More than Blessed
Ria's POV
"It was a misunderstanding." bulong ni Kara sa'kin.
"Ahh..." tumatango-tango ako. Kara explained Dio's side. They were able to reconcile in a trance after the... storm surge incident.
"Cal naman iihhh!!!"
Itong si Art naman kapit nang kapit kay Cal habang naglalakad kami patungo sa levitating platform ng Academy.
"Gusto mo bilhan kita ng stickeeers? Yung ano.. or yung kape na may mukha ni Bubbles?" Art pouted. "CAAALLL!! HUHUHU!"
Hindi siya pinapansin ni Cal na seryosong nakatingin sa harap.
"Di ka galit sa'kin Seht?" nakanguso rin si Thea.
"Nah." sagot ni Seht. "You get mad at me when I get mad at you so what's the point?"
"Galing ah! Kilalang-kilala mo talaga ako. Ang sweet naman ng anak ni Apollo!" Thea clinged to his arm and began teasing him. Sinusundot-sundot niya ang tagiliran ni Seht dahilan na matawa siya ng marahan.
Napailing ako.
Gods.
Can they chill for a moment?!
Para lang silang pinaghiwalay sa loob ng napakaraming taon.
"Alam ko na kung anong dapat mong gawin para makabawi sa'kin." siniko ako ng katabi ko.
"Shut your mouth Chase." pagbabanta ko sa kanya.
Umaandar na naman yang pagiging hangin niya. Sa oras na sabihin niyang-
"Sabayan mo'kong bumili ng ice cream."
Nabigla ako sa sinabi niya. I don't know what I should feel. Gusto kong mainis dahil ang kapal ng mukha niyang mag-assume na babawi ako sa kanya...
but when he mentioned ice cream...
"Okay." maikli kong sagot.
"Psh. Hahaha!" humalakhak siya at naunang pumatong sa platform.
A smile made way on my lips while looking at the Academy. Behind it are its huge golden wings moving swiftly.
Sino nga bang mag-aakala na isang lumilipad na palasyo ang magiging paaralan namin.
Certainly not me.
Nakapatong na kami sa platform nang mapansin ko ang anak ni Aphrodite na nakayuko.
She's awfully silent the whole time. I wonder what else happened inside the trance?
Kumunot ang aking noo nang makarating na kami sa harap ng Academy.
"The hell is that?" ganoon din ang reaksyon ni Dio.
Dumiretso kami sa lobby. Tinanong ko ang isang aurai.. KUNG BAKIT MAY UMIIYAK NA BABAE KAMING NARIRINIG.
"E-excuse me?" tinanggal niya ang kanyang suot na earplugs.
"Sira ba ang speakers natin?" tanong ko.
Umiling siya. "I'm terribly sorry but we don't know what's going on either." Binalik niya ang kanyang earplugs at tinuro ang direksyon patungo sa office.
I can hear a woman screaming and wailing. Nag e-echo ang kanyang iyak sa buong Academy!
Pumasok kami sa office at nadatnan sina Kaye at Matilda kasama ang ibang amazons at huntres.
"Ano yun?" tanong ni Art.
Nagbuntong hininga si Matilda. "Demeter was kidnapped by the rebel deities and she left her daughter all alone."
Lahat kami ay nagulat sa sinabi niya. "A-ano?!"
"Persephone... we just got here at dumiretso siya sa temple ng kanyang ina para umiyak." si Kaye ang sumagot.
"You mean nandito siya sa Academy? Like right now? Crying?" It seemed to me that a goddess crying in our school was never meant to happen.
Magkasabay silang tumango.
I flinched when I heard her scream again.
Kapag ganito siya buong gabi, paniguradong walang makakatulog sa'min.
"Hala.. ang kawawa naman nung stepmommy mo Cal..." napailing si Art.
An hour passed and I found myself listening to the goddess' cry again. This time, nasa dorm na kami at kasama ko ang girls.
"AYOKO NA! HUHUHU!" umiiyak si Art nang lumapit sa'min sa kusina.
Kumakain kami and GODS. I CAN ONLY HEAR A WOMAN WAILING.
Sumasakit na yung ulo ko!
"Hindi ako makakapanood ng maayos nito iihh!!" sinubsob niya ang kanyang mukha sa PPG Plushie na dala niya.
