The Beginning

Cesia's POV

"Okay na si Seht. Naitakas ko na siya. Pwede na ba akong makalabas dito?" tanong ko sa kanya.

Andito na naman kami sa bahay. Sa bahay kung saan ako lumaki, kasama si Mnemosyne. Technically, nasa memories ko pa rin kami.

"The moment you step out of here, you will be sent at the very start of the war. The second that the rebellion was first thought of." binigyan niya ako ng nagdududang tingin. "Are you sure about that?"

Tumango ako.

Isang tao lang naman ang nasa isip ko. At alam kong nag-iisa siya ngayon.

"Makakalabas ka rin dito kaya wag kang mag-alala, Cesia." aniya. "Pero bago ka pa pumunta doon, I want you to know that you will find it... quite unexpected."

Quite unexpected?

Sa unang araw ko palang bilang demigod at estudyante ng Olympus Academy, lahat na ng mga nangyayari sa'kin ay quite unexpected.

Natawa ako. "Sanay na ako diyan."

Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa ako nababaliw dahil sa mga pangyayari eh. Nagawa ko pa ngang pagtawanan ang sinabi ni Mnemosyne.

"Listen to me Cesia, meddling with the past is something to talk about. One wrong move and you will change the course of history." seryoso niyang tugon. "That is why I am warning you."

Kumawala ako ng buntong-hininga at tinignan siya. "Alam ko."

Hindi naman siguro ako ganoon katanga.

Saka, willing naman akong bantayan ang mga galaw ko. Nakasalalay sa'kin ang mangyayari sa digmaan at alam ko kung gaano kabigat ito.

Sa ngayon, iniisip ko yung ibang demigods.

Hindi lang ako ang nakakaramdam ng bigat. Na para bang nakapatong sa balikat namin ang mundo.

Bawat desisyon namin ay makakaapekto sa digmaan at ang kahihinatnan nito.

"I want you first to understand how the rebellion began.." aniya. "And it began... in ancient times."

"Ano??" nagtataka kong tanong. "Ancient times??"

Ang rebellion na ngayon lang nangyayari ay nagsimula pala noon pa? Ancient Times? Anong era naman yun?

"Just.. thousands of years ago.." nagkibit-balikat siya.

Pinikit ko ang aking mga mata para ihanda ang aking sarili sa susunod niyang sasabihin. Dapat kong malaman ang katotohanan dahil hindi pwedeng si Mnemosyne nalang ang pagbibintangan nila.

Iminulat ko ang aking mga mata at sinenyasan siya na magpatuloy.

Napangiti siya at nagsimula nang magsalita. "The rebellion first sparked in Eris' mind. She is called the Goddess of Strife and Discord for a reason."

Tumango ako.

"Her mother, Nyx supported her idea of a rebellion immediately. And so, they went to the other chthonic deities to convince them." dagdag niya. "Well, maybe there are some that were forced, we don't know yet."

So ang nagsimula talaga ay ang mother and daughter tandem. Si Eris, na kilala dahil sa pagiging trouble-maker at si Nyx, na kinatatakutan ng ibang deities. Sa tingin ko malaki ang role ni Nyx kaya't karamihan ng chthonic deities ay pumanig sa kanila.

"But one thing I know is that you're gonna lose and the Chthonic Age will start." sumingkit ang kanyang mga mata.

Chthonic Age...

Naalala ko yung vision ko na nakaluhod ang Olympians sa harap ng mga rebel deities.

Magkakatotoo pala'yon.

"Now, do not be afraid because that time has not yet arrived. In fact.. the war has not even started yet." binigyan niya ako ng malambot na ngiti.

Kumunot ang aking noo. "Ibig sabihin pwede pa nating mabago yun?"

Okay. So kailangan kong pumunta sa past para baguhin ang masaklap na ending na naghihintay sa'min.

"Smart child." puna niya. "Yes, you will change the tide."

Huminga ako ng malalim. Kaya mo yan, Cesia. Maniwala ka lang sa sarili mo.

"Pero teka.." kumunot ang noo ko. "Babalik ako sa nakaraan diba.. kailan naman?"

Natawa siya ng marahan. "Think of it. When could be the first time that Eris thought of the rebellion?"

Uhh..

Isang minuto ang lumipas at wala pa rin akong ideya. Tinignan ko siya at umiling.

"Name a war that Eris caused."

A war that Eris caused...

Mabilis na lumabas sa aking isipan ang isa sa napakasikat na topics mula sa Greek Mythology.

"Trojan War." sagot ko.

Noon kasi, nagkaroon ng gathering ang mga Gods para magcelebrate ng kasal. Nakalimutan ko na kung sino yung ikinasal. Pagkatapos, nainggit si Eris dahil hindi siya sinali ng mga deities. Inilabas niya ang kanyang simbolo, ang Golden Apple of Discord at hinagis ito sa direksyon ng mga gods. Nakita ito nina Athena, Hera and Aphrodite. Sa fruit na yun, may nakasulat na 'to the fairest' kaya pinag-agawan ito ng tatlong goddesses.

