13 // Sunday Skies

Sunday Skies

"Am I beautiful?" a miserable peony flower asked.

"Yes, you are the quintessence of existential beauty that no one can ever embody but you, peony, aka Snooki," sagot naman ni black rose.

"Aww. Thank you, black rose, aka Archer!"

"Yes, I love you. Please, love me, too. I will give you beautiful flower babies, just choose me and not the hideous cactus outside the store. He'll only do nothing but hurt you!" I said in a deep low voice to mimic that of a male's.

"Yeah, sure, I'll choose you," I said in a high-pitched voice this time.

Pinagtapat ko ang dalawang bulaklak na hawak ko sa magkabilang kamay. Kinagat ko muna ang labi ko at mabilisang tumili. Eeep! Here it comes!

Huminga ako nang malalim bago sinabi ang katagang, "Now kiss..."

And then I made a squeaky sound with my lips habang pinagdidikit-dikit iyong peony at black rose, aka Snooki and Archer in my book. Kekeke!

"Snooki! Stop playing around with the flowers," suway ni Auntie nang dumating sa tabi ko. "Tumawag si Liam Iden, gusto raw um-order muli ng flower magic arrangements mo."

"Weeehhh?" hindi ko makapaniwalang tanong, pero ang laki ng ngiti ko.

Tumango si Auntie. "Bultuhan ang gusto niyang mangyari kaya't hindi ko tinanggap. Ang gusto niya ay sa susunod na linggo kaagad kunin."

"Done! It's a done deal," sabi ko kaagad. Umiling ako na parang wala lang iyon. "Accept it, Auntie. That's an easy slay!"

"Hindi mo kaya iyong mag-isa, Snooki. Kahit magtrabaho ka nang tulog, hindi mo iyon matatapos," pagsusungit ni Auntie. At sa mababang boses, aniya, "Isa pa, mapapagod ka."

Mabagal na gumuhit ang ngiti sa labi ko. "Sus! Si Auntie, ang protective! Pero kaya ko po, swear! Kakayanin ko. Magpapatulong ako kay Julio kung libre siya."

"Baka magkasakit ka. Huwag kang mag-overwork."

"Luh, si Auntie? Ang OA?" Hinigit-higit ko ang apron niya. "Dali na, Auntie. Tatawagan ko na po si Sir Liam, ha? Tanggapin ko na?"

Habang hinihintay ko ang sagot ni flower boss ay hinahanap ko na rin ang number ni Mr. Iden. Siya iyong pumakyaw ng Snooki Magic ko rati, at ngayon ay nagbabalik na naman siya. I was beyond thankful, really! Pero ano kayang ginagawa sa bulaklak ni Mr. Iden? Pinapapak niya ba 'yon? Ba't ang dami naman?

"Snooki..."

"Sige na, Auntie! Pambawi mo na po sa akin 'to, ano! Hindi mo po kaya sh-in-are na kapitbahay ko lang pala si Archer." Ngumiwi ako at naghanda ng luha. "Auntie, hindi mo po alam kung gaano ako nasaktan. Hindi mo po nasaksihan kung paano ako lumuha ng dugo hanggang sa maubos ako."

Tinagilid ni Auntie ang ulo niya at walang-buhay akong pinanood. "Snooki, walang luha."

"Weh? Okay, wait!" I blinked rapidly. Umiling si Auntie at iniwan na ako. "Wait, wala ba? Meron kaya!"

I pouted, pero napangiti ako kaagad nang mapagtanto na hindi naman humindi si Auntie. Hindi, 'di ba? So that only meant I could say yes to Sir Liam Iden now, right?

Okay! I'll that as a yes.

I was drumming my fingers on our work desk as the phone rang. Nang sumagot si Sir Liam ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.

"It's a yes, Mr. Iden!" I confirmed, then I greeted, "Hello!"

"Hello to you, too, Snooki." Tumawa siya sa kabilang linya. "But, really? Tonette refused the request during our call."

"Yes, she did. But I won't," I replied, matter-of-factly. "So, as I've said, Mr. Iden, I can accept your request if you're still up for it."

"Well, that will be great, then! One thousand flower arrangements of Snooki Magic on Monday next week."

