Spectacular: Three
3.
Kinabukasan, habang nasa breakfast table, pinagmasdan ko ang mga magulang ko. May kausap sa phone si Mom at si Dad naman ay nakaharap sa kanyang laptop habang kumakain. Both of them are on their way to work.
"Mom." panimula ko.
Napatingin sa akin sandali si Mama habang nagta-type sa phone niya. She raised one her hands para sabihin na maghintay ako. Hinintay ko siyang matapos bago nagpatuloy.
"What, sweety?" tanong niya.
"I wanted to join a school organization." maingat na wika ko.
Gumuhit ang interest sa mukha niya. "Oh? You mean The Student Council? That's great. What position are you planning to run?"
Napakurap ako sa sinabi niya at biglang nawalan ng lakas ng loob. In a snap, this conversation went down the drain. Halos hindi ko na gustong ituloy ito. Of course they are thinking of that organization.
"Actually, Mom, it's the school magazine."
Napansin ko na inalis ni Dad ang tingin sa laptop niya at bumaling sa akin. "School magazine?" tanong nito. "Do you mean those student writers and photographers? Running around the campus, sometimes doing errands for other higher organization to have funds."
Natahimik ako. Hindi ko alam na may ganoong nangyayari sa school publication tulad ng Arcadian. Is that even true?
"Hindi sa mababa ang tingin namin sa kanila. But that's the reality of school publications." sang ayon ni Mama. "They rarely have funds. Mahihirapan ka lang, Isabelle. And they are always on the go. Hindi ba makakasagabal yon sa pag aaral mo?"
I pursed my lips. Nagsisi ako na sinabi ko pa ito sa kanila. And funny to think na dahil sa mga sinasabi nila, mas lalo ko lang gustong sumali doon at iwasan ang Student Council na gusto nila.
"And you don't even like literature and writing. It's far from your course. It's better to surround yourself with leaders, like the people in the Student Council. Magiging magandang connection sila pagdating ng future kapag mga professionals na kayo."
I bit my lips to prevent myself from responding. I like writing way more than I like calculating the income of a damn company and balancing their so called financial statements. I don't even care about those stupid connections. But of course they will never know.
"Right." sagot ko.
Tumango si Mom. Hindi man lang nila napansin ang disappointment sa boses ko. Nagpatuloy sila sa pagkain na parang walang nangyari- Na parang hindi nila tinapakan ang isang bagay na gusto ko.
I've never been this disappointed at them. I can't believe na isang buong gabi akong naghanda para lamang sabihin ito sa kanila. Pero katulad ng dati, tumahimik nalang ako.
--
Katatapos lang ng discussion namin sa Financial Management at halos naghahanda na ang lahat para umalis nang tumayo ang lalakeng Instructor namin sa harap at nagtanong.
"Section FM 3-A, sino ang magvo-volunteer dito na sumali sa CBA inter-department Quiz Bee this weekend?"
May tiningnan itong papel.
"So far, isa palang ang junior representative ng Department niyo, Kristine Amorsolo, the class president of section B. We need two more representatives."
CBA inter-department Quiz Bee. Meron nanaman pala ito. Kada semester nalang yata. Automatic na lumingon sa direction ko ang ilan sa block mates ko.
"Si Isabelle Dizon." sinabi ng isa.
Sumang ayon ang ilan. "Yes, siya na. Para hindi tayo nangungulelat."
Lagi nalang ganito. Magtatanong ng volunteer sa kung ano anong competition at ako ang ituturo nila. At pare-pareho lang ang nagiging sagot ko.
"Uhm, may gagawin ako this weekend." I answered. Kahit sa totoo lang wala naman akong importanteng gagawin.
Ayoko ng competition.
Akala nila ako ang best choice tuwing may ganito dahil nakikita nila akong nag e-excel sa classroom. Pero hindi ko gustong sumasali. Ayoko ng pressure na kasama nito. Ayokong may umaasa sa akin. Higit sa lahat, hindi ko gustong manalo at madagdagan ang expectation sa akin.
Ganito din ang nangyayari every semester kapag may elections of class officers. They would nominate me for a position. Hindi ko na alam kung ilang beses nasusulat ang pangalan ko. Pero lagi kong kina-counter ang motion at tumatangi.
Tiningnan lang ako ng mga block mates ko na parang inaasahan nang marinig ang sagot na yon mula sa akin.
"Sige na, Isabelle." someone said. "Ikaw ang pambato ng section natin eh."
But I don't even want it. "Sorry." tanging sagot ko.
I heard a few groans of disappointment. They are asking for volunteers, after all. And I'm not planning to be one. In the end, ang lagi kong kakompetensya na si Daphne Santiago at ang class president ang nag volunteer. Umalis kami sa classroom na parang walang nangyari. We had an hour of vacant again.
Habang naglalakad, sinuot ko ang headset sa tenga ko at nagpatugtog ng full volume para hindi marinig ang mga ingay ng mga tao sa corridor. Mabagal akong naglakad habang wala sa sarili na binabasa ang mga nakalagay sa mga bulletin boards na madaanan ko.
