Our Destiny
Cesia's POV
Kanina lang, nakikinig ako hanggang sa matapos yung pag-ulan. Ewan ko kung anong nangyari pero nandito na ako ngayon naglalakad sa mga kalye ng Livadeia kasama ang anak ni Zeus.
"Sabihin mo na son of Zeus.. gusto mo lang akong makasama.." natawa ako sa kanya.
"Maybe.." maikli niyang sagot.
Pero sapat na yun para tumakbo lahat ng dugo ko sa pisngi. Idagdag mo pa na hindi niya pa rin binibitawan yung kamay ko.
Binati rin kami ng isa sa mga cafe owners na nagsasara ng cafe niya. Kinawayan niya kami at ganun din ang ginawa ko.
"Ang friendly nila dito..." puna ko.
"You like it here?" tanong niya.
Natawa ako ng mahina bago sumagot. "Yeah.. ang tahimik kasi.."
Gusto ko kasi yung mga lugar na tahimik. Kasi ramdam na ramdam ko talaga lahat. Mahilig pa naman akong mag emote..
Lalo na pag umuulan.
"Nga pala.. ba't umulan kanina?" napatingin ako sa kanya.
Nagbuntong-hininga lang siya at binigyan ako ng malungkot na ngiti. "Nothing."
Sa pagkakatanda ko kasi, umuulan paminsan-minsan sa tuwing nalulungkot siya. Ito rin yung dahilan kung bakit di ako nakatulog kanina...
Nakakatuwa nga kasi kapag umuulan o kumukulog, isang tao lang ang lumalabas sa isipan ko...
Nagsimula na akong makaramdam ng kakaiba nang mapansing kanina pa namin sinusundan ang ilog. Hindi ko na nga alam kung saang dako na kami ng Livadeia.
Tumigil lamang kami sa harap ng cave. Nagulat ako nung binitawan niya ang kamay ko.
"T-teka.. Trev.. bakit tayo nandito?" tanong ko. Sobrang dilim na at may kutob akong hinahanap na kami ng ibang alphas.
Umakyat siya saka pumasok dahilan na mapaatras ako.
Ano namang gagawin namin diyan?!
"Here." inabot ni Trev ang kanyang kamay.
Napalunok ako. Malalakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung bakit. Pero naalala ko ang sinabi niya kanina na magiging safe lang daw ako kaya.. okay naman siguro.
Malaki naman yung paniniwala ko sa kanya.
"Trev naman-" hinatak niya ako papasok ng cave.
Napanganga ako pagkatapos makita ang kabuuan ng loob. Yung inexpect ko kasi ay madilim dito pero hindi.. dahil maraming fireflies ang nakatumbad sa harap ko.
Ang ganda!
Yumuko siya at may kinuhang bagay na nakatago sa likod ng mga bato. Napagtanto kong isa itong vial na may lamang tubig sa loob.
"Teka.. Trev.." kumunot ang aking noo.
Tama ba tong nakikita ko?
"This is the water that we retrieved from our first mission. The water stolen by the thief." pinakita niya sa'kin ito.
"Akala ko binigay nyo'to sa council?" tanong ko sa kanya.
"I may have sent a fake one." nagkibit-balikat siya. "...because I knew there will come a time that we might need it."
Napangiti ako.
Hindi na ako magdududa nyan. Lalo na pag gawa ng lalaking 'to. Lagi naman talaga silang ganyan.
The Alpha Way nga naman.
Naalala ko tuloy yung nangyari bago naganap ang unang digmaan sa Academy.. hindi ko alam kung ilang buwan na ang lumipas pero natandaan ko kung gaano ko sila hinangaan sa mga panahong yon.
Hmm...
"Pero kailan naman natin kakailanganin to?" nagtaka ulit ko.
Kasi sabi niya.. kakailanganin namin to. At ngayong inilabas na nga niya ang vial.. para sa'n naman?
"Drink it."
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Ano? Ito? Iinumin ko? Baliw na ba siya? Eh sa pagkakaalam ko tubig ito mula sa mga ilog ng Underworld!
Inabot ko sa kanya yung vial pero hindi niya ito tinanggap.
"Trev. Bumalik na tayo..." hindi na ako komportable dito.
Gusto ko nang umuwi...
Hinahanap na kami ng iba...
"Cesia.." naramdaman ko ang palad niya sa aking pisngi. "Can you trust me again?"
"Trev." lumayo ako sa kanya. "A-anong pinagsasabi mo? Hindi ko iinumin to."
Napakaraming tanong ang lumabas sa isipan ko. Gusto kong tumakbo pero hindi ko siya kayang iwan dito. Lalo na't hindi ko alam kung ano yung nangyayari sa kanya.
Kinuha niya ang vial mula sa aking kamay.
Sa laking gulat ko, ininom niya ito dahilan na matampal ko ang vial mula sa pagkakahawak niya.
Tinignan niya lang ako.
Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin kaya't napahakbang ako paatras.
"T-trev.." kanina ko pa binabanggit ang pangalan niya pero hindi pa rin siya humihinto.
Kinakabahan na ako...
Nanlaki ang aking mga mata nang hatakin niya ako papalapit sa kanya. Nagpupumiglas ako mula sa kanya dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa'kin.
"Trev.. p-please-" Saka ko naramdaman ang kanyang labi na dumampi sa labi ko.
Napasinghap ako.
Gamit ang isa pa niyang kamay, dahan-dahan niyang binuksan ang aking bibig at naramdaman ko ang pagdaloy ng tubig sa aking lalamunan na kusa kong nilunok.
Marahas ko siyang tinulak.
Hindi ako makahinga habang nakatayo sa harap niya.
Ewan ko kung anong nangyayari sa'kin.
"T-trev.." tinignan ko siya. "A-anong ginawa mo.."
Bakas sa kanyang mukha ang lungkot. Hindi ko siya naiintindihan.
Tila nawawala na ako sa sarili ko.
"Trev!" halos mangiyak-ngiyak na ako sa kinatatayuan ko. "Anong ginawa mo sa'kin?!"
Napaatras ako.
Hindi ako makatayo ng maayos. Nahihilo na ako. Unti-unti nang nandidilim ang pananaw ko...
Shoot.
"T-trev.." humagulgol ako ng iyak. "Sagutin mo'ko..."
Huminga siya ng malalim bago magsalita.
Parang ang kalma niya lang habang tinitignan ako na nagkakaganito.
Ba't nga ba ganito... ba't ganito ang naabutan ko..
"Find Mnemosyne." tinulak niya ako ng mahina.
"Find her so you can go home... Cesia."
Huli kong narinig ang boses niya bago bumigat ng tuluyan ang mga mata ko at naramdaman ang aking sarili na nahuhulog.
Segundo... minuto.. oras... wala akong kamuang-muang kung saan ako babagsak.
Hindi ko rin alam kung bakit...
bakit ako nahuhulog.
Pagkatapos...
'I'm very sorry Ms. Young but you are being expelled from the Academy...'
'Po?!?! Pa'no po yun?'
'Aside from having 58 consecutive lates, We have also noticed your constant sluggishness especially during class, and we can't tolerate that..'
'I-I apologize Sir, pero eto lang po ang school na maaafford namin ng tita ko at di ko po kayang ma expell. Please do give me a chance... promise. I won't be late or tardy anymore.. just please... I need to graduate para makaahon po kami at magkatrabaho ako. Please nama-'
'We're so sorry. Here's the letter. Give it to your aunt. We can't do anything for this case so just pick up that letter and...
Go home'
Go home...
Go home... Cesia.
Nagising ako sa tunog ng alarm clock.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top