C 43
[ narration ]
Pangalawang araw na ito simula nang makatanggap ako ng message galing sa ate ni Rile. Nag-aalala pa rin naman ako hanggang ngayon. Noong unang araw nakatanggap ako ng message at hinahanap ako ng ate, pero hindi ko magawang replyan dahil sa takot.
Um-absent ako ngayon sa shop. Natutuliro kasi ako at feeling ko mas papalpak ako ngayon araw.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago tumayo at napagdesisyonan na puntahan si Rile sa hospital.
>RiLe
Pupunta po ako ngayon. :
Pasensya na po. :
Mabilis lang akong kumilos at ngayon ay kabababa ko lang sa taxi na sinakyan ko. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng huminto na sa 3rd floor ang elevator. Kahit kinakabahan ay mabilis akong lumiko sa kanan para puntahan ang room 210.
Pero ka-agad ding napahinto sa paglalakad ng makita ang ilang kamag-anak doon ni Kyle, ang ex ko.
Tang'na ano 'to???
Napalingon sa akin ang babaeng kalalabas lang ng room 210. Sa uri ng tingin nito ay oarang minumukhaan ako. Ate Rigeal.. nakakatandang pinsan ni Kyle, umiwas ako ng tingin at handa na sanang tumalikod habang siya pa lang ang nakakakita sa akin pero mabilis itong tumakbo papalapit.
Humawak ito sa balikat ko.
"You're her right?" she asked sabay hawak sa palad ko.
Hindi ko magawang magsalita dahil halos ng kamag-anak nila ang nakatingin na rin sa amin. And there, I saw him. Si Kyle kasama ang bago niya.
Wala na akong nagawa nung hilahin ako ni ate Rigeal papasok sa room ni Rile. I know she doesn't recognize me, hindi naman kasi ako sinasama ni Kyle sa mga family gathering nila. At kahit magulang niya ay dalawang beses ko pa lang nakita.
Pagpasok namin sa hospital room ni Rile ay halos hindi ko na alam kung anong expression ang gagawin ko. Naka-upo sa hospital bed ngayon ang stranger na nakilala ko lang sa text.
He's my un-known fake boyfriend.
Rigel Levin Villacorta.....
"Levin, your girlfriend is here." magiliw na ani ni ate Rigeal. Lumingon sa amin si Rile pero blanko lang ang mga mata nito. Hindi ko alam pero parang may mali.
"Lapitan mo, maiwan muna namin kayo rito." Nakalabas na si ate Rigeal pero nakatayo pa rin ako kung saan niya ako iniwan.
Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Ang kilala kong Levin na masungit ay si Rile na siraulo.
"Come here, my Theá," his voice. It sounds sweet.
Napapa-english tuloy ako sa kaba...
"Please... I want to hold you, to hug you.." Nangunot ang nuo ko sa sinasabi niya. Nakatingin naman ito sa akin, hindi ba niya ako kilala?
Tanda ko pa at hindi ko makakalimutan na nagkita na kami at kilala niya ako bilang ex ng pinsan niya.
Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. "Alam ko namang gwapo ako, pero pwede mo namang pakatitigan ang mukha ko ng nasa tabi kita." Itinaas pa nito ang kamay niya.
Pumikit ako ng mariin bago lumapit sakaniya at hawakan ng nanginginig na kamay ko ang palad niya. Umupo ako sa tabi niya paharap sakaniya.
Nagulat na lang ako ng iangat nito ang isang kamay at haplusin ang mukha ko.
"Hindi man ako nakakakita ngayon, alam kong ang ganda-ganda ng girlfriend ko." may bahid ng saya ang boses niya.
Hindi nakikita??
"Pasensya na. Nag-iingat naman talaga ako sadyang hindi lang naiwasan 'yung kotse napasalpok sa sasakyan ko kaya ito. Mababalik pa naman daw ang paningin ko."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Nawalan siya ng paningin dahil sa aksidente. Kaya... Kaya hindi niya alam na ako sa Gian!
Tumikhim ako bago magsalita. "I'm not your girlfriend Rigel Levin." Irap ko rito.
"Familiar 'yung boses mo." Nagsalubing ang kilay nito pero 'agad ding umiling. "Nevermind."
"Theá stay with me. After this I will court you for real. I like you, my theá." humigpit ang hawak ko sa palad niya kasabay ng pag iling ko.
"Hindi p'wede, Rile. Hindi tayo p'wede, pasensya na. Hindi ba sinabi ko naman sa'yo na kung ano tayo, wala lang 'yun?"
"Bakit hindi p'wede? Sabihin mo sakin." Umiling lang ako bago binitawan ang kamay niya at tumayo.
"Malalaman mo rin kung bakit. At alam kong kapag nalaman mo, magbabago ang isip mo. Magpagaling ka, Rile." Lumapit ako sakaniya at hinalikan siya nuo bago tuluyang umalis.
"No, Theá, don't leave me. Hindi tama 'yang iniisip mo. Walang anumang makakapag-bago sa isip ko para ipursue ka." Hindi ko ito pinakinggan at nagtuloy-tuloy lang sa paglabas.
Sumalubong si ate Rigeal sa paglabas ko malawak ang ngiti nito.
"Gian‽" Kahit hindi ko lingunin ay alam ko kung sino ang may ari ng boses na iyon.
Hindi ko iyon pinansin at nakatingin lang kay ate Rigeal. "Thank youal, ate, at pasensya na rin po." Hindi ko na hinintay na makapagsalita si ate Rigeal at tumalikod na.
Hindi ko naman mahal si Rigel Levin. Tama lang siguro ang desisyon ko.
Oo, tama lang 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top