A Long Night

Cesia's POV

"tapos ayun..."

Tumigil na ako sa pagkukuwento nang makita silang apat na humihilik. Dahan-dahan kong inilipat ang ulo ni Art sa balikat ni Kara bago tumayo.

Ako ata ang di makakatulog dito hindi dahil sa iyak ni Persephone. Kundi dahil ramdam na ramdam ko ang nararamdaman niya. Hindi ko nga alam kung maiinis ba ako... o malulungkot.

Paglabas ko, nakita ko ang iilang mga estudyante na nakapajamas at nagkakagulo sa labas ng office.

Naririnig ko mula dito ang mga reklamo nila.

"Students." kinuha ko ang kanilang atensyon kaya't napatingin sila sa'kin.

"Bumalik na kayo sa rooms niyo." binigyan ko sila ng matamis na ngiti.

Hinintay ko munang makapasok silang lahat sa dorms.

'Now sleep.'

Utos ko.

Padabog akong naglakad patungo sa temple ni Demeter na nasa likod ng mall. Gods. Nagsisimula nang sumasakit yung ulo ko. Parang mabibiyak na ito.

Sa may entrance ng temple, napansin ko ang mga bulaklak na dahan-dahang namamatay... nawala na ang kulay ng mga nakapaligid na halaman at umabot pa ito sa ibang temples.

Nadatnan ko ang goddess na nakayuko sa paanan ng malaking statue ni Demeter. Lumapit ako sa kanya at napailing.

"Hi..." nagsquat ako sa tabi niya.

Tumigil siya sa pag-iyak at tinignan ako. "W-what are you doing here?"

"Wala lang..." nginitian ko siya. "Ayoko kasi kapag may umiiyak."

Nawala ang inis ko nang makita ang luhaan niyang mga mata. Napalitan ito ng lungkot dahil ganyan din ang naging hitsura ko nang mawala si auntie.

"Mahal na mahal mo si Demeter ano?" tumingala ako at tinignan ang statue ng kanyang ina.

Si Demeter ang goddess of agriculture, harvest and fertility. Minsan tinatawag rin siyang Goddess of Sacred Law.

Silang dalawa pa nga ni Persephone ay ang itinuring 'The Great Goddesses' ng Arcadia.


"Have you met her?" tanong niya.

Ngumuso ako at umiling. "Gusto ko sana. Sabi kasi mapapamahal ka raw sa kanya the moment na makilala mo siya. Isa siya sa mother goddesses na sobrang dami ng worshippers diba?"


Tumango siya. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at humarap rin sa'kin.


"She's a great mother... the greatest." aniya.


"Yeah.." tumango rin ako. "Halata nga. Iniyakan mo ng todo eh."

Natawa siya ng marahan. "Well then.. you should know how Demeter reacted when she found out I was in the Underworld."


Napangiti ako. Lumabas ang isang ideya sa aking isipan kaya't umurog ako ng konti papalapit sa kanya.

"Really? Nakalimutan ko ata yan." sabik na sabik kong sabi.


Ngumiti siya. "You sure you forgot? Because that was the time when winter was created!"

Umiling ako. "Nakalimutan ko na talaga..."


"Oh.." napatigil siya saglit para mag-isip. "Yung nangyari kasi..."


Nagsimula na siyang magkuwento. Sa totoo lang, kabisadong-kabisado ko na yung story of abduction.

Pero kapag iwanan ko siyang mag-isa dito, baka babalik na naman siya sa pag-iyak.


"No wait. Seryoso?!" tanong ko na tila hindi naniniwala.


"I know right?" ngumingiti ang goddess habang nakatingin sa malayo. "For months there was nothing but dead crops and cold breeze."


Kumunot ang aking noo. "Ngayon bang dinakip ng rebels si Demeter maaapektuhan din ba yung crops?"

Panandaliang sumingkit ang kanyang mga mata saka sumagot. "My mother has grown to love the realms. Surely, she will not kill the terrain even if she got captured. But if she's hurt, well... expect a huge loss of harvest."

Napaisip ako.. sana naman di nila saktan si Demeter.

Maraming mawawala kapag nangyari yon.

Nanlaki ang aking mga mata nang bigla na namang umiyak yung goddess.

"I miss her! She's the only mother I've got! I do not care of the others! I do not care of the crops! I just... I just want her back."

"U-umm.." nag isip-isip ako ng pwedeng masabi. "Hindi magugustuhan ni Demeter kapag nakikita ka niyang ganito."

Hindi pa rin siya tumigil at humagulgol ng iyak.

Ano bang gagawin ko?

"You're right..." bulong niya saka tinignan ang statue ni Demeter. "She hates seeing me like this."

