All-Seeing

Cesia's POV

"Teka nga." sinundan ko ng tingin ang deity na palakad-lakad sa harap ko.

"Asan tayo ngayon? Nasa past ba talaga tayo o-"

"Cesia. Have you forgotten which domain I am in control of?" lumiwanag ang kanyang kamay at kasabay nito ay ang pagliwanag rin ng buong lugar. Isang segundo lang at nasa ceremonial hall na kami ng Academy.

"Memories, Cesia. You're in a realm where only me and you can hide." aniya at tinignan ako.

"So wala talaga tayo sa past?" tanong ko ulit.

Umiling siya. "We're stuck in your memories."

Tila naririnig ko ang boses ni Elpis habang pinapaliwanag sa'kin na pwede yon magagawa ng iilang deities o spirits. Although, ngayon ko lang ata nalaman na pwede pala akong manirahan sa mga ala-ala ko.

"Mabuti nalang at mabilis mo akong nahanap. I didn't expect it to be quick." nagkibit-balikat siya.

"All this time." siningkitan ko siya ng mata. "Nandito ka lang pala nakatago sa mga ala-ala ko."

Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa harap ni Aphrodite. Andito na naman akosa dating kwarto.

Ito yung nakita ko noon.

"Hide before they can sense your power. Are there any last requests?" tanong ni Aphrodite.

Sinubukan kong hawakan si Aphrodite pero bago pa yon, napatigil ako nang marinig si Mnemosyne na magsalita.

"Cesia. When she grows up, I want her to be called Cesia...it means heavenly."

"so be it." sagot ni Aphrodite.

Akala ko tapos na yung memory sa pag re-replay kaso hindi pa pala.

Minasdan ko kung paano unti-unting naging purple mist si Mnemosyne. Saka pumasok ang mist sa mga mata ko. Pagkatapos, mula sa purple, naging brown na ang mga ito.

Huh.

Ganito pala yung nangyari.

Bale ito yung araw na nagtago siya.

"Wanna know more about what happened?" nilingon ako ni Mnemosyne.

Hindi ko alam pero naramdaman ko ang galit mula sa boses niya... na may halo ring kalungkutan.

Muntik na akong matumba nang lumipat na naman kami sa ibang memory. Ngayon, nakikita ko ang aking sarili na nakahiga sa clinic. May basket na nakapatong sa mesa. Ito yung binigay nila Kia sa'kin dati.

Kumunot ang aking noo nang makita ang purple mist na lumabas mula sa bibig ko.

"The first cry of the defeated shall be heard when the sight returns to its true color..." naririnig ko ang boses ni Mnemosyne.

Nagbuntong-hininga ako. "Ito ang araw na bumalik sa dating kulay ang mga mata ko. Ang araw na nakalabas ka na?"

"The first strike of the rebellion happened on the day I finally ended my years of hiding." lumitaw siya sa harap ko.

Binigyan niya ako ng malungkot na ngiti saka niya tinignan si Kara.

"Just dropped by-"

"B-bakit?"

"Your eyes."

"Tama na." mariin kong sabi sa kanya. "Naiintindihan ko na."

Bumalik kami sa dating bahay namin. Gusto kong umiyak dahil sa sunod-sunod na mga ala-alang ipinakita niya sa'kin.

Noon pa...

Noon pa ako naguguluhan sa sarili ko. Kung bakit ako ganito. Kung bakit ibang-iba ako.

'Find her so you can go home... Cesia'

"Uuwi na ako." sabi ko sa kanya. "Kailangan nila ako, Mnemosyne. Sasabihin ko sa kanila lahat."

"Why? Where's your home, child?" umupo siya sa tapat kong upuan. "Before you entered Olympus Academy.. you heard Aphrodite's voice did you? She told you to go home."

Bumagsak ang aking mga mata sa sahig.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa upuan habang pinipigilan ang mga luha na nagbabantang makatakas.

"Asan ka nga ba dapat umuwi Cesia?" pag-uulit niya.

"Alphas." huminga ako ng malalim. "Sila ang pamilya ko. Sila ang uuwian ko."

