15 // Doctor Daisy is In
Doctor Daisy is In
"Say maganda, yes, yes correct... si Snook—oh, don't you dare camouflaging on me now! Cornelia!"
Kahit nag-iba na ang kulay ng butiking 'to ay nakita ko pa ring dumila siya at inikot ang ulo sa kabilang banda. Wow ang sassy, ha?
"What are you doing?" asked Archer.
Nilingon ko siya. I hadn't noticed he entered the shop. I forgot he had a tendency to turn into a sneaky prince during lunch hours.
"Ah, tinuturuan kong mag-Tagalog si Cornelia," sagot ko.
"I think it's Nelia—"
"Ep ep ep!" I held up my index finger. With my eyes proudly closed and chin high up, I formally announced, "It is Cornelia now."
Pagkamulat ko ay wala na siya sa harap ko. Where has he gone to? Napahaplos ako sa tuktok ng ulo ko habang nagtataka. But then, I heard a distant sneezing and nose blowing.
Lumakad ako nang tahimik para silipin iyong gawi ng restroom. Nakaawang ang pinto at naroon nga siya sa loob. Nagtakip ako ng bibig. Was Archer sick? Hala!
"Hi, blooming morning!" bati ng bagong dating na customer sa shop.
"A blooming morning to you, too, Mrs. Danner!" I greeted back with a smile. Umayos ako ng postura. Nag-alangan pa ako kung saan tutungo nang marinig kong nahihirapang umubo si Archer.
I know he wasn't exactly dying, but...
"What's our occasion for today, Mrs. Danner?" I started for a casual chit-chat.
"Mrs. Danner, hi! Good morning!" natatarantang bati ni flower boss na siyang kalalabas lang mula sa cold room. "You're very early today."
Humalakhak si lady ma'am customer. Lumapit si Auntie sa amin at cue ko na ito para sumibat. Marahan akong naglakad paatras, ngunit nakangiti pa rin. When Auntie fully took over the conversation ay tinakbo ko na si Archer.
Saktong kalalabas lang niya ng restroom at nagpupunas ng mukha niyang bagong hilamos.
"Uy, okay ka lang ba?" nakangiwi kong tanong. Namumula ang ilong niya at ang magkabila niyang pisngi.
"Yeah, no. I shouldn't have gone here. Sorry," nakatungo niyang sabi habang inaayos ang cuffs sa braso niya. He truly looked sorry kaya't lumapit ako para tulungan siyang ayusin iyon. He seemed groggy, he couldn't do it properly.
"I don't think you should go near me, Snooks," nanghihina niyang sabi, pero hinayaan naman akong ayusin ang cuffs niya. Gusto rin! Yieee.
"Ayaw ko ng Snooks, ang gusto kong tinatawag mo sa 'kin ay Snooki," mahinhin kong reklamo kasabay ang pagnguso. "Kabila."
He stretched out his other arm as he chuckled. "Pwede ko bang malaman kung bakit?"
Napakagat ako ng labi. Dahil sa sipon ay nag-iba ang timbre ng boses niya, ngunit kinilabutan pa rin ako roon. Ang lalim kasi. Gusto ko na namang mahulog!
"Snooks is for friends and family only," I answered. Tinapos ko ang pag-aayos ng sleeves ng polo niya, then he's back to the Sir Archer that I always wanted to softly bite. Rawr!
"Am I not your friend?" nagtataka niyang tanong. Mas lumala ang pagkapula ng pisngi niya. Umiwas siya ng tingin nang makita ang mapang-asar kong ngiti.
"Ano ka ba! Friends naman!" Hindi ko na kinaya ang pagpipigil ng hagikhik. Tinampal ko na naman ang braso niya at saka nagpa-sway-sway ng katawan. "Pero ayaw ko ng hanggang friends lang."
Binalikan niya ako ng tingin. His eyes were shy and heavy under his brows. Umawang ang kanyang labi at kinailangan kong hawakan ang baywang ko dahil baka may mahulog. Hngg~
I tiptoed so I could reach his face. He held his breath when I came close, maybe being careful not to infect me, or maybe being careful not to fall the same way I did.
"I still don't know how, but I'll make sure that you'll like me, Sir Archer."
