Something Spectacular
Hello! This is a tribtue for my favorite and the brave author I know, Ms. april_avery ! Stay strong! Be brave! Hope you like it!
***
Agad kong inayos ang mga gamit ko pagkatapos kong magpaalam sa mga blockmates ko. After that, I went to the office. Habang naglalakad ako sa kabilang building, naramdaman kong may umakbay sakin. Napairap na lang ako dahil kilala ko na kung sino yung taong 'to.
"Ano nanamang trip mo sa buhay, Gavin?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman." Bakas ang mapang-asar na boses nito pero hindi ko na lang pinansin, ganyan naman iyan.
"Huwag kang magulo, marami akong kailangang gawin nai-stress na agad ako kahit iniisip ko pa lang." Pagsusungit ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
"Alam mo, boss Pia, nakaka stress talaga, college na kaya tayo. Pero huwag mong pagurin masyado yung sarili mo, magpahinga ka rin minsan." Sabi niya kaya inirapan ko siya, but I smiled. Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
Paakyat na kami sa building kung nasaan ang office nang makasalubong namin si Sir Ryan, isang Psychology Instructor at ang adviser ng The Arcadian, we're part of a school organization na nagpupublish ng school magazine.
Ngumiti kami kay Sir Ryan at nagbless.
"Good afternoon, sir."
"Good afternoon din. Tapos na ang mga klase niyo?"
"Yes po. Papunta na po kami sa office ngayon."
"Okay, sige. See you around."
Pagdating sa office, nadatnan namin si Stephen kaharap ang laptop niya, si Charlie na may katext sa cellphone, yung girlfriend niya ata, si Rhea na nanonood, at si Lawrence na may kung anong sinusulat sa lamesa. Agad na nahiga si Gavin sa sofa at paniguradong tulog nanaman yun. Lumapit ako kay Lawrence at tinabihan siya.
Tinignan ko ang ginagawa niya at kumunot ang noo ko nang makitang nagsusulat siya ng notes. "Wow, Lawrence, ang sipag ata natin ngayon." Sarcastic kong sabi, maasar lang.
"Huwag kang magulo dyan boss, importante 'to, thesis 'to." Sabi niya nang hindi inaalis ang paningin sa sinusulat. Napairap na lang ako at hinayaan siya dahil kailangan ko ding gumawa ng santambak na asisgnments sa iba't ibang subjects, college life.
"Wala na ba kayong mga gagawin? Kumain na ba kayo? May problema ba?" Tanong ko sa kanila pero umiling lang sila at may mga tumango.
Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa office habang busy ang lahat sa kani kanilang ginagawa nang makaramdam ako ng uhaw.
"Guys, pupunta akong cafeteria, sinong magpapabili?" Napatingin naman silang lahat sa akin. Basta marinig ang kahit anong bagay na relate sa pagkain, all ears ang mga 'to. Mga mahilig sa pagkain, in informal version, patay gutom.
"Juice sakin." Sabi ni Rhea.
"Pabili akong chocolate, kailangan ko ng matamis." Nakangising sabi ni Gavin.
"Kahit ano, basta nakakain." Sabi naman ni Charlie.
Napatingin ako kay Stephen at sumulyap ito sandali sa akin bago binalik ang tingin sa laptop niya. "Chichirya lang."
"Samahan na kita, boss." Biglang tumayo si Lawrence at lumapit sa akin.
"Sige, tara na."
"Oh, mga bata, bibili lang kami ng nanay niyo ng makakain natin ha. Huwag kayong masyadong magulo at pasaway, huwag kayong mag-aaway, sandali lang kaming mawawala—aray!" Hindi na natuloy ni Lawrence ang sasabihin niya nang batukan ko siya.
"Ang dami mo pang sinasabi, tara na nga! Para kang baliw." At hinatak ko na siya palabas ng office.
Umakbay pa sa akin si Lawrence paglabas kaya inirapan ko na lang siya. Parehas na parehas sila ni Gavin, mga loko loko at palagi akong pinagtitripan.
"Eto naman, boss, joke lang yun. Pinapangiti lang kita, yiee. Kikiligin na yan." Sabi niya habang naglalakad kami at pinoke pa ang pisngi ko.
Hinampas ko ang kamay niya at sinamaan ko siya ng tingin. "Magtigil ka nga Lawrence. Nako, kapag ganitong pagod ako ah, baka ikaw pa ang mapag buntungan ko ng stress dyan."
May binulong pa siya pero hindi ko na narinig kaya napatingin ako sa kanya. "Anong binubulong mo dyan ha?"
Ready na akong batukan siya ulit nang makailag siya agad. "Wala yun boss! Eto! Chill ka lang kasi dyan!"
Habang naglalakad kami papuntang cafeteria, nadaanan namin ang Reader's Sanctuary, para siyang park na puno ng mga acacia trees na may benches sa ilalim nito, ito ang heaven para sa mga readers at silent type of persons. Habang nagdadadaldal si Lawrence sa tabi ko, nakuha ng atensyon ko ang isang babae na mag isang nagbabasa sa ilalim ng isang acacia tree.