Agad nagbago ang kanyang hitsura. Naging brunette ang kulay ng kanyang buhok mula sa black.

Nakasuot na siya ngayon ng bright purple na dress at yung mga mata niya, matingkad na kulay ng blue at green.

Hmm. Gets ko na kung bakit siya ang goddess of Spring.

Akala ko magiging okay na siya kaso lumuha na naman siya.

"T-teka akala ko ba ayaw niyang makita kang ganyan?" nagtataka kong tanong.

"Well.. yeah." nagkibit-balikat. "She hates me when I'm in my Queen of Underworld appearance... naiintindihan mo ba ako?"

To that, umiling ako.

"This.. right here." tinuro niya ang kanyang sarili. "This is what I look like when I come to visit my mother for spring."

Napasinghap ako nang bumalik ulit ang kanyang itim na buhok at mga mata. "And this is what I look like if I am with Hades."

Kasunod siyang bumalik sa kanyang Goddess of Spring look. "You get it now?"

"Teka lang." huminto ako. "Ba't gusto ko rin nyan?!"

"What do you mean?" nag-abot ang kanyang kilay. "You're beautiful. Too beautiful for a demigod. Look at your eyes."

Hinipo ko ang aking mukha. Ano nga ba dapat ang reaksyon ko kapag isang dyosa na ang nagsabing maganda ako?

"They say, the eyes are windows of the soul and I can see that you mean well. I don't know if a goddess should say this but.." lumapit siya sa'kin para bumulong.

"you're prettier than some of the goddesses I know."

"Persephone!" nagulat ako sa sinabi niya.

Pag narinig yan ng ibang deities sigurado akong gagawin nila akong hayop... o di kaya constellation.

Humalakhak siya. "After the war is won, we should pick flower sometimes! I'm sure the nymphs will get jealous seeing their mistress enjoying spring with another girl." biglang lumiwanag ang kanyang mga mata.

"Oh wait- nasabi ko na ba sa'yo- that time when my mother turned my nymphs into ugly sirens?!"

Umiling ako.

Hinanda ko na ang aking sarili para sa buong gabi.

Because I know.. this night is gonna be a long night.

•••

"Oh! So your mother is Aphrodite?" tanong niya na tinanguan ko.

"And your name means heavenly?"

Tumango ako.

"And you're one of the prophecied demigods?"

Tango na naman.

"So one of the Alphas too?"

Tumango ulit ako.

"And you kinda have feelings for that.. I forgot his name.. Trev?"

Tatango na sana ako.

"A-anong feelings-" narinig ko ang malalakas na kabog ng aking dibdib.

Pinagsasabi ng goddess na'to?!

"Oh. It's already morning!" tinuro niya ang liwanag na nakatakas sa mga bintana ng temple.

Kasunod na tumunog ang aking tiyan.

"Gusto mong magpahinga muna? Kakain lang ako.." tumayo na ako at pinagpag ang jeans ko.

"Yes. I wish to sleep for a while." pagsang-ayon niya.

"Ah.. kung gusto mo.. ipaghahanda kita ng room? Or-"

"I'm quite fine." nginitian niya ako. Mula sa labas,tila tumakbo ang mga halaman at nag anyong bed ito sa tabi niya.

"I wanna sleep with... this statue beside me." humiga siya. Mabilis na nabalot ang kanyang katawan ng mga bulaklak as if kumot nga niya ito.

Gumaan yung pakiramdam ko nang makita siya. "Goodmornight."

"Eat well.." ipinikit niya ang kanyang mga mata.

"..my favorite demigod."

Lumabas ako ng templo nang nakangiti. Di nga ako nakatulog pero nakatulog naman yung iba kaya okay na siguro yung ginawa ko.

Tumunog ulit ang aking tiyan. Hays. Paano nga ba ako kakain eh mamaya pa magbubukas yung mall.

"Daughter of Aphrodite."

Napatigil ako nang makita si Trev na nakatayo sa daan.

"Son of Zeus."

Matagal niya akong tinitigan kaya inaasahan kong papagalitan niya ako o di kaya magtanong kung saan ako galing at bakit hindi ako nagpaalam.

Bumaba ang mga mata ko sa dala-dala niyang plastic bags. Ayon sa naaamoy ko, may laman itong pagkain.

"Breakfast." aniya at itinaas ito.

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata.

Nag ha-hallucinate na ba ako dahil sa sobrang gutom? Dahil wala akong tulog? Or both?

Lumapit ako sa kanya at pinindot ang kanyang pisngi.

"This is exactly why I brought you food."

Napasinghap ako.

Totoo nga!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top