I smirked when his lips fell more open. I was so rocking this sultry persona!
Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ng mapanganib na tingin. Marahan akong umatras habang nakangisi para iwanan sana siya sa nagimbal niyang mundo. Pero pagkaatras ko lalo ay tumama ang baywang ko sa maliit na round accent table at gumewang ang flower vase na nasa ibabaw noon!
"Shit, shit!" I panicked as I tried to save the vase from dropping.
"Snooki!" he yelled yet again as I knelt to catch the vase.
Nasalo ko ang vase bago pa man ito mahulog sa sahig. Niyakap ko kaagad iyon kasabay ang dasal ng pasasalamat. Nako! Lagot ako kay flower power boss nito kung nagkataon!
Inalalayan ako ni Archer na makatayo. Nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin kaya't tumawa na lang ako na nahihiya. Maingat ko namang binalik ang vase sa lamesa.
Ayoko na ngang maging sultry. Gaga, kung ano-anong nangyayari sa akin 'pag sinusubukan ko!
Tinakpan ni Archer iyong vase gamit ang katawan niya bago ako pinalakad pabalik sa showroom.
Ngumuso ako at umirap. Pagkadaan ko sa gilid niya ay tiningala ko siya at nagkomento, "Grabe ka sa 'kin."
Natawa siya at umismid lang ako. Sumunod siya sa akin pero itinuloy niya ang lakad niya hanggang makalabas ng store. Tumigil siya roon, parang hinihintay ang magandang si ako para makapagpaalam.
"Babalik ka pa rin sa work?" I asked and he nodded. He sniffed a little so I grunted. "Take the rest of the day off. You're sick, you shouldn't go back to the hotel."
"I have my own office and I'll wear a mask," depensa niya.
"Yeah, and so?" pagtataray ko. Kulit nitong gwapong 'to, ah! I crossed my arms and sported a brooding-eyes.
"Uh, that means I can still work?" he carefully answered, as if he wasn't confident anymore. Ayan, tama yan, matakot ka sa 'kin dahil ako ang future ano mo. Keme!
"Just rest, young man! Your work doesn't love you, and you are definitely replaceable in that white-collar job. So, go home and fix yourself!"
Napangisi siya habang nakatungo. Lumingon ang mata niya sa gilid at saka bumulong, "I've been told I was indeed irreplaceable one too many times that I've learned to just embrace it."
Napairap ako at nagpigil ng ngiti. "Hala, ang kapal!"
Humalakhak siya at ibang boses ang lumabas. It's from a sick Archer.
"Susumbong na kita kay Auntie at kay Uncle Benj," I threatened pero natatawa pa rin siya. "And if it's not enough, idadamay ko na rin si Jerry dito. Ano, 'di ka pa uuwi?"
Kung nanlalaki na ang butas ng ilong ko eh 'di manlaki siya! Ginigigil ako ng gwapong 'to, baka makagat ko na talaga 'to!
"Ma'am, uuwi na po, ma'am," nangingiti niya pa ring sagot.
Tinaas ko ang chin ko at umirap, "Then, good. I'll see you later."
"Later?"
Tinagilid ko ang ulo ko, matalas pa rin ang mata kong nakatingin sa kanya. "You heard me, yes, later. I'll cook maasim na sinigang for you after my shift."
"Thank you."
"No, don't argu—" Huminto ako bigla nang mapagtanto na hindi naman siya tumanggi tulad ng inaasahan ko. "Really, hindi ka tatanggi?"
Binasa niya ang labi at saka nagtikom ng bibig. Wala mang ngiti sa labiniya but it was his eyes that told me he was amused. Umiling siya.
"Okay, good," mahina kong sabi, nagpapanggap na matibay. Napalunok ako kaya't tumalikod kaagad ako. This way, he wouldn't see how affected I was.
Kinaway ko patalikod ang kamay ko at 'di na siya nilingon hanggang sa makapasok ako sa store. Nang madaanan ko si Auntie ay patago kong pinisil ang bilbil niya dahil wala akong iba na mapanggigilan.
Pinanliitan lang ako ng mata ni Auntie dahil hindi siya makakapag-wild nang may customer sa shop. Ngumiti lang ako lalo at saka gumawa ng maliliit na sayaw.
