10 // Like A Viking
10 // Like A Viking
Kahit may sariling kwarto si Jules ay mas madalas siyang tumambay dito sa kwarto ko. Tapos tuwing mag-aaral lang tsaka siya bumabalik sa lungga niya.
This old room of Kuya Lenard became officially mine after we got rid of his stuff and replaced with all that's mine. His boy toys that he couldn't bring to their house ended up being donated.
After I was kicked out of our own house, meaning I had to leave for college, I made sure to transform this room to my safe haven.
"Sa tingin mo si Jerrick si Eerie Constantin?" tanong ni Jules while flipping the pages of my idol's personal portfolio.
Kapag nandito si Jules sa kwarto ay may comforter na nakalatag sa sahig at doon siya nakahiga.
I scoffed at the idea. "I don't think Jerkrick has Eerie's depth and substance to be that good."
Napabangon siya at tila handa nang makipagsapalaran para baguhin ang paniniwala ko. I just looked at her without any expression.
"Uy hindiii," she sang. "Matalino 'yon! Kaya ko rin siya naging crush kasi akala ko magagamit ko siya sa acads if ever maging kami."
Ngumuso siya, parang sayang na sayang at disappointed siya sa nangyari. Natawa ako nang sobrang lakas. Hindi ko naman sinasadya.
"Ngayon ko nami-miss si Saige!" she exclaimed while giving me a sharp look. Mas lalo lang akong tumawa. "Ganyan ka ka-dimunyu, e ano? Hindi ka matinong kausap."
I made a face. "So why are you still here?"
Umirap lang siya, pero ininis ko pa rin siya lalo noong inilabas ko dila ko and made a face again.
Wala pa akong sinabi noon ha! Pero ganyan na ang reaksyon niya. That's how I am to my cousins, the people I could easily win over.
After a while ay nakatulugan na ni Jules iyong pagbbrowse sa portfolio ni EC. I was watching Netflix to rock myself to sleep but I just couldn't feel sleepy.
Nakabukas iyong portfolio ni EC sa gitna at nakapatong sa tiyan ni Jules. Nilaylay ko ang katawan ko sa kama para maabot iyon.
Hindi talaga ako nagsasawang tingnan nang paulit-ulit ito. Titigilan ko lang siguro kapag nakapili na ako ng favorite kong photo sa collection na ito. Pero ngayon pa lang ay alam ko na sa sarili ko na parang hindi ko kayang mamili. Lahat gusto ko, mahirap sabihin kung ano ang pinakaangat sa lahat.
i could have walked out the door the first time you left it wide open.
but how could i? If leaving meant leaving all of me behind?
if leaving meant I could only carry my body out with my heart as hollow?
That's what it said on the photo.
Dito pa lang ay sagad na agad sa buto ko ang sinabi ni Eerie. If we shared a similar fate at any point in our lives, then I already feel sorry for him or her.
The lips of the lover kissed the back of the hand of the beloved. Under the sunset, and in a world they choose to ignore.
So that's my today's pick.
So far, because Wyatt was the only person that could ever come close to being mine, every quote of love, every heartbreaking words reminded me of him.
If I hear anything painful, be it of other people's narrative, my heart always pointed at him. As if he's consistently the only one to blame. I didn't know how to stop, or if I could ever stop this.
Nakakainis si Jules, inunahan ako sa pagtulog! Edi sana hindi ako nakapag-emote nang ganito.
I take my classes during the day. Tapos sa hapon pagkatapos ng lahat, that's when my life actually starts.
I like hanging out at the café because I love the smell of coffee and of course, the coffee itself. I love the satisfaction I could get from making it for other people who love it, too.
Well, except for this person in front of the cash register now.
Imbes na batiin ko siya tulad ng pagbati ko sa mga customer ay napaisip ako nang malakas.
"May something talaga sayo kung bakit ako inis na inis. Hmm," I hummed. Napatingin ako sa kisame habang iniisip kung bakit nga ba.
While thinking, I saw Pol stopped frothing and his jaw dropped while staring at me.
"Ah!" I exclaimed. Dito nagulat si Pol at tsaka nagbalik sa real world. "I remember, okay."
I did remember. Mahina akong natawa nang maalala ko naman iyong first encounter namin. That's something I'd do again, if ever I could go back in time.
Jerrick bit his lower lip to hold back a smirk. "I like seeing you smile because of me."
Immediately, my smile disappeared. Mas lumapit siya sa counter, while I took a step back. He's wearing an amused grin again. Ipinatong niya ang siko niya sa counter habang naghihintay sa akin.
I cleared my throat. Nagtaas ako ng kilay. "So what's your order? Don't waste my time."