Maybe it's not my weekend. But it's gonna be my year.
And I'm so sick of watching while the minutes pass as I go nowhere.
Tahimik akong sumabay sa kanta. Masyado akong nagfocus sa loud music sa tenga ko at sa kasalukuyan kong binabasa kaya nagulat ako nang may nagsalita sa tabi ko at sumabay sa kinakanta ko.
"And this is my reaction to everything I fear. Cause I've been going crazy I don't want to waste another minute here."
Napaatras agad ako palayo sa lalake. Nakaharap siya sa parehong bulletin board tulad ko habang nakasiksik ang mga palad sa bulsa ng kanyang faded na pantalon. Nakangisi siyang lumingon sa akin. Inalis ko ang isa sa headset sa tenga ko at napakurap sa kanya.
"Nice song." sambit niya.
Do people even know the word personal space nowadays? Pinagmasdan ko ang lalake. Nakangisi parin ito sa akin. Sandali- hindi siya taga rito sa building namin pero nakita ko na siya.
His dark untidy hair, his gray printed t-shirt, his faded jeans, and worn out black converse. He has this chill and carefree vibe na hinding hindi mo makikita sa mga estudyante ng building namin.
"Uh, thanks?" sagot ko. Binalik ko ang headset sa tenga ko. Paalis na sana ako nang marinig ko ang boses ni Pia.
"Uy!" masayang sabi nito. Isa si Pia sa exemptions sa college na ito pagdating sa pagiging strict at seryoso. Siya lang yata ang may lakas ng loob na magsisigaw sa corridor.
Pumunta siya sa gitna namin at parehong umakbay sa amin ng lalake. Tuluyan ng nalaglag ang headset mula sa tenga ko at halos hindi ako makahinga sa ginagawa niya. Napanganga ako. Come on people, how about personal space?
Natawa ang lalake sa tabi ni Pia habang inaalis ang braso nitong nakapulupot sa leeg niya. Ganoon din ang ginawa ko.
"Alis nga, puputulan mo kami ng hangin eh." natatawang sambit nito at bahagyang tinulak si Pia.
Natawa si Pia at pareho kaming binitawan. Napatingin ito sa akin.
"Na-convince ka ng gagong 'to? Di nga?" Sinapak niya ang braso ng lalake na natatawang hinarang naman ito gamit ang palad.
"Congrats, Gavin. For the first time in forever, may na-recruit ka."
Recruit? "Uhm, excuse me." sambit ko at pinagmasdan sila. "Hindi kami magka kilala." may hilaw na ngiting sabi ko.
Nagkatinginan ang dalawa. Napahawak si Gavin sa puso niya na para bang nasaktan ko. "Masakit yon, babes."
Babes? Pinagmasdan ko sila na para bang nababaliw na silang dalawa. Natawa lang si Pia. "Hwag mo siyang pansinin. Babes ang tawag niya sa lahat ng babaeng kakilala niya."
Why? I wanted to ask. Pero nanatili ang tanong na yon sa isip ko. "So, Isabelle, napagisipan mo na ba?" tanong ni Pia.
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya.
"Whoa." Napalingon kaming pareho kay Gavin. "Sasali ka, babes?"
Can he stop calling me that? Tinulak siya ni Pia palayo. "Tumahimik ka dyan. Seryoso ito."
Pinagtitinginan na kami ngayon ng ilang taong dumadaan sa corridor. Napansin kong kinindatan ni Gavin ang ilang babaeng nakatingin sa kanya. They giggled lightly at nagpatuloy sa paglalakad.
A player? How... shocking.
"Hindi ako pwede." sagot ko. Bumalik ang attention ni Gavin sa amin at nakita kong sumimangot ito.
"Hindi ko mahaharap and my parents didn't think it's a good idea." Nakita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila. "I mean they wanted me to focus on my studies." maingat kong dagdag. "Isa pa wala akong alam sa ginagawa niyo."
Tumaas ang isang kilay ni Pia. "You sure?" nakangiting tanong niya. "Ayaw mong i-try ang test para malaman natin?" Test? I didn't know it has a test. "Come on."
Hinila niya ako. Naglakad kami sa corridor palabas ng building habang nakasunod si Gavin sa amin. Nakangiti ito habang pinagmamasdan ako. Tila ba interesado sa kahihinatnan ng lahat ng ito.
Nang makarating kami sa labas, huminto si Pia at humarap sa akin. "Wanna try?" she smiled.
"The test? Now?" I asked.
Linibot ko ang tingin sa mataong paligid. Nasa harap kami ng building namin sa mismong pathway kung saan nagku-krus ang landas ng mga estudyante na papunta sa cafeteria.
Tumango si Pia. "Yes, now. Here." sabi nito.
