11 // Break Like a Ceramic
11 // Break Like a Ceramic
Minsan kapag weekends ay umuuwi ako sa bahay namin para i-remind ang nanay at tatay ko na may anak pa sila.
But since may event si Lesly ngayong Sabado ay hindi na lang muna. Tsaka ayoko ring kulitin ng nanay ko tungkol sa isusuot ko sa eightieth birthday party ni Lolo Gustin.
Alam kong engrade ang magiging celebration para kay Lolo. Hindi lahat ay mapalad na maging malakas sa gano'ng edad. Tsaka iyong ibang tropa ni Lolo deads na, kaya sobrang thankful ng family namin na malakas pa siya. I know being happy and contented helped. He was always the one to make us laugh when we're down. Lalo na kapag pinapagalitan kaming magpipinsan ng mga magulang namin.
I remember one time when my cousin Snooki, who were still underaged that time, got home at five in the morning outrageously drunk! Nabulabog ang angkan noon dahil nag-hysteric si Tita Elora.
Tapos Lolo Gustin came to the rescue, ang sabi niya ay sa kanila nanggaling si Snooki at siya ang nanglasing sa pinsan ko. Of course, hindi iyon totoo pero hindi naman masagot ni Tita Elora si Lolo kaya shut up na lang siya. Ngiting-wagi noon si Snooki!
The whole family witnessed the whole thing because we were at their house. Snooki texted all of us to come, so that her mom would feel a bit embarrassed to scold her in front of us. Witty witch!
In just a couple of weeks, magigimbal na naman ang mundo ni Lolo dahil kumpleto kami sa mismong araw birthday niya. Sa mansion gaganapin ang family dinner, tapos iyong engrandeng celebration ay sa hotel na gaganapin naman sa ibang araw, that's obviously a weekend.
Pagkalabas ng bahay ni Jules ay nakasimagot siya sa akin. Wala pang sikat ng araw kaya siguro siya ganyang ka-grumpy. It's just four a.m. and we haven't had coffee.
"Nakalimutan mo 'tong white shirt! Pati itong phone mo," masungit niyang sabi. Inabot niya sa akin iyon parehas.
"I don't text, Jules. Why do I have to keep reminding all of you that," sabi ko nang nakanguso.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa apartment nina Cara. Doon kami magkikita-kita, tapos ay kukuha ng Grab car para pumunta sa venue kung saan iyong Fun Run. Wala akong alam sa mangyayari, chill lang ako lagi. Basta sila ang kasama ko secured na ako sa lahat.
So I just chill all the time.
Madilim pa ng paligid. Sa ilaw lang sa post lights kami nagrerely. Wala ring ni isang estudyanteng makikitang naglalakad.
"Si Cara na lang daw ang nasa apartment. Nag-overnight daw sina Les kagabi sa orgmate nila," sabi ni Jules habang nagta-type sa phone niya.
Yakap ko lang sarili ko habang naglalakad kasi sino pa bang yayakap sa akin? Joke! Malamig kasi! Sobrang lamig lalo kapag humahangin, marami pa namang puno sa dinadaanan namin.
"Ay wait! Susunduin na daw tayo ni Jerrick, malapit na siya dito."
Parang sobrang accurate ng sinabi niya dahil sa liwanag sa likuran namin kasabay ng busina.
Humangin na naman nang pagkalamig-lamig. Di ko kinakaya kahit makapal na ang hoodie ko.
"Sa unahan ka na, Vie!"
First time ko yatang hindi nakipagtalo kay Jules kasi sumakay kaagad ako sa unahan. Ayoko talaga sa malamig na paligid. Okay lang ang AC sa kwarto kasi may comforter naman, but this type I dislike!
"Good morning, sunshine," malambing na bati ni Jerkrick. I'm amazed, may energy na siya para makipagbangayan nang ganito kaaga.
Hindi ako nagsalita. Naghikab lang ako.
Humalakhak siya. "Let's order coffee at drive thru."
Kahit ako ang nasa unahan ay si Jules pa rin ang kausap niya para sa direksyon ng apartment nina Cara. Pagkadating namin sa tapat, siguro mga 10 minutes kaming naghihintay. Bumaba na si Jules para puntahan si Cara imbes na bumusina kami rito.
