Left

Art's POV

"Waahhh!!" tumatalon-talon ako dito sa napakacute na mga kalye ng Plaka District. Feel na feel ko yung Greek vibes mula dito!

Pagkatapos naming mag-almusal, pumunta kami sa Hadrian's Library atsaka sa Temple ni Zeus. Tapos andito kami para maglunch!

Ang ganda dito kasi ancient pa yung architecture ng mga bahay at napakacolorful!

Pumunta kami sa isa sa mga cute na resto.. or cafe or nakalimutan ko na anong tawag dito. Ano ba yun. Tavern ba? Basta.

Nakaupo na kaming girls sa iisang mesa katapat nung sa boys! At yung isang assistant na ipinadala ni Fernando, nagpakalonely sa isang table.

Dumating na yung in-order ni Ria para sa'min.

Oo. Si Ria talaga nag-order ng LAHAT. Hinayaan nalang namin siya kasi support support!! Ayaw naming masira to ihh! pinaghandaan niya to!

At ang napapansin ko lang ah...

andaming pandesal na may iba't-ibang palaman.

Ang sarap din ng Greek coffee!

Sina Bubbles kaya? Dalhan ko sila ng pagkain?

Hindi ko alam kung paano pero nakarating kami sa topic tungkol kay Trophonius. Nakikinig lang ako sa kanila nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaki na nakatayo sa may di kalayuan.

Kumunot ang noo ko.

Nakasuot siya ng maitim na cap kaya di ko makita ng maayos ang hitsura niya.

"Art?"

"Bakit?" tinignan ko si Ria na kanina pa pala ako tinatawag.

Bumalik ang mga mata ko sa kinatatayuan nung lalaki kaso nawala na siya. Wah.

"Did you have any visions about Trophonius?" tanong niya.

Umiling ako. Kaunti lang talaga ang visions ko simula nung makabalik ako. Nag b-brainstorm nga kaming tatlong elysian oracles pero wala pa rin. IIHHHH.

Si Kaye, ang alam niya lang ay yung naririnig niya dati mula sa mga rebels.

Si Matilda, alam nga niya yung meaning ng first and second prophecy pero tapos na naman daw yun ihh! Nangyari na.

Dapat ako tong malaki ang ambag sa paghahanap ng hints sa mangyayari... huhuhu. Bakit ganon.

Ayy! alam ko na kung bakit.

Yan kasi si Mnemosyne!! Tawag ako nang tawag sa kanya habang nasa Elysium pa ako pero di pa rin nagparamdam.

Alam ko kasing may mali.

May mali sa kwento ng mga rebels na nagsimula daw ang rebellion dahil sa titan goddess. Nakakapagtaka kasi lahat ng mga dahilan nakaturo sa kanya. Ang ginawa lang niya naman ay magmahal.

Kasalanan bang magmahal?! Ha?? HAA?! KASALANAN BA YON?!

Hindi ako naniniwalang si Mnemosyne ang puno't-dulo ng gulo.

Hindi ko pa siya nakausap.. pero.. feel ko lang talaga.. hihi.

Humiwalay na kami sa boys dahil pupunta daw sila sa temple ni Zeus. Kami naman, syempre bibili ng souvenirs! Magme-meet nalang daw kami mamayang gabi sa Monastiraki Square.

Bitbit ang nabili namin, tatawid na sana kami nang tumigil ang isang puting van sa harap namin. May limang lalaki na lumabas at agad-agad kaming hinatak papasok nito.

Sa tingin ko itong lalaki na mahigpit na nakahawak sa braso ko ay yung nakita ko kanina na nakatitig sa'min.

"Kinikidnap ba nila tayo?" tanong ni Thea.

"Waahh!!! Kinikidnap nga nila tayo! Amaaziing!!" sambit ko nang makaupo ako sa loob. Hindi natuloy ang palakpakan ko dahil nakatali na ang mga kamay ko sa likod.

Sinarado ng isa sa kanila ang pinto at dumiretso na sa pagtakbo yung sasakyan.

May sinasabi sila pero di ko maiintindihan kasi Greek ata yung language...

"Call.. call your friends!" marahas na inabot ng lalaki ang phone kay Cesia na nakatingin lang sa kanila.

"Ask for ransom!" sigaw nito.

Tinanggap ni Cesia yung phone at nilingon kami. "Teka. Wala naman tayong dalang phones diba?"

"Yeah. Anyone remember that assistant's number?" tanong ni Kara na hindi ata na impress sa poor performance ng mga kidnappers.

Ibinalik ni Cesia ang cellphone. "We forgot the number... sorry."

Agad humalakhak si Thea sa kanyang upuan dahilan na magtaka ang mga kidnappers namin.

