Chapter 9: Rule Number Eight
Chapter 9:
"Rule Number Eight"
꧁༒༺🦉༻༒꧂
Year: Unknown
Adam's POV:
Ganito pala sa langit.
Nagising ako sa piling ng pamilyar na liwanag. Bahagyan mainit na liwanag ngunit hindi nakasisilaw. Nakasuot ako ng puti. Nakahiga ako sa tubig ngunit hindi nababasa ang damit ko.
Sa pagmulat ng aking mga mata ay agad akong napatingkayad. Narating ko ang isang pamilyar na tanawin. Ang buong paligid ay nababalot ng mababaw na karagatan. Walang makikita kundi ang bughaw na langit na may kalat-kalat na ulap. Sinasalamin ng karagatan ang kalangitan. Sa aking harapan ay ang lumulubog na araw.
Kahel.
Nagdurugo.
Nagdaramdam.
Bahagya kong itinaas ang aking palad upang laruin ang mga gintong sinag na tumatama sa aking mukha. Sinasayaw ang aking daliri sa maaliwalas na hangin. Sa sobrang gaan ng aking pakiramdam ay napahinga ako nang malalim. Doon ko lamang napansin na ako lamang pala mag-isa sa paraisong napuntahan ko.
"Noah," malambing kong sambit. Agad akong napatayo at nagsimulang ikalat ang aking paningin.
Ngunit sa bawat sulok ay tanging paraiso ang nakikita ko. Gusto kong lumuha ngunit walang patak ng tubig na lumalabas sa aking mga mata. Maging ang sensasyon ng paghagulgol ay hindi ko maramdaman.
Marahil napagod na ang puso ko sa pag-iyak.
"Noah," muli kong bulong. Inalala kong mabuti ang mga nangyari. Pinilit kong ngumiti habang binibigkas ang kanyang pangalan. "Ganito pala sa langit, Noah."
Wala akong nagawa kundi ang yumuko. Sa tubig ako ay napatingin. Naawa sa repleksyon ko dahil mag-isa na naman ako.
Walang tunog ng biyulin. Walang nota ng piano. Walang huni ng mga ibon o kaluskos ng mga dahon. Walang maaliwalas na hangin o tunog ng mga alon. Walang simoy ng bulaklak na nagmumula sa puno ng Narra.
Higit sa lahat, wala ang kanyang magandang ngiti. Ang kanyang kulay tansong buhok. Ang tinig niyang nakakaakit. Ang mata niyang kulay champorado. Ang mga yakap niyang mapagkalinga. Ang mga tingin niyang nagsusumamo.
Wala si Noah.
Wala siya sa tabi ko.
"Mag-isa ka lang ba rito?" saad ng isang boses mula sa aking likuran. Agad akong napalingon. Sa timog napapako ang aking mga mata.
"Sino ka?" pagtataka ko. Nagulat ako sa pigura ng lalaking sumulpot bigla ilang metro lamang ang layo. Nakaupo sa tubig habang nakatalikod sa akin.
"Pablo," kanyang tugon. "As I recall, Pablo is my name."
Marahan niyang inilihis ang kanyang ulo upang makita ko ang kanyang maskarang kulay pula. Mula sa kanyang likod ay umusbong ang mga balahibong kulay amarillo. Sa isang iglap ay naging mga pakpak. Maingat niyang inalis ang kanyang maskara at tumambad sa mukha ko ang kanyang pamilyar na ngiti. Sumayaw sa hangin ang buhok niyang kulay tanso.
"Nnn.. Noa-"
"Hindi ba bilin sa iyo ni Peter ay huwag mo nang mapagkakamalan ang ibang tao bilang kasintahan mo?" pagputol niya bago ko pa matapos bigkasin ang sagradong pangalan ng minamahal ko. Marahan siyang tumayo. Humahakbang sa tubig ngunit hindi ginagambala ang ibabaw ng dagat. "I'm Pablo. Atleast, that was my name during my short time on earth."
Siya ay nasa aking harapan na. Hindi pa rin ako makapaniwalang iba siyang tao. Kamukhang-kamukha niya si Noah. Marahan niyang inangat ang kanyang kamay. Bahagyang hinawakan ang aking pisngi.