Jerrick killed the engine. Sobrang tahimik tuloy! Tumingin ako sa labas at tsaka napahikab ulit.
"Just sleep, Vie. Gigisingin kita."
I just blinked, trying so hard to fight the dizziness. "Ayoko. Hindi mabigat ang traffic, baka ilang minutes lang nandun na."
"Edi gigisingin kita pagkatapos ng Charity Run. Para kumpleto pa rin ang tulog mo," pang-asar niyang sabi.
Tiningnan ko lang siya nang masama. Sinuot ko ang hood ng hoodie at gumilid nang maayos para hindi ko na makita ang mukha niya. Umagang umaga ba naman!
We did pass the drive thru for coffee. And also true enough na ilang minutes lang ay nasa Manila Bay na kami. Marami na ang nagkukumpulang tao, wearing the same shirts for the fun run.
"Jerrick, si Kurt pupunta?" tanong ni Cara.
"Yeah. He's too early. Tumambay muna siya sa SB."
Pwede nang kumandidato itong si Jules sa rami ng binabati niya at bumabati sa kaniya. Next to Lesly, she'll win. Sobrang opposite ko. I'll only know people if I knew from the start that I will keep them, otherwise I'll just smile and go.
Maybe that's also why I was not invested in rumors. I don't get satisfaction from other people's mischief and misfortune.
Lumiliwanag na ang ulap noong tinipon ang mga runners sa starting line. Bago magsimula ay ang simpleng opening ceremony.
The speaker basically spread awareness about early depression. It can often start at childhood, and that by all means we should watch out for it more because it may be perceived as a normal child behavior. Dahil kapag ganoon, hindi kaagad maagapan.
Although treatable pa ang child depression, I don't think that parents or guardians should delay on tending to it. Habang tumatagal, baka lalo lang mahirapan makaahon ang bata.
"Growing up, I'm also very lucky of Snooki," I said out of the blue. Napatingin si Jules.
"E sa akin? I'm your go-to cousin, be thankful of me!" Nakanguso niyang sabi.
I sighed. Hindi ko siya gaanong pinansin. "Sometimes you just stare at me when I cry! Si Saige naman, sasamahan pa akong umiyak."
Jules shrugged. She reluctantly agreed with me. Si Jules kasi may pagka-noob minsan. She'll just really stare at me and just pat me on the head, not knowing what to do. In the end she'll just give me water, which was thoughtful by the way.
Snooki was the cool wild girl out of the four of us. One time when I was so mad at my mom for something, Snooki let me smash one of my mom's prized flower vase and took the blame for it.
I was really alive after shattered pieces of ceramics fell onto the floor. My mom was fuming but cannot exactly get mad at Snooki because she said it was just an accident.
Not.
We were just laughing all throughout the night. Ahh! Those were the days. We were senior high schoolers at that time.
My cousins and I were all lucky we had each other as our support system.
Bago ang gun start ay dumating sa gilid namin sina Jerrick at Kurt. Si Pol naman ay missing in action pero nandito na raw siya sa venue, sabi ni Cara kanina.
"Maglalakad ka lang?" tanong ni Jules kay Cara.
"Huh? Syempre, hindi! Fun Run 'to, diba? 'Di fun walk."
Tumawa pinsan ko at tumingin sa akin. "Ito malamang maglalakad lang."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Oy, it's either sad run or a fun walk for me. Kanya-kanyang trip ha."
Nang pumutok ang pistol gun ay kumaripas nga ng takbo ang dalawa. I also saw Kurt running real fast. Ako naman, I just jogged. They'll wait for me at the finish line.
So habang nagmamaganda akong tumatakbo, may isa akong hindi nakita. Medyo bumagal ang pagtakbo ko nang luminga ako.
Participants were running past me, ang iba ay tumatama sa balikat ko dahil hindi ako makapag-focus. I just wanna know if he's here or if he ran faster than Kurt.
Pagkaalis ng isang babae sa paningin ko ay bumungad na si Jerkrick.
"Sunshine, nandito lang ako sa likod mo," naaaliw niyang sabi. Parang proud pa na hinanap ko siya. "Just run. O, gusto mo sabayan kita?"
