27 // The Sort Out

27 // The Sort Out

"Well, this has been fun, Vie. I'm glad you ended up with Jerrick," said Cons, standing up and ready to flee.

"Ah, hindi kami," sagot kong mahina. I reached for my nape, baka nandito ang sagot kung bakit nga ba hindi.

Nilikot ko ang mga mata ko para hindi ko makita ang hitsura nilang dalawa. Ngayong umiinom na ulit ako ng kape, sagana na naman ako sa kaba.

"Teka, bakit? E, sabi ni Jerrick kayo n—"

"Just go, Cons," singit ni seat mate. Nakapikit siya at hinihilot ang sentido.

Inilingan siya ni Cons. Sinakbit niya ang strap ng gym bag at tumango sa akin.

"Kita na lang ulit tayo, Vie," he said. Pinalipad niya sa ere ang hintuturo niya at pinagpalit-palit niya ang pagturo sa amin. "You two, sort out your feelings! Would you?"

Sabi ni Eerie Constantin ay magkita na lang daw ulit kami! Pinakawalan ko ang kilig ko nang makaalis siya.

Nakatakip ang nakabilog kong kamao sa labi ko habang nakapikit ako. Like a kettle with water that had reached the boiling point, I let out a long stifled sound because of too much feelings.

"Eeeeeeck!" Kilig voice 'yan, I swear. No one's smothering me.

Kinuha ko ang metal straw para uminom sa frappe. With a dreamy eyes, I sipped sweetness. May maliliit na marshmallows at bits of chocolate ang inumin ko.

Nawala ang ngiti ko nang makanguya ako ng marshmallows. May naalala kasi ako. Uminit ang tenga ko kasi... parang biglang nakiliti ang labi ko.

"You're like an emotion jukebox right now, Vie," sabi ni Jerrick na nagtataka akong pinapanood.

Napansin niya ba ang pabago-bago kong expression? Eh... kasalanan niya naman kasi!

Umubo ako para pagtakpan ang nararamdaman ko. Lately, parang lagi na akong nakikiliti that even having realized this made me kiliti more! Ugh. I hate marshmallows.

"Is your throat okay?" he sincerely asked. Kinuha niya ang kamay ko pero binawi ko ulit at tinakpan ang labi ko.

"If it's sore, they said marshmallow can help. Hindi ko sigurado kung totoo, but I'll get you more—"

"NO!" I hurried, my eyes wide. Naestatwa siya at ang mukha niya ay muli na namang nagulat at nagtaka sa biglaan kong sigaw.

"No, thank you..." Lumunok ako dahil sa hiya, kasabay nito ang pagluwag ng katawan niya. Tinawanan niya ako.

"Bakit parang takot na takot ka sa marshmallow? I know you aren't allergic..."

"Wala, wala!" Pinilit kong magmukhang naiinis.

"Bakit naiinis ka naman ngayon? Ipinakilala na kita sa idol mo, ah." Nakangisi pa rin siya.

Now I'm okay with that. Basta lumayo tayo sa marshie talks.

"Eh pati siya pinipilit tayong dalawa. Lahat na lang sila." Ngumuso ako, pero discreet lang. Baka kasi magmukhang invitation, e, nasa café kami.

"I know." Humalakhak siya. "But hey, Vox Populi, Vox Dei, right?"

Binigyan ko siya ng mabilis na sarkastikong ngiti. "But what about your voice?"

"You tell me first." He shrugged. "Vox Vie, Vox Jerrick."

I growled. Bakit ayaw niyang magsalita? Hindi pa ba niya sasabihin na ano... 'yong ano... ano niya ako...

"That mouth is utterly useless if you aren't gonna use that for talking," mapait kong sabi.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin at nagtaas-baba ang kanyang kilay. "I could do much more than talking. Ask me what, then I'll show you."

I softly palmed his face and shoved it away. Malambing siyang nagreklamo habang humahalakhak. Kinagat ko labi ko at sinamaan siya ng tingin.

I was already aware where we're at now. We only need to say it out loud to seal it.

Ngayon, wala siyang cooperation. Why was he, like, being so in denial? He should be like me. Me? I never became denial a day in my life!

"The general rule of thumb says ladies first. So you go first, Vie..."

"Kaninong thumb ba 'yan? Kasi sabi ng thumb ko ikaw daw ang mauna!"

Napangisi siya at nagbasa ng kanyang labi. Bumigat ang talukap ng mata niya habang nakatitig sa akin.

