Spectacular: Twenty Two

22.

Kinabukasan matapos ang posting of grades ay hindi ko parin nasasabi sa mga magulang ko ang tungkol dito. I intended to tell them the news while we were having breakfast. Pero pinili kong tumahimik noong hindi naging maganda ang takbo ng usapan namin.

It all started when Mom asked me about my grades. Alam niya ang tungkol sa mga bagay na ito dahil kay Ninang na nagtuturo sa university. Tahimik akong kumakain noong tanungin niya ako.

“Hindi pa ba napopost ang grades niyo, Isabelle?”

Humigpit ang hawak ko sa kubyertos na nasa palad ko. Maging si Dad ay napa-paused sa pagkain.

“Nakita ko na po ang mga grades ko kagabi.” sagot ko.

“How was it?” asked Mom after sipping her glass of juice.

“I passed all my subjects.”

“Dapat lang.”

Tinignan ko si Dad. Wala man lang pagbabago sa expression niya. Wala man lang congratulations or well done. For them, everything is given. It doesn’t matter kahit pinaghirapan ko ang grades ko.

“What’s your general weighted average?” asked Dad. “Na-maintain mo ba? You are running for Cum Laude, don’t forget that.”

Noong mga oras na yon gusto ko ng sabihin sa kanila ang totoo. That there is a high chance I slip from the position. That I’m close to losing the chance of running for any position. But the way the conversation was going, alam ko na hindi yon ang tamang oras para sabihin sa kanila.

“I know, Dad.” Ang tanging sagot ko. “It’s just that… my average is lower this previous semester.”

Natigilan si Dad sa pagkain. “Bumaba?” he asked with a knot in his forehead. “What happened?”

Tuluyan na akong tumigil sa pagkain. “This semester is quite tough.” I said. “But I’ll do better next time.”

“You better be.” sagot ni Dad.

I sound like a machine with a quota.

“Honey,” nagsalita si Mama na kanina pa tahimik. Humarap ito kay Dad. “Sinabi ni Isabelle na nakapasa siya sa lahat ng mga subjects, hindi ba? What are you fussing about?”

“Kung magpapatuloy ang ugali niyang yan, siguradong bago pa siya makagraduate, mawala na siya sa pwesto.”

Hinayaan ko nalang silang mag usap. Sometimes I hate discussing things with them. Whenever they talk about me, I don’t feel like I’m their daughter, I feel like I’m an investment.

—-

Lunes ng hapon nang magkaroon kami ng pangalawang meeting. It was a quick meeting since kagagaling lang sa part time jobs ang mga kasama ko. Una kong nadatnan sa meeting place si Pia. Naghihintay siya sa tapat ng gate ng university habang panay ang tingin sa suot na wrist watch. Nang makita niya ako agad siyang kumaway.

“Isabelle!”

I smiled back at her. Nakasuot siya ng jean jumpers, puting blouse at sapatos. She looks carefree today. Nagmadali akong lumapit sa kanya habang hawak ang backpack sa balikat ko.

“Hey.” I greeted. “Nasaan ang iba?”

Bahagya siyang sumimangot. “That’s the question.” Sinabi niya. “Mukhang nasa part time job pa ang iba. Pero halos alas singko na kaya patapos na din ang shift ng mga yon.”

Napatingin ako sa sariling watch na suot ko. “Should we head to the meeting place then?”

Tumango siya at hinawakan ang aking braso para sabay kaming maglakad. Pia can look really tough when it comes to handling the Arcadian but inside she’s gooey and warmhearted.

“Mabuti pa daanan na natin si Lawrence.” Sinabi niya habang naglalakad kami. Tiningnan niya sa kanyang phone na hawak. “Ang alam ko malapit lang dito ang convenient store kung saan siya nagtatrabaho.”

“Sure.”

Ang meeting place namin ay sa isang coffee shop malapit sa lumang park sa downtown. Hindi ko alam kung saan nagtatrabaho si Lawrence kaya pumayag ako. Gusto kong makita.

Habang naglalakad biglang nagtanong si Pia. “Isabelle, makakasama ka ba sa convention?”

Halos matigilan ako sa paglalakad. Hindi agad ako nakasagot. I know the members assumed that everyone will be there. Si Gavin lang ang may alam ng pangamba ko sa nalalapit na convention.

“Alam mo Isabelle, unang kita ko palang sayo noon sa CBA building alam ko ng may kakaiba sayo.”

Lumingon ako sa kanya habang naglalakad. Nakaharap si Pia sa daan na para bang inaalala ang unang beses niya akong nakita.

“Matalino ka, oo. Hinahangaan ka ng mga kaklase mo. Bilib sayo ang mga professor at instructor tuwing nagre-report ka. Ikaw ang madalas na highest at minsan ay kinaiingitan ng iba. But you know what?”

Doon siya tumigil sa kanyang paglalakad.

