Missing Voice

Cesia's POV

Pumalakpak si Art nang makita sina Ria at Kara na may dalang mga pagkain. Napagdesisyunan naming mag stop by muna dito sa isang fast food chain para kumain.

Nakarating kami sa mortal realms after seven hours ng byahe kaya syempre magugutom kami.

Habang kumakain, nararamdaman ko ang mga titig ng ibang tao. Isa ata sa dahilan ay ang mga buhok nina Ria at Art na talagang nag s-stand out.

"So ono gogowon noton ngoyon?" tanong ni Art na may pagkain pa sa bibig.

"You've seen the picture of the oracle right? We have to look for her in a nursing home." sagot ni Ria.

Dalawang lokasyon lang ang ibinigay nila sa'min. At yun ay ang nursing home na tinutukoy ni Ria at ospital kung saan doktor doon si Seht.

"Kailan nga pala tayo magsisimula?" tanong ko.

Kung hindi ako nagkakamali, dapat bukas. Alam ko kasing pangangalap ng impormasyon ang gagawin namin the first day. Dapat muna naming malaman ang working hours ng nursing home at kung sino ang nagpapatakbo nito.

In short, nakalaan ang unang araw ng misyon para sa background information.

"Tomorrow." ani Kara.

Pagkatapos kumain, bumalik na kami sa sasakyan saka tumungo sa hotel kung saan kami titira sa susunod na mga araw.

Dalawang rooms daw ang meron. Isa para sa boys at isa naman sa girls. Mas mabuti nga kung ganon para di kami mahirapan na deadmahin sila.

Tinulungan kami ng isang staff na siya ring sinundan namin patungo sa room.

Pagbukas ng elevator, bumungad sa'min sina Chase at Seht na kanina pa ata kami hinihintay.

"Ba't ang tagal niyo?" tanong ni Chase nang makalapit sa'min.

Napangiti ako dahil wala kaming narinig na sagot mula sa isa sa'min. Inulit nga ni Chase ang tanong niya pero wala pa rin.

"Teka nga."

Napatigil kami dahil bigla niya kaming hinarangan.

"Sagutin nyo nga ako." nakahalukipkip siya.

Nagbuntong-hininga lamang si Ria. "We stopped by to eat. That's all. Now if you'll excuse us." Tinulak ni Ria ng mahina si Chase saka nagpatuloy sa paglalakad.

Napailing si Kara nang makarating kami sa harap ng pinto. Bago pa kami makapasok, narinig namin si Chase.

"Hindi niyo man lang kami binilhan?"

Natawa ako ng mahina saka sinarado ang pinto. Medyo simple lang ang deal namin na magbigay ng little attention as much as possible sa boys.

Pero nakikita ko na agad kung gaano kalaki ang impact nito sa kanila.

"Tignan niyo oh! May phones tayo! Iihh!!" napatili si Art.

Napanganga ako nang inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng room na kasinglaki ng isang penthouse.

Saka napadako ang aking tingin sa mesa kung saan nakalatag ang limang cellphones. Kinuha ko yung isa na may nakalagay na pangalan ko sa lockscreen.

"Kailangan ko lang palang  mag enroll sa Olympus Academy para makakuha ng bagong cellphone... galeeeng!" lumiwanag ang mga mata ni Thea.

Naglalaro ako sa bagong phone ko habang nakikinig kay Thea. Tinuturuan niya kasi sina Ria kung paano gamitin yung phones nila.

Biglang may nag pop-up sa screen ko. Nabasa ko ang pangalan ni Ria.

Nakainput na pala sa contact yung mga numbers namin...

'Nod if you received this.'

Tumango ako.

Kasunod akong nakatanggap ng isang text mula kay Art.

'Meow.'

At huli kong nabasa ang message ni Kara na walang ibang laman kundi isang tuldok lang. Yun lang talaga ang sinend niya.

Ilang segundo ang lumipas at may notification na naman ako.

'Kara sent you a link'

Pinindot ko yung link at agad nagbukas yung website ng nursing home.

Napakurap-kurap ako.

Ang bilis nun ah.

Binasa ko ito at napag-alamang marami palangg natanggap na awards ang nursing home na pupuntahan namin dahil sa magandang serbisyo at napakahusay na staff nila doon. Ito din yung palaging ni-rerecommend ng iba.

Napahinto ako sa pagbabasa dahil biglang lumabas ang pangalan ni Chase.

'Nagtatampo kami kasi di niyo kami binilhan ng pagkain.'

May umiiyak pa na emoji sa huling part ng sentence.

Mukhang nakatanggap kaming lima ng message niya dahil nagpalitan kami ng tingin.