"Viennica!" hiyaw ni Tita Lar mula sa likod ko. I jumped out of shock.
Huminga ako nang malalim at kinagat ang loob ng pisnge ko. Mapapahamak na naman ako nito.
"Tita Lar," mabait na bati ni Jerkrick sa tiyahin ko. Akala mo naman talaga.
Kakalabas lang ni Tita Lar mula sa stock room at kung bakit nasaktuhan pang itong isang ito ang customer ngayon.
Tita's hands found the sides of my shoulders so she could maneuver me away from the cash register. Siya ang pumalit sa pwesto ko.
"Pagpasensyahan mo na," malambing na sabi ni Tita na para bang anak niya ang kinakausap. "Hayaan mo't makakabawi rin iyang si Viennica sa iyo."
I grimaced. Bakit ako babawi? Anong gusto niyang bawiin ko? Life niya?
"Gano'n po ba?" Matamis siyang tumawa. Nakukuha niya ang loob ni Tita. Hindi ko gusto 'to! "Then I think I'll let Viennica order for me today. I need to know if she has taste."
Binigyan niya ako ng mapang-hamon na tingin.
"Diba wala kang taste? Kaya nga na-heartbroken sa huli mo," Pol whispered and snickered beside me.
Kinagat ko ang labi ko bago ko siya siniko.
"It's just so refreshing to see na kinikilig ka na ulit, Vie. After all this time, dito sa cafe mo lang pala makikita ang katapat mo."
Binigyan ko ulit siya ng siko, this time malakas-lakas na iyong force. Pero para lang siyang nakiliti dahil tinawanan niya lang ako, pagkatapos ay nagpatuloy na siyang gumawa ng kape.
"Kinikilig sa iyo ang pamangkin ko," tuwang tuwa na anunsyo ni Tita Lar kay Jerkrick.
Malakas na humalakhak si Jerkrick. Napatingala pa siya habang naniningkit ang mata.
Muntik na akong mapamura nang malutong! Buti napigilan ko kaagad.
"Our Viennica was brokenhearted for a long time. That's why as a family, we are all this happy to see her like this again," Tita continued to share.
Hindi ko na talaga kaya. My chest was heaving from embarrassment and all sorts of emotion.
"Well, ma'am," he started to charm Tita Lar again, "As a concerned citizen, I shall make her kilig everyday for free."
Tita Lar clapped her hands together out of delight. Mabilis siyang nagpunch ng order sa register. "Your order is on the house, Jerrick. Go sit. My niece will take the house brew special to you."
I rolled my eyes. Tumingin ako kay Pol and mouthed, "What? On the house again?"
Nagkibit lang siya ng balikat. Malulugi ang Mostaccio sa ginagawa ni Tita eh.
"I will pay, Tita. No need po," nag-aalalang sabi ni Jerrick. Inilabas pa niya kaagad ang wallet niya.
"Naku! Hindi na! You go sit, Jerrick," utos na ni Tita Lar gamit ang boses ng isang ina. Itinulak pa niya ang wallet ni Jerkrick.
It showed on his face that he had no choice but to obey my auntie. Nagdadalawang isip pa siya. Mabagal siyang naglakad para maghanap ng table, at kada segundo ay ibinabalik niya ang tingin niya rito.
"Pol, use the beans we got from Sagada for Jerrick's coffee," utos ni Tita Lar.
Masunuring tumango si Pol. Nang makuha niya ang tingin ko ay siya naman ang nagsalita sa hangin, "Wow. First customer to taste our house brew special."
Bago siya pumasok ng stock room ay tinigilan niya ako. "Keep your sunshine, Vie. Ibang level na 'tong Tita mo."
I shook my head because of disbelief. No matter how hard they ship us both, I'll never falter.
Dahil hindi ako bangka, tao ako! I should know better. Ships don't have brains, but I do.
Matagal akong nakanguso habang naghihintay matapos ang kapeng nakalaan para kay Jerkrick. Tita Lar had taken over being the cashier so I was left with nothing to do for now.
"Ibigay mo na ito kay Jerrick. Doon ka muna sa table niya. Samahan mo at mukhang malungkot!" madamdaming utos ni Tita Lar. Ngayon, ako naman ang itinataboy niya.
Nagpadala ako sa tulak ng magaling kong tiyahin imbes na pumalag at matapon itong kapeng hawak ko.
Nakabukas na ang laptop ni Jerrick nang masulyapan ko siya. Tamad na tamad akong naglakad papunta sa table niya. Hindi naman kasi namin ito ginagawa, itong pagsilbihan ang fully-abled na tao sa kanilang lamesa
Magalang kong inilapag ang kape at pastry katabi ng laptop charger niya. Mabait pa rin naman ako at times.
