In The End

Cesia's POV

Gulong-gulo na ako.

Ano ba ang kaibahan ng death sa mist of death?

Ano bang meron diyan?

Anong ibig sabihin niyan?

"Release me now Achlys!" nag-echo ang mga sigaw ni Nyx. Hindi ko siya nakikita dahil wala akong ibang nakikita kundi ang kulay itim.

Naalala ko ang training naming Alphas sa black hole na yon. Pakiramdam ko nasa vacuum din ako dahil nahihirapan na ako sa bawat paggalaw ko pati na rin sa paghinga.

Umupo ako at ginamit ang aking kamay para itukod sa sahig... o lupa.. o kung ano man ang tawag nitong inuupuan ko.

Yumuko ako para maghanap ng hangin.

"This is the fault of that mortal!" boses na naman ni Eris ang narinig ko. "Where is she?!"

"She should be dead by now, Eris. Do not concentrate on finding her and get us out of here!" utos ni Nyx sa kanya.

Hindi ako gumawa ng kahit kaunting tunog dahil unang-una, ayokong mahanap nila ako at pangalawa, wala na akong lakas para makagalaw dito sa pwesto ko.

Humihingal ako at naliligo na ako sa pawis. Humahapdi rin ang balat ko at may kutob akong sasabog ako dito dahil literal na kukulo ang dugo ko dulot ng init.

Pinikit ko ang aking mga mata at pinakinggan ang boses ni Mnemosyne. Tanging boses niya lang ang dahilan kung bakit gising pa ako. Kung wala ito, edi sana kanina pa ako nagpadala sa bigat ng pakiramdam ko.

'Hold on, child. Do not succumb to the mist.'

Nanghihina na naman ba ako? Wala naman akong ginawa kundi gawin ang tama. Sinubukan kong tapusin ang misyon na'to.

Hindi ako mawawalan ng malay.

Dahil hindi pa ako tapos dito.

'That's right, Cesia. Find your strength... please.'

Ngunit kasalungat ang naramdaman ko pagkatapos niyang sabihin yon. Marahil, napansin ko kung paano nanghina ang kanyang boses sa panghuling salita.

Pati siya kinakabahan sa kinahinatnan ko.

'Wake up Cesia. Open your eyes.'

Kahit buksan ko pa ang mga mata ko, wala pa rin akong makikita kundi purong kadiliman kaya mas pipiliin kong ipikit-

"Agh!" Nakaramdam ako ng pananakit sa dibdib. Napakapit ako dito habang nanlalaki ang mga mata.

Kakaibang sakit.

Sakit na tagos sa puso at kumakalat sa buong katawan ko.

"Oh great. The human is alive!" deklara ni Eris pagkatapos marinig ang iyak ko. "Now, where are you?"

Kinukurap-kurap ko ang aking mga mata habang pinapakinggan ang yabag ng mga paa na papalapit sa'kin.

"Found you." bulong niya malapit sa aking tenga na ikinagulat ko.

Katulad ng dati, hinawakan niya ang leeg ko at pinulot ako. Para akong bangkay sa kanyang kamay dahil ilang segundo lang ang kinailangan niya para i-angat ang buong katawan ko.

Akala ko itatapon na naman niya ako pero hindi nangyari yon dahil binitawan niya lang ako kaya't bumagsak ako.

"I'm gonna have to show mercy and not kill you." sambit niya. "You already weigh like a rotten corpse."

Napabuntong-hininga ako.

'The Mist of Death is a goddess who existed after Chaos. All the things in the world that don't die but end in a certain way is because of her. Everytime a toy breaks, she's there. Everytime rain stops pouring, she's there. When a pen stops working, she's also there. Sounds basic. But do you know what makes her powerful?' bumalik na naman ang boses ni Mnemosyne para maglecture.

'She can stop the ticking of a clock. She can end the lives of mortals with just a glare and lastly, she can trap immortals inside an endless void. She can end immortality by containing it in nothingness. Do you hear me now, Cesia?'

'Mmm. S-salamat.' sagot ko. Nauutal na pati ang boses sa aking isipan.

Parang piniga na kasi ang lahat ng nilalaman ko dahilan na humiga ako na nakayakap sa aking sarili. Pinagsisihan ko kaagad ang ginawa ko kasi pakiramdam ko nakahiga ako sa libo-libong mga karayom.

Kaso wala na akong enerhiya para bumangon kaya... wala na akong ibang choice kundi tiisin yung sakit.

Hinigpitan ko ang pagkayakap sa aking sarili. Nakapikit ako at lumuluha dahil hindi ko alam kung kailan matatapos ang sakit.

"I-ilabas niyo ako dito-" humihikbi ako. "D-di ko na kaya.."

Ang sama nga naman ng tadhana.. ano?

Kanina lang, sa harap pa ni Hecuba, pinangako ko sa sarili ko na magiging mas malakas at matatag na ako... na hinding-hindi na ako manghihina.

"Mnemosyne.." paos na paos na ang boses ko. "Dito nalang ako. Kung ibig sabihin nito... mananalo kami."

'Is this a farewell, Cesia? Your last words?'

Ewan ko kung anong pumasok sa isipan ko at napangiti ako. Nabibilang ko na kasi ang bawat tibok ng puso ko. Bumabagal na ang takbo nito at bumibigat na ang mga mata ko.

