The Way Back
Art's POV
Bumaba na kami ni Cal mula sa likod ni Blobblebutt. Matinding byahe din yun ah. Akalain niyo, sa loob ng isang araw, back and forth kami sa Arcadia at Garden of Hesperides!
Pinauwi kami ni Artemis kaya heto kami ngayon sa malawak na hardin ng Arcadia, kararating lang.
Sinalubong kami ni Persephone na magkasalubong ang kilay. "Where are the Hesperides?"
"Dadalhin daw sila ni Artemis sa secret hide-out ng mga Gods para dun magpagamot." sagot ko. May pa hide-out pa silang nalalaman eh halata namang sa Mount Olympus ang destinasyon nila. Hmp!
Napansin ko kaagad ang pawis sa noo ng goddess nang makalapit ako sa kanya.
"Uhh.. Persephone? May problema ba?" nag-aalala kong tanong.
Baka kasi depressed siya sa mga nangyayari iihh! Baka nga kailangan niya ng somebody to lean on.
Gusto ko lang naman ipaalam sa kanya na andito ako.
Palinga-linga pa siya bago ako hatakin papasok ng palasyo. Nagtago kami sa isang sulok sa likod ng malaking pinto.
"Something has changed." aniya at binitiwan ako. "The force of the rebels is wavering."
Agad akong napaisip ng malalim sa sinabi niya. May nagbago sa mga rebels...
"Nanghina ba yung kapangyarihan nila?" tanong ko ulit.
Tumango si Persephone. "It's like a big chunk of their power... vanished. Have you not seen this in one of your visions?"
"Huh." umiling ako. "Hindi na gaanong nagpapakita yung visions ko simula nung nakalabas ako ng Elysium.. pasensya na.."
Dahan-dahang sinuklay ni Persephone ang aking buhok gamit ang kanyang mahahabang daliri. "Golden locks of hair..."
Nagulat ako nang kumuha siya ng isang strand ng buhok ko at sinara ang kanyang palad.
HALAAAAA!! Babarangin niya ba ako?!?!
WAAAAAHHHH!!!
Bago pa ako makatakbo, binuksan niya ang kanyang kamay at napalitan na ng gintong abo ang buhok ko.
"When the sun meets the moon, nothing is invisible." tinignan niya ako. "Your golden hair is the sun and my hand shall be the moon."
Woah. Ang galing.
Very poetic!!
"Now, show us what we have missed." saad niya at inilahad ang kanyang kamay sa aking harap.
Nag-antay ako na may mangyaring kakaiba. Ilang segundo ang lumipas at handa na akong tumakbo dahil baka may lulutang na manika sa kamay niya tas ako pala yun tas babarangin nga niya ako!
Mabuti nalang at hindi manika yung lumabas. Kundi, anino ng isang babae at lalake na magkahawak ang kamay. Tumatakbo lang sila.
"Cesia?" lumapit pa ako ng konti para matignan ng maayos kung tama ba yung kutob ko.
At tama nga! Sila Cesia nga!! IIIIHHHHH!!
Magcecelebrate na sana ako nang napalitan ito ng anino ng isang babaeng nakatayo sa gitna.
Isang goddess.
Nagkasalubong ang mga mata namin at naramdaman ko ang mahinang hatak ng kaluluwa ko papalabas ng katawan ko.
"W-wag!" nawalan ako ng balanse at tuluyan na ngang natumba.
Nanlalaki ang aking mga mata habang nakaupo sa sahig. Ganun pa rin ang hitsura ko pagkatapos akong alalayan ni Persephone na tumayo.
"Whatever changes happened must have something to do with your friends and that goddess." nakasimangot na sabi ni Persephone. "I don't know what's happening amidst the chaos anymore."
Huminga ako ng malalim at pinikit ang aking mga mata. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari kasi ang alam ko, pinadala ko sina Cesia sa past para malaman nila ang puno't-dulo ng rebellion. Alam ko ring hindi namin maiiwasan na mangyari ang digmaan. Mangyayari at mangyayari pa rin ito.
Kaya...
Ano kayang nadiskubre ng dalawang yun?
Hmm.
"Ngapala, eh diba sabi mo nabawasan ang kapangyarihan ng mga rebels?" naalala ko kasi ang sinabi niya. Kung may pinagbago nga ang mga rebels at totoong nanghina sila, edi ibig sabihin nagawa nga nina Cesia at Trev yung misyon nila sa nakaraan?
"The rebels must have sensed something has changed. And they know about the prophecies as well.. about the twelve demigods separated.." seryoso niyang tugon.
"And now that they are weakened, they will resort to attacking the different realms before the Omegas can get together." dugtong niya.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang dalawang giants na tumatakbo patungo sa direksyon namin. Nakarinig rin kami ng pagsabog mula sa labas at ingay ng mga Arcadians.
"Andito na nga silaaaa!!" kinuha ko ang weapon na nakatali sa aking likod. Hinatak ko ang string at nagsummon ng palaso na gawa sa liwanag. Itinutok ko ito sa gitna ng dalawang giants bago pakawalan. Nakaiwas nga sila sa arrow ko pero bumalik naman ito at sumabog sa paanan nilang dalawa kaya't magkasabay silang natumba.
Hinila ako ni Persephone papaalis pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"W-what are you doing Art?!" sigaw sa'kin ng goddess. "Run!"
