The Night

Thea's POV

Inabot ko kay Seht ang isang box ng tissue. Ipinatong niya ito sa tabi ni Galatea na nakaupo sa mesa at umiiyak habang binabasa ang sulat ni Cesia.

"I-I promised Aphrodite that I'm going to protect her- a-and.." kumuha siya ng tissue. "Now I left her all alone!"

Dinala namin siya dito sa dorm. Hinanap namin si Persephone kanina pero bigla nalang siyang nawala. Wala namang nakakakita sa kanya na lumabas ng temple kaya nagtaka kami kung saan siya nagpunta.

Baka nagmumuni-muni lang yun, malay namin.

"I have to go to the clinic." tumayo na si Seht.

"Okay na ba yung ambrosia na supply natin?" tanong ko. Narinig ko kasing nagkaroon ng crisis ang mortal realms at nahihirapan kaming maghanap ng pwedeng mapagkunan ng ambrosia.

Ano nalang ang gagamitin namin kapag magsisimula na ang digmaan.

Kung alam ko lang ang formula ng ambrosia edi kanina ko pa ginawa! Kung pwede din sanang umakyat sa Olympus at manghingi ng kahit isang balde lang ng ambrosia para sa'min.

Umiling si Seht. "We're still trying our best to look for sources."

Umalis na siya para tulungan si Doc Liv sa clinic. Tumayo na din ako at kinuha ang isang sobrang liit na shot glass na binili ni Cesia para kay Galatea. Nilagyan ko ito ng tubig at ibinigay ito sa humahagulgol na statue.

"Tumahan ka na ah? Babalik na ako sa mechanical room." hinihimas-himas ko ang kanyang likod.

Tumango siya pero nagdadalawang-isip pa din ako. Dapat talaga may kasama si Galatea dito sa dorm. Hindi ko siya pwedeng iwan mag-isa.

'HOY IPIS!' sinigawan ko si Elpis na alam kong nakikinig sa'kin.

Kagaya ng inaasahan ko, nagpakita ang white lady sa harap namin na nakasimangot.

"I know what you want me to do." padabog siyang umupo sa sofa. "I'll just stay here and watch movies."

Nginitian ko silang dalawa bago tuluyang makalabas ng dorm.

Habang naglalakad sa corridors, hindi ko maiwasang mapaisip kung nasaan na si Cesia ngayon. Basta ang alam ko kasama niya yung lola niya, si Mnemosyne.

Pero...

Kahit magkasama sila, nag-aalala pa rin ako sa babaeng yon!

Sana naman kahit papano, nahanap siya ni Trev.. para hindi talaga siya nag-iisa. Sila pa namang dalawa ang nasa Past na realm.

Tapos sina Kara at Dio na nasa future... ano kayang hitsura ng future?

Nasa panahon ba sila na labindalawa na ang mga anak namin ni Seht- o iba?

Pumasok ako sa mechanical room at nadatnan si Bo na may kausap na aurai. Napansin ako ni Bo saka niya ako sinabihan na may magandang balita daw ang aurai.

"Ano yun?" tanong ko.

Nginitian ako ng aurai at inabot sa'kin ang aking mga blueprints. "The staff have agreed on the implementation of your proposals."

Tumango-tango ako at nagpasalamat.

"Hindi ka ba masaya?" tanong ni Bo nang makaalis na ang aurai.

Nagbuntong-hininga ako. "Masaya naman.. kaso hindi ko alam kung saan tayo magsisimula. Saka walang makakakuha ng materials para sa'tin."

Lumiwanag ang kanyang mga mata nang sabihin ko yon. Bahagya niyang ipinasok sa nakatikom niyang bibig ang dalawang daliri saka PUMITO NANG NAPAKALAKAS.

"Anak ng-" napaatras ako. "Wag ka ngang manggulat Bo! Okay na ako kay Elpis lang eh tapos dadagdag ka pa?!"

Natawa lang siya.

Anong na namang trip ng kambing na'to?

Pagkatapos, naramdaman kong gumalaw ang sahig kaya napakapit ako sa makina. Naririnig ko rin ang tunog ng nagsisitakbuhang mga paa na papalapit nang papalapit sa'min.

"Hoy kambing?! Anong nangyayari?!" natataranta kong tanong.

Tumigil ang ingay sa labas ng mechanical room kaya napalingon ako sa pinto.

Nagbukas ito at nandilat ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang napakaraming mga satyrs. Lahat sila ay nakangisi habang nakatingin sa'kin.

"Thea, panahon na para ipakilala ko sa'yo ang aking napakalaking pamilya!"