“Nakikita ko ito sa mga mata mo. You smile at the compliments but your eyes were empty. You stares were far away. Madalas nakikita kitang nagdo-doddle sa mga note mo habang nagdidiscuss ang professor sa harap. Akala ng iba nakikinig ka at nagsusulat ng notes, pero hindi nila alam wala doon ang isip mo. Napapansin ko ang buntong hininga mo tuwing maririnig mo ang pangalan mo bilang highest. Hindi dahil nakahinga ka ng maluwag kundi dahil nagtagumpay ka nanaman sa isang bagay na walang ibig sabihin sayo. Naglalakad ka sa hallway na malalim ang iniisip. Madalas nakikinig ng music dahil gusto mong tumakas. Mag isa kang nagpupunta sa bookstore o coffee shops. Mahilig kang tumigin sa mga art supplies at fiction books. Pero hindi ka bumibili. Madalas ka din sa library dahil wala kang ibang kasama para pumunta sa ibang lugar. In your eyes were self-doubts and confusion. What am I doing? Why am I doing it?”

Tuluyan akong tumigil sa paglalakad. Hindi ko magawang humarap kay Pia. Hindi ko magawang sumagot.

“Kapag tinitingnan kita, hindi ang Isabelle na nakikita ng iba ang nakikita ko sayo. What I see is a girl who’s trying to make sense of her own world. A girl who’s trying to be free.”

Humigpit ang hawak ko sa strap ng backpack sa balikat ko.

“Alam mo ba kung bakit ka nakapasa sa test ng Arcadian?” tanong niya sa akin.

Pakiramdam ko nanghihina ako. I never thought there are people who will see right through me. I have no idea they are people who will actually notice my cry for help. At malayo sila sa mga taong inaasahan ko.

“Pwede mong kunan ng litrato ang pathway sa simpleng paraan o sa tamang angulo. Pero gamit ang eyeglasses mo, pinili mo na ipakita ang point of view mo tuwing naglalakad ka dito. You badly want someone to see the world through your eyes. You want someone to understand you. You want them to know that your world is not as perfect as you want everyone else to think.”

“Pia…”

“Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdadaanan mo, Isabelle. I know there are still a lot of things you want to keep to yourself. Pero nandito na kami. You already made us see the world through your eyes. Naiintindihan ka na namin. Kahit ang mga bagay na hindi mo masabi.”

I tried to smile. Pero unti unti kong naramdaman ang pag init ng sulok ng aking mga mata. Napatingin ako sa itaas para pigilin ito. Bahagya akong natawa. Why am I being emotional all of a sudden?

“I’m sorry.” Sinabi ko. “May mga bagay na hindi ko pa kayang sabihin. But I’m still trying to be with Arcadian as much as possible.”

“I know.” Sinabi ni Pia. Ngumiti siya. “Stay strong, okay?”

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ilang minuto ang lumipas at nakarating kami sa tapat ng convenient store kung saan nagtatrabaho si Lawrence. Bumalik kami sa normal na usapan ni Pia kung saan nagrereklamo siya sa pagiging late ng ibang mga member. This is what I like most about Arcadian. Maaari mong sabihin ang lahat sa kanila, umiyak o magalit sa mundo sa harap nila. Hindi ka nila huhusgahan.

Pinagmasdan namin ang convenient store na nasa harap namin. Mula sa glass wall nakita si Lawrence na nakasuot ng maroon na t-shirt. May hawak siyang mop at naglalampaso sa sahig. Maya maya pa napatingin ito sa orasan na tila inaalala ang meeting na kailangan puntahan.

“Mukhang hindi pa siya tapos.” Sinabi ni Pia. “Madalas hindi niya gusto na sinusundo siya. Ayaw niya kasing nakikita natin siyang nagserseryoso. Okay lang ba na dito nalang natin siya hintayin?”

Tumango ako. “Oo naman.”

Pumunta kami sa gilid ng convenient store kung saan hindi kami makikita ni Lawrence. Katabi ng convenient store ang isang record store at maliit na iskinita sa pagitan ng dalawang shop.

“Mukha lang maloko yang si Lawrence pero seryoso din ang taong yan. Pinaplano na nga kung saan magtatrabaho kapag nag graduate eh. Balak niyang umalis sa bahay kung nasaan ang Papa niya.” Sinabi ni Pia.

“Ganoon siguro talaga, ano? There are things you need to keep yourself away from in order to stay sane.”

Naalala ko ang pagbisita naming sa bahay ni Lawrence noong sinundo namin. Nakita ko kung ano ang buhay niya sa labas ng paaralan. Dalawa na lamang silang magkasama ng Papa niya. Hindi ito mabuting Ama sa kanya. Nalulong ito sa alak at sugal kaya naghiwalay sila ng kanyang Ina. Wala ng balita si Lawrence sa Mama niya. Pinag aaral siya ng kanyang Auntie na nasa ibang bansa. Pero maging ang perang pinapadala nito minsan ay kinukuha pa ng kanyang Ama. Madalas wala ng natitira para sa pag aaral niya. Kaya tuwing bakasyon ay nagtatrabaho ito. Sanay si Lawrence sa mga part time jobs.

