Worried Oracle
Art's POV
"IIHHH!!!" niyakap ko ng mahigpit si Bubbles. Siya na talaga favorite ko kasi pareho kaming blonde!
Tindahana kami sa isa't-isa.
We were meant to be together foreverrr!!!
Tinanong ko rin si Ria na baka gusto niya si Blossom kasi pareho silang pula ang buhok. Sinabihan niya lang ako na wala siyang interes sa kanila.
Oh diba? Ang sungit sungit pa rin!
Sa tuwing iniinsulto nila sina Bubbles, naiinsulto rin ako!
Buti pa si twinny. Siya yung sumama sa'kin sa huling shopping spree ko kahapon. Nakalimutan nga lang niya ako kasi may binili rin siyang mga plushies.
Yung mga pagong na nakablindfold pero di talaga nakablindfold kasi may butas yung blindfold nila?
Alam niyo yun?
Yung parang naka chemical x ata?
Ibig ko lang naman sabihin, asan ka ba makakakita ng mga pagong na nag ni-ninja?
Psssh!
"The city of townsville..."
"IIIHHHHH!!!" tumili ako pagkatapos i-on yung tv.
Kinuha ko yung remote nang mapansin ang boys na papalabas ng dorm.
"Sa'n punta niyo?" tanong ko sa kanila.
"Pababalikin kami sa teritoryo ng mga giants. Just a little check-up." sagot ni Dio.
"Gusto kong sumamaaa!!" nakangiti kong sambit sa kanila. Gusto ko kasing bumalik dun! Para makakuha ako ng remembrance. Kahit isang bato lang hihi.
Nagtinginan lang sila at sabay sabay na napailing.
"Hindi pwede.."
Nalungkot ako sa sinabi ni twinny. Ang tagal na naming di nagkita tapos idedeny niya lang ako sa harap nila?
Strike two na yun ah? Yung una, nakalimutan nya ko sa mall tapos ito.
Ang sakit! Huhuhu! Para akong inulanan ng daggers. Arrghh!!!
"Ahh..." binigyan ko sila ng malumbay na ngiti. "Okie.."
Sumayad ang tingin ko sa sahig.
Gusto kong sumama...
Nakakabored na kasi dito sa dorm. Saka, wala naman akong ibang gagawin eh!
Araw-araw nalang, kausap ko sina Blossom. Binulgar ko nga lahat ng visions ko sa kanila dahil alam ko namang di nila ako tatraydorin.
Hindi sila bes...
Di sila katulad kay princess Sara na yon.
At ngayong di nila ako gustong pasamahin... lalo na yang Cal at Seht na 'yan.. napagdesisyunan ko..
Simula ngayon, tatawagin ko na silang bes.
Kasi pinakahate ko yung bes!
Sssssssss!
Biglang lumapit sa'kin si Cal.
"Be a good girl?" bulong niya.
"Hmmp." inirapan ko siya. Di ko talaga siya papansinin pag balik niya.
Sa laking gulat ko, hinalikan niya ako sa pisngi sabay bulong ng "I love you".
Saka niya ako iniwang nakatulala.
Kailan ko ba siya binigyan ng karapatan na maglagay ng mga paru-paro sa sikmura ko ha?? HA?! HAAAA?!?!
Alam nyo, nanghihinala na talaga ako eh... di kaya siya nasobraan sa ambrosia?
Omooo! Nahawa ba siya kay Chase na parang nakahithit?
Hindi ko naman siya nakikitang lutang ah.
Panay lang talaga yung mga 'i love you' niya.
Takot na takot atang mawala ulit ako.
Pero hindi naman ah.. wala naman akong balak umalis. Saka, kung mangyayari yun, alam ko namang hahanapin niya rin ako. Pag di niya ako hinanap, magtatampo na talaga ako sa kanya.
Di ko itutuloy yung flower crown at anime eyes niya!
Di ko rin ipapahiram sa kanya sina Blossom.
Heh. Tignan lang natin.
Pumasok ang isang ideya sa utak ko.
Subukan ko kayang lumayas? Isang araw lang para tignan ko reaksyon niya. MWEHEHEHE.
"Para kang sinapian ni Eris kung makangiti." boses ni Thea ang narinig ko.
Lumabas siya mula sa kwarto ni Cesia at dumiretso sa kusina tas binuksan ang ref.