•••

"Nakahanda na ba ang mga kagamitan?" tanong ko sa kanila.

Nagpipigil ako ng tawa dahil nakasuot silang lahat ng hard-helmets at may dalang mga pala.

Sa'n ka ba makakakita ng sandamakmak na mga kambing na nakadamit na parang construction workers?! HAHAHAHAHAHA!

Ampotek! Ayoko na sa paaralang to! Kanina ko pa talaga gustong tumawa kaso baka mainsulto sila at magbago ang isip nila na tulungan ako sa construction.

Nagsimula na kaming mag-martsa patungo sa underground na kulungan ng Academy. Balak naming gibain ito at gumawa ng tunnels kung saan pwede naming mailagay yung cannons.

Pagdating namin, nagsilabasan na yung mga drills. Napangiti ako habang minamasdan ang mga satyrs na nagta-trabaho.

"Excuse me poo!!" isang batang satyr ang lumapit sa'kin.

"Bakit?" yumuko ako para tignan siya.

"Ako nga pala yung anak ng pinsan ng pinsan ng isa pang pinsan ni Bo!" pagpapakilala niya sa kanyang sarili. "Pangalan ko po ay Jack!"

Natawa ako. "Bakit Jack? Anong problema?"

Nagkamot siya ng ulo at napatingin sa ibaba. "May babae po kasing ayaw umalis eh..."

Kumunot ang aking noo.

Akala ko ba walang nakakakulong dito?

Nagrequest ako kay Jack na dalhin ako sa babae na kanina pa daw nilang pinipilit umalis.

Dinala niya ako sa harap ng isa sa cell at nakita ko ang babaeng tinutukoy niya.

"Medea?" lumapit ako sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?"

Nakaupo siya sa sahig at nakasandal sa pader. Gulong-gulo ang kanyang buhok at humihingal siya.

"The rebels.." sagot niya. "they tried to capture me. Like what they did to one of the Graces."

Inalalayan ko siyang tumayo.

Napasinghap ako nang makita ang gintong likido na umaagos mula sa kanyang tiyan.

"May sugat ka!" tinignan ko ang kanyang dugo na nakaipon sa sahig.

Tinawag ko si Bo at inutusan siya na tawagin si Seht na nasa clinic.

"I am going to kill all of them." paulit-ulit niyang sambit. Yumuko siya saka napatingin sa kanyang sugat. "How dare they wound a woman of divine descent."

"Tumigil ka na nga diyan. Dapat naghihilom na yang sugat mo ah." sabi ko sa kanya.

Alam kong hindi sila namamatay pero nakakaramdam pa din naman sila ng sakit sa tuwing nasusugatan sila.

Natawa siya. "I am a sorceress that gathers energy from Hecate and you think she will help me heal myself? I can't even use some of my powers now. Pathetic."

Napansin kong sobrang kapal na ng dugo na nasa paanan niya. Kinutuban akong hindi lang isa ang sugat niya kaya napatingin ako sa kanyang likod at nakita kong may mas malaking sugat pa siya dito.

Nanlaki ang aking mga mata.

TANGINA ASAN NA BA KASI SILA BO?!

"Medea! Wag ka munang gagalaw diyan kung ayaw mong sumakit ng husto ang mga sugat mo." payo ko sa kanya.

Ang tagal naman ng kanding na yon! Ito namang si Seht, nahawa na ata sa mga pagong na pinapanood niya. Naging literal na pagong na siya. Ang bagal gumalaw!

"Yet I can feel it.. I am immortal but I am dying.." bulong niya sa kanyang sarili. "My blood is gold and soon I will run out of it."

"That is what will happen if we lose.." dagdag niya. "We will be tortured... until we can no longer feel ourselves."

May bahagi sa'kin na naaawa sa kinahinatnan niya kaya napailing ako.

"And then.. they're going to cast us out into Tartarus and we'll stay there for eternity." humikbi siya. "because we can never get out of that place."

Napatingin ako kay Jack na nakikinig pala sa sinasabi ni Medea. Binigyan ko na lamang ang batang satyr ng malungkot na ngiti saka siya tumakbo papalabas.

Natakot ata sa sinabi ni Medea.

"Ayan. Tinakot mo si Jack." muli akong napatingin kay Medea na nakatingin din pala sa'kin.

"Why.. why do I feel like I am going to a dark place?" tanong niya. "The night is rising and I fear it, child."

Tumingala siya sa kawalan. "I fear that light will never come."

Nagsitayuan ang mga balahibo ko.

Ganito nalang ba kalakas ang makakaharap namin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top