Iba tuloy ang naging takbo ng araw ko ngayon dahil may inaasahan. Parang biglang sobrang galing ko nang florist, kaya ko nang kabugin si Auntie. Ready nang nakawin ang kumpanya kinda skills, ganyan!
At saka kahit ilang beses akong dilaan at taguan ni Cornelia ay ayos lang. Nagka-extra crickets pa nga siya sa 'kin noong pinapakain ko. Ganyan ako kabait sa favorite co-worker ko today, kaya dapat ako rin ang favorite niya!
"Auntie, sabay na po akong umuwi sayo, please? Mag-close tayo nang maaga just this once. Ubos na rin ang bulaklak natin, at pwede namang bukas na lang tayo tumanggap ng arrangement requests," mahaba kong panimula. Hiningal ako, bwisit.
"May lakad ka ba?" mahinahong tanong ni flower boss. Tumango ako with pleading kitten eyes. "Kung ganoon ay kami na lang ni Julio ang magsasara ng shop."
"Hala, Auntie! Sa apartment lang din naman ang lakad ko, pero kasi I'll do grocery pa after work. I will cook sinigang later!" I shared proudly. "For Archer."
Tumango-tango si Auntie. "Asiman mo. Mahilig iyon sa maasim."
"Oo naman. Maasim naman po ako—ouch, Auntie!" I yelped. Nakaganti na ng pisil si motherflower boss sa 'kin. "What I meant was, maasim naman po akong magluto! Grabe talaga kayo sa 'kin!"
"Ah, ganoon ba?" nahihiyang sabi ni Auntie. Nagpaawa ako, ngumiwi 'tsaka tumango.
Lumayo ako nang kaunti tapos ngumisi. "But I'm still twenty-something kaya may asim pa rin talaga. For sure, kahihiligan ako ni Archer. Rawr!"
Nang umamba na si Auntie ay tumakbo na ako para magtago. Lumitaw na lang ako ulit nang marinig ko si Julio. Mabilis kaming nagsasara ng shop dahil nginangarag ko talaga si Julio. Ramdam ko pa ang stress niya sa 'kin at kulang na lang sabihan niya ako na umuna na, pero natatawa kasi ako sa mukha niya kaya nanatili ako.
"Snooks, I think you should go." Julio sighed frustratedly. I guffawed. That's what I've been waiting for him to say.
"What? No, I'll help! I. Will. Help!" I said with conviction, fisted palms placed on my hips.
"You're such a child." He made face, so I did, too. "Go home, Henilza!"
"Oy, bakit mo ako nila-last name!" Pinanlisikan ko siya ng mata. "Kung gaganyanin mo ako, itama mo naman, dapat Marsden na!"
Umiling siya at tinalikuran na ako. "Crazy woman."
Sasagot pa sana ako kaso nakita kong pinanliliitan na kami ng mata motherflower boss Antonette. Tinuro ko nang mabilis si Julio at ngumiwi. "Siya nauna! 'Di ako!"
"Snooki, just do your grocery," walang ganang sabi ni Auntie. "Bukas ka na lang bumawi."
"Fine. But?" I looked at her, urging her to say the important words that I needed to hear.
"Go home, Snooki."
"Yes, yes, I will. But?" I grinned, still waiting for her to say it.
I heard Julio laughed so I groaned and gave him a look. Auntie Tonette sighed, "You're still the employee of the day today."
I beamed some more I could replace the morning sun with the glimmer from my teeth! I skipped towards Auntie and softly patted her beautiful cheek. "Yes, I know that, sweet pea. See 'ya tomorrow!"
Sumakay ako sa bike kong nakaparada sa storefront. Bago ako pumadyak ay narinig ko si Auntie.
"There's no employee of the day every day."
Oh, Tonette, there is. She's so funny!
Habang nasa grocery ako ay hindi ko pala natanong kung ano ang mas gustong sinigang ni Archer. Sinigang na pork or seafood, o Sinigang na Snooki?
I snickered as I took pork instead. Baka hindi pa niya kayanin si Snooki. Kaya 'tsaka na!
Doing grocery shopping was therapeutic to me that I always took my time, but now I couldn't because I have a sick Archer to tend to. Kaya't pagkadating ko sa apartment ay nagluto kaagad ako.
