The Mistake

BOOK STATUS: Completed, but unedited.
(A "better" version of Song of the Rebellion is coming soon!)


Thea's POV

Kanina pa ako nakatitig sa mga mata ni Cesia habang nakikinig kina Art, Kaye at Matilda.. ang tatlong oracles.

Ibinahagi nila sa'min yung tungkol sa ikaapat na propesiya na ilang taon na palang nakatago.

"You mean Mnemosyne made that mistake?" kunot-noong tanong ni Kara.

"Mmm!" tumatango-tango si Art. "Pero pakiramdam ko kasi may mali sa kwento eh... kaya nga habang nasa Elysium ako, naghanap ako ng paraan para makausap si Mnemosyne."

Naging malumbay ang boses ni Art. "Kaso.. wala talaga."

Napatingin ako sa direksyon ng veranda. Bumalik na ang dating view... pati ang kulay ng mga ulap... may araw na...

Pero walang gabi.

Dahil nga, nakahinto pa rin ang daloy ng oras sa mortal realms.

"We need to hear Mnemosyne's side of the story." umayos ng upo si Kaye.

The Promise of the Twelve...

The Promise of Mnemosyne...

Nagbuntong-hininga ako.

Ganito kasi yun.

Ayon sa tatlong elysian oracles, nagsimula ang lahat ng ito kay Mnemosyne. Noon kasi, may ginawa siya na alam ng lahat ay labag sa batas ng mga deities.

Napakalaking pagkakamali para sa makapangyarihan na titaness.

Ang mahulog sa isang mortal.

Sa oras na nalaman ni Zeus ang balita tungkol sa pagmamahalan ng dalawa, ipinadala ni Zeus si Eris para paghiwalayin sila. Sa ibang salita, pinapunta ni Zeus si Eris sa mga oracles ni Mnemosyne para patayin ang lalaking nakabihag sa puso ng titaness.

Kahit ang mga oracles ni Mnemosyne ay hindi nakakaalam kung nasaan ang deity nila. Pagkatapos, humingi daw ng tulong si Eris sa mga kapwa chthonic deities niya. Isang taon ang ginulgol nila sa paghahanap kay Mnemosyne.

At nang mahanap nga nila, pinatay nila yung mortal sa harap ng titaness. Nagdadalang-tao rin si Mnemosyne sa mga panahong 'yun.

Nagtago siya sa lugar kung saan alam niya'y mahihirapan ang mga chthonic deities sa paghahanap sa kanya.

Sa bansa na may napakaraming isla.

Dito... sa Pilipinas.

Dito rin niya ipinanganak ang kanyang anak na lalaki at iniwan niya ang sanggol sa unang tahanan na nakita niya. Saka siya bumalik sa kanyang mga oracles sa Trophonius at Boiotia.

Sa kanyang pag-uwi, agad siyang ikinulong ni Eris at dinala sa Underworld para hindi na siya makakabalik sa mortal realms.

Binantaan daw ng titaness kung may deity man na magtatangkang saktan ang anak niya dahilan na magalit ng todo-todo ang mga deities sa Underworld.

Ngunit wala namang sinabi si Zeus na patayin ang anak ni Mnemosyne kaya wala rin silang ginawa.

Ilang taon ang lumipas at inutusan ni Zeus sina Eris na pakawalan ang titaness.

At dito na talaga nagsimula ang rebellion.

Ayaw kasi ni Eris na pakawalan si Mnemosyne. Binack-upan siya ng mga kwapa chthonic deities niya. Ayon sa kanila, hindi daw sapat na ikulong lang si Mnemosyne.

Pinadala na naman ni Zeus si Ares sa Underworld para pakiusapan sina Eris. Doon nalaman ni Ares na balak pala nilang ihulog si Mnemosyne sa Tartarus.

Nagalit si Zeus at siya mismo ang bumaba sa Underworld para balaan ang mga deities sa oras na susuwayin nila ang utos niya.

Sunod-sunod na ang pangyayari.

Nagalit rin ang mga deities at ayaw palabasin si Mnemosyne.

Pagod na raw kasi sila sa Olympians. Dapat daw sila ang nakaupo sa mga trono ng Olympus dahil alam nila paano magbigay ng tamang hustisya sa mga nakakasala.

Umuwi si Zeus sa Olympus bago pa magkaroon ng digmaan.

Inutusan niya sina Hermes at Athena para itakas si Mnemosyne dahilan na magliyab ang sama ng loob ng mga deities.

Bilang paghihiganti, hinanap nila ang half-titan na anak ni Mnemosyne. Nalaman ng Olympians ang plano ng mga rebels at sumali sa paghahanap maliban kina Dionysus, Hera at Artemis na hindi nagbigay ng pakialam sa nangyayari.

Di kagaya ng mga rebels, hinanap nga ng Olympians ang anak ng titaness para maprotektahan.

Nagkaroon daw ng rampage sa mortal realms dahil hindi lang paghahanap ang ginawa ng mga rebels. Pinatay rin nila ang mga anak ng deities o ang mga demigods.

Nakatayo na rin pala ang Olympus Academy sa panahong nagrarampage ang mga rebels. Konti nga lang ang mga estudyante noon.

Itinayo ito bago pa nagsimula ang rebellion... bilang hidden haven ng mga noo'y demigods.

Kaya nga kasali sa unang batch si Matilda, yung lola ko, na isa ring demigod.

Hmm...

Ngayong nakapag isip-isip ako, ito siguro yung time na nawala ang mga pakpak ng Academy. Bigla nalang kasing naglaho si Theosese a.k.a Hephastus para siguro hanapin yung anak ni Mnemosyne.