My lips slightly parted in surprise. Gavin pursed his lips, nagpipigil ng tawa. Ito lang yata ang test sa buong buhay ko na bumigla sa akin. Even surprise quizzes didn't surprise me like this.
What kind of test will it be?
May kinuha si Pia sa bag niya. Isang DSLR camera. Inabot niya ito sa akin. "Take a picture." aniya.
Pinagmasdan ko lang ang camera sa kamay niya. "Any picture?" nagtatakang tanong ko.
"Yup!" she answered, emphasizing the 'p'. How can this even be considered as a test?
Nanatili silang nakatayo doon. Pinagmamasdan nila ako habang nakangiti, a kind of smile that I've never seen in a while. Kinuha ko ang camera sa kamay ni Pia. "Okay." sagot ko.
Wala namang mawawala sa akin. Isa pa, mukha namang hindi sila seryoso sa test na ito. Binuksan ko ang camera. In-adjust ko ito habang lini-libot ang tingin sa paligid. Nang maging okay na ako sa focus nito, humarap ako sa dalawa.
"Sandali lang."
Nagtataka na tumingin sila sa akin habang binubuksan ang bag ko. Nilabas ko ang reading glasses ko mula sa case nito. Tumaas ang kilay ni Pia sa interest. Napa sipol naman si Gavin.
"Can I use props?" tanong ko.
Pia nodded eagerly. Bumalik ako ang attention ko sa camera. Pumwesto ako sa gitna ng pathway kung saan dumadaan ang mga tao. May ilang nakakilala sa akin at nagtatakang tiningnan ako. Hindi ko na lang sila pinansin.
Pinagmasdan ko ang pathway gamit ang camera, saka ko nilagay ang eye glasses ilang pulgada sa tapat ng lens. Inadjust kong muli ang focus para maging blur ang paligid maliban nalang sa mismong makikita ng eye glasses ko. Then I snapped and took the image.
Sandali kong pinagmasdan ang picture bago bumalik kay Pia at Gavin. Inabot ko ang camera.
"I'm done." sabi ko.
Noong mga oras na yon malapad na ang ngiti ni Pia. Pinagmasdan niya ang kuha ko. It's a weird image- somewhat my point of view tuwing suot ang reading glasses ko.
"Anong caption ng picture na ito?"
Napakurap ako. "Oh." Why is everything impromptu?
Tiningnan ko ang picture bago nagsalita. "Augenblick." sagot ko nang maalala ang isang word sa librong binasa ko. "It means in a blink of an eye."
Tumango si Pia. Nanatili lang naman na pinagmamasdan ni Gavin ang picture. Maya maya pa nagsalita si Pia dahilan para matigilan ako. "Pumasa ka." nakangiting sabi niya.
Bumaling ang attention ko sa kanya. Bahagya akong napangiti. "This is not even serious, right?"
"It is." seryosong sabi ni Gavin na inalis ang tingin sa camera. "Yon ang standard test ng Arcadian."
I'm pretty sure they are pulling my two legs. "Then walang bumabagsak?" tanong ko. I can't even believe that this is a test.
"Actually, ikaw palang ang nakakapasa." sagot ni Pia. "Hindi ganoon kadami ang sumubok sa test pero sa lahat ng yon, ikaw palang ang naka kuha ng approval." dagdag niya.
Pinagmasdan ko silang dalawa ni Gavin. Is this even legit? Pwede silang mag decide ng walang approval ng ibang kasama nila?
Ngumiti si Pia. "Hindi parin ba para sayo ito?"
Hindi ako nakasagot. Siniksik ni Gavin ang mga kamay niya sa bulsa na tila ba may malalim na iniisip.
"We will have a staff meeting on Saturday." Pia informed. "You are welcome to come. Pero kung hindi ka pupunta, maintindihan namin ang decision mo."
Tiningnan niya ang wrists watch na suot niya. "May kailangan pa kaming puntahan ni Gavin." Tumango si Gavin at bumalik ang ngisi sa labi niya. "So see you around, Isabelle." paalam niya. "And I really hope to see you on Saturday."
"Bye, babes." Kumindat si Gavin dahilan para mapalingon ang ilang mga babae sa kanya. Nagsimula silang maglakad papunta sa College of Education. Naiwan ako sa pathway na hindi parin makapaniwala sa nangyari.
You passed something you don't want to have a responsibility for. Very typical of you, Isabelle. Now what?
***
Author's Note:
I'm honestly overwhelmed by the responses and feedbacks from this story in a span of three days. I wrote this story for people like Isabelle and I didn't know a lot of people can relate her. Thank you for sharing your stories. I wanted to reply to every one of you but most of the time I'm speechless.
I always wanted to write a story about things people are afraid to say. And honestly it took me a lot of courage to post this story. But because of your messages and comments, I know it's worth it. Thank you for reading Something Spectacular. You guys are awesome!
@april_avery
Song: Weightless by All Time Low
--
Tweet me: @breatheapril
Official hashtag: #SomethingSpectacular
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top