Spectacular: Thirty
30.
I waited for Saturday to arrive. Ito ang araw na pupuntahan namin ang address na nakalagay sa files ni Gavin. Ang bayan ng San Luis. It was an hour drive from the university.
Maaga kaming nagkita-kita sa harap ng university. Walang may alam sa lugar at umaasa lang kami sa address na binigay ni Gavin.
Katabi ko si Pia sa loob ng minivan. Naka-harap siya sa laptop. Maliban sa paghahanap kay Gavin isang bagay pa ang kailangan naming pagtuunan ng pansin. The magazine.
The issue we were working on was scheduled to be release early this semester. It was an issue Gavin was still part of.
Pinagmasdan ko ang labas ng bintana. Kalahating minuto na ang nakakaraan mula nang magbyahe kami. These houses, the trees, the people. These are the scenery Gavin passed by everyday. These are all familiar to him. This is home for him. Are you here, Gavin? Would you greet us with your familiar grin?
Pagdating namin sa bayan ng San Luis nagtanong tanong kami sa mga taong nadaanan namin. Sinabi nila na nasa dulo ng bayan ang address na tinutukoy namin. Oras ang lumipas sa aming pag hahanap. Minsan ay paikot ikot kami sa isang lugar o tumitigil ng ilang beses upang magtanong.
Hininto namin ang sasakyan sa gilid ng daan. Halos walang ibang sasakyan na dumadaan sa parteng ito ng bayan. Ang huling napag-tanungan namin ay ang tindera ng prutas sa gilid ng daan at dito niya kami tinuro.
"Tingin niyo may mga kabahayan pa paglampas natin dito?"
Nakatanaw kami sa walang katapusang bukid sa tabi ng daan. Nakatayo kami sa labas ng minivan. Lawrence was eating a type of sticky candy we bought at a store along the way.
"Dito tayo tinuro." Sagot ni Charlie.
"Tama tayo ng daan."
Napalingon kami kay Stephen. Inayos niya ang kanyang glasses.
"May nasabi sa akin noon si Gavin na may ginagawang daan sa kanila kaya siya madalas malate. Tingnan niyo."
Tiningnan namin ang kanyang tinutukoy. Isang sign sa di kalayuan ang aming natanaw. Road construction ahead.
"Kung ganoon nasa tamang lugar tayo."
Inubos ng mga kasama ko ang kinakain bago pumasok muli sa sasakyan. Nagbyahe muli kami. Hindi ko mapigilan na umasa. Malapit na kami, Gavin.
Magtatanghali na noong marating namin ang eksaktong address na tinutukoy sa files. The neighborhood was not what we expected. Beyond the empty field was actually a decent neighborhood. Isang tahimik na subdivision.
Pinagmasdan namin ang bahay na nasa aming harapan. The house was modern, painted in slick cream and black accent, with a lot of green plants.
Gavin.
Lumabas si Lawrence, Pia at ako mula sa minivan. Lumapit kami sa bahay. Si Pia ang pumindot ng doorbell. Naghintay kami na may lumabas mula sa bahay. Ngunit nanatiling tahimik ang paligid. Muli itong pinindot ni Pia saka sinamahan ng marahan na katok sa itim na gate.
"May kailangan ba kayo?"
Napalingon kami sa gate ng kabilang bahay. Mula dito ay lumabas ang isang matandang babae.
"May hinahanap po kaming kaibigan."
Tinitigan kami ng matanda.
"Wala ng nakatira sa bahay na yan."
Napakurap ako. "Ano po?"
"Mag iisang buwan ng walang nakatira sa bahay na yan."
Umiling ako. Hindi.
"Dito siya nakatira. Si Gavin? Gavin Nicholo-"
Bumakas ang recognition sa mukha ng matanda.
"Ah, si Nicholo. Isa nga siya sa mga nakatira sa bahay na yan. Pero lumipat na ang pamilyang nakatira dito."
"Alam niyo po ba kung saan? We need to find him."
"Hindi nila kasama ang binata sa pag lipat."
Mas lalo akong naguluhan sa narinig.
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Ang batang yon, hindi talaga siya parte ng pamilyang nakatira dyan. Kaya noong naassign ang padre de pamilya sa ibang lugar hindi na siya isinama."
