From the Past
Cesia's POV
"Who's Seht?" nakakunot-noo niyang tanong. Sinubukan niyang tumayo saka sinuri ang pagmumukha ko.
Dali-dali kong hinanap ang susi at binuksan ang gate. Gawa ata sa acid yung bakal kaya napasigaw ako sa sakit nang mahawakan ito. Ginamit ko nalang ang aking paa para buksan ito.
"Ang sakit nun ah-" pinapaypay ko ang aking kaliwang kamay.
"You're dumb." puna niya at mabilis na kinuha ang aking kamay. Lumiwanag ang mga kamay namin at pagkaraan ng ilang segundo, nawala na yung sakit sa palad ko.
"I'm not much of a healer, so please." aniya. "I won't be of any help if you break your bones."
Huh.
Binitawan niya ako at binigyan ako ng nagtatakang tingin. "Who are you?"
"Yeah.. umm.." napakamot ako ng ulo. "Malalaman mo yung sagot nyan pag-"
"Stop."
Napatigil kami dahil tatlong guards ang naghihintay sa'min sa dulo ng hall.
Ngayon ko lang namalayan na mga tao rin pala sila kaso, may ibang bahagi ng kanilang balat na napunit kaya't expose yung kalamnan at mga buto nila.
Nakasuot sila ng metal na armors at helmets. Isa sa kanila ay may eyeball na nakasabit sa kanyang pisngi.
"Kinaya mo ba talagang tignan yang mga yan araw-araw?" napangiwi kong tanong.
"I have been here for years." sinamaan niya ako ng tingin. "You think hindi ako masasanay?"
"True." nagkibit-balikat ako saka ginamit ang aking weapon para kunin ang spears nila.
"Call the others." utos ng nasa gitna. Pero bago pa makatakbo yung sundalo niyang assistant para tawagin yung kapwa soldiers nila, natumba kaagad ito.
Dumiretso na ako sa paglalakad at tinignan ang mga guwardiya na nasa aking paanan.
"Night night." bati ko nang lahat sila ay tuluyan na ngang napahilik sa sahig.
Nilingon ko si Seht. Nasa hagdan na kasi ako. Samantalang nakatayo pa rin siya na di maipinta ang ekspresyon sa mukha.
Naiintindihan ko naman kung bakit ganyan ang reaksyon niya pero wala akong oras para hayaan siyang nakatulala.
"Tara na!" sinenyasan ko siyang sundan ako.
Tila bumalik ang kanyang diwa at napailing. Mabilis siyang sumunod sa'kin. Sumilip muna ako sa labas bago kami nagsitakbuhan patungo sa likod ng crate na tinaguan ko dati.
"Alam kong takang-taka ka ngayon pero nais ko lang malaman mo na wala talaga sa schedule natin ang question and answer portion. Okay?" nakaangat ang aking kilay.
Tinanguan niya ako.
Nag-aabang lamang kami nang sa hindi inaasahang, isang sundalo ang pumasok sa dungeon. Lumabas siya saka tinawag ang iba pang mga sundalo.
Nagsimula na ulit akong kabahan ng todo-todo.
"Close the gates!" utos nito. "A prisoner has just escaped!"
Lagot na talaga kami.
"Oh Gods." halos mabilaukan ako pagtakapos makita ang mga sundalo na dali-daling umalis mula sa posts nila para hanapin ang nakawalang prisoner.
Lumabas mula sa isa pang gate ang aso na kasinglaki si Blobblebutt. Palinga-linga ang tatlo nitong ulo para amuyin ang umaaligid na mga baho sa lugar.
"This has gotten worse than I have expected it to be." napailing si Seht.
Ano nga bang inaasahan kong mangyari? Syempre lalala to!
Nanlaki ang aking mga mata matapos marinig ang tunog ng nakalock na gate. Idagdag mo pa, papalapit na sa'min si Cerberus. Pulang-pula ang mga mata at nakahanda na ang kanyang pangil na salubungin kami sa oras na magtatangka kaming tumakas.
Isang ideya ang pumasok sa isipan ko.
Pinikit ko ang aking mga mata at pagbukas ko nito, nakita ko si Seht na nakatayo sa harap ni Cerberus.
"What the fuck." napamura si Seht na nasa likod ko.
"Trance." Sabi ko nang hindi siya nililingon.
Nasa trance ang mga nilalang na andito maliban sa'min. Mabilis na hinabol ng mga kawal yung pekeng Seht. Muntik na akong himatayin dahil nakita ko si Cerberus na nagdadalawang-isip.
Nagtataka siguro kung bakit may naaamoy siyang kakaiba dito kahit andoon si Seht, tumatakbo papalayo.
