4 // Trap That's Yet To Work
4 // Trap That's Yet To Work
Saige woke Jules up because of her annoying shriek when we entered my room. Hindi pa rin daw kasi siya makapaniwalang may matino akong manliligaw. Tinadtad niya ako ng kurot pagkaalis ni Jerkrick dahil sa sobrang excitement. Pero 'di pa yata iyon enough kasi nga, ayon... she came running inside the house while shrieking. Mabuti na lang ay gising pa sina Tita Lar at Tito Jov!
"Why didn't I have the faintest idea of Jerrick, Jules? Nagka-ex ka pala ng ganoong kagwapo!" nakangusong pagtatampo ni Saige.
"You didn't know because he wasn't my ex! Wala kaming label noon tsaka, I don't know... mga one month lang yata iyon?"
Napairap ako. "Ano ba 'yan, hindi pa sure."
She threw a pillow at me because of my snarky tone. Malakas naman ang tawa ni Saige. Kulang na lang ay may lumabas na heart emojis mula sa mata niya dahil mukhang interested na interested siya sa love life namin... with mine being nonexistent.
Or in this case right now, made up!
"Kailan ba nagkaroon ng assurance sa relationship na walang label? I mean, you won't even call it a relationship!"
"Yes, Vie," Saige nodded. "Diba ganoon din naman kayo ni Wyatt noon? If I had to ask you, bakit ka pa rin kumagat? Why did you even stay?"
I swore! Hindi nila napigilang tumawa. Tumayo ako para mag-walkout sana pero nahigit kaagad ako ni Jules. Inunahan niya ako sa pinto para ilock iyon. As if namang hindi na ako makakalabas. I really need to walk out right now bago pa mahalungkat ang masalimuot kong nakaraan.
Okay. It wasn't that horrible at all but I was still heartbroken, everything felt so painful back then. Kahit puppy love or crush lang iyon, it hurt me.
"But seriously? Paano kayo ni Jerrick noon? Feeling ko ang cute niyo!" urged the ever hopeless romantic Saige.
Tumayo ako para kumuha ng chips ni Jules sa cabinet. Naii-stress ako sa mga sinasabi ni Saige! Hindi naman ako bitter, hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan pang balikan iyong mga nakaraan. It's not my past, I know! But I couldn't do it with my past. Makikinig nalang ako at pipiliting hindi sumabat.
"Ask Vie. Naikwento ko na sa kanya lahat. Mas may feelings siguro kung sa kanya manggagaling," tawa ni Jules.
Umirap ako habang kumakain ng Farmer John.
"Ang arte, ha!" Binato ako ni Saige ng unan sa mukha. Natapon tuloy ang ibang chips sa comforter. Tita Lar will freak out when she sees this! "Nagseselos ka ba? Oh my gosh! Viennica is jealous!"
Gee! Like, oh my gosh! I'll never get jealous. Sino ang maarte, Saige? Ha?
Mabagal akong ngumuya at tamad na pinanood ang reaksyon ng dalawa. My cousins have gone mad. Magkahawak-kamay silang tumatalon kasabay ang matitinis nilang tili. Buti na lang noong bata ako ay hindi ako natutong tumili.
"To add up to your happiness, I think he's into you, too, Vie. Hindi naman siguro siya magiging ganoong persistent na pupunta sa café everyday just to see you."
"Correction: just to annoy the heck out of me," pagtatama ko kay Saige.
"I agree with Saige. He's giving you a special attention. Hindi naman siya ganyan noong kami... joke, hindi pala naging kami. But you get the point! Wala pa kayong label niyan, ha! Ano bang shampoo mo?" ngiting ngiting tanong ni Jules. Akala mo talaga hindi niya naging ka-something si Jerkrick.
"TRESemmé, why?" sagot ko naman.
"You are unbelievable!" Tumawa si Saige. Tiningnan niya ang oras at bahagyang napangiwi. "I don't want to go home yet. I'm staying the night!"