Umupo siya at sinenyasan akong umupo rin sa kanyang tabi. Sinunod ko siya at nakikain narin ako sa grilled cheese na nilabas niya.
Habang kumakain, napaisip ako sa kalagayan ni Cesia. "Wala ka bang napapansin kay Cesia? Ikaw kasama niya sa kwarto palagi eh.."
Kung may nangyayari kay Cesia, siguro si Thea ang unang makakaalam dahil sila ang magkasama gabi-gabi.
"Physically? Or iba? Kasi gumanda naman siya nang nakabalik sila ni Trev mula sa trance diba?" tanong niya.
Tumango ako.
Oo nga. Akala ko noon hanggang doon nalang yung kagandahan niya. Pero mali ako. Gumanda pa siya ng todo-todo!
Nag contribute rin yung kulay ng mga mata niya.
Isang tingin lang sa kanya at bam! Sasabog utak mo.
Mapapanganga ka nalang.
Kaya di na ako magtataka kung bakit lahat ng mga mata ng karamihan ay nakatuon kay Cesia sa tuwing lumalabas siya ng dorm.
Di mo talaga maiwasang mapahinto sa ginagawa mo kapag nandyan siya eh.
Hindi na niya kailangan gamitin ang ability niya para kunin ang atensyon ng iba.
Grabe!
"Ibang pagbabago ang tinutukoy ko.." sagot ko habang natatakam sa sandwich.
Sumingkit ang kanyang mga mata na tila malalim ang iniisip. "Sa totoo lang.. meron nga."
"Tologo?" hindi ko pa nalunok yung sandwich nang magsalita ako.
Tumango-tango si Thea. "May mga gabi na nagkakaroon siya ng masasamang panaginip. Hindi ko naman siya ginigising... hinahaplos ko lang yung buhok niya para mapatahan siya."
Huh. Masasamang panaginip pala. Normal lang naman ata yun. Ikaw ba naman kumalaban kay Eris?
"Pero alam mo kung ano yung pinakanakakatakot?" binaba ni Thea ang kanyang sandwich.
"Ano?" huminto rin ako sa pag kain.
"Sa tuwing nananaginip siya... nararamdaman ko yung nararamdaman niya..." dagdag ni Thea.
"Kaso iba yung nararamdaman ko Art. Hindi emosyon." tinignan niya ako at bakas sa kanyang mga mata ang pangangamba.
"KAPANGYARIHAN ART. Sobrang lakas. Sobrang bigat. Di ko nakaya. Alam mo ba?! Muntik na akong nalulunod sa hangin sa tuwing nagkakaroon siya ng masamang panaginip." Nanlaki ang mga mata niya. "TANGINA PWEDE BA YON? YUNG MALUNOD SA HANGIN?!"
Dahan-dahan kong binalik ang sandwich sa plato. Nawalan na kasi ako ng gana. Hindi sa pagmumura ni Thea ah. Kundi dahil bigla akong napaisip sa posibilidad na may mangyayaring masama kay Cesia.
"I-update mo'ko pag may nangyari na naman ah?" nginitian ko siya.
Umalis na si Thea para magtrabaho sa mechanical room. Samantalang ako, nakatitig sa sandwich na nasa harap ko.
Nawala na yung visions ko nang makalabas ako ng Elysium. Hindi ko na rin naririnig ang tinig ni Rhea.
At kapag nagising na si Cronus, may portals na bubukas. Mga portals na ginawa ni Mnemosyne.
Nag-aalala lang talaga ako dahil ayokong humiwalay si Cesia sa'min na walang kaalam-alam kung ano ang totoong nangyayari sa kanya.
Ginulo ko ang buhok ko.
Nakakainis!
Pati kasi ako naguguluhan na sa kanya.
Actually... sa kanilang dalawa ni Trev.
Hindi ko alam kung anong meron iih! Kaya nga nagtatanong-tanong lang ako. Kasi gusto kong malaman ang dahilan kung bakit may kakaiba sa kanila.
Nagbuntong-hininga ako at pumikit.
Nung bumalik ang mga ala-ala ko sa Underworld, isang vision lang.
Isang vision lang ang nakikita ko kung saan nandoon silang dalawa.
At yun ay ang katapusan ng mundo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top