I know that person, she's Isabelle Dizon, classmate ko siya sa ilang subject at naging seatmate ko na rin. Siya ang palaging nasa top ng klase, she's smart, she always have high grades and she aced all of her reportings, case studies, and all. Siya na ang definition ng salitang perfect. But I noticed something in her, in her eyes, it's empty. Kumbaga parang wala itong kabuhay buhay. When she's answering the professors, reporting, and saying something, wala kang mababalas na emosyon sa kanya, kumbaga parang lahat ng sinasabi niya ay rehearsed. Para siyang isang programmed robot, she is always alone and doesn't like to interact to anyone.
"Huy, boss! Nandito na tayo! Natulala ka na dyan! Sino bang iniisip mo dyan? May lalaki ka na ba? May iba ka na? Akala ko ba ako lang? Masakit na malamang—aray! Joke lang eh! Binibiro lang kita!"
Agad akong napakurap nang magsnap si Lawrence sa harapn]an ko, mukhang nagspace out nanaman ako pero agad ko rin siyang binatukan nang marinig ko ang mga walang kwentang pinagsasabi niya. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to. Pasalamat siya...wala pala.
"Manahimik ka nga! Kahit kailan ka talaga!" Pinagtitinginan na kami ng iba dahil para kaming ewan tignan sa gitna ng hallway but I couldn't care less, sanay na kaming pagtinginan dahil sa ingay namin and we prefer it that way, instead of being someone we are not.
Pagkatapos naming bilhin ang mga pagkain, bumalik na kami agad sa office. "Nandito na kami mga anak!" Napairap na lang ako sa sigaw ni Lawrence at nagdistribute ng mga pagkain.
After naming kumain, gumawa ng mga sariling gawain, mag-usap about sa recruitments ng bagong members, nagsi-uwian na din agad kami. Nasa gate na kami ng university nang tumigil ako sa harapan nila.
"Magsiuwi na kayo ha, deretso sa bahay, wala ng gagala pa o kung anong gimik. Magtext kapag nakauwi na or kapag may nangyaring emergency. Kumain ng hapunan at huwag magpapalipas ng gutom. Gawin ang mga kailangang gawin at huwag masyadong magpuyat." Paalala ko sa kanila. Araw araw ko itong paalala, hindi ko alam kung nagsasawa na ba sila o ano, pero hindi naman sila nagrereklamo.
"Opo, nay." Gavin answered pero bakas ang sarkasmo sa boses nito kaya inirapan ko siya.
"Paano, mauna na ako sa inyo." Sabi ni Rhea and ahe bid goodbye. Umalis na rin si Stephen at Charlie, habang si Gavin ay dadaan daw muna sa convenience store.
"Hatid na kita boss." Napalingon ako kay Lawrence nang sabihin niya iyon, kaming dalawa na lang pala ang natira dito.
"Ewan ko sayo, baka hinahanap ka na sa inyo." Nagsimula na akong maglakad pauwi at sumabay naman siya sa akin.
"Sus, hindi yan."
During the walk, tahimik lang kami at walang nagsasalita but it's not an awkward silence. It was a comfortable silence, the atmosphere is comforting, even though the sound of cars and the noise of the busy streets we walked through is buzzing loudly.
We were a street away from our house nang mapatigil kami dahil sa isang taong nakasalubong namin. Agad itong ngumisi at napaakbay naman si Lawrence sakin and he squeezed my shoulder, as if he was calming me. I just maintained my posture and my calm face even though I want to burst out already.
"Mukhang mali ata ang daan natin pauwi sa inyo, boss." Sabi ni Lawrence at hinatak na lang ako, I found myself following him.
Dinala niya ako sa kung saan, sa isang park. Naupo kami sa bench at tinanggal na niya ang pagkaka akbay sa akin. "Pwede ka namang umiyak, boss. Hindi na lang ako titingin." Sabi niya at iniwas ang tingin.
From that, my tears that I am holding awhile ago suddenly fell, until it become a river flowing continuously. Nakita ko lang naman si papa kasama ang babae niya pati ang anak nitong si Rina. It's been a year since he left us pero masakit pa rin. Tanggap ko naman na but I don't want to fool myself na hindi ako nasasaktan.
Naramdaman kong yumakap sa akin si Lawrence habang umiiyak ako, hindi ako humahagulgol, deretso lang na lumalabas ang luha sa mga mata ko.
This is why ganito ang trato ko sa Arcadian. Ako ang EIC slash nanay ng grupo. Inaasikaso ko lahat ng mga bagay, pinapaalalahanan silang kumain, gawin ang ganito ganyan, and more. Dahil ito ang mga bagay na gusto kong maranasan mula sa mama namin. Simula nang mawala si papa, halos hindi na niya kami maasikaso kaya parang ako na rin ang tumayong nanay. Gusto kong iparamdam sa iba ang mga bagay na kulang sa akin at hindi ko nararamdaman. Because I know how it feels like not to be taken good care of.
"Magiging okay ka rin, boss."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top