Spectacular: Six

6.

Huminto ang minivan matapos ang twenty minutes na byahe. Pinagmasdan ko ang hinintuan namin. Isang bahay na may katabing coffee shop. Binuksan ni Gavin ang pinto at naunang bumaba saka kami sumunod. Nang makalabas na ang halos lahat, akmang pupunta na sa loob si Charlie, Lawrence, at Gavin nang pigilan sila ni Pia.

"Hoy hoy! At sino sa tingin niyo ang magdadala ng mga yan?" turo niya sa mga kahon na nasa likod ng sasakyan.

"Kami na ang nagdala kanina ah." halos reklamo ni Lawrence. "Wala na akong lakas. Gutom na ako."

"Aba't!"

Lalapitan sana siya si Pia subalit nakailag ito. "Biro lang, Boss." ngisi niya. "Sabi ko nga nadadalhin na namin!" Sabay hila kay Gavin papunta sa minivan. Magrereklamo pa sana si Gavin kung bakit kailangan kasali siya pero wala na itong nagawa.

Bumalik ang dalawa dala ang mga gamit at sama sama kaming naglakad papunta sa bahay na katabi ang coffee shop. Halos balutan ng mga potted green plants ang harap nito. Binuksan ni Stephen ang sliding door nito at sumigaw.

"Ma! Nandito na kami!"

Nagsipasok sa loob ang mga lalakeng kasama ko. Nagtulakan pa sila na akala mo bahay nila ito. That's when I realized na ang bahay at coffee shop sa tabi nito ay magkadugtong.

"Mrs. Babes!" narinig kong sigaw ni Gavin. Kumunot ang noo ko. What? Sumunod si Pia, Rhea, at ako sa loob.

Nakita namin na sinalubong sila ng mukhang Mama ni Stephen. Nakaapron ito at mukhang galing lang sa kusina. Kamukha ito si Stephen. Payat at hindi gaanong matangkad.

"Babes ang tawag niya sa lahat ng babaeng kakilala niya." sinabi ni Rhea nang mapansin na halos mapanganga ako. Nagmano ang mga ito na akala mo sarili nilang nanay.

"Mrs. Babes, alam mo na kung bakit kami nandito." Lawrence wiggled his eyebrows at dumerecho sa isa pang sliding door sa side ng sala. Sumunod naman si Gavin at Charlie. Yon na siguro ang papunta sa coffee shop.

Natatawa naman ang Mama ni Stephen na tila ba sanay na sa kanila. "Kayo talaga. Malulugi ako sa inyo nito."

"Good morning, Tita." Nagmano si Pia at ganoon din kami ni Rhea. "Ako na ang humihingi ng paumanhin sa mga balasubas kong mga kasama." seryosong sabi nito.

"Mas magtataka ako kapag bigla silang tumahimik." nakangiting sabi ng Mama ni Stephen. Napatingin ito sa akin. "Oh, may bago kayong member?"

Ngumiti ako. "Isabelle po." Napatingin ako kay Pia for confirmation. Tumango ito. "Bagong member."

Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko gamit ang dalawang kamay niya at nakipag shake hands. "Aba, mabuti naman at sa kanila mo naisipan na sumali. Madadagdagan ang makakatikim sa luto ko."

Stephen groaned. Kasalukuyan nitong sinasaksak sa isang socket ang kanyang laptop. Napansin ko na medyo nahiya ito. "Ma, naman." reklamo nito na nakafocus parin sa ginagawa.

"Naku! Nahihiya ka eh gustong gusto kaya nila ang luto ko." natatawang sabi ng kanyang Mama. "Aba, sige. Derecho na kayo sa loob. Mukhang gutom na ang mga kasama niyo."

"Patay gutom po talaga ang mga yon." Pia muttered. I pursed my lips to prevent a smile.

Sumunod kami sa loob at bahagya akong nagulat sa aking nakita. It was the coffee shop after all. Pero hindi ito tulad ng mga stylish na coffee shop na madalas kong puntahan.

It's more of a part of the house than a coffee shop. Parang sala na madaming upuan at mesa. May ilang taong nandoon na busy sa pagbabasa, o pagsusulat, o kaya naman sa pagkain.

"Doon tayo." Tinuro ni Pia ang isang sliding door sa bandang likod.

Nang buksan niya ito, napagtanto ko na nasa likod na kami ng bahay. May tila balkonahe doon na Japanese style kung saan open area at nakaupo sa sahig ang mga kasama ko.

"Masyadong maingay kapag sa loob tayo. Makakasagabal tayo sa mga totoong customers." paliwanag ni Pia.

Umupo kami sa harap ng isang mababang mesa tulad ng mga kasama namin.

"Kayo talaga. Mahiya naman kayo minsan!" sambit ni Pia kina Gavin.

