Betrayed
Chase's POV
Kinatok ko ang pinto nila.
Si Art ang bumungad sa harap ko. Naka pajama pa siya habang nakayakap sa paborito niyang stuff toy.
"Gusto lang namin malaman kung anong oras kayo aalis?" tanong ko.
Matagal siyang nakasagot.
"Di ko alam ihh. Bye." isasara niya sana ang pinto pero mabilis kong hinadlangan ito gamit ang isang paa ko.
"May problema ba kayo sa'min?" tanong ko.
Nagkibit-balikat lamang siya at napahikab.
Kahapon pa ang mga babaeng to ah. Akala ko na jetlag lang sila dahil sa haba ng byahe.
Napaatras ako nang makita si Ria na nakatayo sa likod ni Art.
"Ria-"
Saka niya sinara ang pinto.
Bumagsak ang panga ko pagkatapos mangyari yon. PUTCHA ANONG PROBLEMA NILA?!
Padabog akong bumalik sa kwarto kung saan nadatnan ko silang apat na nakaupo sa sala.
"So?"
Tinignan ko si Seht na nakasuot ng pangdoktor na outfit. Kahapon kasi, bumalik siya sa kanyang dating condo para kunin ang mga kagamitan niya. Kasali na rito ang attire niya para daw madali kaming makapasok.
"Sinaraduan lang ako ng pinto." umupo ako sa tabi ni Cal na hanggang ngayon ay nawiwili pa rin sa kanyang cellphone.
Mabuti nalang at tinuruan kami ni Seht kung paano gamitin ito kahapon. Matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nakagamit ng gadgets sa mortal realms.
"Weird. Thea's not replying to my texts as well." nakasingkit ang mga mata ni Seht.
Napabuntong-hininga nalang ako. Kung intensyon talaga nilang guluhin kami, sana naman bigyan nila kami ng dahilan.
Hindi yong bigla-bigla nalang nila kaming tratuhin na di kami kilala.
Tch. Mga babae talaga ano.
Tumayo na si Trev. "Let's talk about that later. We have to go." anunsyo niya.
Mayamaya, sabay na kaming tumungo sa aming destinasyon. Inilibot ko pa ang aking tingin sa kabuuan ng ospital pagpasok namin.
Lahat ng mga staff ay mayroong inaasikasong pasyente.
"Doctor Sol! Naku! Mabuti naman at nakabalik ka na." sinalubong si Seht ng isang nurse.
"Ang sabi nila nagbakasyon ka daw?" nakangiting tugon nito.
"I.. uhh- I did." sagot ni Seht pagkatapos panandalian kaming tinignan.
"By the way, can I ask you something?" Nang tumango ang nurse, pumunta sila sa isang sulok para makapag-usap. Nakita kong inilabas ni Seht ang kanyang phone at ipinakita ata ang litrato ng oracle sa nurse.
Habang nag-aantay na matapos sila, naglibot-libot muna ako.
Isang magandang nurse ang huminto sa harap ko.
"Hi?" nagtaka ako.
"Hi." inabot niya ang kanyang kamay. "I'm Melissa. Issa for short."
Tinanggap ko ito. Nakatitig lamang ako sa kanya dahil may napapansin akong kakaiba. Nalaman ko kaagad kung bakit kakaiba siya nang makita ko ang kanyang pakpak sa likod.
"Aurai." umangat ang isang kilay ko.
"Demigod." aniya.
"So matanong ko lang. Bakit kayo napadpad dito?"
Medyo nawe-weirdohan ako sa kanya dahil hindi matanggal ang ngiti sa kanyang mukha. Para bang permanente nang ganyan ang labi niya.
"May hinahanap kami. Isang oracle na galing sa Asclepeion." hindi na ako nagtangkang magsinungaling dahil alam kong isa sa kapangyarihan nila ang makatuklas ng kasinungalingan.
"Why? You're looking for a titan goddess as well?"
Napatigil ako sa sinabi niya.
"Hindi ah." binigyan ko siya ng tingin na para bang wala akong kaalam-alam sa sinasabi niya. "Nandito lang kami para magpagamot."
Matagal siyang nakasagot. Pinag-aaralan niya pa kasi ang ekspresyon ko para malaman kung nagsisinungaling ba ako o hindi.
Ako naman, parang wala lang.
"Hmm. Okay demigod. Here's my business card. Bumalik kayo dito mamayang gabi. Sa likod ay may guardhouse." ibinigay niya sa'kin ang card. "Give this to the guard."
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalayo na nga siya. Saka ako nakahinga ng maluwag.
PUTA. Akala ko malalaman niyang nagsisinungaling ako. Kinabahan din ako ah.
Kinutuban kasi akong may alam siya kung nasaan yung oracle na yon.
Buti nalang talaga at nasa dugo ko ang pagiging trickster. Kung hindi, eh kanina pa ako pinagpapawisan habang naghihintay na magsalita ang aurai na yon.
Lumapit ako kina Dio.
"Mga bro. Alam ko na kung nasaan ang hinahanap natin."
•••
"Bukas kakausapin natin sila. I'm tired of their act." ani Seht.
Nang makabalik kami sa hotel kanina, nawala na naman yung girls. Gusto sana naming makisabay sa kanilang kumain kaya hinanap namin sila.