I gulped. Mabilis kong binilang kung ilang tao ang merong klaro na tanaw at anggulo sa amin. E, ang dami! Kahit busy sila... I'm shy.

Kumuha ako ng isang pirasong marshmallow at pinalipad iyon sa mukha niya. Natatawang napapikit siya nang dumapo iyon sa tungki ng ilong niya.

"Hoy! Ano 'yan?" Aaand... Julia Esse suddenly decided to grace us her presence this afternoon, folks.

Sinipa ako ni Jules sa ilalim ng lamesa. "Aw!"

"Anong sinabi ko sayo, Vie?" Pinanlalakihan niya ako ng mata. Sa'n na ba si Chris? Nakakawala itong alaga niya, oh.

"'Di ko alam. Wala akong listahan!" I stuck my tongue out.

"No, about kissing," pagpapaalala niyang may banta. Itinaas niya ang bagong-thread niyang kilay. Namumula-mula pa iyon.

"W-wala..."

Itinagilid ni Ms. Julia Esse ang ulo niya at walang ganang naghintay.

"Eh ba't ako? Siya kaya pagsabihan mo. Hindi naman ako 'yong nauuna," reklamo ko habang nakaturo kay Jerkrick. Iyong haba ng nguso ko, abot na sa entrance ng cafe. Kasi! Bakit ako ang pinagsasabihan!

Tumawa si Jerrick. "I'm not going to kiss her."

My gaze sprung instantly to him. I whimpered, "Huh, why not?"

Para akong nanood ng isang TV series episode na napanood ko na. Sa aming tatlo, hindi ko alam kung sino ang mas nagulat sa nasabi ko.

But I vote myself.

Kuya, tatlong puntos po para sa sarili ko kasi hindi ko talaga magawang kontrolin ang mga sinasabi ko.

Pahirapang dumaplis ang binti ko sa tuhod ni Jerrick nang lumabas ako sa booth. Nakadikit ang booth sa glass wall kaya't isa lang ang labasan paalis.

Glaring at each of them, I snatched my drink for a dramatic effect. Sa bahay ko na lang iinumin ito kasama ng mga marshmallows ko!

"Anong ginawa mo sa pinsan ko?" rinig kong tanong ni Jules.

Ayan, ayan... lagot ka.

Tumakbo na ako kasi baka madamay pa ako. I'm snickering while I finish my drink. Tinapos ko ang pagpanood ng series sa Netflix. After it all I could ask myself was, "Now what?"

"Now you have to pick a dress for your graduation ceremony, sabi ni Tita," said Jules. Tapos na niyang awayin si Jerrick?

"Oh... okay. Busy ka?"

"No, sasamahan kita ngayon."

"Okay," I nodded. "Pero, pwedeng ikaw na lang?"

She smacked my arm. Aw! Again. "You have to fit!"

"Halos parehas naman tayo ng stats, ah? And as for the design, just choose whatever. I look good in anything anyway." Nagkibit ako ng balikat.

"Well..." ngumisi siya. "You don't look good in a relationship without a label."

Hindi ko iyon inasahan. I mockingly laughed. "First of all, wala kaming relationship. Okay?"

"Oo, ayaw mo kasi."

"Huh?" Nagtaas ako ng kilay. "Why me? It's him to blame. I'm true to myself all the time. Hello?"

Nag-hairflip ako, pero nahagip ni Jules ang buhok ko at mahinang hinigit iyon. "Gaga! Tara na, si Chris ang magda-drive sa atin."

Huh, si Chris? Hindi ba si ano...

Mahinhin akong nag-drawing ng heart sa coffee table gamit ang tubig sa ilalim ng cup ko. I sucked my cheeks to make a fish lips.

"Hoy! Anong hitsura yan?"

I'm still stroking the heart that I made. My lips popped open. "Uhm... Bakit si Chris?"

Pagod siyang umirap. "May kausap si Jerrick. You remember that vocalist girl at Bistro Bistro? Siya. Nagtatanong ng something about sa graduation. Apparently, sabay kayong tatlong magmamartsa."

Ah, okay. Psh!

Determined, I stood up. "Saan ba tayo titingin ng damit? Tara na kaya? Gagabihin tayo. Baka matagalan akong pumili."

"I thought whatever is okay?" tanong niya nang may nanunuyang ngiti.