Binalik ko sa harap ang tingin ko tapos tumakbo na ako nang mabilis!
Marami akong runners na naunahan sa bilis ko. Hah. Ang bagal naman nila.
"Uy, Vie!"
I slowed down a bit to look for Pol, it's his voice. I'm looking behind over my shoulder while I run. Nakita ko naman siya, pero katabi na niya si Jerrick.
Ngumuso ako sa direksyon ni Jerrick para marealize ni Pol kung bakit ako hindi nagbabagal sa pagtakbo. Nagtataka siyang tumingin sa kanan niya. Pagkakita naman niya kay Jerkrick ay nagkangisian silang dalawa. They nodded at each other. At ang susunod na lang na nangyari ay tumatakbo na sila at full speed towards me.
Nag-panic ako so kumaripas ulit ako nang takbo. Dahil di ako nakatingin agad sa dinadaanan ko ay nabunggo ako sa nasa unahan ko. I fell painfully, butt first.
Humawak agad ako sa bewang ko. Nag-sorry naman ako doon sa nabangga ko, tumango lang si ate girl tapos tumakbo na ulit.
Noong maabutan ako noong dalawa ay inangat nila ako, tig-isa sila ng balikat sa pag-alalay.
"Sige takbo pa, Vie. Ang husay mo talaga," sarkastikong sabi ni Pol.
Pinagpagan ko kaagad ang pwetan ko. Buti na lang black ang shorts ko!
"Ikaw na bahala dyan. Tatakbo na ako," sabi ni Pol kay Jerrick.
Tumango naman ang loko. "I got this."
True enough, iniwan na nga ako ni Pol. Parang kanina lang tinatawag niya ako ah? Ano ngayon, bakit niya ako iniwan!
Lagi ko na lang bang tatanungin ang tao kung bakit nila ako iniiwan?
Joke. Char char lang.
Alis na silang lahat, libre ko pa sila ng pamasahe kahit saan, kahit kailan. Pero ang food allowance nila, hindi ko na sagot. Tingin ko busog na sila sa mga matatamis nilang salita at mga pangakong nalunok na nila.
They don't need dessert. What they need is a duct tape for that kind of mouth. The world doesn't need any word coming out of there anymore.
Hmm. Hindi naman na ako bitter.
"Nasaktan ka ba? 'Wag mo na kasi akong takbuhan, Viennica," sabi niya habang nagpipigil ng ngiti. "Hindi ka pa rin ba naniniwalang hindi kita titigilan?"
"That's creepy."
"Aw. Was it not sweet enough? Paanong tamis ba ang gusto mo?" Ngumisi siya.
Tumakbo na ulit ako. This time, oo, hindi ko na siya tatakbuhan. Kung ano-ano na lang ang nangyayari sa akin kapag iniiwasan ko 'tong pisteng ito.
Tumatakbo siya sa tabi ko. Lumapit pa siyang lalo sa akin, our shoulders touching each other. Wow! Hindi ko lang tinakbuhan, maka-ganito na siya ha?
"Hmm? Tell me."
Umirap na naman ako. "Lahat na lang gusto mong malaman. Baliw ka na ba sa akin ha? Kakainis."
Parang may umilaw na bumbilya sa taas ng ulo niya dahil sa sinabi ko.
"Ito na lang. Let's race to the finish line. Kapag ako ang nauna, ku-kwentuhan mo na ako kung bakit ka ganyan ka-bitter sa buhay."
Napanganga ako. "Anong bitter ka dyan!"
"Oo, ganyan nga ka-bitter." Malakas siyang tumawa.
Hindi ako sa pagtakbo hinihingal, e. Nakakabwisit!
"O, kung hypothetically pumayag ako, anong gagawin mo kung ako ang manalo?"
"Paano ba? Ang hirap kasing isipin ng bagay na hindi mangyayari."
Nagkunwari siyang nag-iisip. May pag-tingin pa siya sa ulap para mas inisin ako.
Dahil I'm feeling extra immature, malakas ko siyang itinulak sa gilid tapos tumakbo na ako nang mabilis.
Akala niya ha! Wala naman kaming rules, so talo talo na!