Kahit alam kong hindi ako masaya sa topic ng late night talk ngayon ay okay na rin. Matagal na rin simula noong magkasama-sama kaming tatlo. Bago kami antuking lahat ay napagtripan ng dalawa ang phone ko. Hindi ko naman iyon inagaw dahil wala akong tinatago. I rarely use my phone.
Minsan lang kapag tinatawagan ako ni Mom para pagalitan. Sweet!
"Vie! When will you read my text messages? Bumabaha na ang inbox mo!"
Did I not see it clearly or may lumabas talagang usok mula sa ilong ni Jules?
"I told you, I'm a call person."
"Save Jerrick's number on her phone," seryosong pagbulong ni Saige sa tenga ni Jules pero narinig ko naman. Nakatuon ang dalawa sa phone ko habang patuloy ako sa pag-nguya ng chips.
I scoffed. Tinapik ni Jules ang balikat ni Saige para ituro ako. Unti unting lumabas ang inosente niyang ngiti at tsaka nag-peace sign. That's her weapon, actually. That's the smile that turns our NOS to YESES.
"Go ahead. Hindi naman ako nagtetext."
Akala ko wala lang naman kung isesave nila iyon. But then again, akala ko lang. Kung hindi ko pa naagaw kaagad sa kanilang dalawa ang phone ko ay malamang hindi ako makakatulog ngayong gabi. Muntik ba namang i-text si Jerkrick?
Nagmaangan pa si Saige noong una. Ang sabi ay maghe-Hello lang naman daw sila at tsaka hindi magpapakilala. Pero kilala ko 'yang dalawa! Sila rin ang pasimuno kung bakit nagkaroon kami ng something ni Wyatt noon.
"Just go to sleep, kids!" suway ko sa mga nagtatawanang sea lions.
It's past two am before I got to make the kids sleep. In exchange of not letting them text Jerkrick, I let them post whatever they wanted on my social media accounts. But I said leave my instagram alone! Hindi ako pala-Facebook at Twitter, but Instagram is my haven. Kung sa iba ay pretentious na mundo iyon, sa akin ay hindi. It's because I don't follow celebrities. I follow users who posts sceneries, abstracts, and photos of other people. Like a poem, I'm in love with photos that has a deep meaning in it. I want depth and substance, not glam and luxury.
Pagkagising ko ay nakaalis na si Saige habang si Jules ay nakadapa pa sa kama at mahimbing pang natutulog. Maaga akong nag-ayos ng sarili kahit nine am pa ang klase ko.
I headed to the cafe to help before I go to class. This is just a little something to pay Tita Lar with for letting me stay in their house, and of course for the occasional free coffees. I love coffee!
Habang nagpe-prepare ako ng kape, ang isa kong kamay ay may hawak na libro. Ang balita kasi sa akin ni Cara ay may pop quiz daw mamaya. Uso pa pala ito sa college?
Students were coming in and Pol was already serving some of them. Si Tita ay busy sa paghahanda ng pastries sa kitchen ng cafe. After I'm done making my own coffee I proceeded to do one order, or two.
"Pol, pakibuhat naman iyong mga ingredients na dadating mamaya, ha? Pakidala roon sa stock room. Ingredients para sa pastries ang karamihan doon," sabi ni Tita Lar pagkalabas niya mula sa kitchen.
"Will do, Tita!" masunuring sagot ni Pol. Napatingin siya sa akin at tsaka ngumisi. "Nagre-review ka ba talaga o kailangan mo lang ng props para madistract mula kay suitor?"
Naglipat ako ng page sa notebook. Kunot-noo kong binalingan si Pol.
"What?"
"Your sunshine is here."
"Wakompake," awtomatikong sagot ko.
"At first I thought it was too cheesy and a bit meh, pero the more I hear it from the both of you everyday parang okay lang din naman pala. Sunshine," he exaggerated before returning to his chore.
Matapos kong suyurin ang bawat sulok ng café ay nakita ko na nga siya. Nananahimik sa isang tabi. Naka-kunot ang noo habang nakatitig sa laptop. From here, I could see the steam coming off from his coffee, and his croissant was already there, waiting to get consumed.