Hawak na ni Lawrence ang DSLR camera at mukhang may tinitingnan dito. Napangisi naman si Gavin nang magtama ang mga mata namin. I tried to smile pero hindi parin maalis sa isip ko kung gaano ako na-intimidate sa kanya.

Napansin kong bahagyang naging seryoso ang grupo nang makaupo na ang lahat. So this is the real deal.

"Okay, guys." Pumalakpak si Pia. "The meeting is in order."

Inalis ni Lawrence ang tingin sa camera. "Hindi muna ba tayo kakain-"

"The meeting is in order." mariin na sambit ni Pia. Napansin ko na gusto gusto siyang asarin ni Lawrence.

"I want you to officially meet Isabelle Dizon, a Financial Management student from College of Business and Accountancy. Siya ang magiging isa sa mga correspondent natin."

Tumango tango sila. Ngumiti si Rhea at bahagyang kumaway as if to say hi. Pinagmasdan ako ni Charlie at ngumisi ito as if to welcome me. It seems there's no need for formality in this group.

"May boyfriend ka na?" Napanganga ako sa naging tanong ni Lawrence.

"Gago." napapailing na sambit ni Gavin.

Bumuntong hininga si Pia na tila ba pinapakalma ang sarili niya. Being the EIC in a team like this is one heck of a task. Pinagpatuloy niya ang pagsasalita. Binangit niya ang test at ang mga bagay na kailangan kong malaman tulad ng schedule ng meeting at hatian ng responsibilities.

"Seven lang tayo kaya madalas kailangan nating mag multi task or double duty." she said.

"Minsan ikaw na ang correspondent, ikaw na ang editor, at ikaw na din ang photojournalist." sabi ni Charlie na nakangiti.

Oh.

"Kulang tayo sa member. Dati eleven kami ngayon pito nalang ang natira." sinabi ni Rhea.

"What happened?" tanong ko.

"Dati kasi partner namin ng official school newspaper, you know, The Oasis?" Pia said. "Kaya lang last year nag-proposed sila ng project. The online news website para sa university."

"Pinatupad ito ngayong school year. Naging online na ang school newspaper. Tumangi sumama ang Arcadian so nagkawatak watak ang partnership namin." she added.

"Binigyan sila ng mas malaking pundo kaya lumipat ang iba doon." said Stephen. "Madali silang nakapag recruit ng mga members since bago lang sila at mas pinapaburan. Wala na daw kasing nagbabasa ng newspaper or magazine style material. Nasa phone o laptop na ang lahat."

"But publishing is still an industry." sinabi ko. "Personally mas gusto ko ang nagpi-flip ng pages kesa nag scroll up or down."

"And making the material is more personal." sang ayon ni Pia. "We don't just do research. We encounter the exact thing. Iba parin ang nahahawakan mo ang pinaghirapan mo." Bumuntong hininga siya. "And I have to say this pero apat lang kayong nagka-interest na sumama."

Interest. I noticed how Gavin stared at me. It's like we are sharing a secret. Dahil pareho naming alam na hindi pa buo ang pag sama ko sa kanila. In the back of my mind there's still this hint of uncertainty kung maipagtatangol ko ba ang decision ko.

Dumating ang pagkain namin na dala ng Mama ni Stephen. "The best ka talaga, Mrs. Babes." sambit ni Gavin.

Natawa ang Mama ni Stephen. "Oo na. Hindi niyo na ako kailangan pang bolahin."

Nagsimulang kumain ang mga kasama ko. The food is a combination of lunch and breakfast. Madami ang hinanda ng Mama ni Stephen at mukhang sanay na siya sa pagdating ng grupo. Kabisado na niya ang preference ng pagkain ng bawat isa.

Habang kumakain hindi ko maiwasan na mangamba. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Dad ang tungkol sa decision ko. At mas lumala ang pangamba ko dahil sa nalaman ko. Sigurado akong kapag nalaman ito ni Dad, mas lalo akong hindi payayagan.

Madami pang pinagusapan ang grupo. Halos maghapon silang nagdedebate. Pinagusapan nila ang magiging theme para sa next issue. Madami ang naging suggestion. Pinagusapan din ang mga bagay tulad ng supplies sa office, sirang facilities, schedule ng paglilinis at kung ano ano pa. Most of the time ay nakikinig lamang ako.

Minsan tatanungin nila ako. "Hindi ba, Isabelle?" "Isabelle, tingnan mo ito." "What do you think?" "Di ba, mas tama ako?" "Ako kaya di ba?" And I find it strange but in a pleasant way. I'm a stranger a few hours ago. But they see me as if I'm part of the group all along.

