Sleep Tight

Chase's POV

Kararating lang namin dito at napagtanto kong ang ganda naman pala ng lugar na'to. Hindi ko nga lang napansin dati dahil sa dinami-rami ng nangyari.

Nakakamangha nga ang sunset dito oh. Parang nasa painting lang kami dahil sa magagandang kulay ng langit.

"We will leave at night." anunsyo ni Trev.

Nagsimula na kaming maghanap ng traces na pwede naming ibigay sa council. Nanghingi kasi sila ng remnants para daw masuri ito.

Alam naman nating lahat na tamad ang mga gagong yon kaya kami nalang ang ipinadala nila.

Napatigil ako sa harap ng sirang cage.

Ito yung cage kung saan kinulong ng mga giants si Ria.

Hmm. Hindi talaga ako nagkamaling sundan siya. At hanggang ngayon, sariwa pa rin ang mga ala-ala na nakasama ko si Ares.

"bro..." bulong ko sa sarili.

Alam kong galit si Ria sa mga gods. Talagang bumubukal ang dugo niya pagka deities na namin ang pinag-uusapan.

Wala akong ideya kung ano ang pakiramdam na mabuhay na hindi kilala ang deity.

Ako kasi, lumaki ako sa mortal realms na kasama si Hermes at kinilala siya bilang ama. Maaga ko ngang nalaman na isa pala siyang Greek God at hindi isang businessman na takas sa mental.

Kinuha ko ang screw na nakasabit sa dulo ng metal bar saka inilagay ito sa ziplock bag.

Tumabi sa'kin si Seht at gamit ang kanyang daliri, sinindihan niya ang cage.

"I knew it. This cage is fire-tolerant." aniya pagkatapos makitang nagliyab nga ito.

"Dito nila ikinulong si Ria dati." pagbibigay-alam ko sa kanya.

Akala ko talaga sa harap ko siya mawawalan ng hininga. Tanginang giants yon. Buti nalang naabutan ko pa siyang gumiginhawa kundi masisiraan ako ng bait.

"Yeah.. I saw what she looked like. Burns and wounds... everywhere." umiling-iling si Seht.

Kinuyom ko ang aking kamao.

Tsk.

Hinding-hindi ko hahayaang mangyari ulit yon.

"Nga pala bro.." napatingin ako kay Seht. "Balita ko may alam na kayo tungkol sa dalawang abilites mo?"

"Yeah..." sagot niya. "Matilda says that this dual-ability was made possible because the God Hephaestus,  formulated the Elite and Seht imitators himself."

Napangiti ako saka tumango. "Mabuti naman at may impromasyon na kayo..."

Kakaiba rin ang demigod na'to. Pagkatapos malamang siya ang Seht, di siya nagdalawang-isip na panindigan ang pagiging protector of demigods niya.

Ayon kay Matilda, nalikha lang naman ang Elite at Seht para sa kanya pero hindi natuloy dahil nagalit si Zeus. Kaya tinulungan nalang ni Apollo si Hephaestus at ginawa siyang oracle ng Elsyium.

"The blueprints were burned by the council so that it'll be forgotten. They also placed a curse on it so... no one can become the imitator by accident too." dagdag niya.

Natawa ako.

Naalala ko kasing sinipsip ni Seht ang dugo ni Thea at wala pa siyang kaalam-alam noon na bahagi pala yon sa proseso para maging Seht imitator.

"Why the hell is that burning?" lumapit si Dio sa'min.

"Pasenya ka na bro. Ang hot ko kasi." sagot ko.

Binigyan lang nila ako ng tingin kaya natawa na naman ako.

Ampotek. Ni isang beses di pa ako sinuportahan ng mga kumag na'to.

Matatawag ko pa ba silang totoong kaibigan?

"Bumalik na tayo. I'm tired already." batid niya at naunang maglakad pabalik sa sasakyan.

Pabalik na kami sa Academy nang mapansin ko sa salamin ang mga hitsura nila na halatang pagod.

"Kung mag spa kaya tayo mga tol?" nagsuggest ako.

Parang ang tagal na rin ng huling spa namin ah. Gusto kong magchill muna kasama ang mga bro ko.

"Yeah... I'd like that." sagot ni Seht.

Wala namang umangal kaya napangiti ako. Sige na nga. Libre ko nalang yung spa. Bukas na bukas.