Mukha siyang maamong tuta at feeling ko naman 'di siya magkakalat ngayon. So bumalik ako sa ginagawa ko. Guguluhin ko pa ba siya, e, mabuti na itong tahimik ang buhay ko.
Ilang kape lang ang nagawa ko ngayong umaga. Maglalakad kasi ako papunta sa building dahil nararamdaman ko na ang homecoming ng fats ko.
"Vie, uwi ka kaagad after ng mga klase mo, ha? I need your opinion on the designs I'm making for Juju's birthday," sabi ni Jules.
Napatigil ako sa pag-aayos ng bag ko sa katabi niyang upuan. Parehong pareho sila ni Jerkrick ng porma. Seryosong nakatitig sa laptop screen habang nagsasalita. Kahit 'pag iinom ng frappe ay naka-glue pa rin ang mata sa ginagawa. Bakit hindi nagkatuluyan ang dalawang ito? Is it because of that same charges repel farce?
"Okay. But let me warn you, the only answer you're gonna get from me is either a yes or no. At hindi iyong tulad na mas blue ang burgundy sa cerulean."
"Look at you, smarty pants. Burgundy does not fall in the shades of blue."
Isinakbit ko ang bag ko at nagready para sa walkathon.
"E alam mo naman ang kasabihan. One can't have it all."
Kinindatan ko ang pinsan kong umikot ang mata bago ako sumibat. Mabilis lang naman ang papunta sa building kung saan ang klase ko. Kumakaway si Cara nang mahuli niya ang atensyon ko. Sabay na kaming pumasok sa room. We're classmates in this minor course.
"Nag-review ka pa?" tanong ko kay Cara.
"First of all, babagsak din naman ako..."
"Kasi nga hindi ka nag-review."
"Second of all, grades don't define me as a person," nagkibit pa siya ng balikat.
Tingnan mo nga naman. Kung sino pa ang nagbalita sa akin na may pop quiz.
Iyon tuloy habang nagki-quiz ay pakanta kanta lang si Cara habang nagda-drum kuno gamit ang kanyang dalawang hintuturo. Hindi ko tuloy maalala ang dahilan kung paano ko naging kaibigan ito!
"Pupunta ka ba sa event ni Lesly? Nakabili na ako ng tshirt, dalawa. Kung hindi ka pa nakakabili sayo na lang 'yong isa."
Habang naglalakad kami, mukha akong ewan na nakangiting naghihintay sa kanya na banggitin kung anong event iyon. Marami kasing organizations itong si Lesly. She's the studious one of us four. And if there's no acads stuff in queue for her, makikita na lang namin siyang pakalat kalat sa campus at pabalik balik sa isang dosena niyang events in one day.
"Of course. What am I thinking?" Nawala ang itim sa mata ni Cara bago pagod na tumingin sa akin. "You haven't read her text messages! Good heavens, Vie."
Ngumanga ako para umatungal pero hindi ko na itinuloy. Isinara ko ang bibig ko at ngumuso.
"'Wag mong sabihin kay Lesly, please? Pupunta naman ako kahit ano 'yon."
Malapit na kaming makarating sa cafe. Dito talaga kami tumatambay after classes, and in between breaks. Hindi na lugi si Tita Lar sa akin. Aba. Endorser yata ako ng cafe, ano!
"What's your bribe, then?"
"Kiss."
"Ew, Vie!"
Tumunog ang chime pagkapasok namin sa loob. Hindi puno ngayon ang cafe, it's lunch time and the right place to be at this hour is at Bistro Bistro. It's a nearby small restaurant that serves only the best breakfast to dinner meals in the vicinity!
"Ayan na pala si Viennica!" Parang kuminang ang mga mata ni Tita Lar nang makita ako. Ang pinakamaganda niyang pamangkin.
Pumwesto si Cara sa bakanteng table at inilapag ko naman sa upuan ang mga gamit ko. She mouthed her order before I headed in front of the cashier.
"Vie, pakitulungan mo muna si Jules magplano. Doon lang kami sa labas ni Pol para salubungin ang delivery ng stocks," paalam ni Tita Lar.