Nanghina ang tuhod ko sa narinig. Umalon ang boses ko at mahinang napasabi ng, "What?"

Akala ko, mga payb handred lang! Ano 'to, bakit isang libo?

"I'll arrange a call with Tonette for the quotation. And thank you, Snooki. I really appreciate it that you reached out. Thanks a lot!"

"Hehe! Sure."

Bumagsak ang puwet ko sa kahoy na upuan pagkatapos ng phone call at napatulala na lang ako. Damn, old people really knew what they were talking about, huh? Stupid, Snooki, you should've listened!

Nang marinig kong pabalik si Auntie rito sa cold room ay kumaripas ako ng tayo at umakto na parang normal lang ang lahat. Hindi ko na alam ang ginagawa ko!

"O, ano? Nagulat ka sa gustong mangyari ni Liam?" nangingising sabi ni Auntie, hindi itinatago na gusto niyang ipamukha na tama siya at inaasar pa ako lalo.

"Huh? Hindi po, ah!" Pumiyok ako! Natawa si Auntie at napangiwi na lang ako. "Madali lang 'yon, sus! Isang libo? Kayang-kaya!"

Kinuha ni Auntie ang gamit kong gunting at tsaka naglakad sa may pintuan. Tumigil siya roon nang tila may nakalimutang sabihin.

"Sinabihan ko na si Julio na tulungan ka sa libre niyang oras. Ilang araw mo lang 'yan gagawin, kakailanganin mo ng tulong."

I was warmed that she already told Julio about it when I only just agreed to Sir Liam a couple of seconds ago. Si Tonette, advance mag-isip! I liked it.

Nilabas ko sa display area ang mga flower arrangements na ginawa ni Auntie na ako ang nag-finalize. The flowers were all ready for pick-up by our blooming patrons.

It was a seldom job for me to put custom embellishments to the arrangements that my motherflower boss curated. As an intern, or whatever, I did the simplest jobs at that bit. Flower boss loved my handwriting, too, that's why she made me write the custom notes our clients requested.

Or baka tinatamad lang siyang magsulat ng kanya. I dunno.

"Ako na ang bahala sa ating usual routine, Snooki. Pagtuunan mo ng pansin ang sarili mong trabaho," sabi ni Auntie.

"Hai!" Sumaludo ako. "I'll do inventory po muna on the flowers that I will be needing. I will take the liberty na rin to request sa supplier kung may paubos na tayong bulaklak. And oh! Pati materials din nga pala," I said more to myself as I looked at the ceiling.

Hinihilot ko ang sentido ko habang naglalakad pabalik sa cold room. "Good heavens and hell, marami pala akong ganap sa buhay ngayon."

I admit, I was used to doing more admin works at my previous job where it was mostly paperworks and meetings—a heck lot of them! Then, the job proper was done by our good people. But now here, I was both the admin and the people. Tiring but, eh, it's a good challenge!

Sinimulan kong gumala sa loob ng cold room habang may bitbit na clipboard. I wriggled a pen in between my fingers as it clacked against the board.

"Hello, blooming flowers na mana sa 'kin! How are you all today, hmm?"

Sinimulan kong isa-isahin ang mga flower racks at nilista ang mga kakailanganin kong bulaklak. Sa gilid ng bawat pangalan ng bulaklak ay isinulat ko kung kailangan ko nang um-order nito sa supplier. Pagkatapos ay sa mga materials naman ako.

See, who said being employee of the day every day was hard? Definitely not the queen of winging things that was yours truly moi!

Dinala ko sa spreadsheet ang pag-i-inventory ko at tumawag na kaagad sa supplier. I loved our supplier, the family of Boyers who owned the flower farm in New Jersey were very charming people.

"You sure you still don't want to visit the farm, Snooki?" tumatawang tanong ni Mrs. Boyers. "You will love the flowers here."

"Aww, yes, Mrs. Boyers. I know I'll love it tenfold. But I'm filled in at work these days while I'm still getting used to the city. Don't worry, I'm sure before I go home to Manila, I've already visited you at least once!" I assured endearingly.

"Alright, Snooki." She chuckled. "I'll have my son deliver everything to you as soon as possible. Thank you, my lovely lady."