•••

"We'll send this to the council immediately. You may go now." dinismiss na kami ng principal.

Napahikab ako paglabas namin ng office.

Ewan ko kung anong oras na pero ayon sa katahimikan, tulog na lahat ng tao.

Nang makapasok kami sa dorm, naabutan namin ang limang girls na natutulog sa labas ng veranda.

"Tignan mo nga naman." puna ni Dio.

"They're too exposed. Don't you think?" tanong ni Seht nang makita sila.

Mayamaya, napagdesisyunan naming ibalik ang girls sa mga kwarto nila.

Hindi naman kami ganoon kastrikto pero pagdating sa kanila, syempre mag-aalala kami.

"Unlock all doors." utos ni Trev dala-dala ang humihilik niyang prinsesa.

Napangiti ako dahil naalala ko na naman ang naging reaksyon niya nang malamang naglaho si Cesia kasabay si Eris.

"Yes master." automatic na sumagot yung bahay bago binuksan ang mga kwarto.

Tinulak ko ng mahina ang pinto para makapasok sa loob.

"Ang bigat mong babae." dahan-dahan kong ibinaba si Ria sa kanyang higaan.

Napailing ako nang umangat ang ibabang bahagi ng kanyang damit. Kinuha ko ang kumot at ginamit ito para takpan ang tiyan niya.

Bago pa ako tuluyang makalabas, napatigil ako nang marinig ang boses niya.

"Chase..."

Nilingon ko siya at nakitang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.

"Don't forget to close the door."

Natawa ako ng mahina.

Natakot kasi ako saglit. Akala ko papagalitan niya ako pag nalaman niyang pumasok ako sa kwarto niya.

Hindi ako sumagot at lumabas nang nakangiti na parang gago.

Pumasok na rin ako sa kwarto ko at nadatnan si Seht. Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa makahiga ako.

Naglagay ako ng mas maliit na kama para sa kanya.

Ganito din sana ang gusto ni Cesia na mangyari sa kwarto niya pero ayaw daw ni Thea na lumiit yung space kaya naglaan nalang sila ng extra mattress sa sahig na ginagamit nila kapag hindi sila magkatabing natutulog.

"You know, Thea told me about the changes that's happening to us." narinig kong sabi ni Seht.

"Tapos?" nakatingin ako sa kisame.

"She was scared... that these things might affect my way of thinking." nagbuntong-hininga siya.

Sa totoo lang, hindi ko masisisi si Thea. Ako nga minsan, nararamdamam kong ibang tao ang mga kasama ko.

Pero hindi naman ako takot dahil alam kong nababaguhan lang ako. Masasanay at masasanay rin kami sa mga pagbabago.

"Hindi niya alam... but it's me that's actually scared."

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

Ilang segundo ang kanyang pinalipas bago sumagot. "My memories are beginning to return... and I feel like I'm slowly turning into another person because of it."

Napatingin ako sa kanya.

"Alam mo tol... hindi ko alam kung ano ang nakaraan mo pero ayon kay Art, niligtas mo raw siya... kaya sapat na yon para masabi kong mabuti kang tao." tugon ko sa kanya.

Unti-unti kong nasilayan ang ngiti niya. "Thanks bro."

Umayos na ako sa pagkakahiga at naghandang matulog.

"By the way... I caught a glimpse of something between Trev... and Cesia."

Umupo ako pagkatapos marinig yon. Gayundin si Seht sa kanyang higaan.

Nagiging alerto talaga ako pag silang dalawa na ang binanggit.

"Anong nakita mo?" usisa ko.

Hindi ako ganoon kamanhid para hindi mapansin na may kakaiba sa pagitan ng dalawa simula nung makalabas sila sa trance.

"For a moment, I saw electric sparks crawling on both their hands..." nagkibit-balikat siya. "And I'm pretty sure I saw a shade of purple."

Gods forbid but I have this feeling... ang dalawang yon... they were meant for something we aren't aware of.

Okay na sana kung si Trev lang dahil alam ko naman na makapangyarihan ang demigod na yan.

Pinagsama-sama ba naman na dugo ni Hades at Zeus?

Pero kung si Cesia na ang pag-uusapan natin...

Siya talaga ang totoong misteryo dito.

(A/N: Medyo chill muna yung chapters natin ngayon ah? Baka kasi kailangan niyong bisitahin ulit ang mga chapters na'to pag nagkakagulo na. Hehehe.)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top