Chthonic

Cesia's POV

"Paris- I mean Trev, assembled all our army and the allies' before the break of dawn." pagbibigay-alam sa'kin ni Cassandra. "He was so furious he started the attack at sunrise."

Hindi niya ako pinasagot at diritsuan akong hinatak papalabas ng kwarto at patungo sa isa sa mga towers.

Medyo natagalan kami dahil sa sobrang dami ng mga tao sa palasyo. Pagdating namin, naroon na sina Hecuba at Andromache.

Pumagitna ako nina Hecuba at Cassandra habang nakatayo naman sa kanan ni Cassandra si Andromache.

"I didn't want Paris to live. They said he would be the cause of Troy's destruction." narinig kong bulong niya. "But he came back."

"I bore a son that was prophecied to be the end of it all and I tried to kill him." may halong hinanakit ang ngiti na nabuo sa kanyang labi.

"Yet I accepted him ever since then. I tried ignoring the prophecies because I am a mother who just wanted to see her sons and daughters complete... and protected.. and safe." napalunok siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "I'm a slave of an ill-destined life. A tragedy that was waiting for me, I allowed to happen."

"Just because I did what a mother would do." dugtong niya.

Napadako ang aking tingin kay Trev na kasama si Hector. Nakatayo sila sa labas ng gate at may pinag-uusapan.

"Ginawa mo naman siguro lahat." saka ako napatingin sa kanya. "Kung para sa'yo tama na yung ginawa mo, wala kang ikakatakot kahit trahedya nga ang kinahihinatnan nito."

"Kasi ibig sabihin sinubukan mong lumaban." dagdag ko. "At hindi kabiguan yon... lalo na pag sarili mo ang ipinaglaban mo."

"Who are you to say that? You are the most beautiful woman. Men lower their heads for you." kumunot ang kanyang noo. "Why do you even have the need to fight for yourself?"

Napangiti ako.

"Sa totoo lang, mahina ako." bilang isang demigod.

"At dumating yung panahon na nalaman ko yon." Sa unang digmaan ng Academy.

"Sinampal rin ako ng katotohanang pati sarili ko ay hindi ko mapagkakatiwalaan." Nalaman ko ang tungkol sa tunay kong pagkatao.

"Naranasan ko na ring umiyak nang walang tigil." Sa mga panahon na napahiwalay ako sa Alphas.

"Sobrang dami na ng naranasan ko sa loob ng maikling panahon." at nasanay na ako.

"Kaya alam kong may karapatan na akong lumaban." para sa sarili ko at para sa iba.

"Dahil pagod na ako." saad ko. "Pagod na akong maging mahina."

Bumalik ang aking tingin sa mga Trojans At Achaeans. Sa kalagitnaan ng digmaan, nakita ko ang isang babaeng nakatayo, nanonood sa kanila. Napansin ko kaagad siya kasi nakasuot siya ng chiton na gutay-gutay at nabalot ng dugo.

Mag-isa rin siyang nakatayo, ilang metro ang layo mula sa camp ng Achaeans.

Hindi ko siya nakikilala.

Pero binubulong sa'kin ng hangin na nakasalubong ko na siya dati.

Dali-dali akong bumaba ng tower. Narinig ko ang pagtawag ni Cassandra sa'kin pero hindi ako huminto.

Tuloy-tuloy lang ako habang pilit inaalala kung saan ko siya nakita.

Nakalabas ako ng gate pagkatapos itama sa isa't-isa ang mga ulo ng dalawang guards na nagbabantay at hinarangan ako. Kasunod kong tinanggal ang pulang tela na nakasabit sa likod ng isa at ginamit ito para takpan ang sarili ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na nga ako. Wala man lang nakapansin sa'kin dahil umikot ako patungong camp ng Achaeans.

Pagtingin ko sa babae, nawala na siya sa kinatatayuan niya kaya't inilibot ko ang aking tingin para hanapin siya. Mahirap pa namang buksan ang mga mata dito dahil sa nakakalat na buhangin sa ere.

Ilang minuto ang lumipas at naglalakad na ako pabalik ng Troy. Isang sundalo ang nakabangga sa'kin dahilan na matanggal ang kapa na nakatakip sa ulo ko.