Nakahinga na rin ako ng maluwag nang umalis si Cerberus para sumama sa paghahabol.
Gamit ang aking weapon, inikot ko ang lever ng gate para bahagya itong mabuksan. Hirap na hirap ako dahil sa bigat nito. Ngunit sa huli, nagawa ko naman itong buksan kaya't hinatak ko na si Seht.
"Takbooo!!" hiyaw ko.
Tumakbo kami papalabas ng gate. Tumigil lamang kami nang makita si Mnemosyne sa likod ng naglalakihang mga bato.
Nakahawak ako sa aking tuhod habang naghahabol ng hininga.
"I have never liked the Underworld." ani Mnemosyne na nakatingin sa palasyo.
"Bumalik na nga tayo!" humihingal kong sabi sa kanya.
Sa isang iglap, nasa sementeryo na kami sa mortal realms. Hula ko nasa past pa rin kami dahil gumagalaw pa yung mundo. Ito yung mundo bago tumigil ang daloy ng oras sa unang pagkakataon.
Aish.
Nakakapagod...
Dahan-dahan akong nawalan ng lakas saka bumagsak sa lupa. Alam na alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari.
Mawawalan na naman ako ng malay.
Ngunit nakakapanibago...
Dahil walang sumalo sa'kin.
•••
"She's conscious." narinig ko ang boses ni Seht.
Bahagya kong binuksan ang aking mga mata para maconfirm na hindi nga ako nananaginip at totoo nga yung nangyari sa'kin.
"Gisingin niyo nalang ako pag andyan na yung Alphas." giit ko tas pumikit ulit.
"Ahh!" napahawak ako sa aking noo dahil kay Mnemosyne na pinitik ito. "Aray!"
"Shut your stubborn mouth, child." aniya at pinanlisikan ako ng mga mata. Hindi ko alam kung anong nangyari dahil mayamaya, bigla nalang lumambot ang kanyang mukha at napangiti.
"Bakit?" nag-abot ang aking kilay.
Nagbuntong-hihinga siya. "You remind me of your father."
"You're slowly becoming more like him." tinignan niya ako, mata sa mata. "You're getting fearless.. and fearless now..."
"Hindi mo ba gusto yon?" tanong ko. Base kasi sa reaksyon niya, parang malaking problema ito.
Umiling siya. "This is why I chose the blood of Aphrodite for you. I wanted you to be strong but weak. I wanted you to get tired easily but still be able to reach beyond your limitations.. and capabilities-" napahinto siya sa pagsasalita.
Umiwas siya ng tingin at napahakbang paatras na para bang pinipigilan niya ang kanyang sarili na maluha.
"Alam mo.. isa ka nga sa pinakalamakas na deities, pero hindi ibig sabihin nito na hindi ka na pwedeng umiyak at manghina sa harap ng iba." pagbibigay-alam ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim at natawa ng marahan. "Say goodbye to your friend now. We have to go back."
Napadako ang aking tingin kay Seht na nakaupo at nakasuot ng puting coat na pangdoktor.
"I had to pretend that I was one of the doctors to get you inside as a patient. You've been unconcious for.. three days." sabi niya sa'kin.
Tumayo ako at kinuha ang ballpen at papel na nakalatay sa mesa sa kanyang harap. Halatang nagtataka silang dalawa ni Mnemosyne nang makita ang ginagawa ko.
"I.. uh.. I also rented an apartment somewhere nearby because I can't sleep here." dagdag niya habang titig na titig pa rin sa sinusulat ko.
Tumango-tango ako.
'Thea, Seht, ipakita niyo 'tong sulat na'to kina Persephone at Galatea.'
Napangiti ako at nagpatuloy sa pagsusulat. May kutob kasi akong iyak ng dalawa ang naririnig ng lahat sa Academy.
'Nag-iisa man ako dito, pero nararamdaman ko naman ang presensya niyo. Kayong lahat... kahit magkahiwa-hiwalay na tayo.'
Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi. Eto. Umiiyak na naman ako.
'Magkikita pa tayo.. wag na kayong malungkot. Andito ako kasi sisiguraduhin ko na sa digmaang ito, tayo ang mananalo.'
Pinilit ko ang aking sarili na tapusin ang sulat kahit nanginginig yung kamay ko... dahil sa bawat salita na sinusulat ko ay ang unti-unting pagbigat ng damdamin ko.
'Hindi man tayo matutulungan ng deities natin, andyan naman tayo para sa isa't-isa.. at ang buong Academy kaya maging matatag lang tayo.'
'Mahal ko kayong Alphas.'
Binura ko ang salitang Alphas at pinalitan ito ng Omegas.
Mahal na mahal...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top