Sa dinami-raming deities na pwedeng kidnapin ng mga rebels, si Demeter pa na may pinakamaingay na anak.
Daig pa niya ang isang bata na naligaw sa mall at hinahanap-hanap ang mama. Tinignan ko sina Cesia na kumakain at tila hindi naaapektuhan sa pangyayari.
Yun pala, nakasuot rin silang dalawa ni Thea ng earplugs.
Kinalabit ko si Cesia. Tinuro ko ang aking tenga at sinenyasan siya na bigyan rin ako.
Tumango siya bago kumuha ng earplugs mula sa kanyang bulsa at iniabot ang mga ito sa'kin.
Dali-dali ko itong sinuot.
Ayan.
Wala na akong naririnig.
Pagkatapos kumain, pumunta na ako sa aking kwarto. Since nagrereport pa yung boys, matutulog nalang ako ng maaga.
Humiga ako.
Okay na sana.
Okay na okay na yung lagay ko sa higaan.
Nang biglang- 'MMMMMAAAAAMMAAAA!'
Narinig ko ang boses ni Persephone sa aking isipan. It was even worse because it was the loudest than ever.
Napaupo ako. "The fuck."
Tinanggal ko ang ear plugs and I can hear her voice echoing. Tumayo ako saka lumabas. Nagsilabasan rin yung iba sa kani-kanilang kwarto.
"Nabwisit ako dun ah!" hiyaw ni Thea.
"IIHHHH!!!!!" tinakpan ni Art ang kanyang tenga gamit ang dalawang unan.
"How can we sleep with this?" tanong ni Kara.
"N-nagulat ako." nanginginig na sambit ni Cesia.
Napagdesisyunan naming magsama-sama sa sala. With frustrated looks, bumagsak kaming lima sa sofa.
"Cesia. Maawa ka. Huhuhuhu. Wala ka ba talagang magagawa?" niyuyugyog ni Art si Cesia.
She sighed. "Gusto ko sanang tumulong pero... nararamdaman ko kasi yung nararamdaman niya eh. Walang makakapigil sa kanya."
"AYOKO NAAA!!" tila nabaliw na si Thea dahil sa napakagulo niyang buhok.
"Naalala mo nung... sinubukan kitang pakalmahin Art?" nginitian niya si Art. "Yung una mong supreme divination?"
Art nodded in response.
"Ganyan rin naramdaman ko.. kaya naiyak ako nun. Gusto kong tumulong pero.." naging malungkot ang kanyang ngiti. "ito din yung time na namatay yung auntie ko. Kaya... hinang-hina ako."
I heaved a deep breath as I remembered that moment. Maybe others will not realize it but that was the time I knew that Cesia was something else.
Cesia.
Art killed her aunt.
Pero nagawa pa rin niyang gamitin ang meron siya.
It was subtle. I know.
But for everyone that participated in that battle, it was everything.
While waiting for Cesia to calm Art down, naiyak na nga ako dahil sa sobrang hapdi ng aking balat dulot ng init.
The amazons.. hunters... pati na rin ang ibang demigods na nakasama namin. Our healing abilities were not fast enough to regenerate our skin.
But guess who actually stepped inside the most dangerous zone just to talk to the daughter of Apollo.
That's right.
It was her.
Napangiti ako habang nakikinig kay Cesia.
Kagaya ng sinabi ni Harmonia, we are more than blessed to have her. The mortal realms is graced by the Goddess of Love.. and whoever is Cesia's other deity.
"Siguro nga.. ganun din yung naramdaman ni Persephone ano? Kala ko rin kasi nun eh wala na si Cal.. kaya.." sumandal siya sa balikat ni Cesia.
"Actually... di ko naman magagawa yon kung di ako pinilit ng ibang Alphas-"
Sabay kami ni Kara na napatingin sa kanya.
"Joke lang." natawa siya. "Voluntary talaga yon. Peace."
Gumaan ang pakiramdam ko the moment I heard her genuine laugh. I leaned my head on the back of the couch and closed my eyes.
Ang sarap pakinggan ng boses niya.
"Napamahal na talaga ako dito. Pati sa dorm na 'to... yung time na nakatulog rin ako dito tas una ko kayong nakita.."
Napahikab ako.
Her voice filled my head like honey dripping from a honeycomb.
"Di ko makakalimutan ang unang araw na nakilala ko kayo..."
And just like that.
I finally got to sleep.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top