ba naman sila sa dami namin eh ..

But Gaille is really getting into my nerves. Kanina pa niya ako inaasar ah. Mukhang hindi nadaling pakisamahan ang baabeng toh. Well, this was just our first meeting anyway ..

•^•^•^

Short update? Sorry po kung natagalan hehe. Naging busy sa school eh 〒_〒 ... Vote and Comment :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top