The Future

Dio's POV

Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman ang aking weapon na nakasabit pa rin sa leeg ko.

I don't know how long it took us to get here. All of this time-travel crap.

Nakahiga ako on what seemed like a riverbed. I was catching my breath when I noticed the clouds were all gray. Hindi ko rin nakikita ang constellation ng Virgo. The only thing that's lighting the sky is the moon.

Pero pati ito ay nagbago na rin.

Because the moon turned into a darker shade of blood.

Also, the air was painful to breathe. Para lang akong bumalik sa Terraria. Pinapalibutan kami ng usok... at kadiliman.

"Dio. Are you seeing this?" tanong ni Kara. Umiikot siya para tignan ang buong kapaligiran. Pati rin ata siya ay naguguluhan sa nakikita niya.

"Yeah. Can you help me stand up?" Pakiramdam ko kasi iba ang tubig dito dahil dumidikit ito sa balat ko.

Lumapit siya sa'kin. I groaned as she pulled me up. Nagtaka ako dahil napakadumi ng hitsura niya. Napuno ng maitim na putik ang kanyang katawan.

I checked myself and it turns out na pati ako ay parang nakatulog sa ilalim ng makina with oil spilling all over me.

Napatingin ako sa maitim na tubig na nakapalibot sa'min. What kind of water is this?

No wait.

Where the hell are we?!

"Tama ba tong pinuntahan natin?" tanong ko kay Kara. Halatang naguguluhan rin siya kung bakit ganito ang nadatnan namin.

Sinuri ko ang maitim na tubig na nasa kamay ko. Sinubukan kong gamitin ang ability ko at napagtantong tubig pa naman ito.

Hindi ko nga lang maiintindihan kung bakit kulay itim ito. The soil as well. It was dull brown.

Wala akong nakikitang mga halaman. There are some pero hindi ko alam kung anong uri ng plant species ang mga ito. The flowers were replaced with large thorns sprouting from the ground.

Mabuti nalang talaga at hindi kami bumagsak sa malalaking tinik.

Wala rin akong nakikitang mga puno. All I see is a land of thorns and huge boulders.

Nilingon ko si Kara. "Maybe we got it all wrong? Para kasi tayong nasa Underworld."

Hindi pa ako nakapunta sa Tartarus but something's telling me this place is right next to it. We're supposed to be in the future pero bakit ganito?

Everything is dark... to the point that Kara's shield isn't even glowing anymore. It isn't reflecting any light because there's no light to reflect.

"Dio.." tinignan ako ni Kara. "I think this is it."

Nagtaka ako sa sinabi niya. This is it? Nasa tamang lugar at panahon talaga kami?

"We are in the future." pagdeklara niya. There was no hint of doubt in her voice kaya alam kong seryoso siya.

"Why the hell does the world look like this then?"

Kara quickly pulled me to hide behind a huge rock. Nagtaka ako pero nawala rin ito nang makita ko ang iilang mga giants na nagpagala-gala sa harap namin. Nakita ko pa nga ang isa sa mga leviathans na nakalaban namin dati.

By now, gulong-gulo na talaga ako sa nangyayari.

Umikot ako para harapin si Kara. "May kutob talaga akong nagmalfunction yung portal natin... somehow."

"No." umiling siya. "This is the future."

"Ahh..." I gave her a confused look. Nag-antay lamang ako na ipaliwanag niya sa'kin kung bakit nasabi niyang nasa tamang lugar at panahon nga kami.

Why would the future even look like this?

"The rebels will take over all the realms after the war." aniya.

"Chill, Kara." natatawa kong sabi sa kanya. "Paano mo naman nalaman yan? The rebels will win the war? Imposible. Sa dinami-rami ng sinakripisyo natin?"

Hindi ko matatanggap yan. Sinasabi niya bang walang patutunguhan ang lahat ng paghihirap namin?

For Olympus' sake. Alam kong wala lang kaming demigods laban sa mga deities na yan. Pero malaki ang paniniwala ko sa mga kakayahan namin.

I trust destiny.

