Candle

Ria's POV

"YOU-" I summoned a dagger and headed straight to Eros. Muntik ko na itong masaksak sa kanya ngunit pinigilan ako ni Chase.

"Ria. Kumalma ka nga muna." ipinatong ni Chase ang kanyang kamay sa aking balikat.
Natanggal ito dahil bigla akong umikot para harapin siya.

Hindi ko rin alam kung bakit panandalian siyang napaatras at tila napangiwi sa sakit.

Pero binalewala ko nalang kung ano man ang nangyari sa kanya dahil nilalamon na ako ng galit.

"Kumalma?!" nandidilat ang aking mga mata. "Ngayon ko nga lang nalaman na tinulungan pala niya si Eris para mahulog si Mnemosyne sa mortal na yon-"

"Ria." mahina niyang tugon. "Patapusin muna natin siya pwede ba?"

Huminga ako ng malalim at tinignan ang God na nakatayo sa aming harap. Naglaho ang blade sa aking kamay pagkatapos sundan ng tingin ang mga balahibo na nalalagas mula sa kanyang mga pakpak sa tuwing gumagalaw siya.

"Ano pa ba ang kailangan naming malaman?" tanong ko habang nakakuyom ang mga kamao.

"Well.." yumuko siya. "if it weren't for me, you wouldn't have been born."

Kumunot ang aking noo. "What do you mean?"

"Eris forced me to do it.. and I regretted it." inangat niya ang kanyang tingin. "And then.. Mnemosyne told me I can undo my mistake by doing something.."

Nakataas ang aking kilay habang naghihintay sa karugtong ng sinabi niya.

Nagbuntong-hininga muna si Eros saka siya nagsalita ulit. "She asked me to aim my arrows at some Gods and... and make them fall in love with mortals.."

I closed my eyes for a second and blinked several times. "Are you talking about our parents?"

I sighed as the god nodded.

Nilingon ko ang dalawa pang goddesses na hindi gumagalaw sa may dakong pintuan. Obviously, katulad namin, ngayon pa lang nila nalaman ang lahat ng 'to.

"Can I speak with my husband for a moment?" Psyche took a few steps forward.

Tumango nalang kami at boluntaryong lumabas. Everyone knows that when a god or goddess asks something, it's not a request, but a command.

Especially in this case.

Dahan-dahan lang ang mga hakbang ni Psyche papalapit sa kanyang asawa. But the more steps she took, the heavier the air becomes.

Sinarado ni Chase ang pinto. Kasama si Hedone, umupo kami at tahimik na napatingin sa kalawan. Nakapatong ang mga siko sa kanyang hita, nakayuko si Chase nang narinig ko siyang nagmura.

I guess this is what we were supposed to look for in the mortal realms.

The truth.

Tumakbo ang aking kamay sa kanyang likod. Sobrang lalim kasi ng bawat hininga niya kaya't nabaling ang pag-aalala ko sa kanya.

"Bumalik ka dito! You-YOU DISHONEST HUSBAND!"

Nagulantang kami nang marinig ang sigaw ni Psyche at sunod-sunod na mga pagsabog mula sa kwarto.

"Sweetheart-"

"Don't you call me sweetheart with that face of yours- hiding secrets from me after what?!"

"Psyche-please..."

"I can't believe I underwent Aphrodite's wrath just so I can marry a God who would eventually keep secrets from me!"

Napatingin kaming dalawa ni Chase kay Hedone.

"Don't you want to interfere?" tanong ko.

Ayon kasi sa naririnig ko, dinaig na ng pag-aaway ng dalawa ang isang tornado.

She gave us a sly grin. "Just wait." Saka siya sumandal sa upuan. "You'll see why their daughter is the goddess of sensual pleasure."

Naguluhan kami sa sagot niya pero naintindihan na namin ito nang tumigil ang ingay.

At pinalitan na nga ito ng kakaibang uri.. ng... ingay?

What the underworld-

"W-what are you doing?!"

"Shh-"

"E-eros!"

Napalunok ako samantalang si Chase naman, abot sa Olympus ang ngiti.

"That's not how you usually scream at me, Psyche."

Nanlaki ang aking mga mata nang tuluyan na ngang nagbago ang mga sigaw ni Psyche.

I was starting to get uncomfortable when Chase stood up and offered his hand. "Gusto mong lumabas?"

Tumango ako bago tanggapin ang kanyang kamay. Magkasabay kaming lumabas ng apartment at doon muna nagstand-by while waiting for the two to... finish.

