Clairvoyance
Art's POV
"Akala ko hanggang vision ko lang t-to..." mautal-utal kong sabi sa sarili ko habang minamasdan ang wasak-wasak na Garden ni Hera.
Hindi ko inasahan na aabot sa ganito-
Napatigil ako sa pag-iisip.
"AJ! THEIA! HESPE!" tumakbo ako sa direksyon ng mga putol na puno. "A-asan na kayo- uuyy!!!!"
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang hinahanap-hanap ang mga Hesperides. Kapag wala sila dito, ibig sabihin pati sila ay kinuha ng mga rebels.
"Blobblebutt." nilingon ko si Blobblebutt na nahihilo na ata kakasunod ng tingin sa'kin. "Kunin mo si Cal. Biilliiss!"
Tinignan ko kung paano siya mawala sa aking pananaw saka ako naglibot sa likurang bahagi ng Garden. Hindi ko binigyan ng pansin ang dumi na dumikit sa mga paa ko habang tumatawid sa maitim na ilog.
Nakuuuuu! Asan na ba kasi yung mga yun! Ang dami na sigurong kinidnap ng mga rebels! IIIHHHHHH!!
"AJ! THEIA! HESPE-"
Mabilis na nabaling ang aking atensyon nang makarinig ako ng ingay mula sa likod ng tumpok ng mga dahon.
"AAAHHH!!!" napaatras ako pagkatapos makita ang putol na kamay na gumagalaw pa.
"Blessed be thou who would give me my arm back. Because I'm tired chasing it!" ani Hesperia na nakasandal sa mga dahon at katabi niya ang dalawa pang Hesperides na duguan at natutulog... o walang mga malay?
"Don't worry Artemia. Buhay pa kami." binuksan ni Erytheia ang kanyang mga mata. Umupo siya at napailing. "Wake Up Aigle! Art is here!"
Napabuntong hininga ako dahil nagising nga si Aj tapos ay napatingin sa'kin. Mayamaya, napalitan ng saya ang pagtataka sa kanyang mukha nang makita ako.
"ART!" sigaw niya.
"Mabuti nalang talaga at di nila kayo kinuha!" sabi ko sa kanila. Pinulot ko ang kamay ni Hespe at inabot ito sa kanya. Kasunod akong umupo sa harap nilang tatlo. "Ano nalang ang gagawin ko kapag-SA SUSUNOD KASI! PAG MAY NANGYARING GANITO MAGPADALA KAYO NG MENSAHE!"
"Well. Who would expect that the dragon Heracles slew a long time ago would come back and DESTROY THE WHOLE PLACE!" galit na tugon ni Hespe. Ilang segundo ang lumipas at nakita kong nagconnect yung balat niya sa pagitan ng kanyang balikat at natanggal na braso. Ginagalaw-galaw pa niya ang kamay niya matapos bumalik ito sa dati nitong pwesto.
"Rebels. Sila ang may control sa Underworld ngayon kaya siguro nangyari yun.." nakasinkit ang aking mga mata habang ini-imagine kung ano ang ginagawa ng rebels sa Underworld.
Sana okay lang sina Matilda at Kaye dun.
Kakailanganin pa namin sila sa digmaan ihh kaya di pwedeng may mangyaring masama sa kanila sa Underworld. Teritoryo pa naman yun ng mga kalaban.
"Didn't know you'd bring a guy here." ani Aj habang nakatuon ang daliri sa likuran ko.
"Mmm!" tumango-tango ako. "Si Cal yan-" napasinghap ako dahil nakita kong bitbit niya ang pugot na ulo nung dragon kanina. "HOY CAL! WAG MO YAN DALHIN DITO- IIHHH!!"
Nakalabas kasi yung dila nung dragon ihh nakakadiri! Tapos nakatutok pa sa'kin yung mga mata!
"Can I dance with him?" sabik na tanong ni Theia.
Naalala ko ang ginagawa ng mga Hesperides sa mga lalaking naliligaw sa bundok kaya umiling ako. "Nope! Wag niyong patayin yan kasi isa yan sa Omegas."
Sabay silang napa'ooooh' dahilan na mapangiti ako.
Akala ko kasi nung una, mas tutuonan nila ng pansin ang kondisyon ng Garden nila kesa sa isa't-isa.
At nagkamali ako.
"Di ba kayo nag-aalala sa Garden?" tanong ko sa kanila. "Tignan niyo oh!"
"Why would we care about this Garden when all of the Gods are threatened with a rebellion." sagot ni Aj saka tumayo at pinagpag ang kanyang chiton. "I care only for the Goddess Hera... and my sisters."