Inikot ko ang counter para makalapit kay Jules. Dinungaw ko ang laptop niya para makita ang ginagawa. Nakabukas ang kanyang Photoshop at nage-edit ng tarpaulin design para sa first birthday ni Baby Juju.
"Hey, Jules. You know what's the best song to dance to at Juju's birthday?"
Nilingon ako ni pinsan at matamlay na naghintay ng sagot ko. Wala manlang bang what, what, cousin? Come on, show some enthusiasm!
"Juju on da beat! Juju on da beat!" sagot ko pa rin sa pakantang tono at may kaunting moves kahit hindi niya naman tinanong. Mahiyain kasi 'yan.
Matapos niyang marinig iyon ay umikot ang ulo niya at tumitig muli sa screen. Oh, she is definitely laughing on the inside!
"Nice song number, Miss Viennica," sabi ng isang customer.
Nakangiti akong lumingon para sana mag-serve. But guess what happened to my sweet smile when I saw Jerkrick?
"O, ano?"
"Isa pong mabait at sweet na Viennica, please? Serve her hot," sabi niya kasabay ang pag kindat.
Humagalpak ng tawa si Jules dahil sa narinig. Ngunit nang tingnan ko ay para lang niyang tinatawanan kung ano ang nasa screen niya. If I didn't know her any better, makakaligtas siya. Kaya't pinanlakihan ko siya ng mata hanggang sa inosente siyang nagangat ng tingin.
"What? Nakakatawa itong napili kong color scheme." She raised her hands in defense.
Binalikan ko ng tingin ang customer at naghintay ng maayos na sagot. Kahit ba hindi ako ang unang nang-inis, hindi naman din noon maga-guarantee na hindi rin siya mang-iinis. So okay na rin na ako ang mauna. Tutal, dito naman kami magaling.
Mabagal siyang ngumiti. He bended down his body to prop his elbow on the counter. His chin landed in the middle of his thumb and index fingers, trying to sport an art enthusiast examining a delicate painting.
"You should smile more, Vie. I like it when you smile. Isa pa ngang kanta dyan ng Juju on the beat." Ngumisi siya.
The lady behind me snickered again. Naningkit ang mata ko. Naramdaman ko rin ang pagpula ng mukha ko. Oo na, nakakahiya iyon! Gusto ko nang bigwasan 'tong customer na ito. Kung hindi lang ako mabait...
"Feeling mo naman special ka," I scoffed. Kunwari hindi ako affected na nakita niya ang magaling kong joke execution kanina.
"Well, for one, you hate me. But at least you have an intense feelings for me. Doesn't that make me special already, Viennica Elize Panganiban?"
Unti unti niyang inayos ang postura niya, his smirk was still here, motivated to stay in his mouth. I pursed my lips. Ngayon ko lang napansin na maganda pala iyong pilik mata niya. His eyelashes managed to accentuate his eyes even more.
"Now you're stalking me?"
Kumunot ang noo niya at bahagyang namula ang mga pisnge. Don't tell me...
Nanlaki ang mata ko. "You stalked me! What the heck!"
"Hindi... I-I didn't stalk you," his face was even more red. He scoffed, "Do I look like I have time for that? Just give me an iced caramel macchiato!"
HAH. Another point for Viennica! Wait ano na bang standing ng scoreboard?
"As you wish, my stalker." Tinaasan ko siya ng kilay habang nakangisi.
Nagp-punch ako sa register nang siya naman ang gumawa ng punch line.
"My stalker? Oh, I don't mind so long I am yours."
Napamura ako nang maka-score rin siya sa invisible scoreboard.
Mabilis kong ginawa ang macchiato niya. Habang ginawa ko ito ay pasulyap sulyap sa akin si Jules, halatang nagpipigil ng tawa. Panay pa ang pag-type niya sa laptop. G na g sa ka-chat! Malaman ko lang talaga na chinichismis ako nito kay Saige.
"One iced caramel for—"
"I'm already here, sunshine." Humalakhak siya.
