Reversed

Thea's POV

Tinapat ko ang aking bibig sa tenga ng paborito kong anak ni Apollo.

"SEEEHHTT!!"

Bigla siyang nagising kaya't tuluyan na nga akong natawa. Kawawa naman 'tong lalaking 'to.

Kanina pa kasi siya nagrereklamo na nakulangan daw siya ng tulog. Lutang na lutang siya kahit di pa kami nakaalis ng Academy kaya hinayaan ko nalang siyang matulog sa buong byahe. Ginigising ko lang para kumain.

"Thea!" Ginulo niya ang kanyang buhok.

"HAHAHA!" natatawa pa rin ako sa mukha niya. "Eto na. Andito na tayo. Tara na."

Halos seventeen hours yung byahe namin mula sa Pilipinas patungo dito sa Athens kaya naabutan kami ng 9 pm dito kahit 4 am kami lumuwas.

Kinusot-kusot niya ang kanyang mata at nakatulala sa loob ng ilang segundo. Nakatayo ako sa tabi niya at hinintay siya na maalimpungatan.

Nagbuntong-hininga siya at panandaliang pumikit. Pagmulat niya ng kanyang mga mata, andun na naman ang ngiti niyang kinaaaliwan ko palagi.

Panghuli kaming lumabas ng eroplano. Pagbaba namin, nakita ko si Kara na kinakausap ang isang matandang lalaki na nakabusiness suit.

Kumunot ang aking noo nang makita si Cesia na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa lalaki.

"Magkakilala kayo?" tanong ko sa kanya.

Tinuro niya yung lalaking kausap ni Kara. "Siya... yung nagdrive sa'kin papunta sa Academy."

"Alphas." lumapit si Kara sa'min kasama ang tinutukoy ni Cesia na naging driver niya daw.

"This is Fernando. He is a billionaire from Athens, Greece and is currently active as a staff of Olympus Academy." pagpapakilala ni Kara sa kanya.

"We meet again... Miss Young." sabi nung Fernando pagkatapos ay hinalikan ang kamay ni Cesia.

WOAH. ANG GALING.

Isang billionaire mula sa Greece ay isa sa staffs ng Academy at siya pa yung naghatid kay Cesia.

Ba't di rin ganon yung pagpasok ko sa Olympus Academy?!

Ilang minuto ang lumipas at natagpuan ko ang aking sarili na nakangiti habang tinatanaw ang mga tao sa labas. Kasama ko ang Alphas sa iisang van at nakakapanibago kasi ang tahimik dito sa loob.

Sa bagay, sobrang haba rin kasi ng byahe namin. Ito ngang si Seht nakatulog ulit sa balikat ko. Psh.

Tumigil kami sa harap ng hotel na sa pagkakaalam ko ay pagmamay-ari ni Fernando. Okay naman siya dahil napakawelcoming niya sa'min. Marunong rin siyang magtagalog dahil nga, isa siyang active staff member ng Academy.

"Masters." kinuha ni Fernando ang atensyon naming lahat.

"Your trip from Athens to Boeotia will take up to 2 hours. I have already prepared for you a place to stay. When do you wish to go?" tanong niya sa'min.

"Tomorrow at 8 in the evening." tinignan kami ni Ria kasunod si Fernando na nasa front seat. "We wish to have our lunch on the streets of Plaka and then have a quick walk just after sundown at Monastiraki Square."

Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya pero tumango nalang ako.

Natawa si Fernando pagkatapos marinig ang sagot ni Ria. "Alright. I think you already have everything scheduled. I will send you one of my assistants to help you as well."

Huminto ang sasakyan sa harap ng hotel na pagmamay-ari ni Fernando. Nireserve niya para sa'min ang penthouse na nasa top floor.

"I only have five rooms with two beds each. Is it okay?" ani Fernando.

Tumango-tango kami. Ang laki na nga dito tas bagay na bagay kasi maroon yung wallpaper at may carpet pa. Ang linis linis rin.

Di nagtagal, nagpaalam na si Fernando at lumabas kasama ang lalaking assistant niya na siya ring nagmaneho ng sinakyan naming van.

"Ihhhh!! Paano ba natin hahatiin yung rooms? By gender ba or alphabetical order?" tanong ni Art.

Tinaas ko ang kamay ko kaya't napatingin silang lahat sa'kin.

"Pwede by loveteam?" nagsuggest ako. Tamang-tama kasi 10 divided 2 is 5.