If what she says is true, ganito nalang ba ka-sama ang tadhana?

Sumusobra naman ata yan.

"Listen, Dio." mahigpit na hinawakan ni Kara ang braso ko. "This is the truth. I get it now. Mnemosyne can see everything and she wants us to see what she sees."

Umiling ako. I deny it. Di ko kayang tanggapin kahit katotohanan pa yan dahil labag sa loob ko ito.

"Even if that's the truth, Kara. I refuse to accept it." sagot ko. "Ilang beses na ba nating itinaya ang mga buhay natin para pabagsakin ang rebel deities? Saka ko malalaman na tayo pala ang babagsak?"

Kung alam ko lang ang mapait na katotohanan, I should have let Gaia defeat us then. Sana hindi nalang kami nagkahiwa-hiwalay. We would have spent our remaining days together.

I would choose death over this.

"Just accept it, Dio." binitawan niya ako. "The rebels are going to win the war. You get me?"

"I don't." lumayo ako sa kanya. "I don't get it. Sa lahat ng pinagdaanan natin, sa tindi ng mga problema na hinarap natin.. magiging ganito lang?! Are you fucking kidding me?!"

"Fine! If we're going to be like this then we'll be stuck in here for how long the Gods know." nakahalukipkip siya.

"Gods?" natawa ako. "Alam mo, ngayong nakita ko na ang mangyayari, I realized that maybe the Gods are useless. Maybe they're really weak and maybe they deserve to be defeated-"

Kasunod akong nakatanggap ng sampal mula sa kanya.

I clenched my jaw when I felt the sting on my cheek. Saka ako napatingin sa kanya.

"You disgust me." she said to me, with no trace of regret for what she just did.

Napagtanto kong mas masakit pa sa sampal ang sinabi niya sa'kin. Bawat salita na binitawan niya ay lubos na tumagos sa dibdib ko.

This is bullshit.

"I have never disrespected the Gods..." mahina niyang tugon. "Without them, we wouldn't be alive. I would not have met you."

Tch.

"Then I'd rather be unborn than die in a war we would never win."

"You both sound like your parents."

Sabay kaming napatingin sa lalaki na kanina pa ata nakatayo sa harap namin. He looks like a normal person with his brown curly hair and beard. Although, his ancient greek clothing tells me he's not just anybody.

Tinignan niya ako. "You're prideful and short-tempered. So you tend to mostly disagree with people."

"And you." tinignan niya si Kara. "You are too stern and you lack of compassion. You merely understand the feelings of others."

Too stern and lacks compassion?

"What the fuck did you say about her?!" hinatak ko ang damit niya at inangat ito.

"Dio!" pag-aawat sa'kin ni Kara. Pumagitna siya sa'min. She pushed me a little bit further when I tried to lean closer.

"Excuse me but who are you?" tanong ni Kara.

"Someone who just asked for his ass to be kicked." ako ang sumagot. Sa totoo lang, wala talaga akong pakialam kung sinong deity siya. Kahit si Poseidon pa yan na nagbabalat-kayo.

No God or Goddess is allowed to insult my girlfriend.

Especially infront of me.

"Dio." she gave me a steaming glare. Itinaas ko ang aking mga kamay out of defeat.

Nagbuntong-hininga siya pagkatapos ay ibinaling ang kanyang atensyon sa lalaki na hanggang ngayon, ay di pa rin nagpapakilala.

"Sino ka ba talaga?" tanong ko.

Nginitian niya kami. "Trophonius."

Napatigil kami sa sinabi niya. It took us a lot of time to register that the man we are looking at is Trophonius, the protector of Livadeia.

So he really is not just anybody.

"Yeah. I'm still going to kick your ass-"

Siniko ako ni Kara. "I thought you're in Livadeia?"

Tumango siya. "I am in Livadeia."

Napansin ko si Kara na nakasingkit ang mga mata. May tinitignan siya sa likod ni Trophonius kaya napatingin rin ako.

Behind him, is a cave.

And then it finally hit me.

We're in Livadeia.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top