Hindi ko siya tiningnan. Umirap lang ako at inabot sa kanya ang kape. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o talagang hinaplos niya ang kamay ko nang kunin niya ang cup.
Nanginginig ang kamay ko nang sumunod na customer na ang pinagsilbihan ko. Pinipilit kong ngumiti ngunit habang nakikita ko si Jerkrick mula sa malapit na table ay napapawi ito. Agh! Gusto kong tahiin ang labi niya para hindi na makangisi ang isang 'to!
"Miss? Are you okay? Pulang pula ka..."
Alanganin kong nginitian iyong customer.
Sa huli ay kay Lesly din nagpatulong si Jules sa preparations ng event. Sinakop namin ang dalawang table sa labas ng café. Bukod sa mga laptop nilang tatlo, puno rin ng mga pagkain at gamit na tissues ang table.
"Ang cool ng kuya mo, Jules! Ikaw ang pinag-aasikaso ng event. Kung sa iba, hahanap pa iyan ng mga event organizers," sabi ni Lesly.
"Yeah? Well, I don't get paid to do this." Nagbuga ng hangin si Jules. "Mom said she just wants me to be responsible. Pero feeling ko talaga gusto lang niyang magtipid!"
Itong kanina pang type nang type na si Cara ay sa wakas nagsalita na rin. Ako naman ay kumakain lang ng nachos. Pinapanood ko lang silang magkagulo. Ang ku-kyut, e!
"Okay, so photographer na lang ang kulang. Les, you do know anyone, right?"
Napakagat sa labi si Lesly at tumingin sa taas para mag-isip. Patuloy pa rin ako sa pagkain. I think I should get more cheese. Mauubos na itong pa-merienda ni Tita sa mga dakilang event organizers, which, ehem, still included me.
Presence. Moral support. With that, I need to have snacks, too!
"Hindi ko pa sure. Booked kasi silang lahat ngayong month. Kahit kami ay nahirapan sa pag-negotiate sa time nila. Ayaw niyong tayo na lang ang photogs? Iyan si Cara magaling naman 'yan!"
Cara laughed for a second before saying no. Napahilamos si Jules at umiling iling.
"Iyang si Vie—hoy kain ka nang kain!" Napatingin silang tatlo sa akin. Ngumiti ako kahit pa sure ako na may beef sa gitna ng two front teeth ko.
"Pwede! Pwede! Maganda nga ang Instagram feed niyan!" Cara agreed.
Umirap ako. "Excuse me naman, ano! Hindi naman landscape si Juju."
"'Di pano na 'to?"
Napagkasunduan nilang tatlo, yup nilang tatlo lang, na maghanap na lang ng photographer na available next week. Ang sabi ko ay hindi naman mahirap maghanap dahil hindi naman nauubusan ng photogs ang mundong Earth. Pero napagalitan lang nila ako dahil ang schedule raw ang kalaban nila.
Okay, payn! Wala na akong sinabi, ano po? Hello? I'm just cheering for you guys!
"I have friends who are free next week," sabi ng boses mula sa likuran ko.
Kasabay ng paglingon ng ulo ko ang takbuhan nina Jules para salubungin si Jerkrick. Maamo siyang ngumiti para mag-accommodate ang questions.
"Seriously? Uy baka naman..." Nag-pout si Jules.
Seriously, Jules?
"Tatawag ako mamaya. When exactly next week?"
"Friday." Nilingon ako ni Jules para ngumisi. Sumagot siya habang nakatingin sa akin, "It's a kid's birthday party. Anak ni Kuya Lenard. You should come, too."
What are you doing?! I mouthed at Jules who ignored me.
"Diba you take photos yourself, too? Bakit hindi na lang ikaw?" tanong ni Cara. "I follow you on Instagram."
"I don't do commissions, though. Hobby ko lang outside studies."
"Edi mas maganda! Walang bayad 'pag ikaw," tumili si Jules. Nagtatalon pa siya at pinaulanan ng please ang ex niya.
Napabuntonghininga ako. Sinimulan ko nang ligpitin ang kalat namin sa lamesa. Iniipon ko ang mga tissue sa tray. Tapos iyong mga plates na wala ng laman ay pinagpatongpatong ko na.