Nakapanghihinang katahimikan ang bumalot sa amin. Napakadaming bagay ang pumasok sa aking isip. But I couldn't find the right words to say. Because all I was seeing was Gavin, smiling. Fading.
"Alam niyo po ba kung saan siya tumutuloy ngayon?"
My voice was betraying me. Umiling ang matanda.
"May paraan po ba na ma-contact namin sila?"
"Maliban sa aking mga sinabi wala na akong alam sa pamilyang nakatira sa bahay na yan."
Pia tried to smile. Huminga ng malalim si Lawrence. Siya ang nagpasalamat sa matanda. Pia was silent. I was losing strenght.
Nagpaalam ang matanda at muling bumalik sa loob ng katabing bahay. Sa loob ng ilang minuto nanatili kaming habang nakatanaw sa bahay kung saan dating nakatira si Gavin.
I could almost see him standing from the empty balcony with that tousled hair of his, and that same carefree smile, and his hands inside the front pockets of his hoddie. I could almost feel his presence, I could almost hear his voice calling us.
"Babes."
I want to see him so bad that I never realized that tears fell from my eyes. Agad ko itong pinahid.
"Hindi niya gustong nakikita kang umiiyak, Isabelle."
Lumingon ako kay Lawrence. Pinisil niya ang aking balikat as if telling me everything is going to be all right.
Bumalik kami sa minivan at sinabi sa ibang mga kasama namin ang nangyari.
"How are we able to find him?" asked Rhea.
"Pasukan na sa susunod na linggo. At ang magazine. Mawawalan na tayo ng oras."
We would soon have our classes and duties in Arcadian. We were scheduled to release the issue we were working on early this semester.
Napansin na ng school admin ang hindi sapat na bilang ng members ng Arcadian. If we couldn't release the issue, Arcadian might dissolve this time.
"Hindi tayo maaaring tumigil." Mariin na sinabi ni Pia. "Gavin, no matter if he was enrolled or not, is still part of Arcadian."
"If we don't find him now, I'm afraid we'll never be able to see him again."
--
Sa bahay walang pinagbago ang aking sitwasyon. Hindi parin ako kinakausap ni Dad. Whenever I see him, kapag nagkakasalubong kami sa hallway, I had always prepared something to say, a small greeting, a question on how his day has been. Pero naglalaho ang mga ito tuwing nilalampasan niya ako nang walang ano mang sinasabi. And I was always left with the words lingering in my head until they fade.
Gavin used to asked me why I couldn't say the words I want to express. It's not that I couldn't find the right words to say. It's because no one would want to hear it.
I love words. I love stringing them and forming them into something significant. A string of right words can uplift and give hope to someone. But this world is too loud. Searching for people who'd hear what you want to say is hard.
"Aren't you soffucated with the words stuck in your head?" He used to ask me.
I would smile at him and say. "It's a wasteland here."
Naalala ko kung paano siya sumeseryoso kapag yon ang sinasabi ko.
"You know where is the saddest place on earth?" He would ask me. "It's the place for words that are meant but not said."
Ngayon... ngayon ko lubusan na naramdaman ang ibig niyang sabihin. Ang lugar na tinutukoy niya... dito makikita ang mga totoong pagmamahal, pag-aalala, pagkalinga, na kailanman hindi nasabi o naipakita.
Isang marahang katok sa pinto ang narinig ko. I was in my room that time.
"Isabelle?"
It was Mom. Bumangon ako sa bed at binuksan ang pinto. Pumasok si Mom sa aking kwarto. Nakabihis na siya ng pantulog.
"Hindi ka kumain ng dinner ayon kay Nana Lourdes?"
"Wala po akong gana."
"May nangyari ba?" tanong niya. "Nagiging matamlay ka mula noong convention."
I nearly say it. I nearly admitted to her the things that were bothering me. Would she hear me? Would she understand?
"Mom, I lost something... I lost someone important in that place."
Mom stared at me with an expression only a mother can have.
"I lost Gavin."