Napangiti ako at hindi nagreply.

Ilang oras ang lumipas at natagpuan ko ang aking sarili na nag install ng camera app kung saan pwedeng malagyan ng kung anu-ano ang mukha. Katulad nalang ng mga paru-paro.. tas flower crowns at marami pang iba.

"Hala Cesiaaa! Yan ba yung anime eyes at flower crowns?!" sumilip si Art sa screen ko pagkatapos magselfie.

Tumango ako. "Gusto mo lagyan rin kita ng ganito?"

"IIHHH!!!" napapikit kami dahil sa tili niyang napakasakit sa tenga. "Sige! Sige!"

Nagdownload ako ng kaparehong app sa phone niya. May kutob talaga akong gagamitin niya ito kay Cal.

"We'll have to go there tomorrow after lunch." seryosong tugon ni Kara. "I already made a reservation for a visit through their site."

Sabay-sabay na tumunog yung phones namin.

'Trev sent you a photo.'

Pinindot ko ito at nakita ang picture ng oracle na hahanapin namin.

'Dinner later.'

Binasa ko ang pangalawang text niya.

"Okay Cesia. Ikaw na ang magsabi sa kanya na di tayo sasabay sa kanila." sambit ni Art.

Napabuntong-hininga ako nang makita silang lahat na nakatingin sa'kin. Ito na nga sinasabi ko. Ako ang gagawin nilang shield mula sa lalaking to. Gods.

'No thanks. May lakad pa kami mamaya.'

And send.

Tahimik kami habang naghihintay sa reply niya. Natatawa ako kasi ramdam na ramdam ko ang tensyon nila.

Ganyan ba talaga ang dating ni Trev sa kanila? Ibang-iba kasi sa'kin eh.

Agad kong binasa ang reply niya nang tumunog ulit ito.

"What did he say?" halatang napipikon na si Ria.

'Ok.'

"Ok." sagot ko.

Magkasabay pa silang nagbuntong-hininga out of relief dahilan na matawa na nga ako.

•••

Nasa restaurant kami sa hotel kumakain.

Wala naman akong napapansing kakaiba maliban nalang sa mga aurai na waitresses.

Kitang-kita ko nga mula dito ang nakatiklop nilang mga pakpak.

"I heard this hotel is owned by an alumnae of our school... a descendant of a minor god I think." pagbibigay-alam ni Ria.

"Hindi ba nila nakikita yung mga pakpak nila?" nakatitig si Thea sa mga aurai.

Umiling si Kara. "The mist affects the eyes of those apart from our mythological realm."

Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita ulit. "So if you were running around with your weapon Thea, they will see something else and not a huge golden labrys. A golf club perhaps? Or a mortal object."

"Edi sana dinala ko yung weapon ko. Pinaayos ko pa kasi ito kay Bo eh.." ngumuso si Thea.

"No need." biglang lumutang ang isang espada sa kamay ni Ria. "Just watch this." Saka niya ito hinulog sa carpet.

Isang customer na dumaan sa table namin ang unang nakapansin nito. Nagulat ako nang pinulot niya ang espada at napatingin sa direksyon namin.

"You play baseball?" tanong niya sabay abot nito kay Ria.

"Nah. This is for my brother." nginitian siya ni Ria. "Thanks."

"No problem. Just make sure to hide that. You're not allowed to bring any sport equipments in the restaurant." paalam ng lalaki saka dumiretso sa counter.

So baseball bat yung nakita ng lalaki kanina?

"But if it's something really unusual then the mist can't do its job properly. That is why, we need to avoid causing huge troubles that can get massive attention." pagpapaliwanag ni Kara.

Ang sabi nga nila, mahalaga daw ang mist dahil ito ang naghihiwalay ng mortal realms mula sa mythological realms.

Sa pagkakatanda ko, si Hecate ang goddess of the mist. Ayon rin sa greek myth, isa rin siya sa pinakamagandang goddesses. May dark edge nga lang yung beauty niya kaya madali siyang nadidistinguish sa iba pang deities.

Atsaka... makapangyarihan siya. May iba ngang gods na kinatatakutan siya.

"Art..." bulong ko sa aking katabi.

"Mm?" napatingin siya sa'kin.

"Gaano ba kalakas si Hecate?" tanong ko.

"Umm.." nag isip-isip siya saglit. "Napakalakas. Ayaw nga ng ibang olympians na makaharap siya."

Simula nung inutusan ni Aphrodite si Hecate na bumalik sa Underworld, hindi ko na ulit naririnig ang boses niya.

Parang naglaho na nga siya ng tuluyan.

Hmm...

Di kaya siya naapektuhan ng husto sa ginawa niya kay Hecate?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top