SC: Run To You

Cesia's POV

Nasa library ako ngayon ng Troy. Sasamahan sana ako ni Agnes kaso pinatawag daw siya ng reyna. Papunta dito sa library, nakasalubong ko si Andromache, asawa ni Hector at siya na mismo ang nagsabi na sasamahan niya daw ako.

Ipinagmamalaki niya sa'kin kung gaano siya kaswerte sa asawa niya.

Tumatango-tango lamang ako habang nakikinig sa kanya. Ang bait niya sobra. Tinutulungan niya ako sa tuwing may kailangan ako.

"Sa tingin ko.." binigyan niya ako ng malambot na ngiti. "magiging mabuting ama din si Paris sa mga anak ninyo... kung meron man."

Sumandal ako sa aking upuan at napaisip sa sinabi niya.

Nakakatuwa nga kasi kahapon lang, inikot naming dalawa ang kabuuan ng Troy.

Habang naglalakad ako sa kalye kasama siya, may naaalala ako.

"Andromache.." tinawag ko ang babaeng nakaupo sa tapat ko. "Kapag ba.. babagsak ang Troy.."

'The Queen of Troy, Hecuba and her daughter-in-law, Andromache both cursed Helen for the fall of their city..'

Pinipigilan ko ang aking sarili na maiyak sa tuwing nakikita ko siya dahil alam kong gagawin siyang isa sa mga alipin ng Achaeans pagkatapos ng digmaan.

Si Cassandra naman na kapatid ni Paris, ay maghahanap ng refuge sa templo ni Athena. Pero sa huli, mahahanap at gagahasain pa din siya ni Ajax.

"sisihin niyo lang ako..." sabi ko sa kanya. "mas mabuti na'yon..."

Hinawakan niya ang aking kamay. "Mananalo tayo... tiwala lang."

Napakagat ako sa labi ko. Sumasakit ang dibdib ko dahil gusto kong malaman nilang lahat ang mangyayari sa kanila.

Gusto kong sabihin sa kanya na kahit gaano pa kagaling at kabuting tao si Hector...

kakaladkarin pa rin ni Achilles ang kanyang bangkay sa harap ng mga Trojans.

Nakarinig kami ng gulo mula sa labas. Agad napatayo si Andromache at naki-usisa. Tumayo ako saka tinanong si Andromache kung anong meron. Nakita kong naluluha siya habang nakatingin sa'kin.

"Hector.." nag-aalala niyang tugon. "He's having a duel with Ajax."

Pumasok ang isang babae bitbit ang kanilang anak na umiiyak. Sa laking gulat ko, kinuha ito ni Andromache mula sa bisig ng kanyang alalay saka inabot sa'kin yung sanggol.

"T-teka.."

"Can you hold him for now? I will go to the tower to watch my husband, together with my servants." hingin niya sa'kin.

Nagdadalawang-isip man, tumango nalang ako.

Pinasalamatan niya ako bago nagmamadaling umalis. Yumuko ako at tinignan ang bata na karga-karga ko.

'Hector and Ajax had a duel that lasted for a day. But none of them won and lost. They were both mighty warriors. In the end, they just smiled and exchanged gifts.. and praised each other of their skills.'

Napangiti ako. "Ibig sabihin nito, isang araw tayong magkasama."

Yung totoo niya talagang pangalan ay Scamandrius. Pero Astyanax ang tawag ng mga Trojans sa kanya dahil ibig sabihin nito ay 'protector of the city.'

Ang daming umaasa na lalaki siya katulad ng ama niya. Magiging isang magiting na mandirigma.

'And poor Astyanax, son of Hector. The Greeks were afraid that he would grow up and avenge his father. To prevent this from happening, they threw the child over the wall.'

Nabura ang aking ngiti pagkatapos maalala na magiging karumal-dumal din ang kamatayan niya.

Huh.

Tuluyan na nga akong napaluha nang ma-imagine ang mangyayari sa kanya.

Naaawa kasi ako.

Humikbi ako at napangiti nang makita siya na nakangiti rin. Saka ko pinunasan ang aking luha na pumatak sa kanyang pisngi.

"Ang cute mo!" natatawa kong sabi. "Tatawagin kitang chan-chan ah? Wag lang yung tyanax kasi iba meaning nun sa lenggwahe namin!"

Bitbit si chan-chan, nagsimula na akong maglakad patungo sa aking kwarto. Kinurot ko nang mahina ang kanyang pisngi nang marinig ko siyang tumawa.

"Alam mo chan.." binuksan ko ang pinto at pumasok sa kwarto. "sana magkita ulit tayo pag nagkataon ano?"

Napabuntong-hininga ako saka dumiretso sa bintana para masdan ang mga Trojans na chini-cheer ang kanilang pambato na si Hector.

Ilang minuto din akong nakatulala sa labas nang mapansin kong nakatulog pala si chan-chan.

Dahan-dahan ko siyang ibinaba sa aking higaan. Umupo ako sa tabi niya at pinalibutan siya ng mga unan.