"No, thank you, Mrs. Boyers! I'll call again soon for sure. Have a fantastic day!" I ended the call with a smile. I loved nice people, they're very endangered.

Sumilip si Auntie mula sa display area para tingnan ako rito sa desk at senyasan ako na mag-lunch na. Kausap ko pa ang suppliers kaya't sumenyas ako pabalik kay Auntie na mamaya na ako.

"Naroon sa likod, nagtatrabaho. May nag-order ng flower arrangement niya, isang libo na kailangan kaagad sa susunod na linggo," said Auntie's distant voice.

Nagsusulat ako sa clipboard ko para i-update ang status ng tasks ko. Scanning the list, all I could do now was to start the arrangements with the flowers I currently had. And that's what I'd do for now.

"Auntie, later na po ako mag-lunch!" I yelled from my seat. "Magsimula na po akong mag-arrange, 'di pa naman me hungry."

"Narito si Archer—"

"No, Auntie, it's fine. Let her work."

Hala! Nandito pala si Archerkins ko. Pero later na, busy kasi ako. Kaya ang tungo ng paa ko ay sa cold room imbes na sa display area.

Bago ko maisara ang pinto ng cold room ay may narinig ako na hindi ko alam kung tama nga ba ang pagkakarinig ko.

"Aalis na po ako, Auntie. Just, uhh, tell Snooki to eat first before working," nahihiyang sabi ni Archer.

"Naku! Sinabihan ko na iyon kanina. Kung ikaw ang magsasabi niyan, baka sumunod 'yon!"

Ngumuso ako. Grabe talaga 'yang si Auntie sa akin! Grabe, grabe! Pero, 'yon nga, medyo tama rin naman siya.

Hindi na sumagot si Archer, baka umalis na. Pero may black rose pa rin naman dito, so parang nandito pa rin siya. Kiss ulit sila ni peony. Kekeke!

Dahil hindi ko naman kailangan ng black rose sa arrangements ko ay 'tsaka na ako magpa-flower puppet show. Inuna ko muna ang trabaho ko.

Kalaunan ay tila nahilo na ako sa ginagawa ko pero hindi pa rin ako tumigil. Nahihirapan ako sa ibang arrangements dahil ubos na ang ibang bulaklak. Kailangan ko na talagang hintayin iyong ipapadala ni Mrs. Boyers bukas o sa makalawa.

Kumatok si Auntie sa pinto dahil miss na niya ako. "Snooki, kumain ka na! Maghahapunan na't lahat ay hindi ka pa rin nagtatanghalian."

"Shocks! Anong oras na po ba?" Kinapkap ko ang apron ko para hanapin sa bulsa nito ang phone ko.

"It's ten minutes to six p.m., Snooki!" galit na sabi ni Auntie. "Akala ko ay kumain ka na kanina noong lumabas ka. Bakit hindi pa rin nagalaw iyong hinanda kong tanghalian mo?"

Nanghihina akong ngumiti at nag-peace sign. "Hehe!"

As if on cue, my stomach protested along with Auntie's scolds. Kaya rin siguro ako nahilo, dahil nga sa gutom. Sakit ko na talaga 'tong ganito dati pa, simula sa academics hanggang sa work. Pero oks lang, buhay pa naman ako, o. Kicking pa. 

"Nandito na si Julio. Pinapunta ko nang maaga para maturuan mo. Kumain ka muna."

Sinundan ko palabas ng cold room si Auntie. Naroon na nga si Julio. Sinenyasan niya ako para sabayan na siya sa pagkain.

"Why the long face?" Tinawanan ako ni Julio. Umupo ako sa tabi niya at pinisil niya ang pisngi ko. "Napagalitan ka?"

Ngumuso ako lalo. "Oo!"

"Kumain ka kasi sa tamang oras. Ang kulit mo yata, e." Tinawanan niya pa ulit ako.

"Wow, ha! Ate mo ako. Mas matanda ako sa 'yo, Julio. 'Wag mo rin kaya akong pagalitan, 'no?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wait, really? You're older than me?" gulat niyang tanong. Aba, na-judge pa ako!

Siniko ko siya kaya't nawala ang pagkakataas ng dalawa niyang kilay at sumingkit iyon dahil sa tawa niya.

