Untouchable
Cesia's POV
"Samahan mo'ko mamaya ah? bibisitahin ulit natin si chan-chan.." tugon ko kay Trev habang naglalakad sa mga pasilyo ng palasyo kasama siya.
"We just visited him an hour ago." aniya habang nakatuon pa rin sa harap.
"A-ahh.." nag isip-isip ako ng pwedeng madahilan. "k-kasi baka-"
Huminto siya kaya sumunod na rin ako.
"Are you distracting me?" seryoso niyang tanong.
Hindi ako sumagot at napaiwas ng tingin. Mukhang naiintindihan na niya kung bakit kaninang umaga ko pa siya sinasama sa mga lakad ko.
"You're distracting me." aniya nang makita ang naging reaksyon ko sa kanyang tanong.
"Hindi ka ba nagugutom?" pag-iiba ko ng topic.
Napahilamos siya gamit ang kanyang kanang kamay pagkatapos ay mataman niya akong tinitigan.
"Stop." utos niya. "Let's stop this."
"Trev..." tinignan ko siya. "Sa pagkakatanda ko kasi, matatalo si Paris.. siguro nga hindi ka pa mamamatay pero masasaktan ka pa rin ng todo-todo at ayokong makita kang ganon.."
"Cesia." sabi niya saka hinipo ang aking pisngi dahilan na mapapikit ako. "I'm going to win this. Paris didn't.. but I will."
Ipapanalo niya?
Iminulat ko ang aking mga mata. "Hindi pwede."
Tinanggal niya ang kanyang kamay. Kumunot ang kanyang noo dulot ng pagtataka sa sinabi ko.
"Nakasulat na sa kasaysayan ang mangyayari sa'yo." paalala ko sa kanya. "Hindi mo pwedeng baguhin 'yon kasi masisira ang buong kwento."
"Kaya pwede ba umatras ka muna at dito ka nalang?" pagsusumamo ko.
"You're already late." sagot niya. "If I forfeit, I'm going to lose you."
Biglang lumitaw si Hector sa tabi niya na may dalang kasuotan na pang-digmaan. May dala rin siyang pana na inabot niya kay Trev.
"I'm going to use a sword." ani Trev. Nagulat saglit si Hector pero tumango siya at umalis para kumuha ng espada.
"Te-teka.." nanlaki ang aking mga mata nang sumunod si Trev kay Hector. "Trev!"
Nagmamadali akong pumunta sa kanya. Aish. Bakit ba kasi ayaw gumana yung inveiglements ko dito?!
"Stop following me." Huminto siya at nilingon ako. "I have already made my decision."
"Pero hindi ka talaga pwedeng manalo Trev.." sabi ko sa kanya. "Kasi.. kasi.."
"Cesia, the story states that Menelaus fought with Paris before the duel between Ajax and Hector." sambit niya.
Hmm. Napaisip ako.
Oo nga ano? Bakit ngayon ko lang naalala yan? Dapat nga palang mas nauna yung nangyaring duel nina Paris at Menalaus pero dito, napalitan ito nina Hector at Ajax.
"You know what that means?" mariin na nakatutok ang kanyang mga mata sa'kin.
Umiling ako. "Ano?"
"It means I can do whatever the hell I want." giit niya.
•••
Nasa kabilang tower sina King Priam at ang mga kasamahan niya. Humiwalay kami ni Cassandra at lumipat sa katabing tower dahil nakasaad doon na tatanungin daw ni Priam si Helen kung sinu-sino ang mga Achaeans na kasali sa digmaan. Kilala ko ang sarili ko at hindi ko na-memorize ang mga pangalan ng Greeks na kasali dito kaya mas mabuti pa't iwasan ko nalang ang mga tanong niya.
Pinagpapawisan ako habang nakatingin sa dalawang lalaki na naghaharapan sa ibaba.
"He's gonna be ok." hinihimas-himas ni Cassandra ang aking likod at itinuro si Trev. "Look Cesia. He gets to throw his spear first!"
