C 49
Frenzil Prtty
Zil! :
Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko!
Nandito si Rigel Levin. Anong ginagawa
niya rito sa bahay namin? :
: Surprise!
Pinagsasabi mong siraulo ka? :
: Ayan na 'yung gift ko sa'yo, Gian.
Nagustuhan mo ba? Same pa pala
tayo ng gift sa isat isa, parehas na
tao. HAHAHAHAHA
Nakakakita na siya ulit? :
: Bakit kaya hindi mo kumustahin
at kausapin, ano??
Ayaw ko. Nahihiya ako, Zil! :
At saka bakit ba 'to nandito? Wala naman
akong matandaan na dapat nandito siya. :
: Kausapin mo kasi. Bakit mo ba
ghinost 'yan?
Hoy! Siraulo ka ba? Hindi ko siya ghinost.
Ang sabi ko ayaw ko na, kaso nga pinsan
siya ng ex ko! :
: Oh ano ngayon?
Ang panget tignan, Zil! :
: Hindi kaya, bagay nga kayong
dalawa, eh.
: At saka tigilan mo nga 'yan. Kung
sanang matino 'yung ex mo p'wede
pa, eh. I-legal ba naman 'agad 'yung
bago niya habang kayo pa.
: Hindi ka nga nirespeto. Hindi naman
mababastusan iyan kung magiging
kayo ng pinsan, lalo na't 'yung pinsan
naman niya ang naghahabol sa'yo.
: Baka magulat ka na lang tumatahol
na pala si Levin.
Siraulo ka talag, eh 'no. :
: Sinabi kaya sa akin ni Levin
napagusapan niyo sa hospital
noon. Nagmamagaling ka masydo
sa mararamdaman ni Levin.
: Tignan mo ngayon. Nawala ba feelings
niya sa'yo after niyang malaman na ex ka
ng pinsan niya? Hindi naman 'di ba?
: Ayan nga 'yung proweba ngayon.
Liligawan ka na raw
Hindi ko alam, Zil. Hindi ko alam. :
Hindi ko rin alam ang nararamdaman ko.
: Basta kausapin mo na lang din
ng masinsinan.
Oo na. Bababa na ako ngayon. Hindi
ko kasi siya pinansin kanina at dumeretso
na ako sa kwarto ko. Nakakahiya, sana
hindi pa siya umalis. :
: Balitaan mo na lang ako.
: 🍹ko ka teh. Umaayos ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top