"Kinikilig ka pala sa akin?" he smugly said out of the blue. Napatingin ako sa mukha niya. Iyong titig naman niya ay naka-pokus pa rin sa laptop.
I scoffed. "Naniwala ka naman agad? Masyado ka boi."
Umangat ang tingin niya kasabay ng pag-angat ng isang gilid ng labi niya.
"Of course. Your actions were a takeaway, Vie," mayabang niyang sabi. Humalukipkip siya at matalim na pinanood ang pagbago ng hitsura ko. "I bet you can't even look me straight in the eye for a full minute."
I glared at him. "Sinong may sabi?"
Nagkibit siya ng balikat at tsaka ibinalik ang atensyon sa laptop niya. At dahil sa hindi niya pagsagot, I felt belittled! Para akong na-seenzoned in action.
Hinawi ko ang apron ko at taas-noong hinila ang upuang katapat niya para makaupo. He wasn't fazed, nakatingin pa rin siya sa laptop. Ngayon ay nagta-type naman.
Nilapag ko ang braso ko sa lamesa para madungaw ko siya nang maige.
"Now, why can't you look at me? Ikaw yata ang takot?" I said mockingly, with my tone as if I was talking to a child. Nang-iinis akong ngumiwi.
Pumikit siya sandali para huminga nang malalim. He slammed his laptop shut and apathetically looked at me. In one swift move, his elbow pushed all his gadgets aside so he could inch his face towards mine.
"I like being childish with you," malambing niyang bulong. Binasa niya ang labi niya bago ngumisi.
Muntik na akong kumurap. I was tempted to purse my lips. Pakiramdam ko nanunuyo na ito.
"I know nothing about that Wyatt, but forget him, remember me."
Nang marinig ko iyon, doon na ako natalo. My eyes felt tired. Lumayo akong marahan.
"I told you, Jerrick, I'm not going to say sorry that you were an A+ asshole. You're good at that game, pati ako isinasali mo," I almost choked on the lump forming on my throat.
Lumambot ang kanyang hitsura. For a second here, it seemed as if he was concerned to know that I really was not in this kind of war.
"Tell me, then. I'm all ears," he urged sincerely. Nakabukas na bibig ko para magprotesta pero inunahan niya ako. "Don't. Don't say that we aren't friends. I know that already."
Tss. My eyes fired up. Irap ako nang irap simula nang makilala ko itong taong 'to. Nahihilo na ako!
He cocked his head to the side and smirked. "I have other plans."
Luh.
Kinalampag ko ang table kasabay ng pagtayo. "Kahit ayaw mong marinig, sasabihin ko pa rin! Hindi tayo friends."
I whipped my whole body para mag-walkout. Sinigurado kong sumayaw ang buhok ko para epek! Pagkahakbang ko naman ay napabalik din ako dahil nahuli niya ang braso ko.
Couldn't this guy just let me walk out? Nasasayang ang effort ko.
"What if I do a good job? Will you tell me then?" malamig niyang tanong. His eyes got fierce.
"Good job saan?" natatanga kong tanong.
Habang hawak niya pa rin ang braso ko ay tumayo siya. He towered over me now so I had to look up to him.
"If I do a good job vying for a position in your life, will you tell me?"
Sarkastiko akong tumawa. "Hindi mo kailangan ng posisyon na 'yan. Ang kailangan mo, bumalik sa realidad bago kita binuhusan ng kape. That's the version of life you want!"
May sumilay na ngiti sa labi niya. Dito ko lang napansin na nakahawak pa siya sa akin. Iwinagwag ko ang braso ko para matanggal iyon.
"You're cute to assume what I want," mapang-asar niyang sabi. "Ito na ang gusto ko. I want to come here and annoy you everyday."
I hissed. Kakainis!
"Yes, Vie. Like that." Humalakhak siya. "I want that everyday."
Umiling ako. "Mapapagod ka rin. People get bored easily. That's why they hurt other people."
Umakto siyang parang napaso sa sinabi ko. "Hugot 'yan ah. Ready ka na bang magkwento?"
"Asa!" Ngumiwi ako.
Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong pinapanood kami nina Pol at Tita Lar. Kitang kita ko sa mukha ni Tita na natutuwa siya. Ang hindi niya alam, nagbabangayan lang naman kami like usual.
"You'll tell me eventually," proud niyang sabi.
Umikot na naman ang mata ko. Pinisil niya ang pisnge ko at tsaka humalakhak pabalik sa kanyang upuan.
"Ang swerte ko ngayon," nakangiti niyang sabi sa laptop niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top