Ngayon ang una kong beses na magluluto ng Filipino food dito sa New York. Iba ang ingredients kaya paniguradong iba nang kaunti ang lasa nito, but I knew I could still make it work. Basta isang patak ng gayuma ang 'di dapat kalimutan. Char!
I was holding the pot with my two, mitten-protected, tiny hands as I knocked on Archer's door using my foot. As if he was anticipating me, bumukas kaagad ang pinto.
Bumungad sa akin ang tila bagong gising na Archer. Magulo ang buhok niya at mapungay pa ang mga mata. Kahit may sakit siya ay mapula pa rin ang kanyang labi, ngayon nga lang ay pati ilong at pisngi niya ay may kulay rin. Sarap talagang pisilin! Eeep!
"Hi, I got worse," balita niya kaagad sa akin. He sniffed and stepped aside so I could come in. "Sorry. Baka mahawa ka sa 'kin."
"Sus!" sabi ko na lang. I was finally inside Archer's place.
The place was dim as the only source of light came from what must be his kitchen. Nasilaw pa ako noong lumiwanag bigla dahil tuluyan nang binuksan ni Archer ang ilaw. Nakatayo ako sa gitna ng living area niya.
"Wow, you're neat," komento ko nang makita ang kabuuan ng lugar.
His space was neat. Everything I could see here was either in white or in black, a usual choice for a bachelor like him. His spacious couch was in white, and I could tell it's where he was sleeping before I came in because of an unmade black comforter on it.
Kinuha niya sa kamay ko iyong pot without realizing that the handle was hot.
"Ah, shit!" mura niya at napatakbo tuloy kaagad sa kitchen area niya. Nakangiwi akong tumawa tapos sinundan ko na siya roon.
"Bakit mo kasi kinuha? Feeling lava boy?" Tinatawanan ko pa rin siya at ngumiwi lang siya. Kinuha ko ang kamay niya pagkalapit ko. "Tingin nga!"
Every time I went near him, he towered over me that he had no choice but to look down. And also every time, tuwing titingala ako ay nandoon ang takot na baka magtama ang ilong namin, and more.
"You shouldn't come near me, Snooki. I'm serious," he warned softly it felt like a whisper.
Hawak ko ang mga kamay niya, tiningnan ko ito at namula nga talaga ang ilang daliri.
"Malakas nga ang immune system ko." Tiningala ko siya. "Do you need me to prove it?"
Our faces were just a few inches away. My eyes looked up to him as he looked down on me. We met in the middle, and as the seconds passed by, it felt as though an external force was telling us that we didn't need the distance.
Nangalo ang mata niya tulad ng sa akin. Hawak ko pa rin ang kamay niya. Hindi naman niya binabawi kaya't 'di ko rin bibitawan. If it's suddenly a sin to flirt with someone who's sick, then go handcuff me now, mister!
"Snooki..."
"Hmm?" I softly answered, enchanting him to do more. Umawang ang labi niya, showing some of his front teeth. Iyon na ba ang ngipin na kakagat sa 'kin sa future? Excited ako!
"I..." hirap niyang sabi. Pumikit siya at tila napilitang umatras. Hala, ang killjoy! "I need to go sneeze! I'll be right back!"
And then off he went. Just like that! Bummer!
Naglagay na lang ako ng sabaw sa bowl na nakita ko rito sa kitchen niya. I was sitting pretty on his bar stool while I waited for him. Kahit malayo ay naririnig ko ang ubo at bahing niya mula sa bathroom. Napapangiwi rin ako kada bahing niya.
"Ano, buhay pa?" biro ko pagkabalik niya.
Pinunasan niya ang gilid ng labi niya at natawa. Umiling siya at umupo sa kabilang parte ng marbled table pero kaharap ko pa rin.
"Marunong ka palang magluto?" Tiningnan niya ang bowl na nasa harap niya. Humigop siya noon at hinintay ko ang reaksyon niya. Napatigil siya sandali. Oh no, 'di ba masarap?
"Hindi ba pasado? 'Di pa ba ako pwedeng mag-asawa?" biro ko, pero sa totoo lang, kabado talaga ako.
Nangiti siya. "Masarap, Snooki," sagot niya sa malalim na boses.
