Rewriting History
Cesia's POV
Nasa kwarto kami ni chan-chan at nakangiti ako habang nakatitig sa kanya na kinakarga yung sanggol.
Simula nung nag-duel sina Hector at Ajax, sa'kin na binibilin ni Andromache ang anak niya. Ang dami na kasing nangyayari kaya naging busy na din sila.
Okay lang naman sa'kin kasi gusto ko talagang makasama si chan-chan. Saka, tinutulungan din ako ni Trev na alagaan siya.
Mayamaya, kumunot ang aking noo dahil lumabas sa isipan ko ang isang katanungan.
"Trev..." tinawag ko siya dahilan na mapalingon siya sa direksyon ko.
"Nagtataka lang ako... marunong ka bang magsalita at umintindi ng Ancient Greek?"
Sa pagkakatanda ko, hindi naman siya descendant ni Mnemosyne ah. Ako lang dapat ang nakakaintindi ng iba't-ibang lenggwahe.
Tinignan niya lamang ako ng napakatagal. Saka niya ibinaba si chan-chan sa kuna.
Sinundan ko siya ng tingin nang lumapit siya sa'kin. "I want you to meet someone."
Kinuha niya ang kamay ko at dinala ako sa labas. Bumaba ang aking tingin sa mga kamay namin na magkahawak at kusa na naman akong napangiti. Naalala ko lang kasi ang gabing magkasama kami sa Livadeia.
Lumiko kami at tumigil sa harap ng kwarto ni Cassandra, kapatid ni Paris.
Pagpasok namin, nakita ko siya na nakaupo sa silya at minamasdan ang kabuuan ng Troy sa labas ng bintana.
"Took you long enough." tumayo siya at nilingon kami.
Ngayong nakita ko na siya na ganito kalapit, masasabi kong napakaganda niya. Magkaparehong dark brown ang kanyang makulot na buhok at ang kanyang mga matang nakakaakit titigan.
Inalok niya kaming umupo kaya ganon din ang ginawa namin. Magkatabi kami ni Trev samantalang siya, nasa tapat naming upuan. Pumagitna sa'min ang isang mesa na gawa sa bronse.
"You must be Cesia." tinignan niya ako.
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
Si Cassandra ay anak nina Priam at Hecuba. Siya rin yung fraternal twin ng isa pang kapatid ni Paris, si Helenus.
May gift of prophecy din siya. Hindi ko alam kung ano talaga yung totoong nangyari sa kanya pero may nagawa ata siya na ikinagalit daw ni Apollo kaya sinumpa siya ng God na wala dawng maniniwala sa mga propesiya niya.
Dahilan na mapagkamalan siyang baliw at wala sa tamang pag-iisip.
"I know what happened, what is happening and what will happen." nginitian niya kami. "and I know you two do not belong here."
"She gave me the ability to break the language barrier." nagsalita si Trev. "And in return, I told her the truth."
Kasunod niyang kinuwento sa'kin ang unang araw niya dito sa Troy.
Katulad ng nangyari sa'kin, nagising din siya sa kwarto niya at sa katawan ni Paris. Madali lang para sa kanya na malaman kung nasaan, kailan at sino siya sa pamamagitan ng pag-oobserba sa kanyang kapaligiran.
Hindi niya naiintindihan ang mga salitang binibigkas ng mga taong nakapaligid sa kanya kaya out of frustation, kinulong niya ang kanyang sarili sa kwarto.
Hanggang sa dumating si Cassandra.
"I knew he was not my brother the moment I saw his eyes." pagbibigay-alam ni Cassandra. "Paris was a coward."
"He would avoid looking at me." napadako ang kanyang tingin sa lalaking nakaupo katabi ko. "But this man did not."
Umangat ang isang kilay ko nang mapansing hindi pa rin natatanggal ang kanyang tingin mula kay Trev.
Nakita niya siguro ang reaksyon ko kaya natawa nalang siya ng mahina. "Pero wag kang mag-alala, nandito lang ako para tulungan kayo."
"And besides.." lumipat ang kanyang tingin sa'kin. "I just want the real Paris and Helen back before the war ends."
