Time Flies
Thea's POV
"Bo! Okay na ba lahat?" sigaw ko kay Bo na nasa kabilang dulo ng underground tunnel.
"Kulang ng screw!!" sigaw niya pabalik.
"Paano ba di makukulangan yan eh kinakain nyo kaya! Tsk!" padabog akong lumapit sa mesa kung saan nakalatay ang mga kagamitan sa construction.
"Eto mga putangin-"
"Thea?" biglang sumulpot si Ira kaya't di ko natuloy yung mura ko. "We're done. We have transferred all the controls to the other room as well."
Tumango-tango ako.
At least may good news.
EH ETONG MGA KAMBING KASI DAPAT NGA MAS NAUNA SILANG NATAPOS SA TRABAHO NILA PERO NAUNAHAN PA SILA NINA IRA!
"Thea. You're making that face again." dumating si Seht.
"Bakit? May problema ka ba sa mukha ko pag ganito?" pagsusungit ko sa kanya.
Nginitian niya ako at mahinang tinapik ang aking noo. "No. But you look like you're the one with a problem." Umupo siya sa mesa at sinenyasan akong lumapit sa kanya.
"Pwede ba Seht?" pakiusap ko sa kanya. "Sinabi ko na sa'yo na ayokong madistract sa trabaho ko."
Malay ko ba sa lalaking to at umaandar na naman pagiging koala niya. Lapit nang lapit sa'kin samantalang ako naman, todo iwas sa kanya kasi nga, may mga bagay pa akong mas mahalaga na dapat atupagin.
"I have good news." sabi niya sa'kin nang makatayo na ako sa harap niya.
"Ano?" tanong ko.
"We actually developed ambrosia gems not just for demigods but for the nymphs, satyrs, centaurs.. and you know.. mythological creatures.." proud niyang sagot. "It was hard to find the ratio but.. it was worth it."
Kaya pala natagalan sila kasi may pa ambrosia-gems pa sila para sa ibang mga nilalang na kasali sa'min. Sabagay, hindi kasi pwedeng pure ambrosia ang ibibigay sa mga satyrs at sa mga centaurs. Baka pag pinainom namin sila, sasabog sila o di kaya mag-ibang anyo.
"Nga pala... anong update kay Blobblebutt?" tanong ko.
Napansin ko ang pagkawala ng kanyang ngiti matapos kong itanong yon. Hindi niya sinasabi sa'kin pero alam kong wala siyang tulog simula nung nawala si Blobblebutt. Palagi nalang siyang nangongolekta ng surveillance mula sa mga huntres kung meron nga ba silang nakita na hippogriff na palipad-lipad.
"He was last seen on his way to Arcadia." sagot niya.
Arcadia ba kamo? "Oh. Edi mabuti nga yun diba? Baka nandun nga sina Art?"
"I hope he did find her." bumaba ang kanyang tingin. "And if he didn't, I hope he finds his way back."
Nagbuga ako ng hangin habang umiiling-iling. Naiiyak ako kasi lintek ang bait ng lalaking to?!?!
"Alam mo Seht. Siguradong magkasama na sina Art ngayon kaya wag ka ng mag-alala." hinihimas-himas ko ang kanyang balikat. Napahinto ako saglit kasi nadama ko yung biceps niya-
Okay.
Tigil na ako.
Tinanggal ko ang aking kamay at pinatong ito sa kanyang hita. Tinignan ko siya saka nginitian. "Libre mo'ko mamaya ah? Pag tapos na kami dito."
Ginantihan niya rin ako ng matamis niyang ngiti na kinaaaliwan ko palagi.
"Sure." pagsang-ayon niya.
•••
"Engines to be activated in 3..2..1.." pagkatapos magbilang ng aurai, nagkaroon ng panandaliang black-out sa buong campus.
Nakarinig kami ng kaunting tunog ng makina bago bumalik ang kuryente.
"Switching off the barrier." may pinindot si Krisna na pulang button sa operating system. Pagkatapos, narinig namin ang alarm ng Academy na ibig sabihin ay tuluyan na ngang nawala ang barrier na nakapaligid dito.
"Switching on the new barrier."
Sumilip ako sa bintana at nakita ang puting salamin na unti-unting umaakyat pataas. Naging transparent ang kulay nito nang maghugis dome na ito na pinapaloob ang Academy.
Masasabi kong successful nga naman ang efforts namin para baguhin yung defense system ng Academy.
Naramdaman kong may humahatak sa dulo ng damit ko. Yumuko ako at natagpuan si Bo na nakaangat ang mga mata sa'kin.
"When are you going to tell them about the other stuffs we built?" tanong niya.
Napangiti ako. "Kapag kakailanganin na siguro natin."
Kami lang dalawa ni Bo ang nakakaalam na hindi lang cannons at bagong barrier ang natapos namin.
Sobrang dami ng assets na dinagdag ko sa defense system ng Academy.
Dahil ganon kalaki ang ambisyon ko para sa lugar na'to.