Alam ko ang bawat sulok ng katawan ng asawa ko. Sa kinis ng kanyang palad ay doon ko napagtanto.
Hindi siya ang Noah na kilala ko.
"Bakit mo kamukha ang asawa ko?" aking pagtataka.
"Well," natatawa niyang sagot. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa likod ng kanyang batok at nagsimulang tumawa. "Of course we look alike. Pauline is my twin sister. I'm Noah's uncle."
Natulala ako sa mga sinabi niya. Nakangiti pa rin siya sa akin. Ang sinag ng araw ay tumatama sa mga mata niyang sumisingkit.
"So you are the one Tristan was talking about. Ang panganay na-"
"Oo," mabilis niyang sagot. Ngunit abot-tainga pa rin ang kanyang ngiti. Walang bahid ng kalungkutan sa kanyang mukha. "I was the boy who was sacrificed when I was seven."
Sa kanyang mga sinabi ay nakaramdam ako ng tibok ng puso. Tibok na akala kong tuluyan nang nawala. Panandalian akong napahawak sa aking dibdib. Ang bawat tibok ay nagdulot ng mahinang pagyanig sa payapang dagat.
"Si Noah! Kailangan kong bumalik!" sunud-sunod kong bulalas. Hindi ako mapakali habang iginagala ang aking paningin. "Kapag nalaman nila kung sino siya, malamang ibalik nila siya sa Palawan."
Tatakbo na sana ako nang biglang hawakan ni Pablo ang aking balikat.
"Relax," saad niya. Pamilyar talaga ang kanyang boses. Hindi ko alam ngunit sadya na atang nasa dugo na nila ang pagiging mahinahon. "Our kingdom will fall. Just like how it is meant to be."
Niyaya niya akong umupo. Kusang sumunod ang katawan ko. Sa lumulubong na araw kami ay napatingin.
"Pablo, I should really get back. Baka mapano si Noah."
"When you left. The government had to do something about that massacre in the hospital. They traced it back to Palawan and the rest is history. Gaya nga ng paniniwala nila sa kastilyo, sa kapatid ko magtatapos ang lahi namin. In which eventually it did."
"Taika," bulalas ko. Napagtanto ko ang kanyang mga sinasabi. "Sa mga sinasabi mo parang ang tagal ko nang nawala, ah?"
"You've been here for five years," serosyong saad ni Pablo.
"What?" bulyaw ko. Mabilis akong napatayo nang bigla niyang hatakin ang kamay ko.
"I'm kidding!" tumatawa niyang tugon. "Umupo ka nga! Limang oras ka pa lang nawawala. Pero iyon ang mga mangyayari talaga."
"Ikaw-" Aambahan ko na sana siya ng suntok nang bigla niya akong nginitian. Naglabasan ang dalawa niyang dimples sa pisngi. Mga ngiting kagaya ng kay Pauline at Noah. Mabilis akong napatiklop at napayakap sa aking tuhod. "Hindi iyon nakakatawa!"
"I'm sorry," natatawa niyang tugon. Umaalingawngaw sa paligid ang kanyang halakhak. Ang bibrato ng kanyang boses ay hindi pa rin maramdaman ng tubig na aming kinauupuan. "I'm sorry for that and for not being able to help you this time."
Natulala ako sa sinabi niya. Naalala ko kung ilang beses kong sinambit ang mga pangalan nila habang hindi ko mabilang ang ginawa kong pagtalon sa iba't ibang panahon.
"Adam," bigkas ni Pablo sa ngalan ko. Ramdam kong nakatingin siya sa mga kamao kong nanggigigil. "We were not allowed to intervene this time. What will be, will be."
Agad kong inangat ang aking ulo. Nawala ang pagkabusangot ng aking mukha. Sa kanya ako ay napatingin. "Why does that sound familiar?"
"You call it rule number eight-" tugon niya. Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Sa kanyang mga mata ay nakakita ako ng kalungkutan. "But we call it destiny."