Sa laking gulat ng lahat, hindi hinagis ni Trev ang kanyang spear at binitawan ito. Kasunod niyang kinuha ang kanyang espada na nakasabit sa gilid ng armor niya at itinuon ang dulo nito kay Menelaus.
Napailing ako.
Trev talaga.
Kumunot ang noo ni Menelaus pero sa huli, ganoon din ang ginawa niya. Inilabas niya ang kanyang espada pagkatapos bitawan ang kanyang shield at spear.
Narinig ko ang sigaw ni Menelaus nang pinahilig niya ang kanyang espada sa harap at pakaliwa. Ngunit nagulat na naman yung iba nang nagawa itong iwasan ni Paris.
"Trev.." bulong ko.
Palagi nalang siyang napapaatras dahil pilit tinutulak ni Menelaus ang kanyang sarili papalapit sa kanya. Halatang out of frustration ang bawat hatak at tarak ng kanyang kamay.
Nagkasalubong ang dalawang blades nila at napasinghap ako nang tumilapon ang espada ni Trev.
May namumuong ngiti sa mukha ni Menelaus pero nabura kaagad ito dahil umikot si Trev at malakas na sinikad ang kanyang tuhod dahilan na matumba siya. Mabilis rin na nakuha ni Trev ang weapon ni Menelaus.
Lumipat ang aking tingin sa isa sa mga Greeks na nanonood at hindi maipinta ang mukha. Nakapatong ang kanyang kamay sa ulo niya habang sinisigawan si Menelaus.
"Sino yan?" tanong ko kay Cassandra.
"As what I've heard, that must be Agamemnon." sagot niya. "Mukhang galit ata sa kinahihinatnan ng kapatid niya."
"Sino nga ba namang mag-aakalang matatalo ng prinsipe ng Troya si Menelaus na isa sa magigiting na mandirigma dito." mahina niyang tugon.
Nakaramdam ako ng kakaiba kaya bumalik ang aking atensyon kina Menalaus at Trev. Tumayo si Menelaus saka tumakbo patungo sa mga spears na nakatihaya lamang sa lupa. Pinulot niya ito at hinagis kay Trev.
Sumingkit ang aking mga mata nang makita kung sino ang babaeng nakatayo sa likod ni Menelaus.
"Athena." isang beses ko lang siyang nakita pero tandang-tanda ko pa rin ang hitsura niya.
Hindi matanggal ang mga mata ng goddess mula sa spear na nasa ere na ipinagtaka ko.
Nalaman ko kaagad kung ano ang ginagawa niya kaya itinaas ko ang aking kamay. Lumiwanag ang mata ng swan na nasa bracelet at kasabay nito ang pagliko ng spear sa ibang direksyon.
"Ah!" napatukod ako sa ledge ng tower na gawa sa bato pagkatapos kong gawin yon.
"Cesia!" hinawakan ni Cassandra ang braso ko. "Are you okay?"
Tumango ako.
Hindi ata nakayanan ng aking katawan ang bigla-biglaan kong pag gamit ng bracelet kaya sumakit yung ulo ko.
Humihingal ako nang mapatingin kay Athena na nakatingin din sa'kin bago siya naglaho.
Tapos nakita kong tumakbo si Trev. Samantalang si Menelaus naman, hindi matinag sa kanyang kinatatayuan. Imbes na tuluyan na ngang patayin si Menelaus, itinapat ni Trev ang espada sa kanyang leeg.
Lumabas si Agamemnon mula sa mga Achaeans, namumula ang kanyang mukha, at napasakamay ang spear ni Menelaus.
"Trev!" napasigaw ako nang isinaksak niya ito sa likod ni Trev kaya't nabitawan ni Trev ang kanyang espada at napaluhod.
"HALT!" itinaas ni Hector ang kanyang kamay, senyas na itigil na ang laban.
Inutusan niya ang mga Trojans na kunin ang prinsipe nila na agaran din nilang sinunod. Tinanggalan muna nila ng armor si Trev bago i-angat.