Nagbuntong-hininga ako at tumango. May bahagi sa'kin na nakaramdam ng pag-asa kasi ibig sabihin nito, hindi lang kaming dalawa ni Trev ang magtutulungan dito. Alam kong mahalaga ang magiging papel ni Cassandra kaya malaki ang paniniwala kong matatapos namin ito ng maaga.
Sana nga lang, makakaalis na kami dito para hindi kami masali sa pagbagsak ng Troy.
"So.." tumuwid siya sa pagkakaupo. "Let's talk about the prophecies."
Tuluyan na nga akong napangiti pagkatapos marinig ang sinabi niya. Nalaman kong si Paris pala ay si Trev, at nandito pa si Cassandra na handa kaming tulungan.
Kahit hindi na nagpaparamdam sa'kin si Mnemosyne, sapat na ang presensya ng dalawang 'to para bumalik ang lakas ng loob ko.
"Nangyari na yung una at pangalawang propesiya ni Rhea. That leaves us with the third one and... Mnemosyne's promise." sambit niya na tinanguan ko.
Di kalaunan, pinag-usapan nga namin ang nangyayari sa panahon kung saan kami galing ni Trev. Dapat hanggang ngayon, hindi pa rin gumagalaw ang daloy ng oras dahil kay Cronus at hindi pa tapos ang ibang Alphas sa mga misyon nila.
"Mnemosyne sent all of you to different realms. This means both of you, along with the rest of your friends need to gain something that can help you win the rebellion." Nakatitig si Cassandra sa gitna ng mesa at halatang nag-iisip ng malalim.
Inangat niya ang kanyang ulo at muling napatingin sa'min. "She sent you to the past... at ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit pinili niyang ipadala kayo sa panahong to? Sa digmaan ng Troya?"
"The first spark of the rebellion." sagot ko dahilan na mapatingin silang dalawa sa'kin.
Nginitian ko sila at ibinahagi sa kanila lahat ng sinabi ni Mnemosyne sa'kin bago ako makarating dito.
"You were fated to lose against the rebels. You will fall together with your deities" pagpapasya ni Cassandra. "So now, you were sent here to prevent that from happening and change the outcome."
Nagtaka ako dahil bigla siyang napangiti. Marahan siyang tumawa at napailing na tila isang biro lang ang nangyayari sa'min.
"Bakit?" nakakunot ang aking noo.
"Have you come to realize that you both are actually going to rewrite the whole story?" natatawa niyang tanong.
Umiling ako.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan pa rin ako sa sinasabi niya.
Huminga siya ng malalim at bumuntong-hininga.
Pagkatapos, napansin ko na nagbago ang kinang ng kanyang mga matang nakatutok sa'ming dalawa ni Trev.
"The two of you were destined to go against destiny itself." namamangha niyang sabi.
•••
Nagsimula na namang umiyak si chan-chan kaya nagmamadali akong pumunta sa kanya at binuhat siya.
"Ang ingay-ingay mo ngayon ah.." puna ko habang pinapatahan siya.
Hindi pa rin siya tumitigil at mas lalong lumakas ang ingay niya kaya napagdesisyunan ko siyang ilabas ng kwarto at isama sa hardin.
"Asan na ba kasi si Agnes.." mahina kong tugon pagkatapos isara yung pinto.
Nagtanong nga ako sa ibang katulong at ayon sa kanila, umuwi daw siya dahil nagkaroon daw ng problema ang pamilya niya.
Nasa garden ako nang masulyapan si Trev na kausap si Hector. Seryoso ata ang pinag-uusapan nila base sa ekspresyon ng kanilang mga mukha.
Nag-antay ako na matapos muna sila, saka ako naglakad patungo kay Trev. Nakasimangot siya at napaghalataan ko kaagad na may bumabagabag sa kanya.
"Trev.." lumapit ako sa kanya. "Anong meron?"
Bumaba ang kanyang tingin kay chan-chan na tumahan na. "You're good with children, aren't you?"
Napagtanto kong may mali nga kaya siningkitan ko siya ng mga mata.
"Trev.." seryoso kong sabi. "Ano yung pinag-usapan niyo kanina?"
Nagulat ako nang bigla niya akong nilagpasan. Nagmamadali siyang naglakad samantalang ako naman, hinahabol siya.
"It's time." narinig kong sabi niya.
"Time for what?" tanong ko.
Nagbuga siya ng hangin bago sumagot. "Hector wants me to fight Menelaus."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top