Sa totoo lang, tuwang-tuwa ako kasi dahan-dahan nang lumalabas ang totoong kulay ng mga bro ko.
Halimbawa nito ay ang magulong buhok ni Seht dahil napapasabunot siya sa tuwing hindi nagrereply si Thea.
Si Cal, pindot ng pindot para tawagan si Art.
Iba naman yung kay Dio. Tahimik pa rin siya simula nung makarating kami pero halata namang di siya mapakali.
Ayan. LQ pa more!
Pero yung nakakapanibago talaga ay ang mismong leader namin.
Hindi siya nagtetext at hindi rin siya tumatawag.
PERO PUTANGINA. Noong pinag-uusapan namin ang mga babae habang kumakain, nakita ko kung paano naging ginto ang mga mata niya.
Ang aga-aga lang para hanapin niya si Cesia gamit ang mist ano?
Wag mo'kong utuhin tol. WAG SI MASTER CHASE.
Ewan ko nalang.
Tumigil ang mga mata ko sa guardhouse. Inabot ko kaagad sa kanya ang card ng nurse na nakasalubong ko kanina.
"Hmm." tinapat ng guard ang kanyang flashlight sa'min dahilan na mapapikit kami.
Lumabas siya ng guardhouse at pagkaraan ng tatlong segundo, unti-unting nawala ang sahig at napalitan ito ng hagdan pababa.
"Follow me."
Sinunod namin siya gaya ng sinabi niya. Napagtanto kong naglalakad kami ngayon sa isang underground tunnel. Hindi naman mabaho dito. Madilim nga lang.
Ilang minuto rin kaming paligoy-ligoy hanggang sa nakarating kami sa dulo.
"You're here."
Kasunod na lumiwanag ang buong lugar. Bumagsak ang aking panga nang makita ang kabuuan nito.
Walang kaduda-duda, nasa isang underground temple nga kami.
Sinalubong kami ng yakap ng matandang babae na sa pagkakakilala ko ay ang oracle na hinahanap namin.
"You're here to be cured?" sabik na tanong ng oracle.
Nagtinginan muna kami.
"Yun nga." tumango-tango ako.
"You're lying."
Napaatras ako nang masabi niya yon.
"The rebels have warned me of demigods looking for me."
"Anaknamput-" hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para bang may namuong sarili barrier sa katawan ko at pinipigilan ako.
"Yeah. I knew that was kinda coming." puna ni Seht.
Lumabas ang limang cyclopes at dinala kaming lima sa mga upuan na nasa gitna ng temple.
Sinamaan ko ng tingin ang babaeng nakatayo sa harap namin.
Habang nakatitig sa kanya, nagkaroon na ako ng ideya kung bakit madaling nadakip ng rebels si Mnemosyne.
Kasi pati oracles niya ay nagtaksil sa kanya.
Tsk.
MGA GAGONG ORACLES TO. Pa oracle-oracle eh di naman pala kayang maging loyal sa deity nila.
"Hindi ba kayo magtatanong kung anong nangyari sa'kin?"
Wala siyang natamong sagot mula sa'min kasi nga HINDI KAMI MAKASALITA.
"Oh." humalakhak siya. "I forgot. You're all covered in thick mist. You can't move nor speak. Thanks to Hecate who gave me this kind of barrier."
Kumunot ang aking noo.
Mist?
"You see, as one of Mnemosyne's trusted servants, she asked me to come with her and I did. Little did she know though, I made a pact with the great mother Nyx. She said she will give me power to gain control over the dead like the God Hades."
Napatingin ako kay Trev na nakikinig lamang sa gurang na'to.
May topak talaga din tong anak ni Zeus.
Alam naming kaya niyang magmanipulate ng mist kaya bakit wala pa siyang ginagawa?
"The nurse one of you met earlier was one of my puppets. A dead aurai I brought back to life." nakataas-noong sambit ng matanda.
"Mnemosyne trusted me to take care of her. I thought she was gonna trust me to keep her son as well but before she could do that.. she outsmarted me." bakas sa boses niya ang irita.
Nakapang-ilang tingin na ako kay Trev. Gusto niya bang mag overnight kami dito?
"But hey, in the end, she disappeared and her son got killed. So who's really the winner here? Huh?" bumalik ang ngiti sa kanyang labi.
"Kung nagtataka kayo kung bakit hindi pa ako nakabalik sa Asclepeion then that's because the rebels haven't fulfilled their mission yet. They say of another offspring. He or she might be an oracle or another mortal with the blood of my master." nagbuntong-hininga siya.
"Perhaps you can help me look for that child after I kill you?" saad niya.
AMPUTCHA SON OF ZEUS. GUMALAW KA NA!
"One thing I know is the fact that this child I'm looking for... is of another immortal blood."
Nabigla ako dahil sa pagkawala ng mist na nakapalibot sa aking katawan.
Ayun!
"I was waiting for you to say that."
Boses ni Trev ang huli kong narinig bago makita ang oracle na nasindak.
Gagong 'to. Tsk.
Ano ba kasing meron?
Napamura ako nang nagsilabasan mula sa dingding ng templo ang bangkay ng mga aurai at cyclopes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top