--
Dumating ang second semester. Sa loob ng sumunod na linggo halos naging normal ang takbo ng aking mga araw. My new classes occupied most of my time. Naging mas demanding ang kurso ko ngayong ikatatlong taon nito.
I regularly visit the office during vacant hours. We were finalizing our lay out to be submited to the printing press. Dalawang linggo ng wala si Gavin.
Wenesday ng hapon noong bumisita ako sa office. Datnan ko doon si Rhea na mukhang may hinahanap.
"I haven't see Arki in a while," sinabi niya nang tanungin ko.
Rhea was referring to the black kitten Gavin brought to the office months ago. Gavin was fond of it.
"Now that you've mentioned it hindi ko pa ito nakikita mula noong convention," sinabi ko.
"Hindi kaya nakahanap na siya ng maayos na matitirhan?"
Natigilan ako sa kanyang sinabi. "I hope so."
Noong gabing yon nagtext si Stephen sa buong grupo. Halos matutulog na ako noong oras na yon. But what he said left me sleepless the entire night.
"May nalaman ako."
"Nakabalik si Gavin matapos ang convention."
Halos mabitawan ko ang phone ko noong mabasa ko ito.
"Ipapaliwanag ko bukas."
All this time, I was haunted by the fact that Gavin didn't return to Pampanga. He never came back from convention. He never came home with us. Subalit dahil sa sinabi ni Stephen nabuhayan ako ng loob. Nakabalik siya sa amin.
--
Kinabukasan, nang magkaroon ako ng vacant subject ay agad akong pumunta sa office. It was Friday afternoon. Umuulan sa labas. The office was warm and cozy with the lingering smell of coffee.
Nadatnan ko doon si Lawrence at Rhea. Kasalukuyan may klase si Charlie at Pia. Halos kasunod ko lamang dumating si Stephen.
"Kailangan kong i-confirm ito sa inyo." sinabi ni Stephen.
Dumerecho siya sa desktop computer.
"Kaming dalawa ni Gavin ang naghahandle ng graphics at layout para sa issue."
Ni-on niya ang computer.
"Naglipat ako ng files kahapon mula dito sa desktop papunta sa laptop ko para tapusin sa bahay ang mga graphics. Pero kagabi may napansin akong kakaiba."
Pagbukas monitor bumungad sa amin ang mga folders at files ng Arcadian. Natagpuan ni Stephen ang folder na hinahanap niya.
GRAPHICS (CURRENT ISSUE)
Ito ang label ng folder. Binuksan ito ni Stephen. Ilang files ang nandoon.
"Ito ang folder ni Gavin. Bago tayo umalis sa convention ilan sa mga ito ay hindi natapos. Pero tingnan niyo."
Pinagmasdan namin ang mga digital at graphic arts na nasa folder.
"All of them are done."
Ni-right click ni Stephen ang icon ng folder.
"Last date modified: October 28. Huling araw ito ng convention. Nasa La Union pa tayong lahat maliban kay Gavin."
Natigilan ako sa sinabi niya. "He was here?"
"At natapos niya ito ng 11:32 ng umaga." sinabi ni Stephen. "Halos kararating lang natin sa Pampanga noong mga oras na yon."
Lumakas ang tibok ng aking puso. Naalala ko ang oras ng aming pag uwi. Kung paano ako naghintay ng aking sundo sa tapat ng university gate. How I checked the time every now and then.
"I was here." Nasabi ko. "I was here, at the university."
Tuluyan akong nanghina. Hindi ako makapaniwala.
"Tinapos niya ang lahat bago umalis."
"Mukhang ito ang huling pagpunta niya sa office."
Napaupo ako sa sofa. I was there. I was standing outside. Bakit hindi mo ako nilapitan, Gavin? I was there, silently wishing for you to come back not knowing you were several feet away from me. Why do you have to do this?
"Kung may magandang bagay mang naidulot ang nalaman natin, ito ay nakauwi siya ng maayos," sinabi ni Lawrence.
"Pero kung totoong nakita niya si Isabelle at pinili na hindi ito lapitan kahit alam niyang nag aalala tayo, ibig sabihin may mas malalim pang dahilan ang lahat ng ito. Tama si Pia. Kailangan nating bilisan ang paghahanap sa kanya."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top