Ipinatong ko ang aking mga braso sa handrails ng hagdan at sumandal katabi si Chase na seryosong nakatingin sa ibabang palapag ng building.

Tutuksuhin ko na sana siya kung bakit ang tahimik niya pero hindi ito natuloy dahil nakita ko na hawak-hawak niya ang kanyang dumudugong kamay.

"Where the fuck did you get that?!" mabilis kong kinuha ang kaliwang kamay niya.

Hindi niya ako sinagot at matagal akong tinitigan.

What the hell is wrong with him?

"Ikaw ang may gawa nito." aniya.

"I don't remember- oh.." natulala ako pagkatapos maalala nung galit ako kay Eros at kusang nag activate yung ability ko.

So that was why he flinched when I turned to him abruptly...

"I'm.." napailing ako. "I'm sorry.."

"Mas mabuti na siguro yon." nginitian niya ako. "kesa naman iba yung masaktan mo."

I grinded my teeth. Am I really that violent?

"You think I should change?" nanghina ang boses ko. "Do you think no one will stay with me because..." umiwas ako ng tingin.

"because I'm like this?"

He scrunched his forehead as if he doesn't know what I'm talking about. Nagbuga na lamang ako ng hangin at minasdan kung paano unti-unting sumara ang sugat niya.

"Wag na nating pag-usapan 'to." I let a soft laugh escape my lips. "You'll have a hard time understanding me."

Ba't pa nga ba namin pag-uusapan ang kondisyon ko? Akin lang ang problema na'to. Ako lang ang mag-aalala para sa sarili ko.

"Yan ba talaga yung tingin mo?" his eyes sparked with intensity. "natatakot ka sa sarili mo?"

"Bakit? Hindi ka rin ba takot sa'kin?" my eyes squinted.

"Takot." nagkibit-balikat siya. "Sino bang hindi matatakot sa isang anak ni Ares?"

I nodded.

Tama. Nakasulat na sa DNA ko ang mga aspects na namana ko mula kay Ares. Kasali na doon ang 'attitude problem' ko na kinatatakutan ng iba.

Naalala ko pa nga ang first day ko sa Academy... walang ni isang student ang may gustong kaibiganin ako. Hindi nga nila kayang lumapit dahil sa takot.

"I think I really need to change.." bulong ko sa aking sarili.

"Hindi na kailangan."

I lifted my chin to see a playful smile plastered on his face. Itinaas niya ang kanyang kamay para ipakita sa'kin ang kanyang sugat na nawala na nga.

"Andito naman ako para saluhin ang mga binabato mong... weapons... para hindi ka makasakit ng iba."

"Atsaka.. mas pipiliin ko siguro yung demigod na hindi takot ipakita sa lahat kung sino ang deity niya.. kung ano ang totoong pagkatao niya." dagdag niya.

"Kaya wag ka ng magbago. Kasi kapag magbabago ka, baka magkakatotoo ang sinabi mo at magiging bakla na nga ako-"

Sinubukan ko siyang sapakin dahil umaandar na naman ang topak niya pero bago pa mangyari yon, nagawa niya akong pigilan.

"Hindi ka pa talaga nakuntento. Nahiwa mo na nga yung kamay ko kanina." hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking braso.

"Ngapala, pagod na rin ako sa ganito... pwede bang maiba na naman tayo ngayon?" he gave me a deceitful glare. A glare that meant something was coming up.

"Chase-"

I gasped when I felt my back touch the wall. My arm that he was just holding a few seconds ago is already hanging on his shoulder.

I felt his palm cup my cheek while his other hand snake around my waist.

"Chase. Mukhang ikaw na ang dapat kumalma." sabi ko. Heavens know why I'm catching my breath. Kung humahangos ako para akong galing sa marathon.

"For your information, Arianne." he smirked. "Dapat ganito ang gawin mo para pakalmahin ako."

And then.

He finally taught me how to shut him up.

By shutting me up.

The moment our lips crashed, I can feel everything fading away. Para akong tinangay ng hangin at dinala sa mga fields ng Elysium.

My eyes were closed.

I saw nothing but I felt everything.

And in this moment of darkness, I have a vision of someone holding a candle.

He is the same person who is ready to stop the fire from reaching someone else when it decides to break loose. He'll hurt himself by staying close to the flames but he's willing to.

Napangiti ako.

That's right, Chase.

Keep me burning when fears put out my flame.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top