"Vie?"
"Hmm?"
"Jerrick is asking you," sabi ni Jules.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko. What could he possibly need to ask me? Truce? Hah! No.
"Ano?" medyo nagpapanggap na inis kong tanong, pero sige na, curious din ako.
"Jerrick, ikaw na..." mahina pero rinig kong sabi ng pinsan ko sa kanya.
He cleared his throat. And in one second, narito na siya sa tabi ko. May distance requirement ba para makapagtanong siya? I'm pretty sure rinig ko naman siya kahit mga one meter away from my seat.
"I'm okay to do it next week if it's okay with you."
Hindi ako sumagot. Ngumuya muli ako ng nachos with extra cheese. Mukhang tambay ako sa banyo nito mamaya, sheez!
Nahahagip ng mata ko ang pula niyang polo. Maayos rin ang buhok niya ngayon, iyong parang sa mga CK models. Wala lang. Napansin ko lang.
Hindi ako sumagot.
Kasi ine-examine ko pa siya at hinihintay kung anong gagawin niya. Napakagat siya sa kanyang labi habang naghihintay ng sagot. Nanggigigil na ba siya?
You can bite your lips for all you want, but just don't let me see it!
"So... is it okay?" Hindi pa rin ako sumagot. "Viennica?"
There he goes again with my name. Saying it with a soothing voice that only a country singer could perfectly muster. Napalunok ako.
"Hays! Bukas pa yata balak sumagot ni Vie. Tara, pasok muna tayo sa loob," malakas na sabi ni Cara.
"Mukhang gusto lang masolo, e. Kaya tara na nga!" segunda naman ng pinsan ko.
Malay ko kung seryoso sila. Basta ako, hindi ko pa alam ang isasagot ko. Pero naisip ko na maganda rin naman kung siya ang kukunin kasi libre, tapos pangalawa... wala na. Isang reason lang talaga ang maganda.
Narinig ko ang chime sa pinto ng café. Aba't pumasok nga ang mga loka!
"So are we really going to settle things like this? 'Cause I can stay here all night, Vie," malambing ngunit matapang niyang sabi.
Isinandal niya ang kanyang likod sa upuan at tsaka humalukipkip. Medyo may muscles rin pala ang isang 'to...
"Why are you asking me? Hindi naman ako ang kukunan mo roon! If there's a person to ask, it's Tita Lar. But knowing Tita when it comes to you, sa tingin ko ay hindi iyon papayag ng libre."
Sumilay na naman ang ngiti sa labi niya.
"But I'm asking you. Is it okay? For me to be there and take your pictures?"
"I'm not the birthday celebrant."
"I know. But I also know that nothing's going to keep me from taking your pictures." Nagtaas-baba ang kanyang kilay.
Itinaas ko ang kamao ko at pinanlisikan siya ng mata. "I believe this is what's going to stop you."
Malakas siyang tumawa. Masaya ang mata niya 'pag tumatawa, na para bang isa siyang angel in disguise. Maputi ang kutis niya, maamo ang mga mata at mapupula ang labi. Napapailing iling pa siya ngayon. At ang galing ko lang kasi mukha niya pa ang napapansin ko.
"Fine! Take the job. But don't take my pictures kasi hindi naman tayo close."
"Do you have another alibi apart from saying that we're not close? That's getting old, really."
Sasagot na ako pero inilapit niya ang mukha niya sa akin. Hindi naman ito ang first time na ginawa niya pero nagulat pa rin ako. Mabilis na naman ang reaksyon ng puso ko. My pupils were dilated, and my breathing hitched.
"Why am I getting the idea that you are only saying that just because you really want us to be close. How close do you want us to get, Vie?"
I can feel my lips trembling. Is this another point for him?
"Kiss! Kiss! Kiss!"
I quickly pushed him and composed myself. Tumayo ako para iwan siya roon. Hindi niya ako makukuha sa mga ganon niya, ha! I am a strong, independent woman...
Pero please 'wag namang ganoong ka-close.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top