Sweet as It Sounds
Ria's POV
Pagbukas ko ng pinto, nadatnan ko sina Cesia, Kara, Art at Thea na nanonood ng TV.
Pinapasok ko ang mga aurai na may dalang king size mattress. Sinenyasan ko sila na ilagay ang mga ito sa veranda.
"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Thea.
"I heard the boys are out with a mission and that means the dorm is all ours!" I clasped my hands and laughed like a devil.
Tumayo si Art at pumalakpak like a cute seal. "Sleepover! Yieee!" saka siya tumakbo sa kanyang kwarto.
"Wait. Nasa'n sila Matilda?" kasunod kong tanong nang mapansin na wala yung dalawa.
"May pinag-aabalahan pa sila sa clinic. Pinag-aaralan ata yung ambrosia bracelets na ginawa ko." si Thea ang sumagot.
Nagpaalam na ang mga aurai pagkatapos gawin ang trabaho nila. I gave them a subtle smile saka tumango.
Lumabas si Art na bitbit ang kanyang tatlong plushies. "Teka. Di pa tayo nakapag dinner ah."
Lumapad ang ngiti sa aking mukha. "May ribs akong in-order."
Tumayo na sila pagkatapos i-off ang TV. Sabay na din kaming lumabas sa veranda para doon kumain.
After that, I found ourselves lying silently on the bed. Hindi naman uncomfortable yung katahimikan sa pagitan naming lima.
It's like we were enjoying every second we have together.
Pinlano ko talaga na mangyari 'to nang malaman kong wala yung boys. Gusto ko kasing magkaroon na naman kami ng Girls' Night. After our near-death experience defeating a goddess and a titaness, karapat-dapat lang naman na magkaroon kami ng napakaraming bonding moments. Duh.
We freaking deserve this.
"Ang sarap sa pakiramdam..." narinig kong bulong ni Cesia na nakahiga sa tabi ko.
"You know... pagkatapos ng nangyari, narealize ko ang kahalagahan ng mga ganito. Sleepovers and stuff." napangiti ako.
Hindi ko nai-imagine ang buhay ko kung hindi ko sila nakilala. Its like they're all a part of me now. Ayokong magkahiwa-hiwalay kami.
Kaya ngayon, gusto kong idama ang bawat segundo na magkasama kami.
When Art was gone... I used to cry myself to sleep. Ayokong maranasan ulit yon. In fact, I have made it my personal mission to protect them at all cost.
Gusto kong maging defensive barrier sa espesyal na koneksyon na meron kami. I want to kill every threat to our friendship.
Kahit iba-iba ang deities namin... we're still a family and I'll never take this family for granted.
"Alam nyo ba... pagdating ko sa Elysium.. nawala yung memories ko kaya di ko kayo nakilala." nagsalita si Art.
Nakatingin kaming lahat sa kalangitan habang pinapakinggan ang kwento niya.
From how she arrived until the time she got her memories back.
"Buti nalang talaga hinanap ako ni Cal ano?"
Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. As far as I know, napakaover protective ni Cal sa kanyang asawa. Kaya nga siya ang main target ko sa tuwing nasa mood akong mang inis.
After a moment of silence, boses na naman ni Kara ang narinig ko.
"I think it's time you guys should know..."
Naghintay lamang kami sa susunod niyang sasabihin.
"Dio and I..." hindi pa siya tapos sa pagsasalita at napaupo na kaming lahat.
"Bitch. I fucking knew it!" I exclaimed.
"Puta tama nga yung kutob namin ni Seht!" dagdag ni Thea.
Umupo rin si Kara saka nginitian kami. "You wanna know what it was like?"
Tumango-tango kaming lahat.
At doon niya kinuwento sa amin ang nangyari. To my surprise, sinabi niya rin ang nangyaring first kiss nilang dalawa.
Nakakapanibagong makita si Kara na ganito. I can say she really changed. Noon kasi, she always maintains her distance from us. Alam ko ang pinagdaanan niya and I know it was hard for her to open up to a guy like Dio.
But she did it.
She finally fucking did it.
And I can hear Athena clapping in the distance...
"Tangina ang swerte ni Dio!" tumili si Thea.