Napalingon ako sa mga satyrs na nagpapalakpakan pagkatapos i-anunsyo ni Krisna na stable na ang lahat. Huminto sila sa pag-iingay nang makitang nakasingkit ang aking mga mata habang nakatutok sa kanila.
Napangiti ako nang napaatras sila dahil sa takot.
"INUMAN SA UNDERGROUND MAMAYA!! IIYYEEAAAH!!" sigaw ko sa kanila.
Sabay-sabay na lumiwanag ang kanilang mga mata. Nabalot ang silid ng mga tunog ng kanilang mga paa dahil nagsimula na silang tumalon-talon.
Umikot ako at sinalubong ng nagtatakang Heather. "A party?"
Tumango ako. "Alam mo, kahit di ko pa i-announce, mag-iinuman din yang mga yan sa underground."
Tinignan niya ang mga satyrs at napangiti. "Well, they seem happier that you, yourself announced it."
Lumipas ang ilang minuto at nagsilabasan na sila. Syempre, nagpahuli ako kasama sina Ira na halatang masaya rin dahil kahit papano ay nakatulong daw sila.
Kung iisipin nga, malaki talaga yung naitulong nila eh. Simula pa nung una.
"Sana ganito nalang palagi no?"
Napatigin kaming lahat kay Krisna dahil sa sinabi niya.
"Well.. I mean, not the rebellion." tumawa siya ng mahina. "What I meant was this sense of unity.... it sounds cheesy but I admit, I feel like we're really a family here."
"Girl." huminto si Ira para harapin si Krisna. "Ever since you stepped foot in this school, you're already a part of this family. You know that right?"
Bumigat ang aking loob nang maalala yung ibang Alphas. Naalala ko lang kasi na sila yung pamilya ko.
At ang hirap din.
Ang hirap itago yung kalungkutan ko sa tuwing nagigising ako. Umaasa kasi ako palagi na sa paglabas ko ng kwarto, madadatnan ko sina Ria na kumakain ng almusal.
"Thea?"
Umiiling-iling ako at napatingin kay Ira na nakapameywang.
"Ayy- bakit?" napakurap ako ng mata.
"You spaced out." aniya. "But anyways, we decided to get lunch together. You wanna come?"
"Naku-" bago ko pa matuloy ang sagot ko, isang kamay ang pumatong sa aking balikat.
"She'll be spending her lunch and the rest of the afternoon with me. Thanks." narinig ko ang boses ni Seht na kararating lang.
Pagkatapos marinig yon, nagpaalam na sila at iniwan kaming dalawa ni Seht sa hallway.
"Naka lab gown ka pa rin?" tanong ko nang makita ang suot niya.
"I can take it off if you want." giit niya at akmang tatanggalin ang lab gown.
"wag!" pagpipigil ko sa kanya. "Ang gwapo mo kayang tignan kapag nakaganyan ka."
Gwapo naman talaga siya kahit ano pang suot niya kaya lubos talaga ang pasasalamat ko kay Apollo at biniyayaan niya ang kanyang anak ng ganito.
'MALAKING SHOUTOUT NGA PALA KAY APOLLO KASI-'
'Alphas.'
Hindi na naman natapos ang shoutout ko kay Apollo dahil nakarinig ako ng pamilyar na boses-
Wait a minute kapeng mainit.
Nababaliw na ba ako at naririnig ko nga yung boses ni Cesia? Ganun ko nalang ba sila ka-miss?
Side effects na kaya to sa pagiging stressed ko sa mga screws na inubos ng mga satyrs?
"I'm already hearing voices. We should eat now." ani Seht dahilan na magkasalubong ang aking kilay.
"Narinig mo rin yun?" tanong ko.
'Alphas... makinig kayo.'
Wala kaming ibang magawa ni Seht kundi ang mapatingin sa isa't-isa.
Woah.
HINDI LANG AKO ANG NABABALIW?!?!
Tinignan ko ang simbolo na nakatatak sa aking pulso kasi napansin kong lumiliwanag na naman ito. Pag angat ko ng tingin, muntik na akong mahimatay sa pwesto ko dahil nakita ko sila.
Nakita ko ang mga demigods na hinahanap-hanap ko parati.
At magkapareho pa ang kanilang mga reaksyon: nanlalaki ang mga mata at takang-taka sa nangyayari.
Nasa kani-kanilang realms pa rin sila pero...
"We're being summoned."
Nilingon namin si Kaye na nasa Underworld. Halatang di sila mapakali ni Matilda dahil sa sobrang ingay na nanggagaling sa realm nila.
"Oh my fucking Gods. Are you for real?!" natataranta din si Ria. Sa likod niya ay si Chase na sa kasalukuyan ay dumudugo ang noo.
'Panahon na...'
Isa-isa ko silang tinignan.
Holeh shet- eto na ba talaga?
'Para bumalik na tayo.'
"G-gago..." kumapit ako kay Seht dahil pakiramdam ko na-knock out ako sa kinatatayuan ko.
"HINDI PA AKO REEADDYY!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top