I admit, I'm aware that I'm getting kinda tired of running away from him all the time. I may slow down, or even stop sometimes. But I'm also still sure that letting another person who could possibly break me again easily is definitely not a wise choice.
Yet while I run, he was always quick to catch up. Na-imagine ko na e... Iyong tatakbo siya nang sobrang bilis hanggang sa malagpasan na niya ako tapos yayabangan pa ako habang nakangisi.
Mas okay sana 'yon, e kaso ang nangyari e sinasabayan niya pa rin ako sa speed ko. Hirap na hirap na ako at hinihingal pero siya chill lang. Tinatawanan pa ako!
Dumating na kami sa unang water station. Lumaklak ako ng sobrang daming tubig. Konting pahinga then sabak na ulit.
I need to run just 5K today. This was what I signed up for. Hindi naman ako mananakbo, hindi rin mataas ang stamina ko tulad nina Jules. I just really supported the cause, that's all.
"What, Vie? Pagod ka na agad?" pang-aasar niya pa habang hingal na hingal na ako. "You can stop. I'll rest with you."
I gave him a dismissive wave. Malapit na rin naman sa finish line.
Parang hindi siya nakikipag-kumpitensya sa akin ah? Nasa tabi ko pa rin siya at sinasabayan ang pagtakbo ko.
Maybe he's really nice after all? Baka gusto niya lang talaga akong asarin, and that he values my privacy, too. Nice!
Habang papalapit ang finish line, natanaw ko na sina Cara na naghihintay doon. Jules and Pol were also waiting by the water station. Haggard na silang tatlo dahil sa init. Panigurado, ako rin naman. Hindi ko na nga inaayos ang buhok ko. Mamaya ko na lang itatali ulit sa mas maayos na ponytail.
Right now, I have a goal.
Bumilis nang kaunti si Jerrick para harapin ako. Patalikod siyang tumatakbo ngayon.
"Paano ba 'yan, sunshine, malapit na ang finish line. Hanggang dito na lang kita masasamahan."
I gaped. It's still on?
Bago pa ako makapag-react, tumalikod na siya at mayabang na tumakbo. Unti-unti akong naubusan ng pag-asa.
Noooooo!
My speed decelerated as I watched him crossed the finish line. Swabe siyang tumingin sa akin patalikod at ngumisi. Nakita ko ang mga kaibigan kong tinatawanan lang ako.
Dahil talo na rin ako, naglakad na lang ako. I crossed the finish line unenthusiastically. All this exhaustion for nothing.
"Luging lugi, Vie, ah?" pang-inis ni Pol kasabay ang tawa nina Jules.
Hinihingal pa rin ako pero hindi ako hihingaling tingnan sila nang matalim.
Tumatawa akong sinalubong ni Jerrick. May hawak siyang bote ng tubig na inabot sa akin. I snatched it from him dahil naiinis ako, but I still said thank you.
Habang umiinom ako ay marahan niyang ginulo ang buhok ko. Tuwang tuwa pa rin siya.
"For what it's worth, it was a close fight, Vie," he said in as-a-matter-of-factly tone, kahit hindi naman talaga. Nangiinis lang talaga siya.
Pagkatapos kong uminom ay isinuot niya sa akin iyong medal niya. Natatawa pa rin siya. Binasa niya ang labi niya gamit ang dila. Umirap lang ako.
Nang mawala na ang atensyon ng mga kaibigan ko sa amin ay tsaka siya dumikit nang sobra.
"So, when's our date?" malamig niyang bulong sa akin.
Napamura ako sa isip!
"Asa ka." I almost stuttered!
"Viennica, umaasa talaga ako," humalakhak siya sa tenga ko. "Hindi na ako makakatulog nang maayos nito."
Napalunok ako. Parang hindi niya mahalata na naapektuhan ako, sinalpak ko sa tyan niya iyong hydroflask at tsaka nag-walkout.
"Edi buti nga sayo!"
Tawa na lang niya ang narinig ko pagkalayo ko. Napasuntok ako sa hangin nang ma-realize ko na nagtagumpay ako sa pag-walkout.
Buti na lang. Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga susunod na balak pa niyang gawin sa feelings ko.
Kahit hindi naman ako affected.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top