Kumunot ang aking noo habang nakatitig sa sanggol na walang kaalam-alam sa mangyayari sa kanya.

At nagsimula na namang magsilabasan ang aking mga luha.

Nag-iisa lang ako dito kaya hinayaan ko na ang sarili ko na ilabas ang sobrang lungkot na kinikimkim ko simula pa nung makarating ako dito.

Yumuko ako at humagulgol ng iyak.

Ayoko na dito.

Gusto ko ng umuwi...

Hirap na hirap na kasi ako. Bumibigat lang yung puso ko sa tuwing naaalala ko sila.

Kasi iba eh. Ibang-iba kapag nag-iisa ka lang. Alam kong kailangan kong maging matatag para sa kanila. Alam ko yun.

Pero darating at darating din ako sa punto kung saan kailangan kong ilabas lahat ng hinanakit na matagal ko ng tinatago.

Tanging hiling ko lang naman ay makauwi na.

Dahil sa totoo lang, sa tuwing nagigising ako, mga boses nila ang naririnig ko. O di kaya, mga boses nila ang gusto kong marinig.

Gusto ko na din silang makita pero bakit ganon? Sobrang layo nila...

Inangat ko ang aking ulo nang makarinig ako ng ingay. Nakita ko si Paris na nakatayo sa tabi ng pintuan.

Umiling ako at nagpatuloy sa pag-iyak.

Hindi ko na kinakaya ang nararamdaman ko.

Napatingin siya kay chan-chan na mahimbing na natutulog saka siya umupo sa tapat ko.

Hinawi niya ang buhok na nakatakip sa mukha ko. "I should've known." sambit niya. "I didn't know you were feeling like this."

"I'm sorry.." mahina niyang tugon. "I'm sorry for leaving you alone."

"N-naranasan mo na ba 'to?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya. "Yung parang nag-iisa ka lang. Yung pakiramdam na wala kang makakapitan."

Tumango siya. "I had to make a decision once.." bakas sa boses niya ang lungkot kaya alam kong totoo ang sinasabi niya. "I had to send someone in a place where I can't protect her.. and I just stood there. I didn't know what to do."

Gumaan ang pakiramdam ko habang nakikinig sa kanya.

"N-nasa'n na siya ngayon?" tanong ko.

Binigyan niya lamang ako ng malungkot na ngiti saka tumayo. "I'm going to send someone to bring you food."

Bago pa siya makalabas, tinanong ko ulit siya kung nasaan na yung babaeng tinutukoy niya.

"Ask yourself." matipid niyang sagot at tuluyan na ngang lumabas.

Iniwan niya akong nagtataka. Nakakunot ang aking noo habang nakatitig sa malayo.

Ask myself? Bakit ako?

Sumingkit ang aking mga mata pagkatapos mapag-alamang medyo pamilyar yung kwento niya.

Na para bang nandun ako-

"Trev..." bulong ko sa aking sarili.

"Trev!" napatayo ako.

Muntik na akong madapa nang tumakbo ako papalabas ng kwarto para pigilan siyang lumayo.

Luminga-linga ako, at nakita ko nga siya.

Nakatayo ako ngayon habang tinititigan ang lalaking nakatalikod sa'kin na nasa kabilang dulo ng corridor.

All this time...

"Trev!" sinigaw ko ang pangalan niya dahilan na mapahinto siya sa paglalakad.

Natawa ako ng marahan.

Huminto nga siya.

Ilang segundo pa ang lumipas bago niya ako hinarap. Nagtitigan lang kaming dalawa na tila iisa ang nasa isip namin.

Tapos unti-unti kong nasilayan ang isang ngiti sa labi niya.

"Cesia."

Halos sumabog na ako sa kinatatayuan ko pagkatapos niyang banggitin ang aking pangalan.

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang aking mga paa.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakikinig sa mabibilis na kabog ng aking dibdib habang tumatakbo patungo sa kanya.

"Trev..." paulit-ulit kong binibigkas ang pangalan niya.

"Trev.." kasabay nito ay ang walang tigil na pag agos ng mga luha ko.

Saka niya ako sinalubong ng yakap.

Bumitaw kaagad ako at inangat ang aking tingin sa kanya. Napailing ako dahil ang hirap paniwalaan na siya nga ang kasama ko ngayon.

Andito talaga siya.

"A-ang daya mo.." mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya.

Naramdaman ko ang kanyang kamay sa pisngi ko kaya napapikit ako. Nawala kaagad ang pagod.. sakit.. at lungkot na nararamdaman ko.

Iminulat ko ang aking mga mata at una kong nakita ang mga mata niyang nakatitig din sa'kin.

"I'm sorry..." bulong niya saka pinunasan ang mga luha na dumadaloy sa aking pisngi. "I'm sorry-"

Bago pa siya magsalita ulit, agad kong inilapit ang aking mukha at panandalian siyang hinalikan.

Kumunot ang kanyang noo at bumaba ang mga mata niya sa aking labi.

Matagal-tagal niya itong tinitigan...

Saka siya humilig para ituloy ang sinimulan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top