"Shoot." puna ko nang tumigil ang Achaean sa aking harapan.

"Helen!" kinuha niya ang atensyon ng mga sundalo, Achaeans at Trojans, na nakapalibot sa'min.

Nalaman kong patay na ako nang lumapit si Menelaus at hinatak ako patayo. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Hanggang sa magkasalubong ang aming tingin.

Umatras ako para makalayo kaso may nabangga ako. Sinusi ko kung sino ito at nakita si Agamemnon.

"Unfaithful wife!" sigaw niya. Nakatanggap ako ng napakalakas na sampal mula sa makapal niyang palad.

Natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakaupo sa lupa at nilalasa ang dugo mula sa sulok ng labi ko, sa banda kung saan tumama ang kanyang kamay.

Napapikit ako dahil inangat niya ang kanyang espada at akmang ipahilig ito sa'kin.

At nagbilang ako ng tatlong segundo.

Nang malamang walang nangyari, binuksan ko ang aking mga mata at namalayan kong nakatayo na ako sa gitna ng pinakamadilim na bahagi ng gubat.

Trance.

"You are not Helen." lumitaw ang babaeng nakita ko kanina.

Mas nakakatakot ang hitsura niya pangmalapitan. Sa ilalim ng punit-punit na dulo ng kanyang chiton, naroon ang namamagang tuhod.

Punong-puno ang kanyang balat ng mga sugat at pasa. Mayroon din siyang mahahabang hiwa sa kanyang pisngi.

Di kalaunan, nakahanap ako ng lakas para makatayo. "Sino ka?"

"Your language. It's not from here, is it?" tila sinusuri niya pati ang kaluluwa ko dahil sa lalim ng kanyang titig sa'kin.

Nagbuga ako ng hangin at tumango. "Mmm. Hindi ako taga dito, sa lugar na'to.. at sa panahong 'to."

"Achlys." narinig ko ang pamilyar niyang tinig.

Hindi nga naman ako nagkamali sa paghula kung kaninong boses yon dahil bigla-bigla nalang sumulpot si Eris sa harap namin kasama ang isa pang babaeng nakasuot ng chiton na gawa sa literal na gabi dahil sa mga gumagalaw na ulap at kumikinang na mga bituin na nakadikit dito.

Lumulutang ang mahaba at maitim niyang buhok sa hangin.

Si Nyx.

At ngayong nagsasama-sama silang tatlo dito, mas bumilis ang takbo ng dibdib ko. Walang tigil rin ang pagtayo ng aking balahibo dahil sa binubuga nilang atmosphere.

"Clearly, you're enjoying the war sister." hindi ako pinansin ni Eris. "For you have taken the form of misery and sadness."

Achlys... misery.. sadness...

Siya ba yung goddess of misery and sadness?

"I am not your sister, Eris." sagot niya kaya't napasimangot si Eris. "I do not have a sister. I am your superior."

Umangat at bumaba ang dibdib ni Eris pagkatapos marinig yon. Napailing din siya at nanumbalik ang kanyang ngiting nakakairitang tignan.

"Achlys. We're here to discuss about the revolution of our kind." ani Eris na siyang nakakuha ng buong atensyon ko.

Sigurado akong ang rebellion ang tinutukoy niya.

"I have heard of it and I am not interested to rebel against the Gods." giit ni Achlys.

Okay.

So may kutob na talaga akong hindi ako nakikita nina Eris at Nyx dahil hindi man lang sila lumingon sa direksyon ko.

Si Achlys ang may gawa ng trance na'to. Siya ang may full manipulation kaya alam kong siya ang may kapakana nito at pinili niyang wag akong ipakita sa dalawa pang deities mula sa Underworld.

"Sister, when you side with us, the future will already be sealed. We need you to join us. As you said, you're our superior." kinuha ni Eris ang namumutlang kamay ni Achlys.

Panandaliang sumingkit ang aking mga mata dahil sa sinabi ni Eris.

'when you side with us, the future will already be sealed.'

