C 57

Rigel Levin’s Point of View

๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑

Rigel Levin🔒

Sino ‘yon? Napakaganda po! Pinanganak ka siguro para sa akin.

๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑

Rigel Levin🔒

Mababaliw na ako. Kailangan ko ng taong mapagku-kwentuhan ng pagkagusto ko sakaniya.

๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑

Rigel Levin🔒

Daneliah Gian pala pangalan niya, ang ganda parang siya.

๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑

Rigel Levin🔒

In-add ko sa facebook, hindi man lang ako inaksep. Isang linggo na friend request ko, oh...

๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑

Rigel Levin🔒

Chat ko na ba? Gagi nakakahiya naman kung kakausapin ko na ‘agad ang mapapangasawa ko. Ang ganda talaga niya...

๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑

Rigel Levin🔒

Kapag mataas grade ko ngayon at dean’s lister pa rin ako, aamin na ako sakaniya.

๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑

Rigel Levin🔒

I made it! Dean’s lister! Aamin na ako. This is it!

๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑

Rigel Levin🔒

Olats naunahan.

Naunahan ng pinagkwentuhan. Pinsan ko ba talaga ‘to? Maupakan nga.

๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑

Rigel Levn🔒

Wala, admiring from afar na lang talaga ako. Sakit ng mga nito HAHAHA lakas pa magsaya ng pinsan ko, parang hindi ako trinaydor.

๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑

Rigel Levin🔒

Ay hindi. Wala, sa akin pa rin ‘yan mapupunta sa dulo. In my instinct I trust!🤞🏻 Finger heart for manifesting.

๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑

Rigel Levin 🔒

Ilang buwan na rin pala HAHAHA sa pag-aaral ko pala binuhos pagiging broken ko, pero teka bakit umiiyak si Daneliah kanina?

๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑

Rigel Levin 🔒

Siraulo pala ‘tong pinsan ko! Ganunin lang ba ‘yung taong mahal ko? Hindi p’wede ‘to, ang kapal niyang manloko!

๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑

Rigel Levin 🔒

Seryoso ba ‘tong mga ‘to? Sinapak ko lang naman ang cheater na iyon, sa akin pa galit mga magulang niya? Tinotolerate pagiging manloloko ng anak? Palibhasa nag mana sa tatay.

๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑

Rigel Levin 🔒

Kausapin ko raw ngayong broken at comfort ko. Ayaw ko naman, hindi maganda, may gusto ako sakaniya baka ang labas kinukuha ko kahinahan niya kahit na alam kong hindi siya ganong klaseng tao.

๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑๑

Rigel Levin 🔒

Mag lilibang muna ako. Dapat nga nag move on na ako. Tanda ko pa una naming kita noong kinausap ako ng pinsan ko at nakita niya ako, ang iwas niya sa akin. Parang ang sama ng tingin, syempre mag susungit ako. Agawin ka ba naman sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top