"Oo nga! If you're older than me, patulan kita. Kaso you're not, so meh!" I took a spoonful of lasagna that Auntie baked herself.

"Really? If I am older, hypothetically, paano si Archer?" he asked amusedly, purposely forgetting about his food.

"Hoy, 'wag ganyan. Ang hirap! Pero since you're younger talaga in IRL, I really can't imagine liking you. Well, romantically. 'Cause I like you as a person naman. You're amazing kaya!"

"Yeah, okay." He chuckled.

"'Tsaka may nililigawan ka na, 'di ba? So, let's just not have this conversation again. Okay, kiddo?"

"Kiddo?" he scoffed jokingly. I glared. "'Di na, 'di na. Let's eat so we can work already."

We finished our dinner bago pa kami pagalitan muli ni Tonette. Pero I doubt din pala, dahil dumating si Uncle Benj. Kung pagagalitan niya kami ay magsusumbong ako kay Uncle, with matching kitten eyes pa para winner!

After dinner, I had to work until ten-ish just because I couldn't stop myself. Nahiya lang ako kay Julio kasi ayaw niya akong iwan sa shop mag-isa at umuwi lang siya noong tumigil na ako. Hindi ako makatulog dahil sa trabahong iniisip. Napilitan lang kasi akong umuwi dahil concerned rin naman ako kay Julio. 'Tsaka tinutulungan lang din ako noong tao kaya ayokong makaabala pa nang husto.

Kaya kinabukasan ay bumibigay ang ulo ko dahil sa antok habang nagtatrabaho.

"Naroon sa loob, Archer. Natutulog yata. Hindi ko alam kung anong ikinapuyat noon! Baka kase-cellphone."

Hindi ko namalayang napatungo na pala ako sa lamesa. Naalimpungatan lang ako sa narinig dahil may awang ang pinto ng cold room.

Hinahanap ba ako ni Archer? But I'm sleepy... and working.

Napahikab ako at itinuloy ang idlip. Just a few minutes. A few more minu—

"Snooki, hapunan na!"

My heart jumped as my eyes snapped open. "What?! Not again!"

"Yes, Snooki, again," natatawang sabi ni Julio nang umupo sa tabi ko.

Hinilot ko ang sentido ko at muling inantok. Nanghihina ang katawan ko dahil sa pangit na tulog.

"You know, it may sound extremely unprofessional but you can always cancel the order." Julio shrugged but started to work beside me, anyway.

"Nah. I've had it worse. 'Tsaka 'di lang naman ako nakatulog kagabi kaagad. Hindi ako pagod, I swear."

Tumango siya. Itinuro niya ang kabilang parte ng cold room. May mga bagong bulaklak na nakabalot pa. "I've received your flowers already this afternoon. I guess the work continues."

And it did.

Sa kalagitnaan ng tahimik naming pagtatrabaho ni Julio ay mahina niya akong siniko. Nang hindi ako tumingin ay inulit niya.

"What?" I snarled, my eyes still focused on my workstation.

"Are you even Ms. Snooki Henilza? Why have you gotten grumpy recently?" pang-iinis niya pa. "Tahimik mo, ah. 'Di mo na napapansin si Archer."

"Sus! Grabe naman kayo sa 'kin. Hindi naman ako sobrang rupok sa kanya, ano!"

Nagtago siya ng ngisi at tila hindi ako pinaniniwalaan. Sumipol siya ng isang kanta at nagpanggap na walang narinig at bumalik sa trabaho.

Hindi naman kasi talaga! Bahala nga sila.

Come Saturday, nilipat namin ni Julio ang trabaho sa rooftop ng apartment complex dahil cramped na ang space sa Daily Bloom. Kailangan din kasi ni Auntie ng working area niya dahil siya ay may sarili ring arrangements na ginagawa. Kaya't imbes na makasikip kami roon ay nag-set-up si Julio ng makeshift working area namin dito sa rooftop.

"Auntie should really make a garden here," komento ko habang nakapamaywang at tinitingnan ang paligid.

"She hasn't got time, but I did know it's what she wanted. Nabanggit niya iyon sa akin dati."

I nodded. Tonette really was busy all the time and her only rest was Sunday.

"Snooks, may lakad ako bukas ng umaga o hapon. Okay lang ba? I'll try to go back here as soon as I can to help you wrap up everything. I just really have to go to a friend's."