Napakapit ako sa lamesa. Nanghina kasi ang tuhod ko! "Archer, alin? Ano ang masarap?"
Nabitiwan niya ang kutsara at tuluyan na siyang humalakhak. Patago kong kinagat ang labi ko. Nagkunwari akong nainis.
"Ano ba, Archer," mahinhin kong sabi kasabay ng irap. "Kakainis ka talaga."
"What? Wala akong sinasabi, Snooki," nangingiti niya pa ring sabi. Bumalik nga siya sa paghigop ng sabaw pero hindi nawala ang mapang-asar niyang ngiti.
Nakakainis na talaga. Alam niya kasing crush ko siya e, 'no? Kumuha na lang din tuloy ako ng sarili kong serving ng Sinigang at tahimik na kumain.
"Alam ba ni Auntie na nandito ka?" he randomly asked.
"Alam. Bakit? Wala ka namang gagawin sa 'kin, 'di ba? Okay lang 'to."
Nagkibit siya ng balikat. Natulala ako. Ha? Ano 'yon? Did he just disagree or what? O, ako lang? Bakit siya nagkibit ng balikat? Wala ba siyang pakialam? Hindi, e! Alam kong meron!
I'm really going crazy! I'll ask just to be sure. "Archer, wala naman, 'di ba?"
Napalunok siya at namula ang tainga. Mabilis siyang umiling at napabilis din ang paghigop niya ng sabaw.
"Chill, dude." Natawa ako. "I'm just asking. Pero to be fair, wala rin naman akong gustong gawin, ano! Kain lang ng Sinigang talaga."
"Yes, ma'am, I believe you," he poked fun. I sneered and he just chuckled. "Isasauli ko na lang bukas itong pot mo. I'll wash it myself."
"Sus, ako na! Kaya ko naman. Wait, tapos ka na?" He nodded at my question. "Okay. Inom ka na ng gamot tapos magpahinga ka na. I'll just lock the door after I clean."
"I need to respond to some emails first—"
"No, Archer. You won't." Tinaasan ko siya ng kilay. He blinked twice before sighing.
"No, I won't," he repeated, sighing once more. Tumango ako in approval. "But please don't clean, I'll do it myself tomorrow. I know I'm better by then."
Sinukat ko ang tingin niya. Tila nawawala siya sa sarili tuwing ginagawa ko 'to. I wondered what would his subordinates do if they knew that their Sir Archer wasn't exactly an alpha against me.
"Alright," suko niya. "I'll rest and let you clean, Snooki. But please, next time let's just order takeouts," tila pagmamakaawa niya pa.
Tinago ko ang mukha ko para ngumisi. May next time?
Aba't namimihasa itong gwapong 'to, ah? Pero kung iyan ang gusto niya, sure, whatever. Pagbibigyan ko. No biggie! Psh! Whatever!
"As long as the takeout containers are eco-friendly, sure." Nagkibit ako ng balikat, kunwari ay chill lang ako. 'Di ko na siya tinukso, kasi baka mamaya bawiin niya bigla iyong invitation.
"If that's what you want, I'll make sure of it."
Hngg~
"Okay." I shrugged again.
"Okay." He shrugged, mimicking me while wearing a taunting smile.
"Ano ba, Archer!" Binato ko siya ng isang pirasong tissue paper, na hindi naman sa kanya tumungo.
"I'm not doing anything, Snooki." Humalakhak siya habang nakataas ang parehong kamay. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at paatras naglakad.
"Inaasar mo ako palagi." I pouted. Sana maakit siya. Chos!
"Hindi na po, ma'am." He chuckled.
"Good." Umirap ako. Itinuro ko ang living area niya. "Doon ka na nga! Ayoko ko nang makita mukha mo."
"Aight. I'm sorry, I'll go." Nakangisi siyang umalis. Lumingon pa siya nang isang beses para lalo akong ngisian. Nang umirap ako ay saka siya natawa.
Uncle Benj, bakit ganito po ang pamangkin mo? Nakakagigil talaga!
Sayang 'di ko siya nakagat. Kekeke! Next time. I was already a lucky daisy today, anyway. I won't complain. Pero sana sagana sa future. Hehehe!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top