"Yeah, but it's graduation day, duh!" sabi ko na lang. Naglakad ako sa may pinto, then I looked back at Jules. "Anong hinihintay mo? Kanina pa ako ready dito, oh."

She just sighed. She walked toward me and sandwiched my phone in both of my hands.

"I'll just call Saige."

Hindi kami dumaan sa café pero pagkalabas namin ay nakita ko ngang may babaeng kausap si Jerkrick sa café.

Tumatango si Jerrick habang nagsasalita si girl. Ilang sandali ay tumawa iyong babae at napangiti lang nang maliit si Jerkrick.

Bakit sa kanya nagtatanong si ate girl? Admissions Office ba siya?

But I mean, whatever.

Hinabol ko sina Jules at sumakay sa sasakyan ni Chris. Hindi ako nagpaalam kay Jerkrick kasi... oh, bakit ako magpapaalam? I'm a woman who doesn't need to tell the world my whole story!

Yeah, okay, that's a bit too much.

"Jules, saan tayo? Gusto ko sa mahal na atelier, ha?" I said from the backseat.

Inaayos ni Chris ang rearview mirror at nakita kong tumawa siya. Nagta-type si Jules sa phone niya at umugol lang as a response.

I slumped my back on the seat and crossed my arms. "What? My parents can pay for it."

Nakatulog ako sa byahe because, ugh, Manila traffic. Pagkagising ko ay medyo madilim na ang ulap. Hindi naman ako binigo ni Jules nang makita ko ang loob ng atelier na pinagdalhan niya sa akin.

Sa likod ng concierge desk ay mga letra na Ethereal Atelier ang basa at tila gawa pa sa crystal. May puting ilaw na nakatutok doon kaya't kumikinang ang bawat letra.

"Appointment for Viennica Elize..." magalang na sabi ni Jules.

"Ah, yes. Miss Saige Maleigha called in for you," replied the lady concierge. "Please follow me."

I giggled as we followed her. There's just too much crystals and diamonds in this place. I bet the foundation of this place was constructed from diamonds, too. Mukhang mahal talaga rito. Oh boy, my mom's gonna flip! Kekeke.

Isang pabilog na lugar ang pinagdalhan sa amin. In the middle was a white circular velvet ottoman. The lady guided us to sit there.

About five ladies rolled in a couple of clothing racks in front of us. Sinisiko ko lang si Jules dahil hindi ko talaga alam kung paano mamili.

"Jules, bakit ang dami? Isa lang ang katawan ko..." I whispered.

"You have to choose three. Apart from your graduation ceremony, I'm sure we'll have family dinners."

Nahihiya akong tumayo. Mabilis akong nagturo ng tatlong damit at umupo pabalik sa tabi ni Jules.

"That fast? Akala ko ba tatagalan mo?"

"Ehhh, okay na 'yon. I'll just fit those na."

I'm not new to this, actually. In our family, we chose dresses ever since we were born. It's just that I wasn't really engaged to it before, and someone always picked for me.

Ngayon, hindi na nila ako bine-baby. I pouted and placed my chin on Jules' shoulder.

"Shall we go fit your dress, ma'am?" sabi ng nakatayong babae sa harap ko. Her smile was contagious, she should be Miss Congeniality.

Tumango ako at dinala niya ako sa fitting room. The dresses I picked were already here before me. Not gonna lie, but this place is bigger than my room!

Ia-adore ko pa sana ang lugar pero nahulog ang phone ko mula sa bulsa ng pants ko habang hinuhubad ko ito.

My phone's screen lit up in cue as a message arrived. Binasa ko.

Jerrick Azarcon
I love you.

W-what?

Kasabay ng paglaglag ng panga ko ay ang pagbagsak muli ng phone ko. In slow motion, I turned to look at the floor-length mirror.

I could see my reflection doubting this reality. I feel like dreaming, my whole body floating in thin air as my hair grows from where I am to the city of Paris where it's regarded as the city of Love.

I bit my lip and caressed my hair.

Nanginginig ang katawan ko habang sinusukat ang mga damit. Napagtanto ko rin na hindi ko naman hiningi ang number niya, at kung paano ito napunta sa phone ko. We only message online where we didn't need to know our phone numbers.

Pagkalabas ko ay nagyaya kaagad akong umuwi. Nagtataka pa si Jules kaya lalo siyang nagmabagal.

Niyugyog ko na lang tuloy si Chris. "Tara na kasi..."