Lumipas ang ten minutes bago naming nakitang lumabas si Lawrence. Nakabihis na siya at mukhang papunta na sa meeting place. Lumapit si Pia sa kanya. Hinayaan ko silang mag usap. Tila nagulat si Lawrence nang makita kami ni Pia sa labas. Bahagya siyang kumaway at ngumisi sa akin. Nang magkaharap na sila ni Pia napansin kong nagbago ang ngisi niya at napalitan ito ng ngiti. Sinermonan siya ni Pia sa hindi pagtetext tuwing mala-late. Napahawak si Lawrence sa batok habang nakangiti at tumatango.

“Oo na, Boss. Namiss mo lang ako eh.”

Sumimangot si Pia at inirapan siya bago muling humarap sa akin. But I caught Pia smiling sincerely. Alam kong kahit ganoon ang trato niya kay Lawrence isa siya sa pinaka nagaalala para sa kanya.

Sabay kaming tatlo na pumunta sa coffee shop kung saan ang meeting. Pagdating namin, nandoon na ang ibang mga kasama namin at naghihintay sa labas. My eyes caught Gavin. Nakasandal siya sa poste at tila seryosong nakikinig ng music sa headphones niya. There is a slight frown on his lips.

Napangiti ako. Ngayon ko lang ulit siya nakita matapos ng pag uusap namin noong posting of grades noong Friday ng gabi. Umalis siya sa pagkakasandal sa poste at inalis ang headset sa tenga nang mapansin ang pagdating namin. Nagtama ang paningin namin. I smiled at him. But I received a frown in return. Kumunot ang noo ko. Anong problema niya?

Nang makalapit kami, niyakap ako ni Rhea na tila ba ang tagal naming hindi nakita. Pero sa totoo lang halos isang lingo din kaming hindi nagkitakita. Natatawa kong niyakap siya pabalik. Bumaling ang tingin ko sa mga kasama ko. All of them are wearing either shirts, outdoor shorts, or pants. Nakakatuwa na makita silang ganito. Carefree.

Muli kaming nagkatinginan ni Gavin. Nakasimangot parin siya. Ano bang problema niya?

Lumapit ako at tiningnan siya. “What?” I asked.

Tiningnan niya ako mula ulo hangang paa. Nanatili ang tingin niya sa binti ko. I’m wearing pastel shorts and a white lace blouse. Umiling siya. “Bakit ka nakashorts?” tanong niya.

Bigla akong na-conscious sa suot ko. “Dahil may meeting tayo?” sagot ko. My go-to outfit has always been jeans. Pero dahil semester break at sa isang coffee shop ang meeting place, I decided to wear more casual and outdoorsy.

His frown deepen. Natawa ang ilan sa kasama ko sa naging reaction ni Gavin. Nagsimula kaming pumasok sa loob ng coffee shop. Hindi tulad ng coffee shop nina Stephen kung saan mararamdaman ang ambiance ng isang bahay pagpasok mo, ang coffee shop na pinuntahan namin ay normal lang na makikita sa downtown. Pero maluwang ito at maaliwalas. Ang pwesto namin ay nasa bandang sulok malapit sa bintana.

Dahil couch type ang upuan ay pinauna akong umupo ni Gavin. When he was seated next to me, I nudge him by the shoulder.

“Hey.”

Bumuntong hininga siya at sa wakas ay pinansin ako.

“Dapat lagi ka nalang naka jeans.” Sinabi niya. “Nakakaselos kapag may tumitingin sayo.”

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Napansin ni Lawrence ang tahimik na usapan namin.

“Oy, ano yan?” tanong niya. “Kararating niyo lang may LQ na kayo. Ayusin niyo yan ah. Mga kabataan talaga.”

Halos batukan siya ni Pia dahil sa narinig. “Hwag mong umpisahan, Lawrence ah. Sinasabi ko sayo.”

Natawa na lamang ang iba pa naming mga kasama. Pero nanatili parin ang tingin ko kay Gavin. Nakaupo siya sa tabi ko at nakaharap sa mga kasama ko. Muli siyang nilagay ang headset sa kanyang tenga. Inalis ko ito. Lumingon siya sa akin na nakakunot ang noo.

Ngumiti ako. “Sorry na.”

Natigilan siya. Wala siyang nagawa kundi ang unti unting mapangiti.

“Iniingatan lang kita.” Sinabi niya. “Para sa susunod na may ibang lalakeng lalapit sayo, alam mo kung gaano ka kahalaga.”

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top