The Descendants
Thea's POV
"Art's going to kill me."
Hinampas ko kay Seht ang nakatiklop na blueprints sa kamay ko.
Kanina pa kasi siya di matahimik dahil bigla nalang daw nawala si Blobblebutt at may kutob siyang kinuha siya ni Persephone. May nakakita rin kasi sa goddess na pumasok sa stables kahapon.
"Hindi nangi-ngidnap si Persephone." paalala ko sa kanya. "Baka naging bestfriends pala sila ni Blobblebutt. Malay natin. Babalik din yun."
"I fed that creature everyday." aniya. "And he just goes missing?! How are you even calm?"
Pinatong ko ang mga blueprints sa mesa at tinignan ang mga ito.
"Kasi..." sagot ko nang hindi siya tinitignan. "Iba yung pinagkakaabalahan ko."
Nagsimula na kami sa construction ng iba pang machines pero nakukulangan pa rin kami ng mga tao.
Itong mga satyrs naman, nagtatrabaho lang pag nandito ako dahil nagwawalwal sila dito sa basement sa tuwing umaalis ako.
Nalaman ko ring kaya pala nauubos yung mga pako at turnilyo namin kasi ginagawa itong pulutan ng mga gago.
Mga adik talaga kahit anong anggulo mo pang tignan.
Napailing ako. "Noon pa na s-stress ang beauty ko dito. Kaya pwede ba? Maging selfish ka naman Seht, at wag mo'kong idamay sa problema mo."
Ewan ko ba sa lalaking 'to. Nasobrahan ata sa pagiging mabait at matulungin. Sobrang dami na nga niyang ginagawa para sa iba.
Pabalik-balik siya sa clinic at basement para tumulong. Siya rin ang nagpapakain nina Cetus at Blobblebutt.
Nabigla ako nang gumapang ang kamay niya sa beywang ko at hinatak ako papalapit sa kanya.
"Thea." bulong niya. "I'm only selfish when it comes to you."
Panandalian kong pinikit ang aking mga mata.
Tangina. Tangina. Tangina. Maghunos-dili ka Thea. Wag kang magpadala sa gagong to.
Huwag na huwag.
"Sige Seht." lumayo ako sa kanya. "Landiin mo pa ako at ipapatapon kita pabalik sa Underworld. Gusto mo gamitin natin yung cannons?"
"What?" natawa siya. "You said you were stressed."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Umalis ka na nga! Hanapin mo na si Blobblebutt!"
Nabura ang kanyang ngiti nang maalala na nawawala nga pala si Blobblebutt. Tumango siya. "You're right, I'm sorry."
"Dun ka na! Shoo!" sabay taboy effect ng kamay ko.
Nagpaalam siya sa'kin bago umalis ng basement. Napailing nalang ako saka nagbuntong-hininga.
Kulang na kulang talaga kami sa manpower.
"Miss Thea! Tapos na kami sa fifth cannon. No smoke and no grease leaking!" nakangising sambit ng isa sa mga satyrs.
Nagkasalubong ang aking kilay. "Anong pinalit niyo sa screws? Eh kulang tayo diba?"
Humalakhak ang satyr. "We used fried chicken bones from our lunch earlier." tinuro niya ang kanyang ulo na para bang sobrang talino ng naging solusyon nila.
Napailing ako. "Di niyo pwedeng gawing screws yung mga buto ng manok."
Napasabunot ako sa buhok ko at sinubukang pakalmahin ang aking sarili.
Grabeng mga kambing to. Hiyang-hiya si Hephaestus sa pagiging resourceful nila.
"Bumalik kayo at maghanap ng screws o di kaya metal plates. Tapos i-forge niyo hanggang makasya sa mga butas doon." utos ko. "Okay?"
Matagal akong tinitigan ng satyr. Mayamaya, umalis siya at narinig ko pa ang reklamo niya.
"This is animal abuse!"
Pinatong ko ang kamay ko sa aking ulo. Dadami ang tigyawat ko sa mga gunggong na'to. As if may choice pa ako eh sila lang naman ang natatanging mga nilalang ng Academy na tinutulungan ako dito.
Kasunod kong tinawag si Bo.
"Yes?" dumating siya na may dalang pliers.
"Ikaw muna magbantay ah? Magpapahinga muna ako saglit." pagpaalam ko sa kanya.
Hindi pa nga ako nakaalis at narinig ko na kaagad ang kanilang hiyawan at kasabay nito ay ang tunog ng mga bote ng alak na sabay-sabay nilang binuksan.
Ampotek.
"Hey." binati ako ni Heather paglabas ko ng basement.
"Hi." nginitian ko siya.
"Everything all right?" tanong niya. "I heard you needed more... people?"
Tumango ako. "Kung gusto niyo tumulong, okay na okay yun."
Binigyan niya ako ng nag-aalanganing ngiti. "We are uh... we are quite busy this time so.. we honestly can't help you."
