Helen of Troy

Cesia's POV

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata.

Huminga ako ng malalim.

Panaginip lang yon Cesia. Huwag kang mapraning. Imposibleng nasa panahon ka ng Trojan War. Tas ikaw din si Helen?

HAHAHAHAHA!

Umiiling-iling ako saka sinampal ang aking sarili.

"Aray-" napahawak ako sa aking pisngi.

Okay. So gising na gising talaga ako. Ibig sabihin dapat nasa kwarto ako ngayon sa mortal realms. Dapat kasama ko si Mnemosyne.

Umupo ako at inilibot ang aking tingin.

Napahawak ako sa ulo ko. "Hindi pwede."

Nasa Troy pa din ako!

Itinaas ko ang aking kamay saka sinuri ito. Una kong napansin ang bracelet na ibinigay sa'kin ni Aphrodite. Oh. Andito pa rin yung weapon ko!

Tumango-tango ako.

On a positive note, may weapon pa naman ako. Tama tama. Dapat positive ka lang Cesia. Baka mapagkamalan ka nilang sira.

Ikaw pa naman ang pinakamagandang babae sa buong mundo... ayon sa Greek Mythology. At ayon rin dito, hindi hysterical si Helen.

So dapat...

Go with the flow...

"Gusto niyo pong kumain muna?"

Nilingon ko ang babaeng may inilapag na pagkain sa mesa. Siya yung una kong nakasalubong ko na Trojan bago pa ako nawalan ng malay.

Umiling ako. "Iwan mo muna ako."

"Pinagsabihan po akong wag kang iwan na mag-isa dito sa kwarto." aniya.

Kumunot ang aking noo dahil sa sinagot niya sa'kin. Agad kong inulit ang aking utos pero hindi niya pa rin ito sinusunod.

Napakagat ako sa labi ko at nagsimula na namang kabahan.

Hindi gumagana yung abilities ko dito?! 

"Maayos lang po ba yung pakiramdam niyo?" nag-aalala niyang tanong.

Wait lang.

Sinabi sa'kin ni Mnemosyne na isa sa abilities ko ang makaintindi at makasalita ng kung anu-anong lenggwahe.

Ibig bang sabihin nito abilities lang galing kay Mnemosyne ang gumagana ngayon? At hindi yung abilities ko na nagmula kay Aphrodite?

Paanong-

Ayy. Oo nga pala.

Domain ni Mnemosyne ang time kaya kahit saan pa akong timeline, buhay na buhay pa rin ang mga abilities na namana ko mula sa kanya.

Kaso nakakalungkot kasi hindi na ako makakagamit ng inveiglements. Paborito ko pa namang ability yun.

Nagbuntong-hininga ako.

Nabawasan ako ng abilities pero okay lang dahil suot ko pa yung weapon ko saka... may naiwan pa namang abilities sa'kin.

Ano pa nga ba ang abilities na meron ako sa side ni Mnemosyne?

"K-kanina pa po ako nagtatanong dito.. Nag-aalala na kasi kaming lahat nang malaman naming nahimatay ka." nakayukong sabi ng babae.

"Anong pangalan mo?" tanong ko.

"Agnes Apollonia po." sagot niya.

Hindi niya pa rin inaangat ang kanyang tingin sa'kin kaya napagtanto kong ganito nga siguro ang mga servants noon.

"Agnes... sana maintindihan mo ako pero gusto ko talagang mapag-isa sa ngayon." tugon ko sa kanya.

Nagdadalawang-isip man ngunit sa huli, sinabihan niya ako na nasa labas lang daw siya, nagbabantay at handang tulungan ako kapag kakailanganin ko siya.

Nang makalabas na siya, tumayo ako at tumungo sa bintana para pagmasdan ang nangyayari sa labas. Otomatikong tumigil ang aking mga mata sa mga sundalo na nagbabantay ng gate.

'The City of Troy was a special city because it was protected inside a wall. There is only one huge gate that the people can use to leave and enter the city.'

Naririnig ko ang boses ni Madam Viola sa aking isipan. Hindi ko inaakalang malaki ang magiging utang na loob ko sa kanya at sa mga leksyon niya.

Aba. Malay ko ba babalik pala ako sa panahon ng Trojan War bilang si Helen?!

Yumuko ako at tinignan ang suot kong damit.

Mabilis kong kinapa-kapa ang aking dibdib nang makitang manipis yung chiton kaya baka visible ang lady parts ko.

Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos maramdaman ang tela na nasa ilalim ng chiton ko. Piraso lang ito ng fabric na nakabalot sa aking dibdib. Tapos nakasuot rin ako ng belt na umaaktong support sa aking hinaharap.