Lumapad ang aking ngiti nang magsitayuan na kaming apat. Kahit ganito na ang hitsura nila, di pa rin naglalaho ang makikintad na kulay ng mga buhok nila. Kasingganda pa rin ito ng langit sa tuwing may sunset.
Pink kay Aj, Orange kay Theia samantalang kay Hesperia naman, kulay red.
"I heard about the Omegas." nagsalita si Theia. "They say their eyes can turn to the shade of their immortal blood."
"Mmm!" Lumapad ang aking ngiti at panandaliang pinalitan ang kulay ng aking mga mata.
"Is that why your hair has the shade of Apollo's now?" nag-abot ang kilay ni Hespe. "Because your deity's ichor that runs in your veins is in control of your whole... being?"
Sasagutin ko na sana siya kaso napatalon ako sa kinatatayuan ko dahil nilagay ni Cal sa paanan ko yung pugot na ulo.
"IIIIIIHHHH!!!" napatili ako.
"CAL NAMAN IIHH!" inirapan ko siya nang nakahalukipkip ang mga braso sa aking dibdib.
Minsan talaga nakakainis din tong lalaking 'to!
Pag ako napuno sa kanya, malalagay ko na yung pangalan niya sa category bes!
"Oh. A Son of Hades." mahinang sabi ni Theia. Mahina nga ito pero dinig na dinig ko naman dito sa pwesto ko.
"Teka nga!!" nagpapadyak ako. "Ano ba talaga yung nangyari dito? Yung dragon lang ba ganuunn??"
"Actually, someone helped us drive the dragon outside the Garden." nagkibit-balikat si Hespe. "If not because of this goddess, my arm would have been thoroughly eaten by now and gone!"
"Waaahhh!!" lumiwanag ang mga mata ko. "Sinong goddess?!?!"
Ang galing! Nagtutulung-tulungan na silang mga deities! Sana man lang naabutan ko yung goddess na yan dito.
Nagtaka na naman ako dahil biglang sumingkit ang mga mata ni Cal. Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang napalingon sa likuran niya.
"I thought you already left?" tanong ni Hespe.
Hala.
Nakahigh din ba 'to sa ambrosia si Hesperia?
Tinanong ko sila kung sinong goddess tapos umabot sa dulo ng universe yung sagot nila.
Sino ba kinakausap niya?
"I sensed someone coming."
Matagal-tagal na nagprocess sa utak ko kung kaninong boses yung karirinig ko lang.
"Of course you have." napangiti si Aj. "You thought Apollo was here, didn't you?"
"Do not talk of my brother like he belongs to the mortals' realm. He is a god." sagot nung babae. "I just came to see why I could still smell the faint scent of the Underworld."
Nalaman ko kung sinong deity ang tinatalikuran ko kaya dali-dali akong umikot para harapin siya.
"Artemis!" mahihimatay na talaga ako dito!
Seryoso niya akong tinignan at tinanguan. "Artemia."
HALA! Tama ba yung narinig ko?! Sinabi niya yung pangalan ko na hindi nandidiri! Iiiihhhh!!
Ibig bang sabihin nun tanggap na niya ako?!
"and Cairo." dugtong niya.
Bumaba ang mga mata niya sa mga kamay namin na magkahawak kaya agad kong tinanggal yung kamay ko.
"Ahh- I-ikaw ba yung tumulong sa kanila?" napakamot ako ng ulo.
Umangat ang kanyang tingin sa'kin. "May I speak with you in private?"
"A-Ako?" tinuro ko sarili ko.
•••
Literal na lumiliwanag yung mga mata ni Artemis! Parang sa mga huntres!
Kuminang pa ang mga mata niya bago pakawalan yung string. Hindi ko nakita yung arrow niya sa ere dahil sa sobrang bilis ng takbo nito. Nasa gitna na ito sa katawan ng isa sa mga puno.
Waaah. Ang galing!
Turn ko na kaya kinuha ko rin yung weapon ko. Ginawa kong target ang kaparehong puno saka ko hinatak yung string. Naramdaman ko ang pagbago ng mga mata ko at kasabay nito ang paglitaw ng isang arrow na gawa sa liwanag.
"Breathe." utos niya. "You're holding your breath for a long time."
Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Kinakabahan ako ihh! Ewan ko ba kung paano kami umabot ganito eh kanina lang, pinag-usapan namin yung tungkol sa sitwasyon ng mga Olympians ngayon!