Yun pala? Akala ko talaga matutulungan nila kami kasi marami-rami din sila, pero yun nga, ayoko rin silang abalahin dahil alam kong busy sila ngayon.
"Okay lang." sagot ko. "Maghahanap nalang ako ng bagong recruits."
Pagkatapos ng maikling conversation namin, dumiretso na ako sa dorm para magpahinga. Pagpasok ko, bumungad sa'kin sina Galatea at Elpis na magkatabing nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.
"Aba matindi." pagpaparinig ko sa dalawa. "Ang sarap ng buhay niyo ah."
Kumuha ako ng tubig mula sa ref. Habang umiinom, nakita ko si Medea na nakatayo mag-isa sa veranda. Nakasamasid lang siya at halatang malalim ang iniisip.
Binaba ko ang baso at lumabas sa veranda para kausapin siya.
"Hmm.." tumabi ako sa kanya, nakatingin sa mga ulap na kasing-kulay ng dugo. "Dito din yung paboritong spot ni Cesia. Matatagpuan ko lang siya palagi na nakatulala dito."
Kusa akong napangiti.
May kakaiba talaga sa babaeng yon, na sa oras na makilala mo siya, hindi mo siya makakalimutan... na para bang may iniiwan siyang maliliit na bahagi ng kanyang sarili sa tuwing may nakikilala siyang tao.
"Why do you deserve this? Why were you chosen? Why... you?" sunod-sunod ang kanyang mga tanong.
"Have you asked yourself that?" tinignan niya ako. "Kung bakit kayo?"
Bumaba ang aking mga mata.
Ilang beses ko na bang itinanong yan... pero kahit siguro ang mga Gods ay di kayang sagutin yan.
"Bakit sobrang bitter mo?" tanong ko. "Lahat ng lumalabas sa bibig mo, nakakalungkot, nakakawala ng pag-asa."
Napatingin ulit siya sa kawalan at napangiti. "Because the truth always hurts."
Tumango ako. Totoo naman talaga. Sino ba naman ako para i-deny yan.
"I had a vision... that Cronus will wake up and no one can stop him." pagbibigay-alam niya. "What can you say about that?"
Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hangin.
"Alam mo Medea.." tinignan ko siya. "Kahit anong mangyari, babangon at babangon pa rin kami."
"Kasi ganyan kaming mga mortal. Marunong kaming pahalagahan ang mga buhay namin. Kung paano gawing..." tumigil ako para maghanap ng tamang salita. "...worth-it yung buhay namin. Hindi katulad ninyong mga imortal."
Nasilayan ko sa mukha niya ang isang malambot na ngiti na nakakapanibago sa'kin. Ang bait niya kasing tignan.. para bang hindi siya yung sorceress na sanhi ng pagkamatay ng mga Beta.
"I think there's someone outside who wants to tell you something." sambit niya.
Kumunot ang aking noo nang makarinig ng katok mula sa labas ng dorm.
"Ako na bubukas." sabi ko kina Galatea saka binuksan yung pinto.
Nakatayo sa harap ko ang isang babaeng estudyante na nakangiti. May letrang 'B' sa pin niya.
"Hi. I had a dream last night that you needed help." sabi niya. "something about protecting the Academy?"
"Ahh-haha.." nilingon ko si Medea na tinanguan ako.
Tinignan ko ang babae na naghihintay ata ng sagot. "S-sa totoo lang-"
"I'm Ira of Beta Class." Agad inabot ng estudyante ang kanyang kamay. "I'm here to repay my sister's debts to this school... mine as well."
Napaatras ako nang lumabas ang iilang mga estudyante. Nakangiti silang lahat at nakatingin sa'kin.
"Hi Thea!" bati ng isa pang babaeng estudyante. Sa likod niya ay dalawang students na nakasuot din ng 'C' na pins.
"I'm Krisna. This is Evette and Hans." pagpapakilala niya. "We're indirect descendants of the Litae."
Sunod-sunod akong binati ng mga estudyante na nakatayo sa likod nila.
"Teka nga." naguguluhan na ako kung bakit nandito halos lahat ng mga estudyante ng Academy. "Ano ba talagang ginagawa niyo dito?"
"Well.." si Evette mula sa Gamma class ang nagsalita. "We had the same dream. A vision that the Academy might need you and you.." tinuro niya ako bago ituro ang sarili niya.
"need us." dugtong niya.
Kumunot ang aking noo at muling napalingon kay Medea na naglaho na sa pwesto niya.
May kutob talaga akong yung babaeng yon ang may kapakana nito.
Binalik ko ang aking tingin sa mga estudyante.
"You know we're going to help right?" nakapameywang yung Ira. "Why didn't you say so?"
"Yeah. I mean, this is for Olympus Academy." tinapik ni Krisna ang aking balikat.
"For our home."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top