Sa pagkakatanda ko kasi, ito yung version nila ng bra.

Meron nga silang garment para sa itaas.. yung pang-ibaba kaya...

Nanlaki ang aking mga mata.

"Agneesss!!!"

•••

Isinuot ko ang aking home-made underwear. Madali lang naman dahil nanghingi lang ako ng kaunting linen fabric mula kay Agnes at hiniram ko rin yung sewing materials niya.

Pinagpapawisan ako habang inaayos ang palda ng aking chiton.

Ang init-init pala dito.

"Gusto niyo pong pumunta sa hardin ng palasyo? Sobrang gaan po sa pakiramdam ang hangin doon." ani Agnes pagkatapos akong tulungan sa damit ko.

Tumango ako.

Dinala ako ni Agnes sa labas. Dumaan kami sa isang grupo ng mga babae at kapansin-pansin ang mga tingin na ibinibigay nila sa'kin.

Nabaling ang atensyon ko sa garden na punong-puno ng iba't-ibang klase ng mga halaman. Naglakad kami sa gitna at namangha ako sa mga bulaklak na nakapalibot sa'min. Para lang akong nasa maliit na version ng Garden of Hesperides.

Pinaupo ako ni Agnes.

"Ang ganda..." puna ko.

Napadako ang aking tingin sa lalaki na naglalakad papalapit sa'min. Siya yung lalaki na huli kong nakita bago mawalan ng malay.

Nagmamadaling tumayo si Agnes at yumukod nang makita ang lalaki.

"Leave us." utos niya na agad din namang sinunod ni Agnes. Nang mawala na si Agnes, saka siya umupo sa tabi ko.

Ako naman, umurog ng konti papalayo. Napansin niya ito kaya't sinamaan niya ako ng tingin.

Wala naman siguro sa kwento na may mag-aattempt na i-assassinate si Helen sa garden ano?

Meron ba?

"Sino ka nga ulit?" tanong ko.

"Paris." aniya habang nakatingin sa mga bulaklak na nasa paanan namin.

Ahh...

Syempre hindi ko makakalimutan ang pangalan na 'yan. Si Paris ang Prince of Troy. Sabi nila, kung si Helen ang pinakamagandang babae, si Paris naman ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa.

Pinili niya si Aphrodite at bilang kapalit, ibinigay ng goddess sa kanya si Helen.

Teka.

Ako yun.

Napailing ako. Dapat ko talagang tandaan na ako si Helen sa era na'to. Aish.

"Ilang taon na ba ang nakalipas simula nung isinama mo ako dito?" tanong ko pagkatapos marinig ang pagsabog mula sa labas ng gate.

Hindi ko alam kung sumama ba talaga ako sa kanya o tinangay niya ako dito.. pero just to be safe lang. Baka magalit 'to sa'kin.

"Ten years." sagot niya.

Tumango ako. Ten years...

Nagsimula rin ang Iliad sampung taon pagkatapos ang abduction ni Helen. Hindi ko alam kung ano yung exact events pero malaki ang paniniwala ko sa kakayahan ni Madam Viola.

'For ten years.. the Achaeans sought to bring back Helen. But the only details we could get a hold of are the events that took place within the last fifty-two days of the war'

"Fifty-two days.." bulong ko.

After fifty-two days, matatapos na ang digmaan at babagsak ang Troy. Which means may fifty-two days pa ako para matapos ang misyon ko dito.

Kayanin mo yan, Cesia. Maraming buhay ang nakasalalay sa'yo.

"What are you talking about?" tanong niya.

Binigyan ko siya ng malumbay na ngiti. Natatandaan ko kasi na isa si Paris sa mamamatay... at yung kapatid niyang si Hector.

"Sa tingin mo mananalo kayo?" napatingin ako sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na nakasulat na sa kasaysayan ang katapusan ng Trojan War.

Gusto kong ikuwento ang mangyayari sa kanya.. na mamamatay siya dahil papanain siya ng isa sa mga Achaeans.

Kaso.. hindi pwede.

Matagal siyang nakasagot, nagulat siguro dahil sa tanong ko.

"If we're destined to lose, so be it."

Tumagos ang sinabi niya sa'kin.

Ewan pero nakaramdam ako ng sobrang lungkot.

Ganito ba ang nararamdaman ni Mnemosyne nang malaman niyang matatalo pala kami sa rebellion?

"But I promise you, love." tinignan niya ako.

Pamilyar na pamilyar talaga yung dating niya sa'kin pero...

Hindi ko gaanong makuha kung bakit.

"If I am to lose in this war, then I will win the next one for you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top