Thoughts
Cesia's POV
"Para na rin naming pinaglalaruan ang tadhana.." mahina kong tugon kay Cassandra.
Hatinggabi na pero hanggang ngayon, dinig na dinig namin mula dito sa hardin ng Troy ang ingay ng mga tao sa malaking hall nig palasyo.
Lumabas lang ako para magpahangin saglit at nakita ko si Cassandra kaya eto kami ngayon, magkatabing nakaupo, nag-uusap tungkol sa mga nangyayari sa'min.
"Who says you're playing with destiny?" natatawang sagot ni Cassandra.
"You're making a new one."
Nakatitig lamang ako sa isang bulaklak sa harap namin na nakasara habang nakikinig kay Cassandra. Nakailang utos na kasi ako dito na bumukas kagaya nung nangyari sa Arcadia, pero mukhang sayang lang yung effort ko sa pagfocus kasi hinding-hindi talaga gagana ang inveiglements ko dito.
"Where's my other brother by the way? Why is he not here?" tanong niya. "He should not leave you alone."
"Hindi siya makalabas sa sobrang dami ng mga taong gustong kumausap sa kanya." sagot ko. "Pero sinabi ko naman na saglit lang ako dito."
Tumango siya saka tumayo. "I have to go. Kailangan kong magpakita sa hari at reyna." pagpapaalam niya bago ako iniwan.
Pinikit ko ang aking mga mata para idama ang hangin ngayong gabi na dumadapli sa aking mga pisngi.
Kailan kaya kami makakabalik?
"Who are you?"
Narinig ko ang pamilyar na boses niya. Binuksan ko ang aking mga mata para makita ang isang goddess na nakatayo sa harap ko at malalim akong tinititigan.
Tumayo ako. "Athena."
Hinead-to-toe niya pa ako bago magsalita ulit. "Your eyes speak of another language. You are not Helen. So answer me, mortal. Who are you?"
Napabuntong-hininga ako. Gusto kong sabihin sa kanya kung sino ang totoong ako.
Pero tila may nagpipigil sa'kin kasi may kutob akong malaki ang ipagbabago ng kasaysayan kapag sinabi ko sa kanya ang totoo.
"I'm still Helen." sagot ko. Halatang nag-iba ang tono ng aking boses pero bahala na nga. "Not just the Helen you expected."
"Did another god bribe you? How did you intervene with my power with just the movement of your hand?" karagdagan niyang tanong.
Nagbuga na naman ako ng hangin at nagkibit-balikat.
Bigla niya akong hinawakan ng napakahigpit sa aking balikat kaya napasinghap ako. Nakakunot ang kanyang noo at nagbabanta ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.
"B-bitawan mo'ko." kinakabahan kong tugon nang marahas niya akong hinatak papalapit sa kanya.
"I'm taking you with me." aniya.
Teka.
Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako.
Ngunit napatigil kaagad kami nang may humawak sa isa ko pang kamay.
"No, you're not."
"T-Trev.." naiiyak ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko kapag tuluyan na nga akong natangay ni Athena.
Hindi ko kayang manlabas sa isang goddess na katulad niya.
"She's mine." narinig kong anunsyo niya dahilan na tumalon ang puso ko.
"A mortal against an immortal? How dare you command a goddess to release her?" hinigpitan ni Athena ang pagkakahawak sa braso ko.
"Athena." sambit ni Trev. "Go ahead and take her. So that the other gods will see how the Goddess of Wisdom is not a wise goddess anymore."
Malaki ang naging tama ng sinabi ni Trev kay Athena dahil binitawan na niya ako. Dali-dali akong hinatak ni Trev dahilan na mapayakap ako sa kanya.
Nakatalikod ako kay Athena at hindi ko sinubukang humarap sa kanya.
Ayokong makaramdam ng takot.
"You are threatening me." narinig kong sabi ng goddess. "Are you out of your mind, Prince of Troy?"
"I ask you the same question, Goddess of Wisdom." diniinan ni Trev ang huling tatlong salita na pinakawalan niya.
Mayamaya, naramdaman ko na ang pag gaan ng kapaligiran. Sinubukan kong lumayo kay Trev para tignan kung nawala na ba si Athena.
Yun nga lang, hindi ako makagalaw sa bisig niya.
"I almost lost you." bulong niya at tila hindi pa siya nakuntento sa distansya naming dalawa dahil niyakap niya pa ako.
Huminga ako ng malalim at napangiti. Dahan-dahan kong hinimas ang likuran niya para pakalmahin siya.
"Almost." sagot ko. "Pero nandito pa rin ako dahil sa'yo."