"I just wanna say I'm sorry..." nakatanggap kami ng malungkot na ngiti mula kay Kara. "I'm sorry if I felt far away from you... I've had troubles and I kept it from you. I should have told you everything that bothered me."
"Okay lang yon Kara.." Cesia spoke. Her voice as soothing as the air around us. "Ang mahalaga nandito tayo ngayon.. magkasama pa rin."
"Teka lang ha." sumingit si Thea. "Paano ba humalik? Wala akong experience nyan!"
Tumango ako.
Yes. This is it.
This is my time to shine.
"Good thing you asked." my lips formed a mischevous smile.
I've had past relationships before. Kaso, hindi pa dumating ang panahon na maibahagi ko sa iba ang aking nakatagong set of experiences.
Lumipas ang ilang minuto, nalaman kong open sila sa mga ganitong topics kasi tumatango-tango sila habang nakikinig sa'kin.
"But you really wouldn't know anything about kissing until you experience it." sambit ko.
"Eh.. bakit? kayo ba ni Chase nagkiss na?" naiintrigang tanong ni Art dahilan na manlaki ang mga mata ko.
"HAHAHAHAHA!" hindi napigilan ni Cesia ang kanyang sarili at humalakhak ng todo.
Oh shit. I forgot. Nandoon nga pala siya sa nung mangyari yon.
"Okay. That's all. Change topic na tayo." I excused. Nagsisi kaagad ako kung bakit kissing ang naging topic namin.
"So... I wanna know how a son of Hades is like when inlove." pag-iiba ko ng topic.
Curious talaga ako. Knowing Cal is a son of Hades, gusto kong malaman kung anong uri ng tao siya kapag magkasama sila ni Art.
"Hmm..." sumingkit ang mga mata ni Art. "Siya yung bumibili ng stickers ko... tas never niya pang ininsulto sina Blossom kaya... hehehe.."
Napa "aweee.." ako pagkatapos marinig ang sinabi niya.
"At least alam nating ibang-iba si Cal pag nandyan si Art. Eh yung isa na palaging nakasimangot?" tanong ni Thea.
Right. The son of Zeus.
The guy with almost no expression or anything.
"Ngumingiti naman yun ah..." biglang nagsalita si Cesia.
I have never wondered what he's like dahil hindi ko alam kung may darating ba na babae na siyang makakalabas sa ibang side ng lalaking yon.
But then...
"Eto... eto ang pinakahihintay ko." lumapit si Thea kay Cesia.
Natawa ako dahil hindi lang si Thea ang umurog para mapalapit sa kanya kundi kami rin.
"Dali dali! Magkwento ka na Cesia para may pang blackmail na kami!" natutuwang sabi ni Art.
Halatang kinabahan si Cesia nang mapako ang mga mata namin sa kanya. "H-hahaha baka kasi..."
"Listen up Cesia. This is now or never. Baka ito na ang huling sleepover natin so spill it girl. Wala namang mawawala!" I encouraged her.
Sumang-ayon yung iba kaya wala na siyang nagawa.
She sighed.
"Son of Zeus..." napatingin siya sa kawalan saka natawa ng marahan. "Naalala niyo ba nung pinarusahan kami? Yung time na ginawa kaming janitors sa ceremonial hall?"
We all nodded. That was the time after we were betrayed by the Beta.. on the other hand, pinatakas naman ni Trev si Medea.
"So ayun..." kasunod niyang kinuwento sa'min ang nangyari.
I shit you not pero all this time na nagsasalita si Cesia, we all wore this look na parang anytime sasabog kami.
"Tapos nakita niya ata yung reaksyon ko kaya..." napangiti si Cesia. "natawa siya."
Napalunok ako.
"The fuck."
"Oh."
"Holeh shet."
"Hala."
Umani ng sari-sari't reaksyon si Cesia mula sa'ming apat.
Natawa rin ako kasi di magsink-in sa utak ko ang sinabi ni Trev. That was incredibly smooth. Somehow, proud ako sa leader namin.
Nginitian kami ni Cesia. "Kung akala niyo yun lang yon... nagkakamali kayo."
Pagkatapos marinig ang sinabi niya, nagtinginan kami.
And so nalaman kong...
This sleepover was the best idea.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top