The Present Realm

Thea's POV

Tinapik ko ang makina saka ako napatingin sa aking mga kamay na nadungisan dahil sa halos limang oras na pag-aayos ko ng generator.

"Yung platform nga pala, okay na ba?" tanong ko kay Bo na nakaupo sa gitna ng mga blueprints na tatlong araw kong ginawa.

Ginawa ko ito para sa aking proposal na magtayo ng defense mechanism ng Academy. Yung hindi barrier lang.

"I love this twelve-cannons-hidden-inside-the-ground-of-the-Academy idea." kinuha ni Bo ang isa sa blueprints.

Napangiti ako at umupo sa kanyang tapat. Napatigin rin ako sa blueprint na hawak-hawak niya.

"Nameasure ko na yung width ng lupa ng Academy. Makakaya nito ang bigat ng labindalawang cannons." sabi ko sa kanya. "Pero kailangan muna nating gibain yung underground na kulungan kung ganon."

"Still can't believe you created ten blueprints within a span of three days." umiling-iling siya dahilan na matawa ako.

Sa totoo lang, kailangan eh.

Kailangan kong magmadali dahil baka bukas aatakihin kami ng mga kampon ni Eris.

Mahirap na pag wala kaming pangdepensa. Mas mahirap nga ngayon kasi wala dito ang nangungunang taga-protekta ng Academy.

Kaya dapat kong gumalaw. Hindi pwede ang mag aksaya ng oras.

"Huh. Akala ko kasi wala kang ginawa kundi ang umiyak nang iyak." sambit ni Bo.

Natawa ulit ako. Hindi niya alam na habang ginagawa ko yan sa gabi, walang tigil ang pag agos ng mga luha ko. Natatandaan ko kasi na kaya ako gumagawa ng blueprints para pang depensa ng Academy dahil wala na sila...

"You do know that the defense barrier is controlled by the aurais in another room?" tanong ni Bo.

Tumango ako. "Kaya nga.. balak kong ilipat lahat ng controls dito."

Pagkatapos kausapin si Bo patungkol sa blueprints at mga plano ko para sa Academy, tumayo na ako at pumunta sa nakatagong silid ng mechanical room para magbihis.

Naalala kong hindi pa pala ako nakakain ng pananghalian kaya napagdesisyunan kong bumalik muna sa dorm para doon kumain.

"Kakain muna ako. Ikaw ba?" tanong ko kay Bo.

Itinaas niya ang kanyang flask na may lamang alak kaya tumango nalang ako.

Ba't pa nga ba ako nagtatanong eh baliktad naman yung sikmura nyan.

Okay na kahit walang lamang pagkain ang tiyan niya basta't nalalagyan lang ito ng kaunting alak, makakasurvive na ang satyr na yan.

Habang naglalakad patungo sa dorm, nag-iisip ako kung saang sulok ng academy napunta si Seht.

Kumain na kaya siya?

"Seeehhtt!!" sigaw ko pagpasok ko ng dorm. Walang sumagot kaya nalaman ko kaagad na walang tao.

May nakahandang pagkain sa kusina kaya napangiti ako. Sa tabi ng pagkain ay isang sticky note.

'I just fed Blubblebutt and Cetus. My instincts told me you haven't eaten yet so don't starve yourself. I'm at the clinic.'

Para akong baliw na ngumingiti-ngiti habang kumakain. Pansamantalang nabura ang aking ngiti nang mapansing nag-iisa lamang ako.

Hindi ko na naririnig ang pagbabangayan nina Ria at Chase.

Hindi ko na nakikita si Art na palaging dala ang plushies niya kahit dito sa kusina para lang kumain.

Kung alam ko lang na magiging ganito edi sana...

"You're being overdramatic again."

"Ayy-gago!" nahulog na nga ako sa kinauupuan ko dahil nagpapakita na naman ang kinaiinisan kong white lady.

"Hoy IPIS!" dali-dali akong tumayo. "Nakaka-ilan ka na ha!"

Ang sakit sakit ng pwet ko! Lintek na multo to. Umupo siya sa katabi kong upuan at nakikain rin.

"Kapal ng mukha-" pinigilan ko ang sarili ko na sunugin ang upuan niya.

"Alam mo. Nakapagisip-isip rin ako eh. Siguro gagawa ako ng replica ng Pandora's box at dun kita ikukulong. Sa tingin mo?" pagpaparinig ko sa kanya.