Sino ba namang mag-aakalang mamamatay ako na tahimik at mag-isa? Akala ko kasi mamamatay ako sa gitna ng digmaan habang kinakalaban ang mga rebels.

Pero eto ako ngayon.

Nasa malayong lugar at panahon.

Nag e-emote naman.

'Kahit isang beses lang. Isang beses na makita ko sila..' paulit-ulit kong sabi sa aking utak. Nagdadasal na marinig ni Mnemosyne ang aking kahilingan at bigyan nga ako ng pagkakataon na makita sila.

O di kaya kahit iligtas niya lang ako dito, okay na ako.

Mas okay nga siguro yon.

'Child. You're barely breathing.' ani Mnemosyne.

Napangiti na naman ako. "A-alam ko." Naghihintay lang naman talaga ako na may mangyari.

'Cesia... no one can enter the void.' sabi niya. 'Are you expecting someone?'

"Mmm.." dahan-dahan kong tinango ang aking ulo.

'Who?'

Ginamit ko ang aking huling hininga at huling tibok ng aking puso para sa sagot.

"Trev."

Sky.

Dios.

Austria.

•••

"Teka. Patay na ba ako?" tanong ko kay Achlys na nakatayo sa harapan ko at nakatitig sa'kin.

"Say that name again." aniya.

"Anong-" naalala ko ang pangalang binigkas ko bago ako mawalan ng malay at mapunta dito... sa ewan ko bang lugar na'to. Andito pa rin kami sa 'void' na tinutukoy ni Mnemosyne kaso hindi ko na nakikita sina Eris.

"Trev?" hinintay ko ang reaksyon niya.

Umiling siya. "I heard another name."

Anong another name? Pangalan lang naman ni Trev ang sinabi ko. Baka ibig niyang sabihin ay yung- "Sky Dios Austria?"

"The scion." bulong ng goddess. "The scion that manifests the abilities of the mortal realm... the underworld and the heavens... and now, time."

Magtatanong na sana ako dahil naguguluhan ako sa sinasabi niya nang napansin ko ang purple electricity na pinapalibutan ang aking kamay.

Kasabay nito ay ang pag-gaan ng aking damdamin.

Andito siya.

ANDITO SIYA!

"Stay away from her."

Tila preskong hangin ang boses niya para sa'kin dahilan na manumbalik ang aking lakas. Lumingon ako at nakita ko nga siyang nakatayo sa likod ko na nakakuyom ang mga kamao.

"So you're both here..." nakangiti si Achlys. "I had doubts but I knew the real name of one of you..."

"Uhh?" nakakunot ang aking noo.

"It's nice to finally meet the two who get to kill me someday." lumipat ang kanyang tingin kay Trev na nasa tabi ko na.

Sinong papapatay sa kanya? Kami?

"How does it feel... demigod.. to be backed up with Mnemosyne herself?" tanong niya.

Gumapang ang kamay ni Trev sa aking likod at hinila niya ako papalapit sa kanya.

"What are you talking about?" tanong ng katabi kong napakahigpit kung makahawak sa'kin.

I mean, hindi naman ako umaangal.

Hindi sumagot si Achlys at pinanlisikan lamang kami ng tingin. Mayamaya, nagulat nalang ako kasi may ibinato siyang matatalis na mga salamin sa direksyon namin.

Tinulak ako ni Trev kaya't sa kanya tumama lahat ng ipinadala ni Achlys.

Nakatulala ako habang pabalik-balik ang tingin kina Trev at sa goddess.

"Damn. That hurts." mahinang tugon ni Trev nang bumagsak siya. Sinubukan niyang hipuin ang mga salamin na nakabaon sa katawan niya pero napapapikit siya sa sakit sa tuwing gumagalaw siya.

"Trev?" may lumutang na maitim na salamin sa pagitan namin kaya hindi ako nakalapit sa kanya.

"Trev!" sinuntok-suntok ko ang nakaharang sa harap ko habang sinisigaw ang pangalan niya.

Yumuko siya at iniwasan ako ng tingin.

"Trev!" halos itapon ko na yung buong katawan ko para mabasag lang yung salamin.

Mas tumodo ang aking kaba nang makitang hunahakbang papalapit sa kanya si Achlys.

Umiiling-iling ako.

Kung magmamakaawa ba ako, maririnig niya ba ako dito?

"W-wag.." napaatras ako.

'You already called his name.' narinig ko ang boses ni Mnemosyne. 'How about you call the others?'

Anong call the others?

Posible ba yon?

Hindi ko kayang maghanap ng koneksyon dahil sa sobrang layo namin sa isa't-isa.

Imposible yon.

'Cesia. For once. Trust yourself.'

Napalunok ako at nagsimulang hanapin sila. Napasinghap ako dahil narinig ko ang mahihinang tinig nila.

'Alphas.'

Pagkatapos, lumingon si Trev sa kinatatayuan ko na tila hindi makapaniwala.

'Alphas... makinig kayo.'

Tinignan ko ang gintong simbolo na nakaukit sa balat ko. Saka ko inangat ang aking tingin kay Achlys na nakatingin din sa'kin.

'Panahon na para bumalik na tayo.'

Nakaramdaman ako ng kakaibang sensasyon.

Na parang hinahatak ako ng panahon.

Pauwi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top