Muntik na akong mawalan ng balanse nang makarating ako sa konklusyong baka si Achlys nga yung hinahanap namin.

"Wag." sabi ko sa kanya. "Wag kang sumali sa kanila. Pakinggan mo'ko."

Wala akong ideya kung anong meron sa kanya pero alam kong sa pamamagitan niya, pwede kong baguhin ang katapusan ng digmaan.

Dinaanan lang ako ng tingin ni Achlys, nagpapanggap pa ata na hindi niya din ako nakikita.

"I..." halatang nagdadalawang-isip siya. "I will think about it. I need to take care of another matter first."

"This is the third time we have tried to convince you. Tell us, Achlys, of what could be more important than making the decision for a new age?" tanong ni Nyx.

Sa wakas ay napatingin na si Achlys sa'kin. "You do not deserve to know." aniya. "It is mine to take care of alone."

"Fine." pilit tinatago ni Eris ang bakas ng irita sa kanyang boses. "Yet you are aware of what we can do to get that decision out of you, don't you... sister?" binigyan ni Eris si Achlys ng nagbabantang tingin.

"I do not know what's more compelling for me to throw you into Tartarus, Discordia." binalikan sila ni Achlys ng nakakakilabot na tingin. "Everytime you call me sister or when you threaten me."

"I just wanted you to know..." nginitian siya ni Eris. "...sister." at naglaho na nga silang dalawa ni Nyx.

Nasundan ito ng isang minuto ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"I meant to say yes. I know I had no other choice." tinignan niya ako. "Why did you try to stop me?"

"Kaya nga ako nandito para gawin yon." sagot ko. "Yung totoo, hindi ako si Helen..."

Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyayari sa timeline na kinabibilangan namin ni Trev. Pati na rin ang nangyari patungkol kina Kaye... Gaia... Cronus... rebellion...

"Eris offered me a seat in Olympus in exchange of my agreement." pagbibigay-alam niya. "What have you got, demigod?"

Kusang tumuyo ang lalamunan ko at ayaw lumabas ng boses ko.

Ano nga ba ang kaya kong ibigay sa kanya? Dapat kasi malalamangan nito ang kay Eris.

"Utang na loob."

"Utang na loob ng mga Olympians." umangat ang aking tingin sa kanya. "Kapag tutulungan mo kami, magiging malaki ang utang na loob ng Olympians sa'yo."

"Hindi ko alam kung ano ang ibibigay nila sa'yo pero alam kong lalamangan nito ang alok ni Eris kasi nga... galing mismo ito sa Olympians." pagpapaliwanag ko.

Tahimik lamang siya habang nakikinig sa'kin.

Nanlalambot na ang tuhod ko habang naghihintay ng response mula sa kanya. Kapag mali yung sinabi ko, tiyak na papatayin niya ako dito on the spot.

"Indeed, to rule in Olympus is great." sabi niya. "But to have the Olympians grant me my favors is greater."

"So this is why I have sensed another presence before we arrived?"

Sa laking gulat namin, narinig namin si Nyx. Lumitaw siya kasama pa rin si Eris na hindi maiguhit ang ekspresyon sa mukha.

"I thought you were meeting with another deity but a mortal? When have you fallen this low, sister?" nakataas ang isang kilay ni Eris.

Pagkatapos, nasa akin na siya nakatutok. "My dear Achlys, look at this girl. She has gained your loyalty in an instant. She doesn't even have evidence if what she told you speaks of the truth." nakadiin ang bawat salita kaya sobrang tigas ng kanyang pagbigkas. "Who knows? This might be a trick of another deity. An olympian perhaps?"

Nilingon ako ni Achlys, naghihintay sa susunod kong gagawin.

Nag-isip ako ng pwedeng gawing ebidensya. Gusto kong gamitin yung weapon ko pero sobrang babaw lang nito para gamiting pruweba.

Gods.

Wala na ngang natira sa'kin. Wala na rin akong abilities- hindi.

Meron pa.

Meron pang natira.

Ang mga abilities na namana ko mula kay Mnemosyne.

Pero paano ko naman ito maipapakita sa kanila?