"Uy, ano ka ba!" Umiling-iling ako. "Of course, it's more than fine! Malapit na rin naman 'tong matapos. Thank you sa help! So, you live your life good, kid."

"Do you always need to point out that I'm a kid compared to you?" Nagtaas-baba siya ng kilay. "Why? Are you falling?"

"Falling mo mukha mo, Julio," I growled.

He threw his head back as he laughed. "So snappy!"

My Saturday ended with nine hundred fifty flowers as I counted. As what I've already told anyone, it was an easy slay! All right!

By Sunday, I was all alone. I woke up and learned that it was already halfway through the day. It was still a glory and I felt amazing, ready for a more flower-powered day.

Nakapambahay lang ako at nakatali ang buhok ko ngayong araw. Casual day at work. Hindi naman ako huhusgahan ng mga bulaklak dito.

"Good afternoon, my beauties!" bati ko sa kanila. "Let's finally get our job done, shall we?"

Yes, I was talking to no one but the flowers. I knew talking to them brought them to life further than their's as solely plants. Dapat talaga kinakausap sila so they'd bloom more beautifully.

"Knock knock?"

Bukas ang pinto ng rooftop galing sa hagdan. Hindi ko na tiningnan kung sino iyon dahil nag-panic na kaagad ako.

Maayos ba ang buhok ko? Okay kaya? Shit! Walang salamin dito! And where the hell was my phone?!

"Uh, pasok lang! Ano pong kailangan nila?" tanong ko nang nakatalikod sa kanya.

Naramdaman ko ang pagdating niya sa gilid ko. Napakagat ako ng labi nang makitang nakapambahay lang din siyang damit. Puting shirt at itim na shorts. Iyong gustong-gusto ko dahil simple lang! Agh, kagigil!

Pinatong niya ang isang brownbag sa corner ng lamesa. He said, "Auntie said to give you this. Baka raw hindi ka kumain sa tamang oras."

Ang alam ko kasi ay wala si Auntie sa apartment ngayon kaya siguro nautusan si Archer na ibili ako ng food. I could cook my own food naman. Nakakahiya sa kanya!

"Ay, salamat! Kainin ko siya later," I said, medyo iniiwas ko ang mukha ko sa kanya, pero parang sinisilip niya pa rin ako mula sa gilid.

Ang gulo talaga ng hair ko, I could feel it. Gustong-gusto ko nang ayusin pero nahihiya ako, baka kasi isipin niya nagpapaganda ako dahil sa kanya, ano!

"Siya?" he confusingly asked.

Nagtaka rin ako. 'Di ko gets—ay!

Tumingin ako sa kanya at napahagikhik ako. "Hala! Wala akong kakainin na tao, Archer!"

Napatakip ako ng bibig nang mamula siya. "Ah, forget it!"

He cursed at the wind and I couldn't stop snickering. He's getting crimson as the seconds passed by.

"I meant the food. 'Di naman ako monster, ano ba!" hiyaw ko habang humahagikhik sabay hampas nang bahagya sa balikat niya. Nang tumama iyon ay hinayaan na rin niya ang sarili niyang tumawa.

"Sorry, I, uh, only got confused," he said, still hiding that expensive smile.

"Okay lang. Sige, alis ka na," I immediately said after realizing I still looked like a mess.

Kinagat niya ang labi niya at mabagal na tumango. "Yeah, sure. I'll go now."

"Pero!" I stopped myself quickly. Masyado yatang aggressive! Ako naman ang kumagat sa labi ko. I looked away before saying, "If you want to stay, then stay. I mean, it's not exactly my rooftop, so..."

I sniffed as I tried to act cool. Inayos ko pa ang manggas ng shirt ko. "Feel free to hang if you want, or whatever."

Nag-iba ang hugis ng mata niya nang tingnan ko iyon. It's gleeful! I swear, I saw his face lit! It was not my imagination, no!

Inisa-isa niyang tingnan kung ano ang nakalatag sa mesa. Itinuro niya iyong in-progress kong bulaklak. "Turuan mo ako kung paano?"

Pinikit ko ang isang mata at nagkunot ng noo para magbiro, "You sure you wanna do this, Sir Archer?"