Sa huli, walang may alam kung ano ang nangyari sa anak ni Mnemosyne.

May nakapagsabi na napatay nga daw ng mga rebels ang anak niya kaya't inilabas ni Mnemosyne ang kanyang propesiya dahil sa matinding galit.

Ayon kay Mnemosyne, sapagkat pinapatay ng mga rebel deities ang mga demigods, ang mga demigods rin dapat ang magiging katapusan nila.

Yan na ang huling narinig ng lahat mula sa titaness bago siya maglaho ng tuluyan.

Hanggang ngayon, walang nakaalam kung nasaan siya.

Ang tanging iniwan niya ang kanyang pangako na matatapos ang digmaan.

"You okay?" narinig kong tanong ng katabi ko.

Napailing ako. "H-huh?"

Tinignan ko si Seht na may nag-aalalang ekspresyon sa mukha.

Saka akong tumango. "Okay lang ako."

Napansin kong nawala na yung iba. Kami nalang dalawa ang natira na nakaupo sa sala.

Tapos na pala. Di ko man lang namalayan.

May naalala ako. "Seht, may pupuntahan ka ba ngayon? Magpapasama sana ako eh."

"Meron." nginitian niya ako. "I'm going to help Doctor Liv in aiding the others. I was looking forward to it because... Matilda will be there."

Tinaasan ko siya ng kilay. Pinagsasabi ng lalaking 'to? Mas bet niya ba yung lola ko kesa sa'kin?

"Oh edi wow." sagot ko.

Natawa siya ng mahina saka niya kinuha ang kamay ko. "I'm looking forward to it because that means I'll have the chance to meet your family."

Inirapan ko siya.

"So that I can get her to trust me in taking care of her granddaughter." dagdag niya.

Mayamaya, napangiti ako sa sinabi niya. Tangina ang aga-aga at pinapakilig ako ng gagong 'to!

"Sige na nga!" tumayo ako.

Tumayo rin siya at binitawan ang kamay ko. "So? I'll meet you in the mechanical room?"

•••

"Kapatid kong maldita." umupo ako sa harap ng mga bulaklak na kumikinang at kulay puti.

Nasa ibaba ako ng Academy dahil dito inilibing ang mga huntres na namatay sa naganap na digmaan.

Yung mga amazons naman, umuwi sa Themiscyra kasama ang mga nasawi nila.

Naalala ko, hindi ako nakatulog sa gabing inilibing ang kapatid ko.

Syempre... iyak lang ako ng iyak.

Sa kinabukasan, tinawag ako ni Heather at pinakita sa'kin ang mga bulaklak na tumubo sa puntod niya.

Dapat raw ay maging masaya ako dahil ibig sabihin napakahalaga ng pagkawala ni Arah para kay Artemis. Minsan lang daw nakikita ang mga bulaklak ng goddess. Lumiliwanag daw ang mga ito sa tuwing may full moon.

Nagpakita naman si Artemis sa'kin at sinabing wag daw akong mag-alala.

"Ang swerte mong bata ka..." bulong ko. "May deity kang nag-aalaga sa'yo."

Pinikit ko ang mga mata ko at tila narinig ang boses ni Arah...

'Binigay ng isang babae sa'kin. Ang cool nga kasi may kasama siyang mga wild animals. Naka mask nga lang siya pero ang ganda ng mga mata niya!'

Napangiti ako.

"Kung nasaan ka man, sana masaya ka.." huminga ako ng malalim. "Alam ko namang aalagaan mo ang sarili mo eh. Ikaw pa..."

Arah...

Ikaw ang nag-alaga sa'kin kahit ako yung ate.

Sinabi mo rin sa'kin dati, ang swerte mo dahil ako ang naging kapatid mo...

Samantalang ako, isang buwan ka pa lang sa tiyan ni mama at sa matinding galit na naramdaman ko noon, hiniling ko na mamatay ka.

Ikaw lang yung karamay ko palagi. Ikaw ang nagpupumilit sa'kin na mag-aral.

Kaya ngayong wala na ako sa tabi mo...

Kung nakikinig ka...

Bigyan mo'ko ng lakas.

"I'm sorry about what happened.."

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita si Elpis na nakaupo sa tabi ko.

Napatingin ako sa kalangitan. "Ewan ko kung anong gagawin ko."

"Oh no. That is not the right thing to say in front of me. Siguro nakalimutan mo, you are talking to me..." tinuro niya ang kanyang sarili. "I AM HOPE."

Nagkibit-balikat ako.

"You really think... that I appeared to you as a coincidence? I chose you, Thea. Pinili kong magpakita sa'yo kahit ang daming demigods na pwede kog pagpilian." aniya at tinignan ako na para bang labag sa loob yung narinig niya.

"As the spirit of Hope, I choose to help only those who deserve it." dugtong niya. "And all I can say is... maybe this is why I found you."

"There is no such thing as a coincidence in this world of ours, Thea." Tumingala rin siya sa itaas. "Death happens for a reason."

Death happens for a reason...

Sinasabi niyang may kadahilanan rin ang pagkawala ng kapatid ko.

Siguro...

si Artemis ang dahilan...

O di kaya...

Lumiwanag ang mga mata ko.

"ELPIS!" nagulat siya sa biglaan kong pagsigaw.

"SALAMAT! SOBRA!" Niyakap ko siya ng mahigpit bago tumayo at kumaripas ng takbo pabalik sa Academy.

Naalala ko na!

Naalala ko ang sinabi ni Marcus.

'They are asking for a person's life...'

Pupunta ako sa temple ni Chronos.

I-aalay ko sa kanya ang buhay ng kapatid ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top