"Domain... time.." para akong baliw na nagbibilang ng mga aspeto ng kapangyarihan ni Mnemosyne.

Bilisan mo, Cesia.

"Memories." sambit ko. "Memories."

Lumabas sa aking isipan ang daan-daang mga ala-ala simula nung pumasok ako sa Academy.

At sunod-sunod na ang mga pangyayari.

Narinig namin ang pagbasag ng buong trance. Napalitan ito ng mga mukha ng Alphas, Huntres, Amazons... nasali na rin sina Gaia...

Iniikutan kami ng mga ala-ala ko. Mga pangyayaring hindi ko makakalimutan.

Sa harap ko, nakita ko yung panahon na magkasama kami ni Dio para maghanap ng bulaklak sa katabing forest ng Academy.

Kung kailan nahagilap ng aking mga mata ang anino ng isang babaeng nakasuot ng maitim na damit.

Pabalik-balik ang aking tingin sa ala-ala na yon at kay Achlys. Nung papasok sana ako sa dorm at nakita ko si Art na kausap din ang babaeng yon...

"This means we have to continue our plan then. It will be a brilliant success, won't it?" malapad ang ngiti na suot ni Eris.

Umiling ako. "Pasensya ka na pero kaya kami nandito para hindi mangyari yan."

"Eris."

Napatingin kami kay Nyx at ang kasunod niyang utos ang naging dahilan kung bakit tumakas ang hangin mula sa aking sistema.

"Kill her."

Dahan-dahang lumapit si Eris sa'kin. Nakadikit pa rin ang isang nakakasindak na ngiti sa kanyang labi.

"Thank you, child." aniya. "For letting us know what the future holds for us."

Bumuka ang kanyang maiitim na pakpak. Nakaturo ang matatalim nitong dulo sa'kin. Nilingon ko si Achlys na nakaharap sa'min ni Eris. Sa likod niya ay si Nyx na may dalang maitim na tali at handang atakihin si Achlys na walang alamag sa mangyayari sa kanya.

"Farewell... Omega." nagpaalam si Eris.

"Farewell, Eris." syempre, nagpaalam din ako at gamit ang aking weapon, hinablot ko mula sa mga kamay ni Nyx ang maitim na tali at pinalipot ito sa itaas na bahagi ng katawan ni Eris.

Hinigpitan ko ito hanggang sa lumabas ang usok mula sa ilalim ng tali. Umalingawngaw rin ang kanyang pagsigaw dulot ng matinding sakit.

"You desired to capture me?!" tila hindi makapaniwala si Achlys. "You planned to tie that rope around me even when I have not chosen a side yet?!"

"S-sister-"

Kumurap lamang ako ng isang beses at nakatayo na sa harap namin si Achlys. Humaba nang humaba ang kanyang maitim na buhok hanggang sa umabot ito sa kanyang talampakan. Saka lumitaw ang isang robe na gawa sa buhok niya. Panghuli, ay humiwalay na ang kanyang buhok mula sa kanyang bagong nabuo at karagdagang kasuotan.

Siya nga yun.

Siya yung babaeng nakita ko noon.

"Grave mistake." sambit niya. "You have pushed me towards their side."

"Achlys. In the underworld! Now!" sigaw ni Nyx.

"No. I won't take any more orders!" nanlilisik ang mga mata ni Achlys. "I have made my decision. Do as you will and I will do as I will."

Tapos, nakaramdam ako ng hapdi sa aking leeg. Malay ko kung paano natanggal ni Eris ang tali niya. Basta sa kasulukuyan, nakapalipot sa aking leeg ang dulo ng isa sa mga pakpak niya.

"Give us your power or this mortal will suffer." tugon ni Eris.

"I do not have power. I am the power." sagot ni Achlys. Naglaho siya sa at natagpuan ko na naman ang aking sarili na nasa ibang lugar kung saan wala akong nakikitang liwanag.

'Give the mortals death and they will perish.'

'Give the immortals death and they will not.'

Naririnig ko ang tinig ni Achlys.

'Give the immortals the mist of death and they will perish.'

'Give the mortals the mist of death and they  will only feel pain... for an eternity.'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top