Napatakip ako ng bibig pagkatapos makita ang kanyang tunic na nakababad sa dugo.
"Cesia..." nakapako ang tingin ni Cassandra sa'kin.
"H-hindi siya demigod dito.." humakbang ako paatras. "wala siyang kapangyarihan d-dito.."
Nagmamadali akong bumaba ng tower para hanapin si Trev. Tinanong ko ang isa sa mga kawal at sinabi niyang nawalan daw ng malay ang prinsipe kaya dinala nila siya sa kanyang kwarto kaya kumaripas ako ng takbo papunta doon.
Pagdating ko, pinigilan ako ng isang guwardiya na makapasok.
"Let her enter!" sigaw ni Cassandra na hinahabol pala ako.
Tinulak ko ang tagapagbantay at pumasok. Bumungad sa'kin si King Priam at isa pang lalaki na kasalukuyang sinusuri ang sugat ni Trev.
Siya rin yung doktor na gumamot sa mga sugat ni Hector noon.
"Pinatakan ko na ito ng hyacinthus ngunit hindi pa rin siya nagigising." tumayo siya. "kahit kaunting galaw lamang ng kamay.."
Lumapit ako kay Trev at umupo sa tabi niya. Nakalantad ang napakalalim na sugat sa kanyang dibdib kung saan tumagos yung ginamit na sandata ni Agamemnon.
"Unti-unti na siyang nauubusan ng dugo." sabi nung doktor.
"..and no one lives with a hole in his chest. Atleast not a mortal." pagtatapos niya.
"I never knew my son could.. fight.. I-" padabog na lumabas si Priam. Sinulyapan ako ng doktor bago niya habulin ang hari.
"Dad!" pati na rin si Cassandra ay lumabas para sundan ang kanyang ama.
Huminga ako ng malalim at ipinatong ang aking ulo sa kanyang dibdib para pakinggan ang bawat pagdabog ng puso niya.
Hindi ito nanghihina kaya nakahinga na rin ako. Kanina ko pa kasi nagpipigil ng ginhawa habang pinapakinggan ang heartbeats niya.
Yumuko ako at bumaba sa sahig saka umupo. Dahan-dahan kong kinuha ang kanyang kamay at isinandal ang aking ulo sa dulo ng higaan.
"Kapag ba namatay tayo dito.. babalik ba tayo.. o.." hindi ko natapos ang aking tanong dahil nanghihina na naman ang loob ko.
Ipinikit ko ang aking mga mata habang nakakapit sa nanlalamig niyang kamay.
•••
Napaupo ako pagkatapos mapagtantong nakatulog ako. Natagpuan ko ang aking sarili na nakapatong sa higaan kaya agad akong tumayo para hanapin si Trev.
Lalabas na sana ako ng kwarto nang marinig ko ang boses niya.
"Have I told you about how Paris dies but not because of their duel with Menelaus?" nakamasid siya sa labas ng bintana.
Bumaba ang aking tingin sa makapal na tela na nakapalipot sa kanyang dibdib.
Napangiti ako at humakbang papalapit sa kanya. Nang makatayo ako sa harap niya, napansin kong hindi siya nakatitig sa'kin kundi sa balikat ko kaya napatingin din ako.
Muntik na akong mabilaukan nang makitang natanggal ang bahagi ng tela na nakakapit sa balikat ko.
"H-hoy-" lumayo ako sa kanya. "Anong tinitingin-tingin mo diyan?!"
"It just occurred to me that you're inside another woman's body." sagot niya. "I'm just wondering... nevermind." umiling-iling siya.
Inayos ko ang aking damit at sinamaan siya ng tingin. "Muntik ka lang mamatay, iba na ang takbo ng pag-iisip mo."
Psh.
"Prepare something nice to wear tonight." pagbibigay-alam niya. "Hector wants to hold a celebration for me."
Lumiwanag ang aking mga mata at nanumbalik ang ngiti sa aking labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top