Wala na akong masabi pa. Napadantay ako sa tubig habang hinahayaan ang sinag ng araw na bumalot sa aking mukha. Ilang minuto kaming walang imik. Ramdam ko ang mga mahinang pag-unat ni Pablo na tila naghihintay lamang akong magsalita.
"Nasaan na ang tatlo pang kasama mo?" pagtataka ko. Sa kanya ako ay napatingin. Nakahiga na siya sa tubig habang inuunanan ang itaas ng kanyang mga pakpak.
Inangat niya ang kanyang daliri paturo sa kanluran. Ngunit sa langit pa rin siya nakatulala.
"Doon sa lumulubog na araw," saad niya. "If you would squint your eyes, you would see Primo running there."
Ginawa ko ang sinabi niya. Siningitan ko ang aking mga mata. Sa bandang dulo ay may maliit na tuldok na lumulutang sa dagat. Pabalik-balik ang takbo na tila nakikipaglaro sa kanyang sarili.
"Primo!" sigaw ko. Humugot ako nga malakas na hangin mula sa aking baga. "Irwin Tramonto!"
"He can't hear you," tugon ni Pablo.
"Why not? I wanna thank him for all the things he has done. For all the things that you four did."
"Well, it was mostly him. Siya ang gumabay kay Noah sa Amusement Park. Siya rin ang gumabay sa iyo patungong Marahuyo hotel. Siya lang naman ang pasaway sa amin."
"Ano ba kasing ginagawa niya?" pagtataka ko. Bahagya kong inurong paharap ang aking ulo. Baka sakaling mas makita ko ang kanyang anyo.
"He's busy guiding someone else right now," tugon ni Pablo. "A guy running in the storm near a lighthouse. Haime ata ang pangalan."
"Eh, sina Peter at Lola Elise?" usisa ko. Napatingin ako sa silangan at hilaga. Siningkitan ko ang aking mga mata na tila may hinahanap na dalawa pang tuldok.
"Wala na sila," malungkot na bulong ni Pablo. Inangat niyang bahagya ang kanyang mga kamay upang ipatong sa kanyang mga mata. Ngunit kita ko ang kanyang ngiti. "Namayapa na silang tulyan. Nakatawid na silang pareho."
Bigla kong naalala si Peter. Ang ang tunay na pangalan nito.
"Wait, how did Carlos Peter Ibarra die?" pagtataka ko.
Matagal bago sumagot si Pablo. May ilang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Just like me, he died when he was little," malungkot na tugon ni Pablo. "You were able to help him get better from his illness but he died in an accident. He was trying to bring food to his father at a construction site."
Natulala ako sa sinabi niya. Hindi nakarating ang balitang iyon sa akin. Malamang ay iyon ang mga panahong nasa ibang bansa na ako. Nagpatuloy si Pablo sa pagkuwento.
"Just like Elise, they are now in heaven," saad niya.
"Heaven?" pagtataka ko. "Hindi pa ba langit ito?"
"Hindi ano!" halakhak ni Pablo. Mabilis siyang napaupo at napatingin sa akin. "This is the place for us Parliament. Where we guide souls back to earth or up to heaven."
"So, does that mean," nanginginig pa ang labi ko. Nauutal ako sa kanyang inilahad. Lalong bumibilis ang tibok ng aking puso. Sa bawat pagtambol ng aking dibdib ay ang pagyanig ng alon sa aking kinaupuan. "Hindi pa ako patay?"
Nagpakawala ng malalim na hininga si Pablo. Sa lumulubog na araw siya ay nakatitig.
"Hindi pa. You can go back actually," saad niya.
"How?" bulalas ko. Lalong naginig ang dagat dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso. "I wanna see him so bad."
Mabilis na nawala ang ngiti sa mukha ng aking kausap. Muli niyang isinuot ang kanyang maskara at mabilis na tumayo. Itinaas niya ang kanyang kamay patungo sa langit. Mula sa mga ulap ay may bumabang gintong kopita.