Lumipas ang isang minuto ng katahimikan at napagdesisyunan na niyang bitawan ako. Mabuti naman at di nadagdagan ng isa pang minuto kasi kanina pa ako nahihirapang huminga.
Tinignan ko siya at unang napansin ang mga mata niya.
"Umiiyak ka." sambit ko sa kanya.
Nagkasalubong ang kanyang kilay. "I'm not."
"Basang-basa nga yung mga mata mo oh!" panunukso ko sa kanya. "Umiiyak ka pala?"
"Cesia." seryoso niyang tugon. Lumapad ang aking ngiti dahil bumalik na ang blankong ekspresyon sa kanyang mukha na palagi niyang suot. "Stop it."
"Trev. Paano nalang pag nalaman nila Chase na iniyakan mo ang isang babae?" napailing ako. "Tsk. Tsk. Tsk"
Panandalian siyang natahimik para pag-isipan ang sagot niya.
"I won't let you."
Napansin ko ang namumuong smirk sa labi niya.
"I'm going to have to shut your mouth before you can do that."
Alam ko ang ibig sabihin niya pero imbes na matakot, tinuring ko itong challenge para sa kanya.
"Sigurado ka bang kaya mong gawin yan sa harap nila?" nagtaka ako. "Para kasing ang hirap paniwalaan."
"Trust me." sagot niya, bakas ang determinasyon sa kanyang boses.
"I'm good at asserting dominance over what's mine."
Di ba talaga siya takot magpakita sa iba? Kasi pag ginawa niya yon... baka mag-iba ang pananaw nila kay Trev. Baka mababawasan ang pagiging leader-like niya kasi matuturing na ring isa sa malaking kahinaan ng tao ang pagmamahal.
"Hindi ka takot?" nag-aalala ako. "na makita ng iba yung kahinaan mo?"
Pakiramdam ko talagang mali yung itinanong ko sa kanya. Napayuko kasi siya at ang tagal niyang makasagot.
"Ahh-haha.." ba't ko ba kasi nasabi yon?! "kalimutan mo nalang yung sinabi ko. Nadulas lang-"
"They won't see it as a weakness." inangat niya ang kanyang tingin sa'kin. "I expect their fear of me to grow."
"Bakit?"
"Because it means I have nothing to hide from them."
Napangiti ako pagkatapos marinig ang sinabi niya. Ngunit madali rin itong nabura nang bigla siyang umikot at pinalitan ako sa pwesto.
"Trev?" napaghalataan kong may nangyaring mali sa kanya.
Nakapikit siya na para bang nagpipigil ng sakit.
"It's an attack!" narinig ko ang sigaw ng isa sa mga kawal nila. "They're shooting!"
Sa laking gulat ko, nawalan ng balanse si Trev pero sa'kin siya humilig kaya't napunta sa'kin ang bigat niya.
Tumigil ang aking mga mata sa bagay na nakaturok sa kanyang likod.
"Paris!" boses ni Hector ang sunod kong narinig. Kinuha niya si Trev mula sa'kin.
Samantalang ako naman, nakatulala dahil sa bilis ng nangyayari.
"Take cover!" utos niya sa'kin.
Sinundan ko ng tingin ang dugo na dumadaloy mula sa likurang bahagi ng balikat ni Trev hanggang sa dulo ng daliri niya.
Nabalik lang ang diwa ko dahil may dumaan na matalim na bagay sa aking braso.
Nakakuyom ang aking kamao habang minamasdan ang libo-libong palaso na papasok ng Troy. Naririnig ko rin ang sigaw ng mga tao mula sa ibaba.
"You're bleeding!" ani Hector.
Hindi ko pinansin ang dumudugo kong braso. "Dalhin mo muna siya sa loob. Susunod lang ako."
Nagmamadali akong tumungo sa tower at tinignan ang mga Achaeans sa ibaba.
"On my signal!"
"Fire!"
Dinig na dinig ko ang utos nina Menelaus at Agamemnon. Naghintay pa ako ng ilang segundo hanggang sa matapos sila bago ko itinaas ang aking kamay.
Kasabay nito ay ang paghinto ng bawat bato at palaso na pinapadala nila sa kabilang banda. Saka ko pinabalik ang mga ito, papunta sa Achaeans.
Lahat sila ay napaatras at nagsitakbuhan, bakas ang sindak sa kanilang mga mukha.
"Ulitin niyo lang to." pinipigilan ko ang aking sarili na lubus-lubusin ang ginagawa ko.
"...at sisiguraduhin kong itatapon ko sa inyo ang buong Troy."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top