Pinakawalan ko ito at tumama nga yung arrow ko sa puno... pero hindi sa gitna.
"Do it again." utos niya ulit. "Aim it at my arrow."
Tumango ako.
Nagsummon na naman ako ng liwanag pero napatigil ako dahil napansin kong may kakaibang nangyayari sa kapaligiran ko.
Trance?!
Kanina lang nasa Garden ako tapos ngayon, nasa forest na ako ng Academy.
Kumunot ang noo ko dahil di ko na nakikita yung target ko.
Asan na ba yun?!
Inikot ko ang buong lugar para hanapin yung palaso ni Artemis. Sa huli, nakita ko nga ito ilang metro ang layo mula sa'kin.
Pero nawala na ito sa puno.
Nakadikit na ito sa balat ng isang baboy ramo.
Huh.
Yun ba yung Calydonian Boar?
Tinaas ko na ang weapon ko at tinutok ito sa kanya. Nagpakawala ako ng two to three arrows pero waaah!! Di pa rin ito tumatama dahil sa sobrang likot niya!
"Here piggy piggyyy!!" tinawag ko siya. "Piggy na name mo kaya close na tayo! Lika dito!"
Hinarap niya ako na may galit na ekspresyon sa mukha.
"Ayy hala!" tumakbo ako dahil sinimulan na niya ang paghabol sa'kin.
Nagtago ako sa likod ng isang puno pagkatapos ko siyang lituhin sa landas niya. Ewan ko ba kung anong nangyari pero imbes na lumapit sa'kin, iniikutan niya lang ako.
Hindi ako sigurado kong matatamaan ko ba siya pero... susubukan ko nalang.
Huminga ako ng malalim at inangat yung weapon ko. Pinakinggan ko ang tunog ng paghampas ng mga paa niya sa lupa.
Hindi ko pa nga siya nakikita at pinakawalan ko na.
Naghintay nalang ako na tumama ito.
At nagawa ko nga.
Nagulat pa nga ako kasi ngayon ko lang nalamang gawa pala sa salamin at hindi kahoy yung arrow ni Artemis.
Hindi lang yun ang nabasag ko. Pati na rin yung trance dahil nakatayo na ako ngayon sa Garden.
"Feel confident now?" tanong ni Artemis.
Nginitian ko siya at tumango. "Mmm!"
"Good. Because I'm preparing you for what I am about to say." dagdag niya.
Nakailang tango na ako habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"The Olympians have decided not to fight with you against the rebels." nagbuntong-hininga siya. "We are not stepping into the battlefield."
Lumapit siya sa'kin. "We are immortals but we can not play with destiny, ourselves." dugtong niya. "You know the future is dark. If ever that means we'll lose, then we are going to lose."
Binigyan niya ako ng malungkot na ngiti. "The Moirai have told us of our fate."
Umiling siya. "And it is not good but maybe that's how it should be."
"Ganun ba?" tanong ko. "Akala ko kung ano."
"Yes. I am speaking of the truth." umatras siya. "I just wanna tell you this because I know you are trying to convince creatures from this realm to fight with you."
Dahan-dahan siyang lumiwanag at pinalibutan ng mga dahon. "Maybe they will, Artemia."
"But the Olympians won't. We can't." at tuluyan na nga siyang nawala sa harap ko.
Waaahh.
Akala ba talaga nila di ko alam yun?
Napangiti ako.
Kaya nga pinili ko sina Kara at Dio na pumunta dun sa dark future na tinutukoy ni Artemis.
Para maguilty yung future Olympians kung bakit di nila kami tinulungan.
Hehehe.
Kasi baliktad talaga yung mangyayari.
Siguro nga nawalan na sila ng pag-asa ngayon.
Wala naman akong pakialam kasi nandoon talaga yung totoong apoy ng Olympians sa future eh. Doon sila sa timeline na yun makakaramdam ng pag-asa.
At gagawa nang gagawa ng paraan ang future Olympians na sabihin sa Olympians ngayon na mali ang desisyon nilang huwag kaming tulungan.
Alam kong mahirap baguhin ang desisyon ng mga Olympians sa ngayon. Ganun talaga. Once nakapagpasya na sila, ibig sabihin Zeus-approved na ito kaya susundin ito ng lahat.
Pero paano kaya kapag Olympians na mula sa ibang timeline ang kukumbinsi sa kanila na palitan ang desisyon na yon?
"Playing with destiny is a terrible idea." tumabi sa'kin si Cal.
"Wag mong sabihin sa'kin yan." sagot ko. "Dun ka kina Cesia at Trev."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top