"You just have to answer one question," tugon ni Pablo. Mula sa kanyang kamay ay inangat niya ang kopita. "This is the grail of time. Inside is the wine of fate. Drink it and you will be able to rewind time and change your past. Puwede mo nang baguhin ang kapalaran mo. Puwede mo siyang iligtas. Baka sakaling sa isa pang pagkakataon ay mailigtas mo na siya nang hindi mo sinasakripisyo ang buhay mo."
Natigilan si Pablo. Bakas sa kanyang kamay ang panginginig dahil sa mga sinasabi niya. Pansin ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga sinasabi.
Napadalawang isip ako. May kabig sa aking dibdib. Hindi ko siguradong magagawa ko pa ulit ng tama ang mga nangyari sa matapos kaming tumalon sa tore.
"Or-" nauutal niyang dugtong. "You can stay here. In replace of Peter and wait for Noah."
Nabigla ako sa sinabi niya. Bahagya kong inangat ang kamay ko patungo sa kopita. Agad kong naalala si Peter at ang mga bilin niya sa akin sa Marahuyo. Muli kong ibinaba ang aking kamay.
"Wait for him?" pagtataka ko.
"He is meant to replace Elise," tugon ng kausap ko. "You and him are meant to be a member of the Parliament."
Natulala ako sa sinabi niya. Bahagya akong natuwa ngunit may munting kurot sa aking dibdib.
"Pablo, how long have you been here?" nauutal kong tanong.
"I am not allowed to answer that, Adam." Marahan siyang umiling. Muli niyang itinaas ang kanyang hawak. "So the question is, will you drink from the grail or not?"
Nakatitig ako sa hawak niya. Nakaramdam ako ng uhaw. Mabilis na natuyo ang aking lalamunan. Marahan kong inangat ang aking kamay sa hawak ni Pablo. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang balat.
"This is not a question. This is a test," saad ko.
Sa aking mga sinabi ay nawala ang panginginig ng lalaking kaharap ko.
"Pablo," bulong ko. Gamit ang isa kong kamay ay tinakpan ko ang ibabaw ng kopita. Itinulak ito pabalik sa kanya. "Mas gugustuhin kong manatili rito pero may hihilingin sana ako."
"Ano?" nakangiting tugon ni Pablo. Tila alam na niya ang susunod kong sasabihin.
"I will stay here but please make sure Noah gets to heaven instead when he dies. Don't make him like us," malungkot kong tugon.
"Ayaw mo na ba siyang makita?" pagtataka ni Pablo.
"Gusto!" bulalas ko. Umaapaw ang lungkot sa aking damdamin. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko na lalong nagpaalon sa payapang tubi. "Gustung-gusto! Pero sapat na ang mga pinagdaanan niya para sa ganitong uri ng kapalaran."
Sa mga mga sinabi kong iyon ay nakarinig ako ng pagaspas. Pakpak ng malaking ibon. Malakas na hangin na dumampi sa aking balat ngunit hindi nagmumula sa lalaking kaharap ko.
"Pare, sa wakas. Tumama rin ang sagot mo!" bulalas ng pamilyar na boses.
May isang kamay na biglang napaakbay sa akin. Sa aking gilid ako ay napalingon. Sa kanyang maangas na mukha ako ay tuluyang napaluha. Muling nahanap ng mga mata ko ang tubig na nais nitong ipiga.
"Triii... Tristan?" hagulgol ko.
Ganoon pa rin ang kanyang itsura. Ngunit maganda na ang kanyang damit. Sa kanyang likod ay ang kanyang puting pakpak. Mabilis ko siyang niyakap. Sa kanyang balikat ako ay napahagulgol.
"Tristan! Pasensya ka na! Sana ay may mas nagawa pa ako para sa inyo. Iyong mga humahabol sa atin-"
"Wala na iyon," saad ng boses ng isang babae. Agad akong napatalikod at nakita ko ang babaeng nakalingkis kay Pablo.
"Pauline?" naluluha kong bigkas. "Si Ahon! Si Ahon! Nailigtas ko si Noah, Pauline!"
Mabilis ko siyang niyakap. Ang mga kamay niya ay marahang hinaplos ang aking buhok.