Nabitawan niya ang kutsara pagkatapos marinig yon. Nandidilat ang kanyang mga mata habang nakatingin sa'kin.

"HAHAHAHAHA!" humalakhak ako dahil sa rekasyon niya. "Para kang nakakita ng multo eh multo ka naman!"

Ngayon alam ko na, ang mahiwagang kahon lang pala ni Pandora ang katapat niya.

"As if you can catch me." inirapan niya ako. "I'm a spirit. Duhh."

"Anak ako ni Hephaestus. Duhh." panggagaya ko sa kanya.

Nakarinig kami ng katok sa pinto kaya natanggal ako sa aking upuan at binuksan ito. Isang aurai na may dalang mga damit ang bumungad sa'kin.

"Laundry delivery for Seht of Alpha class." aniya at inabot ang mga ito sa'kin.

Pagkatapos magsign, sinara ko na ang pinto. Ibinaba ko ang mga damit sa sofa nang mahagip ng aking mga mata ang piraso ng papel na bahagyang nakalabas sa bulsa na nakatago sa ilalim ng kanyang coat.

Huh. Kailan pa nagkaroon ng hidden pockets ang mga damit niya?

TEKA NGA.

MAY TINATAGO BA YUNG GAGONG YON MULA SA'KIN?!

Kinuha ko ito para basahin. Naging interesado kaagad ako dahil nakalagay dito ang pangalan namin ni Seht...

Nakasulat rin dito sina Galatea.. Persephone..

Nakasingkit ang aking mga mata habang binabasa ito. Pagkarating ko sa ibabang bahagi ng sulat, saka ako napaupo.

"C-Cesia?" bulong ko.

Hindi ko naiintindihan. Bakit andito to? Paano niya nasulat to? KAILAN?!

Nahilo ako saglit dahil sa biglaan kong pagtayo. Kasunod akong kumaripas ng takbo papalabas ng dorm.

May nabangga akong mga estudyante at muntik na akong maslide sa corridors papunta sa clinic para hanapin si Seht.

"SEHT! SEBASTIAN!" pangalan niya ang una kong sinigaw pagpasok ko.

Napatingin ang mga aurai sa'kin kaso hindi ko sila kinibo dahil si Seht ang kailangan ko ngayon. Kailangan ko siyang makausap.

Lumapit sa'kin si Seht na may nababahalang mukha."Why? What happened?"

Ipinakita ko sa kanya ang sulat. Kinuha niya ito at binasa. Ipinaliwanag ko sa kanya kung saan ko natagpuan ito.

"That's weird. I'm the only who got a hold of my coat." aniya. "I don't remember Cesia even touching it."

"Kaya nga!" hindi ako mapakali sa harap niya. "Alalahanin mo. Kailan mo huling nakita ang sulat na'to?!"

Malalim ang kanyang pag-iisip. Hinihintay ko lamang na bumalik siya sa realidad.

Ang tagal ah?!

"I think... a patient gave it to me once. My first patient in the mortal realms perhaps?." mahina niyang tugon. "A woman wrote it in front of me-"

Hindi niya natapos ang kanyang pangungusap dahil natulala siya saglit.

"Cesia." napatingin siya sa'kin. "It was Cesia!"

Medyo nagulat ako dahil sa sigaw niya.

"Cesia?" nagtaka ako. "SO PAANO NGA TANGINA?! PAANO KAYO NAGKITA NI CESIA DATI?!"

Matagal niyang sinagot ang tanong ko. At isang salita lang ang lumabas mula sa kanyang bibig.

"Shit."

"Hoy! Ayusin mo yang pananalita mo Seht ah- ako lang palaging nagmumura dito!" reklamo ko.

"It was her." hinawakan ni Seht ang magkabilang balikat ko at niyuyugyog ako. "It was her Thea!"

"Ang alin?! AMPOTEK NAHIHILO NA AKO SA GINAGAWA MO. TUMIGIL KA NGA!" tinanggal ko ang kanyang mga kamay mula sa balikat ko.

Napasabunot siya sa kanyang buhok. "It was her who saved me from the Underworld. That is why.. that is why I was able to escape.."

"So bumalik siya sa nakaraan para iligtas ka?" karagdagan kong tanong.

Tumango siya. "I remember everything now... and she was with another woman."

May kasama siyang babae? Sino naman-

Sabay kaming napatingin sa isa't-isa.

"Mnemosyne."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top