"Bakit ba nagmamadali ka? May naghihintay ba sayo?" mahimig na tanong ni Jules.

"W-wala! I just... I just wanna shit. Nature's calling. That's all."

They just both grunted. Para mapatahimik ako ay mabilis inayos ni Jules ang appointment namin para makauwi na.

In the middle of traffic, I was fidgeting. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-reply sa kanya, o in person na.

Pabalik-balik ang tingin ko sa phone at sa labas. There's too many private vehicles here in Manila! Ugh. Anong oras pa kami nito makakauwi?

"Hey, Vie..." Jules called. Nakatagilid ang ulo niya mula sa passenger seat. "I'm just saying this without context, but Jerrick doesn't know I saved his number on your phone back then."

"What? Why?" I eyed her suspiciously.

"Hoy, ah! Didn't you hear me? I said, without context."

Umulan sa kalagitnaan ng byahe namin. Small drops of water were falling on the window. I was only watching the wiper clear the windshield. Mas lalong lumamig sa sasakyan kaya't inantok ako.

By the time we got home, the rain stopped and Mostaccio was near to closing. Kaunti na ang customers doon. I was rubbing my eyes as I yawned. Mula sa labas ay naghanap ang mata ko sa loob ng café.

Tumayo si Jerrick nang lapitan siya ni Jules sa loob. Itinuro ako ng pinsan ko kaya't nakita niya ako. Tiningnan niya ako nang may pagaalala.

Yakap ko ang sarili ko habang naglakad patungo sa pinto ng bahay. Kumakabog na naman ang dibdib ko nang maalala ang message niya kanina. So, did he plan on making it seemed like a wrong sent message? Because he didn't know that I know that he didn't know. I know, it's such a Friends thing.

Tumigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko siya sa likod ko.

"Vie..." he softly called. Dahan dahan siyang yumakap. Ang kamay niya ay nasa bewang ko at ang baba niya ay nakapatong sa balikat ko. "Bigla kang nawala. Saan ka galing?"

Kinakagat ko ang labi ko. Ngayon lang ako nayakap nang ganito.

"Bakit mo tinatanong? Na-miss mo ba ako?" pagsusungit ko. Pinilit kong maging masungit kasi alam kong konti na lang, lalambing na rin ang boses ko. Eh, ayoko muna.

"Ano bang nafi-feel mo? Sabihin mo na kasi," I urged him.

Naramdaman ko ang pagtawa niya. "You're not going to get the tea out of me unless you speak first. You're not gonna win at that."

Nanginginig ang kamay ko nang tanggalin ang pagkakalingkis niya sa akin. Tumungo ako at umikot paharap sa kanya.

Huminga ako nang malalim. Dinukot ko ang phone ko at binuksan ito sa message niya. Kahit tila mabigat ang kamay ko dahil sa gagawin ko, nagmatapang ako at itinaas iyon sa kanya.

"You're wrong. I won."

I swallowed the lump in my throat as his pupils dilated. Maybe I do need marshmallow. And a heck lot of 'em!

Hindi siya makatingin sa akin. Malikot ang mata niya at marahang nanginginig ang labi. It's as if he was scared. Pero bakit?

My arms fell so I could hold his hand. Tumingin ako sa gilid at nahihiyang umamin. "But I like you, too."

His lips finally quivered into a smile. His hand grasped mine securely.

"Do you know the difference between like and love?" He chuckled.

My eyes shot up to him and I blinked, confused. Huh?

Jerrick, I just confessed. Confessed! Tapos ngayon, bino-vocabulary mo ako?

"Nothing..." he answered himself.

Pumadyak ako. "Nanti-trip ka na nam—"

"Vie, nothing could stop me from feeling both ways toward you," he said with all sincerity. His eyes were serious.

He caressed my jaw, his lips were nervously smiling at me. "I like you, my sunshine," he said. "I love you, my Viennica."

Hearing the words coming exactly from his lips made me the most vulnerable that I've ever been. Nanghihina na rin ang tuhod ko, parang gusto kong mahimatay at mahulog sa dibdib niya.

Parang lang naman. Tapos kapag nagaalala na siya ay tsaka ako sisigaw bigla ng issa prank.

"Sunshine, say something..."

Umiling ako at nagbalik sa world of consciousness.

"Oh, okay." I cleared my throat. "Something."

He just guffawed. Hinila niya ako para mayakap at makahalik sa noo ko. "I really love this silly girl."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top