"What do you mean? We will kill you!" sigaw ng katabi ni Cesia.

"Huh." tinignan ni Cesia ang lalaking nakablack mask. Tila hindi umepekto ang sinabi niya sa kanya.

"Yeah. And I will hurt you first!" pananakot ulit nito kay Cesia.

"HAHAHAHAHAHA!" sabay kaming apat na natawa nung sabihin ng kidnapper yon.

Uunahin niya si Cesia?

Waaahh! Magic!

"HAHAHA-yoko na! Ampotek! Good luck dyan." ani Thea.

"Panindigan mo yan kuya ah!" sabi ko sa kanya.

"Hahaha careful boy. A son of Zeus might descend from the sky and drag you down to Tartarus." dagdag ni Ria.

BWAHAHAHA! Tama! Tama! Pag narinig yon ni Trev lalayo na talaga ako dito. Magtataka lang sila kung bakit magsisitakbuhan kami.

Nagbuntong-hininga si Cesia at napailing. "Just give us a free ride to Monastiraki Square."

Napakapit ako sa katabi kong kidnapper nang biglang lumiko yung van sa ibang direksyon.

Naglabas yung isa ng baril at tinutok ito kay Cesia.

"Hala! Naku kuyaaa!! Wag yang babaeng yan! HUHUHU!!!" nag-aalala kong tugon sa kanya.

Basta ah. Binalaan ko na siya pag may ginawa siyang masama sa babaeng yan.

Sinisigawan ng mga kidnappers ang driver nila na parang nakadrugs at nakatuon lang sa harap. Wala talaga akong naiintindihan sa sinasabi nila pero... hahayaan nalang namin sila hanggang sa makarating na nga kami sa Monastiraki.

Hihi.

"Well may free ride naman pala tayo! This isn't bad after all." tuwang-tuwa pa rin si Ria.

Oo nga! Wieeee!!

Lumabas na kami ng van pagkaraan ng ilang minuto.

Okie na. Nakikita ko na ang napakagandang lights na pinapalibutan ang lugar. Sobrang dami rin ng mga tao!

"Salamat pooo! Thank you!" nagpasalamat ako sa kanila dahil hinatid nila kami.

"Go to the nearest police station and confess all your crimes." huling utos ni Cesia na agad rin naman nilang sinunod.

Napangiti ako nang makita yung boys na nasa gitna natayo at naghihintay sa'min.

Tumakbo ako sa kanila.

"Hihihi. Sorry kung late kami ah! Kasi kinid-"

Mabilis na tinakpan ni Ria ang bibig ko. "We stopped by the hotel to drop the souvenirs we bought."

Tinanggal na ni Ria ang kamay niya. Binelatan ko siya pagkatapos. Hmp. Ba't ayaw niyang sabihin ko yung nangyari talaga?

Nagsimula na kaming maglibot-libot sa lugar. Nasa huli kaming dalawa ni Cesia kaya nakikita ko kung paano nagliliwanag ang mga mukha nila kapag may nadadaanan silang stall.

Kapag ba... dumating na yung araw na magkakahiwalay kami...

Nagbuntong-hininga ako.

"Okay ka lang Art?" naramdaman ko ang kamay ni Cesia sa balikat ko.

"Alam mo ganyan din hitsura ko nung sinabi mong aalis ka." Natawa siya at siniko ako ng mahina.

"Alam ko namang di natin maiiwasan ang alam mo na.. ang mga pangyayaring itinadhana talagang mangyari." nginitian niya ako.

Napangiti rin ako saka tumango. Oo nga.

Dapat fighting lang kami kahit gulong-gulo na. Ang mahalaga... mananalo kami sa digmaang 'to.

"Curious nga ako kung anong nasa isip mo at iniwan mo kami." naging malungkot ang kanyang ngiti.

"Gusto mo malaman?"

Tumango siya.

Tinignan ko ang Alphas na nasa harap namin naglalakad.

Naalala ko na. Pumunta nga pala ako sa Elysian Fields para matulungan sila. Hindi para madepress ako katulad ng ginagawa ko ngayon!

"Ang nasa isip ko... kayo lang. Alphas." sagot ko.

Akala ko magtatanong ulit siya pero naintindihan niya naman kaya napatingin rin siya sa kanila.

Ang sakit nga para sa'kin yung naging desisyon ko. Pero alam ko namang para yun sa kanila. Mahal na mahal ko yung Alphas! Huhuhu!

Proud na proud nga ako! Hehe. Nagawa nilang magpatuloy kahit nawala ako saglit.

Nagawa nila yon dahil alam nilang babalik ako.

Totoo naman talaga na sa tuwing may nang-iiwan...

Hindi pa ito ang katapusan.

Kundi bagong panimula na naman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top