My Name

Dio's POV

"Umaga... tanghali.. hanggang ngayon.. they're really stepping up their game." ginulo ni Seht ang kanyang buhok.

"Okay ka na tol? Gusto mo na bang kausapin si Kara?" hinihimas-himas ni Chase ang likod ko.

Nasa bar kami ngayon. Hindi ko alam kung bakit napasama kami sa planong ito ni Chase

Wala naman kaming ibang magawa simula kaninang umaga dahil ayaw pa rin nila kaming kausapin.

I don't know what's wrong with girls and their friendship. Mahirap naman talaga silang intindihin. Tsk.

Sinenyasan ko ang bartender na satyr to hand me another shot. I can't even remember how much I drank.

I stopped counting after... twelve.

"I think this is not a good idea Chase. Nahihilo na ako." sambit ng anak ni Apollo na katabi ko rin. The rest of them were silent maliban nalang nitong si Chase na pinipilit akong puntahan si Kara.

Napatingin ako sa orasan na nakadikit sa itaas and found out it's already 9:30 in the evening.

Damn.

The girls are really taking this to another level. Buong araw silang hindi nagpakita sa'min. Even after we looked like crap yesterday night.

Are they trying to prove how they don't need us?

Or how we need them?

"Amputcha bro mag-usap nalang kasi kayo!" hindi na nakayanan ni Chase ang kanyang galit.

It smells of alcohol and ambrosia here and I feel like it's slowly affecting me.

"Sa tingin mo madali lang?" I gave him a piercing look.

His way is different from mine. Hindi ako katulad niya.

Tumayo si Seht "That's because of your pride Dio. Tch. Kung nakipag-ayos ka lang edi sana-"

Before he could even complete his sentence, my fist connected to his face.

"The fuck was that for?!" blood trickled on the edge of his lips. Tinignan niya ako like I should regret what I just did.

But I fucking don't.

I received a sharp blow on my cheek dahilan na mawalan ako ng balanse. Good thing and I only ended up sitting on my chair.

"Masamang plano nga 'to-tumigil na nga kayo PUTA NAMAN OH! Pati dito-" pinigilan ni Chase si Seht.

I just grinned while feeling the sting on my upper jaw. Nagising ako dun ah. Tsk.

I was about to give in to my anger and throw the heaviest punch when I heard the thunder crackling from outside.

Nilingon ko si Trev. His emotionless face shows dominance over everything else.

I hissed. "You think that could scare me?"



Cesia's POV

"HAHAHA! So ayun nga wala siyang natamong sagot mula sa'kin!"

Nakangiti ako habang nakikinig kay Art. Ito na talaga yung huling dinner namin sa mortal realms dahil bukas ng umaga, babalik na kami sa Academy.

Ayoko ngang bumalik kasi maayos na yung lagay namin dito pero kailangan.

"Hey, the report says a storm surge is coming up... ikaw na ang maghanda ng generator."

Sumingkit ang aking mga mata nang marinig ang ibinulong ng isang babae sa waiter na siyang nagseserve ng orders namin sa lamesa.

Storm surge?

Biglang nawalan ng kuryente kaya't napasinghap ang ibang customers. Narinig rin namin ang umalingawngaw na tunog mula sa labas.

Huh. Kinutuban nga naman akong may mangyayaring ganito.

Hindi na namin kinailangang magsalita at sabay-sabay na tumayo.

•••

Tinignan ko si Ria na nasa himpapawid. Tumatakbo kami habang sinusundan siya.

Patagal nang patagal, mas lumalakas ang ulan. Napakasakit na ang mga tama nito sa balat kaya't binilisan ko ang pagtakbo.

Dapat matigil na'to.

Muntik na akong matamaan ng lumilipad na trash can. Mabuti nalang at mabilis akong nakaiwas.

"Iiiihhh!! Ayoko nitoo!!" sigaw ni Art.

"TANGINA. Kaya kinabahan ako nun eh-"

Hindi ko gaanong naririnig ang mga boses nila dahil sa lakas ng hangin. Konti nalang talaga at matatangay na ako.