"Alam ko," malambing niyang bulong. Sinimulan niyang kamutin ang aking likod. "Taha na, Adam."
"Pero hindi ko na siya makikita. Hindi ko na mayayakap ang anak mo. Hindi ko na mahahagkan ang asawa ko."
Nagpatuloy ako sa aking paghagulgol. Ramdam ko ang mga titig nilang tatlo sa akin. Bahagyang kumalas sa akin si Pauline at pinunasan ang aking mga luha. Muling hinawakan ni Tristan ang aking balikat.
"Sabi naman sa iyo magiging mabuti kang ninong, eh," halakhak niya.
"Hindi lang ninong. Asawa pa," naiinis na tugon ni Pauline. Mabilis niyang kinurot ang dalawa kong pisngi.
"Sorry," natatawa kong sagot habang tuluyan nang nabasa ng luha ang aking mga pisngi. "Hindi ko rin alam na-"
"Ayos lang iyon!" pagputol ni Pablo sa aking mga sinasabi. "Rule number eight."
"What will be, will be," saad ko. May lungkot at tuwa sa aking puso nang makita ko ang dalawa kong kaibigan. "Teka, anong ginagawa niyo rito Pauline at Tristan?"
"Alas, 8,888,888!" sigaw ng isa pang papalapit na boses.
"Oh, ayan na si Primo," tugon ni Pablo. Natatawa ito habang padabog na lumalapit sa amin ang binatang may gintong pakpak.
"Ganoon karami mong beses tinungga ang kopita, alam mo ba?" natatawang sermon ni Primo habang lumalapit ito. Ang maganda niyang buhok ay umaalon sa hangin. Ang kanyang silweta ay iniilawan ng ng lumulubog na araw. "Finally you made the correct choice!"
"Correct choice?" pagtataka ko.
"De javu," tugon ni Pablo. "This has happened 8,888,887 times before. And you kept on drinking the wine of fate."
"This time you made the right choice," dagdag pa ni Primo.
"Kami talaga ni Tristan ang kapalit ng mga nauna sa amin," saad ni Pauline. Mula sa kanyang likod ay umusbong ang magagandang pakpak. Nagtungo siya sa kanan ko habang ang tatlo pa niyang kasama ay nakapalibot sa akin.
"Wala ka ng oras, pare. Balikan mo na ang inaanak mo," halakhak ni Tristan. Ramdam ko ang mga tawa niya sa aking likuran.
"Saan ako pupunta?" saad ko. Ang tuwa sa aking dibdib ay unti-unting nagpayanig sa payapang alon sa aking harapan.
"Uuwi ka na," tugon ni Pablo. "Uwian mo na ang mahal mo."
Itinaas ni Pablo ang hawak niya. Sa isang iglap ay nabalot ng gintong liwanag ang paligid. Nangniningning at tila umuulan ng makukulay na balahibo. Lalong dumami dahil sinalamin ng dagat ang bawat kislap na lumulutang sa hangin. Napatingin ako sa itaas habang lumulutang pabalik sa kalangitan ang gintong kopita.
"Adam," bulong ni Primo. "Salamat sa Preschool na pinatayo mo."
Napalingon ako sa kanya. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya sa nagdaang walong taon dahil sa pagtuturo ko sa mga bata. Ang sayang dulot nito. Ang araw-araw makarinig ng mga munting boses at ang mga nais nilang maging paglaki nila.
"You're welcome," tugon ko. Sinuklian ko siya ng magandang ngiti. "You're more than welcome, Owlie."
Ang apat na anghel na nakapalibot sa akin ay naglaho. Ang magandang langit at payapang dagat ay naging isa.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Ngunit hindi kadiliman ang bumalot sa akin kundi purong liwanag.
Nakarinig ako ng tunog ng ambulansya.
"Ark."
Muli kong narinig ang boses ng taong mahal ko.
꧁༒༺🦉༻༒꧂
Itutuloy...
author's note: Oh, 'di ba. Pinaiyak ko muna kayo ng isang linggo? Follow me to keep better track of my announcements, LOL. Para updated, hundi humahagulgol.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top