Spectacular: Thirteen
13.
They are not joking. The Foundation Week for university organizations like The Arcadian is no joke. For the first few hours of Monday I was culture shock. Hindi ko alam ang gagawin.
Dumating ako sa university ng six o'clock ng umaga. Mas maaga ito kesa sa regular classes namin dahil sa naka schedule na parade at street dance performance. Nagtataka man sila Mama sa pag alis ko nang maaga, nagpaalam ako na dadalo sa buong lingo ng Foundation Week.
They asked me some questions dahil alam nilang hindi ako mahilig pumunta sa university activities. Pero sinabi ko na may attendance ang pag dalo namin kaya hindi na humaba pa ang usapan. They know attendance somehow has credits and I'm not exactly lying.
Dumating ako na nakasuot ng running shoes, comfy pants, at cotton shirt tulad ng sinabi sa akin ng mga members. Dala ko din ang fully charge phone ko at ilang notes ng events para sa buong week.
Naka-assign kami ni Rhea na mag cover ng parade. We also have to take a few pictures of it. At first it was fun and easy. Nagstart ang parade sa harap ng main building. May mga floats na binabalutan ng bulaklak kung saan nakasakay ang mga kasali sa Ms. Foundation. Makukulay ang suot ng mga street performers na Filipino Fiesta ang theme, ganoon din ang drum and lyre groups na nangaling pa sa high school unit ng university.
The atmosphere was fun, colorful, and lively. Madilim palang ay nakaset up na ang parade sa harap ng university. Kinuha namin ang pagkakataon para mag interview at manguha ng pictures. Eight o'clock nang magsimula ang parade. At doon ko naramdaman na hindi biro ang task namin.
Tirik ang araw. Mabagal ang takbo ng parade dahil sa dami ng floats at traffic during rush hour, madaming naging aberya sa daan at ilang motorista. Naglakad kami sa side kasabay ng parade. The parade lasted for two straight hours. Mabuti nalang at may dala kaming tubig and Rhea is wearing a shirt with hoodie.
Hindi namin nakita ang ibang kasama namin maliban kay Gavin at Stephen. Dumating sila at naabutan kami nang halos nasa gitna na ng route ang parade. Sila ang naka-assign sa booths na kasalukuyang sine-set up sa university para kapag natapos ang parade ay may pupuntahan ang mga estudyante. Dinaanan lamang kami nina Gavin para kamustahin bago dumerecho sa university.
Napansin ni Gavin na halos namumula na ang mukha ko dahil sa init ng araw. Tinawanan niya ako at kinurot ang pisngi ko. Bago umalis inalis niya ang cap na suot niya at nilagay sa ulo ko.
"Sa susunod babes, magdala ka ng pananga sa init." nakangiting sinabi niya bago umalis. Pinagmasdan ko ang paglayo nila bago ako hinila ni Rhea dahil umuusad na ang parade.
--
Ten o'clock na noong makabalik kami sa university. At halos magulat ako sa pagbabago ng itsura nito mula noong iniwan namin two hours ago. Ang mga inaayos nilang streamers ay nakasabit na, maging ang tarpaulin sa harapan. May mga signs tungkol sa mga available booths at open house ang Foundation kaya pwedeng pumunta maging ang mga taga ibang school.
Sa likod ng university dumerecho ang mga floats at mula doon nagkalat na ang mga estudyante na sumama sa parade. Nang pumasok kami sa loob ng school nakita ko ang ilang mga kaklase ko at nag sign ng attendance. Nagtaka ang class president namin dahil mukhang kanina pa ako dumating. She has no idea how early I am and how tired considering it's just ten in the morning.
Nagkalat ang booths sa quadrangle at bawat maluwang na space sa university. May iba't ibang booths kasi para sa bawat department. Kadalasan ay nasa tapat ng mga college building ito. Kaya naman matapos ang mga booths sa harap ng university ay may dadatnan ka pa sa loob.
Nagpahinga kami ni Rhea sa office. Halos mag dive siya sa sofa at i-full ang aircon. Wala kaming nadatnan na tao doon. Pero base sa mga gamit na nasa kwarto, nandito na ang halos lahat at malamang nasa labas na para mag cover ng upcoming events na naka-assign sa kanila. Nagpaalam si Rhea na iidlip ng ilang minuto. I told her na lalabas ako.
Dala ko ang DSLR na binigay sa akin ni Ninang noong nakaraang pasko. Ngayon ko lamang napansin kung gaano kakulay ang university tuwing Foundation. It's as if the place is screaming in colors. Ang gandang kunan. Ang daming pwedeng maging subject.
Everyone seems so happy, so alive, so young. Tila ba sa mga susunod na araw ay kinalimutan muna namin ang paghahanda sa future, mga quizzes or exams, mga planong kailangang sundin, at ang tanging nagexist lamang ay ang ngayon. Ang mga carefree na tawanan, masayang kwentuhan, excited na pagpunta sa mga events. We are living in our current age. And nothing is more freeing than that.
Kinunan ko ng picture ang isang barkada na nag uusap at nagtatawanan habang nagpaplano ng events na pupuntahan nila. I also took a picture of the streamers on the pathway at ang ilang street performers na mula sa parade at ngayon ay papunta sa mga booths. Pinagmasdan ko ang screen ng camera habang naglalakad. This is beautiful.
Nabigla ako nang may humila sa visor ng cap na suot ko pababa dahilan para bahagyang matakpan ang mga mata ko. What the- Tumingala ako para makita ang taong may gawa nito pero natigilan ako nang may mapansin sa kanyang wrist. Nakasulat ito gamit ang itim na ballpen.