"I can't fly any closer." humihingal si Ria pagkatapos bumalik sa dati niyang anyo.

Huminto kami sa boardwalk. Tanaw mula dito ang makakapal na ulap na nagsasama-sama sa ibabaw ng tubig.

Bumaba ang aking mga mata kina Chase at Seht na nasa baba at basang-basa. Inalalayan silang dalawa ni Cal at pinaupo.

Humarap ako kay Kara. "Paano na sina Dio at Trev?"

Alam ko na kung nasaan sila. Nasa likod sila ng mga ulap na nasa gitna ng dagat. Kaso di ko alam kung paano namin sila makakausap ng matino.

Si Ria nga di na makalapit.

Agad naging ginto ang kulay ng kanyang mga mata. Kasunod nito ay ang pag-iba ng aming kapaligiran. Nasa field na kami ng Academy.

Nakita ko yung dalawa na nahulog mula sa itaas. Bago pa nila matuloy ang kanilang away, pumagitna na kami ni Kara.

"You know what Dio? We are so going to talk about this. Whether you like it or not." marahas na hinablot ni Kara ang kamay ni Dio saka sila naglakad papalayo sa'min.

Napailing ako nang maamoy ang pinaghalong liqour at ambrosia mula sa kanila.

Kaya madali silang naipasok ni Kara sa trance kasi lasing ang mga lalaking 'to.

Aish.

Tinignan ko ang anak ni Zeus na namumula ang pisngi at kanina pa nakatitig sa'kin.

"You look like someone I would like."


Matagal na nagsink-in sa utak ko ang sinabi niya.

"T-trev!" nabulunan ako dahil kung anu-ano nalang ang lumalabas sa bibig niya.

"Say my name again."

Hindi ko alam kung ano dapat ang magiging reaksyon ko pero unang lumabas sa aking isipan na nakainom nga pala siya kaya siya nagkakaganito.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Son of Zeus."

"Tsk."

Gods. Iba talaga pag siya na eh. Kung makaasta parang di siya yung dahilan ng bigla-biglaang storm surge.

"Para kang bata. Ba't mo pa kasi pinatulan. Ayan tuloy. Alam mo bang magtataka ang PAG-ASA dito? Kung bakit hindi nakaschedule ang bagyo na ginawa mo?" Hindi ko napigilan ang aking sarili na magsermon. "Gawan pa talaga ng bagyo Trev?!"

Mababaliw na nga ako sa kanya. Lalo na't nakita kong hindi nagbago ang ekspresyon niya. Nakikinig ba siya? O nag bibingi-bingihan?

"You said my name again."

And tignan mo nga naman. Yan lang yung concern niya. Sa lahat ng sinabi ko yung pangalan lang ang tinuunan niya ng atensyon.

"Bakit? Ano bang meron kung sinabi ko yung pangalan mo?" I just sighed. Ang lalaking 'to.

"I don't know..." sumeryoso ang mukha niya. "I feel like you might need it someday."

Hays. Kanina pa talaga to eh. Walang patutunguhan ang pag-uusapan namin. Psh. Kapag nalaman ko kung kaninong desisyon 'tong inuman nila ipapakain ko talaga kay Cetus ang taong yon.

"I'm serious, Cesia. You were meant to have someone to protect you."

Napatigil ako pagkatapos marinig yon.

Sinong dapat protektahan? Ako?

"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot-noo kong tanong. Naguguluhan kasi ako sa kanya. Sinabi niyang seryoso siya pero wala akong naiintindihan sa pinagsasabi niya.

Nag-antay ako sa susunod niyang sasabihin. Kinakabahan ako kasi pakiramdam ko alam niyang may masamang mangyayari sa'kin.

Tinatakot niya ba ako?

Kung intensyon niyang takutin ako edi nagawa niya nga.

"Daughter of Aphrodite."

Napatingin ako sa kanya.

"When the time comes that you won't have the strength to say your name..."

"say mine."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top