Sumingkit ang aking mga mata dahil parang nag s-slowmo yung paningin ko.
Huh.
Bumabagal nga ang galaw ng mga giants...
"ART!!"
Naririnig ko ang boses ni Persephone na tumatawag sa'kin pero dahan-dahan na itong nawawala sa kawalan.
Di kalaunan, pinikit ko ang aking mga mata nang makaramdam ako ng antok at pagod.
'Oracle..'
Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ang isang babae na nakasuot ng puting chiton. Nakayakap din sa beywang niy ang makapal niyang sinturon na gawa pa ata sa ginto.
Ngayon ko pa lang siya nakita na ganito. Dati kasi, nakatakip ang kanyang ilong at bibig sa tuwing nagpapakita siya sa'kin.
'Rhea..' nag-bow ako kasi alam niyo na, bilang courtesy. Sino ba namang hindi magba-bow IHH MOTHER OF THE GODS YAN?!
Inilibot ko ang aking tingin at napagtantong nasa fields kami ng Elysium. Natatanaw ko nga mula dito yung super cute kong nipa hut nung elysian oracle days ko!
'Your visions are already slipping away, oracle..'
Bumalik sa kanya ang atensyon ko.
Kumikinang ang kanyang gintong buhok na lumulutang sa hangin. Nakakahumaling din yung mga mata niya na ginto rin pero mas maputla ang shade.
Waaahh!
'Aren't you afraid of losing your visions before the war?'
Humakbang siya papalapit sa'kin hanggang sa magkaharap na nga kami at masasabi kong SOBRANG TANGKAD NIYA?!
'Ahhh haha...' sobrang awkward ng tawa ko! Aaaahh!! Kasi naman! Kinakabahan kaya ako! Di ba obvious?!
Namuo ang isang ngiti sa kanyang labu. 'Yet here I am, presenting myself to you as a gift.'
'Gift?' Gift niya sarili niya? Meron ba nun?
Tumango siya. 'Why? Is my presence not special for you?'
'IIIIIHHH!!' napatili ako. 'H-hindi naman po! K-kasi... nagtataka lang ako kung ba't may gift ako?'
'Oh.' natawa siya ng marahan. 'That's because I know how much you needed to see me before the war begins.'
'Ang dami ko kasi sanang gustong itanong iihhh- pero okay lang pag busy pa kayo..' yumuko ako.
'Unfortunately, dear.. I cannot answer all your questions.' tinapik niya ang balikat ko kaya't napatingin ako sa kanya.
Nandoon pa rin ang kanyang ngiti na walang kakupas-kupas sa paningin ng mga imortal at mortal.
'But I tell you this.' mahina niyang sabi. 'You will forget your visions from now on. I will cut your ties from Elysium.'
Lumayo ako sa kanya. 'A-ano?! Halaa!! May nagawa ba akong mali!? Huhuhuhu!'
Ginulo niya ang buhok ko at matagal akong tinitigan. 'No silly.' sagot niya. 'It means you have fulfilled your oracle duties. You have set the demigods in their right realms. You have done what I wanted you to do.'
'P-pero yung huling vision ko.. yung end of the world? Eh dapat ko pang baguhin yun!' nag-aalanganin kong sabi.
'They already did, Art.'
Napabuntong-hininga siya.
'They already did.'
Eh?!?!
•••
"RHEAAAA!!!" Nabulabog ako sa ingay ng sunod-sunod na mga pagsabog.
Umupo ako at nalamang nakahiga pala ako sa likod ni Blobblebutt. Tinapik ko muna siya bago bumaba para hanapin sina Cal.
Tatlong aurai na may matatalim na ngipin ang dumiretso sa'kin. Naaalimpungatan pa ako pero nagawa ko namang ihampas sa kanila yung weapon ko.
"Ayan na naman kayong mga hybrids!" hiyaw ko. "Dati pa kayo!"
Nasa gitna ako ng labanan nang makita si Cal. Pinoprotektahan niya ang dalawang batang Arcadians na nakaupo at umiiyak.
Tumakbo ako sa direksyon niya pero napahinto ako dahil sumasakit yung kamay ko. Yung pulso ko pala.
Tinignan ko ito at nakitang lumiliwanag na naman ito. Ganun din ang naging reaksyon ni Cal.
Dumaan ang ilang segundo at narinig ko ang tinig ng babaeng tumatawag sa'kin...
Tumatawag sa'min...
"We're being summoned." narinig ko rin ang boses ni Kaye.
"EEEHHH?!?!" Pagkatapos, nagulat nalang ako dahil nakapalibot sa'kin silang lahat.
"Oh my fucking Gods. Are you for real?!" ani Ria na hindi rin naniniwala sa nangyayari.
Pansin ko lang ah, lahat kami ay humihingal, pinagpapawisan o di kaya'y duguan maliban kina Seht at Thea na nasa Academy.
'Panahon na... para bumalik na tayo.'
Nagpalitan kami ng tingin ni Cal at magkasabay na napatango.
Kailangan na talaga naming tapusin 'to.
Dahil uuwi na kami.
"NARINIG NIYO YUN?! UUWI NA KAMI!! IIIHHHH!!!" sigaw ko saka sumugod sa grupo ng mga gigantes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top