2.DR.A
Kumunot ang noo ko. Hinawi ko ang kamay niyang hawak ang cap. Agad niya naman itong inalis, tumatawa. Inayos kong muli ang cap niya sa aking ulo bago siya pinagmasdan.
"Seriously, Gavin?"
Ngumiti lamang siya. May ilang napatingin sa kanya habang nilalampasan kami. May isang babae na bumulong sa kasama niya. I heard the word cute or something. Pinagmasdan ko si Gavin.
"Tara, babes." sinabi niya.
His smile makes his eyes slightly shrink. Bigla niya akong inakbayan at nagsimula kaming maglakad.
"Where are we going?" tanong ko. "Tapos na ba kayo sa task niyo?"
"Medyo, babes." sinabi niya nang hindi masyadong napansin ang tanong ko. "May isa lang kulang."
Lumingon ako sa kanya habang naglalakad kami. "Kailangan ma-experience ang mga booths para makagawa kami ng magandang article. Kung titingnan lang namin, mahihirapan kami."
Inalis ni Gavin ang kamay sa balikat ko at marahang hinawakan ang palad ko at hinila ito.
"Let's go?"
Nakipagsiksikan kami sa mga taong papunta sa mga main booths sa harapan ng university. Now I know kung bakit pinag aagawan nila ang task na ito. Nagkataon lamang na nagbunutan kami kaya kay Gavin at Stephen ito napunta.
It was the best task so far. Ang subukan ang bawat booths sa university. At dahil part kami ng press na magco-cover, ilan sa booths ang nagbigay sa amin ng free stuff like food, free entrances, and free tries sa mga games.
Pumila kami ni Gavin sa booth na nagtitinda ng pancakes na may iba't ibang shapes. Seriously they can do superhero pancakes and cartoon characters with colors and details. Kaya maliban sa bibili ay madami din ang nanunuod sa mga nagluluto. The booths of the HRM Department are one of the main attractions during Foundation Day. They made the university looks like a food bazaar.
"Gutom ka na, babes?" tanong ni Gavin nang mapansin na panay ang silip ko sa harapan ng pila.
"Medyo. Kanina pa kasi akong six nandito."
Habang naghihintay pinagmasdan ko ang program para sa Foundation Week na pinamimigay sa entrance ng university. Para itong mapa na nakalagay kung saan idadaos ang mga events at kung anong oras.
Maya maya pa napansin kong kausap ni Gavin ang dalawang babaeng kasama namin sa pila. Narinig ko silang nagtawanan kaya napalingon ako. I wonder what they are talking about.
Nagpaalam sila noong sila na ang sumunod sa pila. I can almost smell the aroma of the pancakes. Nakakagutom.
Gavin stared at me, smiling. Pinagmasdan ko siya, saka ko muling naalala ang nakasulat sa wrist niya. 2.DR.A. Is that a code or something? Para saan? Balak ko sanang itanong ang tungkol dito, nang lumingon sa amin ang dalawang babaeng kausap niya kanina.
"Anong design?" tanong ng babaeng may medyo curly na buhok.
Lumingon ako kay Gavin, nagtataka. "Anong design, babes?" tanong niya. Napansin niya ang nagtatanong kong mukha. "Nakisabay na ako para bawas oras sa paghihintay."
Oh. So yon pala ang pinaguusapan nila kanina. Dahil sa pagkabigla nasabi ko ang unang design na nakita ko sa menu na nasa banner. "Stitch?"
Nagpigil siya ng ngiti at tumango. "Sige, babes." Bahagya siyang lumapit sa dalawang babae at sinabi ang order namin.
Nang makuha na namin ang mga orders namin at nagbayad kasama ng dalawang babae ay nagpaalam na sila. Nagsimula ulit kaming maglakad ni Gavin habang hawak ang mga pancakes namin na nakalagay sa mini box with drizzling strawberry and chocolate sauce.
"Lilo and Stitch fan, huh?" sinabi niya habang naglalakad. Habang tumatagal ang may dumadami ang taong nasasalubong namin. Pinagmasdan ko ang kanya. It was the mask of Batman.
"Hindi ko alam na mag o-order ka na." I reasoned out. "Hindi ko nakita ang iba sa mga choices. And Stitch is cute."
Sinandal niya ang braso sa ulo ko. I frown. Why does he love doing that? Is it an unwritten privilege or something for tall people like him? Marahan kong inalis ang kanyang braso sa ulo ko.
"How did you do that?" tanong ko bago muling sumubo ng pancake.
"Ang alin, babes?" sagot niya na tila ba nag eenjoy sa pang aasar sa akin.
"Paano mo sila napapayag na sumabay tayo sa order nila?" tanong ko. Curious kasi talaga ako. Mukha kasing kanina niya lang sila nakilala.
Ngumiti siya at bahagyang tinap ang noo ko gamit ang daliri niya na akala mo kumakatok. "Charisma, babes."
Halos mabuluan ako. Humalakhak siya. Pinagtinginan kami ng mga kasabay naming naglalakad. Mabuti nalang at nasa bandang gilid kami. The pancake made a mess in the lower half of my face.
Pigil ang ngiti ni Gavin nang kinuha niya ang tissue mula sa pinagbilhan namin at pinunasan ang strawberry sauce sa gilid ng labi ko. "Hindi ba halata?" natatawang sinabi niya.
Muli kong pinagmasdan si Gavin saka agad ding umiwas mula sa titig niya. "Naah." I denied.
Muli siyang umakbay sa akin habang naglalakad kami. "Mukha nga." sinabi niya. "Walang talab sayo, eh." saka siya muling tumawa.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top