He chuckled. He. Chuckled!!!

"Sir Archer?" nakangisi niyang tanong.

Hala, I really said it out loud? Shit, Snooki, you're doing things wrong! Very wrong!

"Ah, wala, wala!" Umiwas na naman ako ng tingin. Kunwari'y nainis. "Ano, tuturuan ka ba o hindi?"

"Yes, ma'am, please teach me," sabi niya sa mabait at tila nagbibirong tono.

Hala, itong puso ko, nanginig na! Grabe, Sir Archer, 'wag naman ganyan! Nanghihina ako. Baka iba bigla ang ituro ko sayo? Kekeke!

Binigyan ko siya ng mga bulaklak. Ang itinuro ko sa kanya ay kung paano iyon tapusin as a tiny bouquet aka Snooki Magic.

"Sorry, it's hard," natatawa niyang sabi, iniilingan pa ang sarili dahil sa maling ginagawang pagtatali sa bouquet.

"Ano ba 'yan, Archer, ganito kasi!" Kunwaring naiinis kong sabi, when really, coping mechanism ko lang 'yan dahil hahawakan ko na ang malambot niyang kamay. Oh, the nostalgia.

"I'm sorry, show me, please," tumatawa pa rin niyang sabi. Nanghihina na ako. Ano bang gusto mong makita, hmm, Sir Archer? Hngg~

"Ganito kasi, kainis ka naman, eh."

"Don't get mad, Snooki. I'll do better this time." His laughter died down to shy smiles.

This was the first time I'd seen him smiled and laughed a lot of times. Pakiramdam ko tuloy ang laki na ng utang ko sa mundo. Pero okay lang, please, gusto ko pa. Ibaon mo ako sa utang, shet! Hngg~

"Ayan, kaya mo na! Go finish all of it. Sakit na ng kamay ko, eh," I kid, nagpapanggap pa rin na grumpy.

Kumunot noo niya. "What? Really?" Kinuha niya ang kamay ko.

Hindi ko 'yan inutusan, ha! Kusa niyang ginawa 'yon! Tonette, naiiyak ako.

He started to massage the palm of my right hand. Pumikit ako at nagkunot ng noo, para kunwari'y mukhang legit stressed out.

"This okay?"

"Hmm," pa-cool kong sagot.

"Your left hand?" hiling niya matapos ang ilang minuto. Oh, sure. I'll give it if it's what you really wanted. Psh!

Habang pinagtutuunan niya ng pansin ang kamay ko ay sinilip ko siya. Seryoso niyang minamasahe ang kamay ko. Akala mo naman talaga ay kung anong seryosong sakit ang nararamdaman ko!

He was so pure and innocent as if even after a hundred million years, I still would not deserve him. And yet I knew that at night, after all the lights went out, I was sure he's not that all divine. I tried not to snicker at the thought.

Oh, what'd you do to me, Archer?

Binawi ko na ang kamay ko dahil dinapuan na ako ng hiya. "Uy, okay na ako."

"You sure?"

"I'm sure." Mamaya na lang ulit.

"Aight."

Then, we worked. Hindi ako makapagsalita kasi baka kung ano na naman ang masabi ko. Hindi na ako pwedeng magsungit tulad ng ginagawa ko kanina kasi parang timang naman 'yon, 'di ba? Ayokong ma-off siya, ano!

Tuwing napupuno ang lamesa dahil sa naipon naming bouquets ay siya na ang kusang naglalagay noon sa flower container. Ngayon ay naroon siya sa kabilang dulo at inaayos ang pagkakasalansan doon.

Aw, man, I missed him already. Ang layo niya kasi. Keme!

Try ko kayang magkunwaring nasaktan dahil sa gunting? Mukhang timang pero try lang naman!

Nilapit ko ang gunting sa akin. Ang ginawa ko ay kinurot ko ang daliri ko para mamula ito. Yas, Snooki girl, you got an A+ grade in kashungahan. Good job!

Now for the final act, I yelped. "Ouch! Shit!"

Mabilis bumaling ang tingin ni Archer sa akin. Mukhang hindi pa ganoong magaling ang acting ko, kasi kung oo ay dapat tumatakbo na 'yon dito ngayon. Eh, hindi. So, uulitin ko na lang.