Sunod-sunod na ang mga pangyayari that eventually led to the Trojan War.

Pero bakit naman naisip ni Eris ang rebellion dun?

"Because she saw what she was capable of." bakas sa boses ni Mnemosyne ang galit.

"She saw how the Gods fought against each other. With just one action, she created a war. She caused the death of heroes.. and the fall of a city."

Hindi nagdadalawang-isip si Mnemosyne na ilabas ang kanyang galit. Ramdam na ramdam ko kasi ang pagbigat ng hangin sa bawat salita na kanyang binibitawan.

"Because of the chaos she created, she felt powerful. And so..." tinignan niya ako.

"That was the first spark of the rebellion."

Nagbuga ako ng hangin. Oh Gods. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Hindi pa talaga ako handa sa quite unexpected na pangyayaring to. Kinurot ko ang aking kamay dahil baka nanaginip nga lang ako.

Pero hindi.

Hindi ako nagising.

"B-babalik ako s-sa panahon ng T-trojan W-war?" nauutal kong tanong.

Tumango siya.

Napalunok ako.

Rinig na rinig ko ang ingay ng dibdib ko. Kumakabog ito ng sobrang lakas. Nagsimula na rin akong pagpawisan.

"Okay." Tumigil ako para guminhawa. "Unang-una, hindi ako marunong magsalita ng... Ancient Greek or kung ano yung language ng mga Trojans. Pangalawa, hindi ko memorize lahat ng characters sa Iliad. Pangatlo, hindi ko rin alam kung anong meron sa lifestyle dati. Pangapat-"

Napahinto ako sa pagbibilang nang ipinatong niya ang kanyang kamay sa aking balikat. "Cesia, your grandmother is the inventress of languages. You don't have to memorize all the characters, just the events. You can adapt easily because that's who you are."

Ito na nga yung sinasabi ko. Sana pala sineryoso ko yung huling quiz namin ni Madam Viola tungkol sa Trojan War.

"You were born for this." paalala niya sa'kin.

Tumango ako at pilit pinapakalma ang aking sarili.

"Now, if you're worried about the language barrier then you'll probably hear the people speak in languages you can understand. English or Filipino." pagbibigay-alam niya.

Nagtaka ako. "U-uhh??"

"Because that's one of your abilities, as a descendant of Mnemosyne." taas-noo niyang sambit. "You can adjust an unfamiliar language. Your brain is flexible so it will hear whatever it chooses to hear."

"Hindi ako marunong magsalita ng Ancient Greek-"

"Same goes to your ability of speech."

Halos mabilaukan ako nang dahan-dahan siyang naglaho sa harap ko.

Shoot.

"T-Teka!! Anong gagawin kooo?!?!" nagpapanic na ako dito. Bakit bigla-bigla nalang?! Time ko na pala na pumunta sa realm ko?! Hindi ko alam na may deadline pala!

"Hush, child. Sooner or later you will learn of the tune. You will know what to do and by then, I'll be watching over you."

Umiling-iling ako. Hindi pwede! Wala akong kaalam-alam sa hahantungan ko!

Ano namang gagawin ko sa Trojan War?!


"Mnemosyneee!!" nagising ako.

Teka.

Dali-dali akong tumayo nang mapagtantong nasa ibang lugar na ako.

Gawa ata sa bato ang dingding.. pati na yung sahig. May carpet... Tas pinapalibutan din ako ng furnitures na gawa sa kahoy at bronse...

Ito yung nakikita ko sa mga movies.

Tumigil ako sa harap ng silver plate na kasinglaki ko. Napasinghap ako nang makita ang aking repleksyon.

Ibang-iba ang hitsura ko.

Nakasuot ako ng napakagarang-tignan na chiton.

Pati na mga mata ko ay nag-iba. Kasingkulay na nito yung buhok ko.

Kailan pa ako naging brunette?!?!

Hindi ko katawan to!

"Mnemosyneeee!!" tumakbo ako papalabas ng kwarto.

Isang babae ang tumigil sa harap ko. Nakasuot din siya ng chiton. May itinanong siya sa'kin pero wala akong naiintindihan.

Wala akong maiintindihan!

"AAAAHHHH!!" Tumakbo ulit ako.

Malay ko kung saan ako dinala ng aking mga paa pero napahinto ako dahil may nabunggo akong lalaki.

Hindi ko siya namumukhaan pero naramdaman kong may iba sa kanya.

May sinasabi siya sa'kin. Pero iba yung lenggwahe niya.

"S-sino ka?!" hindi ako mapakali. "SINO AKO?!"

Oh Gods!

"You're Helen." sagot niya.

"Helen of Troy."

Oh.

Kusang bumigat ang katawan ko pagkatapos marinig ang sinabi niya. Bago pa tumama ang likod ko sa sahig, natagpuan ko ang aking sarili sa bisig ng lalaking nakasalubong ko.

Huh.

Bakit parang nangyari na'to dati...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top