Gusto ko na silang makita. Alam kong matindi na ang pag-aalala nila para sa'kin. Gusto kong sabihin sa kanila na... okay na ako. Alam ko na kung anong nangyayari sa'kin.

"You can't." mahina niyang tugon.

Inangat ko ang aking tingin sa kanya. "Bakit? Kailangan kong makabalik sa kanila."

Hindi ko kayang mag-isa sa mga panahong 'to.

"You can't go home." nakatanggap ako ng naaawang tingin mula sa kanya.

"Bakit?!" napatayo ako. "Bakit ganon?! Bakit parang pakiramdam ko.. hindi ko na kilala ang sarili ko?!"

Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na ilabas sa kanya lahat ng kinikimkim kong mga damdamin dahil sa pinagdaanan ko.

"Gusto kong umuwi! Pauwiin mo na ako. Please. H-hindi ko kayang mawalay dahil sila lang ang kinakapitan ko-"

"I said you can't!" tinaasan niya rin ako ng boses.

"Bakit ba kasi?! Ano pa ba ang kailangan kong malaman?! Para na akong baliw dito!" nagsimula nang bumuhos ang aking mga luha.

"Your mother will suffer, Olympus will fall and all the realms will bow down to a new era of deities. I have seen it all!" nakakasilaw ang liwanag ng kanyang mga mata kaya bahagya akong napapikit.

"A-ano?" nanghina ako matapos marinig ang sinabi niya.

Masakit pakinggan na matatalo pa rin kami kahit ilang beses na naming itinaya ang sarili naming buhay para lang sa gulong 'to!

"ANO?!" sigaw ko.

"Do not raise your voice at me Cesia-"

"I will." saad ko. "Dahil ni minsan hindi ko naramdaman ang presensya mo. At ngayon magpapakita ka nalang sakin para sabihin lahat ng to?!"

"I SAID DO NOT RAISE YOUR VOICE AT ME CHILD!"

Napaatras ako nang maramdaman ang kapangyarihan na dala ng kanyang boses. Yumanig pa nga ang buong lugar dahil lang sa sigaw niya.

"Hindi ko pinili ang buhay na'to." umiling ako.

"How dare you say that to me when you don't even know what I have been through!" tinuro niya ang kanyang sarili. "You want to feel my pain?!"

Napaluhod ako nang biglang bumigat ang katawan ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Humihingal ako habang nakatingala sa kanya.

"M-mnemosyne-" para akong sinasakal habang nagmamakaawa na tanggalin tong nararamdaman kong bigat.

Sa wakas, bumalik na rin ang hangin sa aking sistema dahilan na mapasinghap ako. Inabot niya ang kanyang kamay at tinulungan akong tumayo.

"Nung sinabi mong.." huminto ako sa pagsasalita para huminga. "isa ka sa kanila.. anong ibig mong sabihin?"

"I didn't spark the war, Cesia. I didn't create it. I'm just the burning fire." bulong niya.

"Isa ako sa kanila dahil katulad nila, may namumuong galit sa loob-loob ko. Hangad ko rin ang paghihiganti."

"But I don't want to end this mess the same way they want to end it." itinaas niya ang aking kamay at ipinakita sa'kin ang simbolo na nakamit ko sa huling digmaan laban kay Gaia.

Dahil dito.. iba na ang tawag sa'min.

"Do you want to help me?" tanong niya na tinanguan ko.

"What the rebels don't know Cesia.. is that I have everything planned." may inabot siya sa'kin na litrato. Ito yung picture na ibinigay ko kay Kara nang malamang ama niya pala ang kasama nina Auntie at papa.

"At certain points in their lives, all your mortal parents have met one another." napatingin siya sa larawan.

"Madali lang naman." natawa siya ng marahan.

"Yung alin?" nagtaka ako.

"I asked Eros to strike the Gods' hearts and make them fall inlove with your parents." sagot niya.

"Like how Eris commanded him to make me fall inlove with your grandfather."

Nanlaki ang aking mga mata nang magsink-in sa utak ko ang sinabi niya.

Kung ganon, ibig sabihin na pati siya ay nalinlang rin ng mga rebel deities at hindi niya talaga intensyon na mahulog sa isang mortal.

"..and then blame me for causing the rebellion."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top