"HAHAHAHAHAHA!" Humalakhak si Chase saka napahawak sa tiyan niya. "Pwede. Pwede-"

"Thea!"

Sabay-sabay nilang sinabi ang pangalan ko kaya't sinimangutan ko sila. Kailangan talagang pagsabayin?!

"TANGINA EDI WAG. Nagsusuggest lang naman." nakahalukipkip ako at padabog na sumandal sa sofa.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakasettle na rin kami. Ako at si Cesia ay magiging roommates. Sa ibang room sina Art, Kara at Ria. Ganun din ang mangyayari sa boys. Magkakasama sina Seht, Chase at Dio sa iisang kwarto. Tas sina Trev at Cal.

Isang gabi lang naman kami matutulog dito kaya madaling sumang-ayon ang lahat.

Yung extra room...

ay magiging kwarto nila Blossom, Bubbles at Buttercup.

Ayon kay Art, mahirap pero kailangan niya daw turuan sina Blossom na wag maging dependent sa kanya.

Ewan ko basta yun na yon.

"Goodnight Cesia." napahikab ako saka humiga. Pagkatapos kasing magsnacks, napagdesisyunan namin ni Cesia na magbihis na para matulog.

"Goodnight rin Thea..."

•••

Napasinghap ako nang namalayan kong hindi ako makahinga. Nakaupo ako ngayon sa higaan hawak-hawak ang aking dibdib.

SHEETTT!!!

Buti nalang at nagising ako!

Nilingon ko si Cesia na pinagpapawisan at nakakunot ang noo habang natutulog. Kinuha ko ang panyo ko mula sa bag saka tinabihan siya sa higaan.

Pinunasan ko ang kanyang noo.

Ang lamig ng balat niya pero isang balde na ata ang lumalabas na pawis mula sa katawan niya.

"Cesia naman..." bulong ko. "Ano ba kasing nangyayari sa'yo.."

Alalang-alala na talaga ako sa babaeng 'to. Kung anu-ano na ang nangyayari sa kanya. Ako naman tong nakakapansin, wala ring alam.

Malay ko ba. Ang alam ko lang naman na kakaiba kay Cesia eh may isa pa siyang deity na di pa napapangalanan.

"That's weird."

Muntik na akong mahulog dahil sa biglaang pagsulpot ni Elpis sa harap ko. Agad niyang dinamdam ang noo ni Cesia.

Nalilintik talaga ako sa tuwing nanggugulat siya. Sunod-sunod na akong inatake sa puso dahil sa kanya.

At kapag napuno na ako sa espirito nato, ibabalik ko talaga siya sa kahon ni Pandora!

"I knew there was something wrong with her." ibinaba niya ang kanyang kamay at napatingin sa'kin.

"TANGINA EH BA'T NGAYON MO LANG SINABI YAN?! Di mo ba alam?! ilang gabi akong di nakatulog dahil dito!" sumigaw ako nang pabulong.

"What?" painosente niyang sagot na para bang wala siyang alam. "I was asleep too!"

Huminga ako ng malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Wag ka munang makipag-away sa isang white lady, Thea. Si Cesia muna.

"Her body is slowly coping up with her abilities." nakasingkit ang kanyang mga mata.

"Ha?? Eh nagkaganyan rin ako dati pero panandalian lang naman yun. Naging okay ulit ako." nasa mortal realms pa nga ako nang mangyari yon.

Umiling siya. "Hers is different. Your body, Thea, was trying to cope up with your abilities the same pace as every other demigods."

"Bakit? Anong pinagkakaiba sa kanya?" bumaba ang mga mata ko kay Cesia na naginginig.

Nako Cesia...

"Reversed. Her body is processing it backwards. Her body is slowly coping with the abilities she used to have." pagpapaliwanag niya.

"Teka nga! Magtagalog ka nga!" naguguluhan ako sa sinasabi niya. Nano-nosebleed pa!

Nagbuntong-hininga siya. "Ang ibig kong iparating, nagbabago pa rin ang katawan niya. Nag aadjust ito para ma accommodate ng tama ang mga abilities niya."

"Oh tapos?" nakikinig lamang ako.

"Ang mga abilities niya noon at hindi ngayon." diniinan niya ang mga salitang noon at ngayon kaya't napaisip na din ako.

Ito na ba yung dahilan kung bakit bumalik rin sa orihinal na kulay ang mga mata niya?

Kasi pabaliktad yung nangyayari sa kanya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top