"Aw, it hurts!"

And then he ran. Ayan, ganyan dapat, Snooki. Iyong mapapatakbo siya.

Ngumiwi ako nang kunin ni Archer ang kamay ko. I made sure my eyes were moist when I looked up at him. I even pouted.

"Snooki! Anong nangyari?" tila galit niyang tanong. Kunot na kunot ang noo niya at hindi ko nakilala ang tono ng boses niya. Now, that's definitely Sir Archer.

"Muntik ko nang magupit ang daliri ko. Pero okay lang ako, hindi naman masakit."

Hinipan-hipan niya ang namumula kong hintuturo. Hindi niya ako pinakinggan. Nagpatuloy siya at enjoy na enjoy naman ako habang nakakagat sa labi.

Lumundag ang puso ko nang halikan niya ang hintuturo ko. Nawala ang hininga ko, ang dugo ko naman ay umakyat lahat sa pisngi. "Uy... okay na ako, Archer."

Tila wala siyang narinig. Pinagpalitan niya ang pag-ihip at halik sa daliri ko. The kisses were light and only meant to ease some shallow pain.

"Archer..." nanghihina kong tawag.

Doon lamang siya nagulat sa ginawa niya. Mabilis niyang binitiwan ang kamay ko.

"Sorry, Snooki. I thought it hurt bad." Tulad ko ay namula siya. Napahawak siya sa batok at tinalikuran ako para bumalik sa kabilang parte ng rooftop.

Aw, I missed him again. Too soon, man! Too soon.

Parang gusto ko namang subukan mahimatay. Ano naman kaya ang gagawin niya? Pero baka kasi hindi pa ako ready doon. So, next time na lang!

Hanggang sa matapos namin lahat ay tahimik lang kami. I nudged him while my lips were pursed.

"Thank you for helping today, Archer. Sobra." I smiled. It was a genuine smile, walang halong landi. Ay, baka mga one percent lang.

He gave a nod. "I'm free on Sundays, anyway. It's nothing. Glad I could help."

Nakaupo na lang kami sa gitnang sahig ng rooftop. The celestials started to colour the cotton clouds in pastel as they slowly moved. Some areas were heavily coloured as the rest were left pale. The more I continued to set my eyes above, the more beautiful the Sunday skies had turned.

Niligon ko si Archer, nakatulala rin siya sa ulap. It was a day at peace for all of us in this busy city. This was an unhurried time that we deserved all to ourselves. And while we're at it, it would be a wiser choice if we took the luxury of time sinking into it, deeper and deeper. Feeling nothing and feeling everything all at the same time, however that best fits our fibers at this very moment.

"Hey, Snooks," called Julio when he arrived.

Niligon ko siya roon sa may pinto. Tinakbo niya ang lamesa para maglagay doon ng brownbag.

"Auntie forgot to send you this a while ago at lunch. Sorry, late! But I need to go." Tumango siya sa katabi ko. "Oh, hey, Arch."

"Hey, man," sabi niya, tila nahihiya sa aming dalawa.

Nagtaka ako. "Nagpadala na kaninang lunch si Auntie, Julio."

"No, this was it, Snooks." Itinuro niya iyong dala niya. Napatingin ako kay Archer na siyang mabilis umiwas. Nagtataka pa rin ako.

"I really gotta go, Snooks. See you!"

Nilingon ko si Archer at hinihintay na tumingin siya sa akin pabalik. Pero ayaw niya talaga.

"Archer?" I had to call him. Bakit siya biglang nahiya lalo?

"Hey, uh," simula niya. Hinarap nga niya ang mukha sa akin pero ang mga mata naman niya ay gumagala, anywhere but to connect with mine. "Did I say that the lunch I brought was from Auntie? 'Cause I really meant Uncle Benj."

Oh, so that was it. Napangisi ako.

"Yeah, sure." I shrugged. Natatawa ako pero tinatago ko. "You said it's from Uncle. Got it!"

"Yeah, I did, didn't I?" sakay niya sa pagpapanggap ko. "Yeah, I definitely did," he murmured almost to himself, seemingly disappointed. Very disappointed.

Sir Archer, are you already falling? I grinned at the thought.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top