Natapos ang buong maghapon sa pagtulog ni Gavin sa isang sulok, pagkuha ng kung ano anong litrato ni Lawrence sa buong shop at sa grupo, pag e-encode ng mga napagusapan sa computer ni Stephen at sa paglalaro sa chess ni Pia at Charlie. Nakaupo ako sa bandang dulo ng balkonahe at nakaharap sa berdeng garden nang tumabi sa akin si Rhea.

"Hi." mahinang bati niya. Napansin ko na mas tahimik siya kesa sa ibang member. Medyo mahiyain. "Naiilang ka parin ba?" tanong niya. "Alam kong first day mo ito kasama kami pero sana hindi ito ang maging last."

Pinagmasdan ko siya na nagtataka. Bakit niya naman nasabi yon?

"Napansin ko kasi ang uncertainty mo lalo na noong nalaman mo ang mga problema ng grupo." she said. "Alam mo bang hindi ito ang unang beses na nakita kita ng malapitan?" ngumiti siya na tila ba may naalala.

"Talaga?" tanong ko. Pero ngayon ko lang siya nakilala.

"Hindi mo ako natatandaan, ano?" she asked. "Pareho tayo ng Humanities Instructor. Ako yong isa sa mga pumasok sa classroom niyo noon sa CBA Building dahil magpapass kami ng project sa kay Mrs. Lim."

Sinubukan kong alalahanin ang sinabi niya pero wala talaga akong matandaan. Madalas kaso kapag nasa classroom ako wala akong pakialam sa nangyayari.

"Nagre-recite ka noon. Nakatayo ka at pinapakingan ni Mrs. Lim." she said. "Mukha kasing hindi ka sumangayon sa sinabi niya kaya pinapaliwanag mo ang side mo. "Sinabi ko sa isip ko noon, wow. Sana may ganoon din akong lakas ng loob para magrecite at sabihin ang opinion ko."

Unti unti kong naibaba ang tingin ko. Hindi ako ganoon katapang, believe me.

"Kaya noong nakita kita kanina, hindi ko mapigilan na humanga kasi magiging member ka ng grupo. Matalino, magaling-" natigilan siya. "Pero doon ko din narealize na matalino ka, magaling, ang dami mong pwedeng salihan, pero napili mo ang Arcadian. Baka kasi bigla ka nalang umalis kapag naisip mo na hindi maganda ang organisation na nasalihan mo."

Bahagya siyang natawa ng walang sigla. "No one really wanted to be part of us. I mean we know we are not the best organization to exert effort for."

Napatingin siya sa mga kasamahan namin na nasa likuran.

"But we're not that bad either. Kahit minsan magugulo ang mga kasama ko at laging may bangayan. Sila lang ang naging kaibigan ko talaga sa university. Sa kanila kasi hindi ako mahihiya."

Bigla ko siyang naitindihan sa gusto niyang sabihin. Totoo na madaling maging komportable sa kanila. Sa totoo lang mas komportable ang pakikutungo ko sa kanila kesa sa mga kasama ko sa classroom na ang ilan ay halos ilang taon ko ng nakakasama.

Iba ang atmosphere kapag kasama sila. Sa classroom kasi, halos lahat nalang puro may kaakibat na competition. Tatawa ka nalang, mamasamain pa ng iba.

Napatingin ako sa magtatakip silim na langit. Bumaling kay Rhea at ngumiti. "Don't worry hindi ako aalis."

Dumating ang five ng hapon at nag announced na si Pia na kailangan na naming umuwi. Pinagmasdan ko ang mga kasama ko habang nag aayos ng gamit. Tama. Nandito na ako. Mahirap man paniwalaan pero ito ang gusto ko kaya mananatili ako dito.

--

Hinatid ako nila Pia hangang sa tapat ng street namin. Nag insist ako na doon nalang bababa since hindi ko alam kung nakauwi na sila Dad. Alam kong hindi magiging magandang kung makikita nila ako na galing sa minivan na may tatak na Arcadian.

"Whoa. Ang lalaki na mga bahay dito, ah." sinabi ni Lawrence. "Rich kid ka pala, Isabelle."

Natatawang ni-pat niya ako sa ulo ko. Hindi parin magsink in sa akin na wala sa bokabularyo nila ang personal space.

"Brad, ibabalik na natin ang prinsesa sa tore." biro ni Gavin.

Binigyan ko siya ng masamang tingin lalo na ng buksan niya ang pinto ng minivan at bumaba para padaanin ako.

"Makikita ka pa kaya namin next time?" tanong niya nang makapa apak ako sa sementadong kalye.

"Oo naman." sagot ko.

Napangisi siya bago bumalik sa loob ng van. Kumaway si Pia mula sa passenger seat sa harapan. Kumaway ako habang pinapanood ang pag alis nila. Naglakad ako papunta sa bahay namin. Sa totoo lang, isa ang bahay namin sa pinakamalaki sa kalyeng ito. Pero noong nakita ko ang bahay nila Stephen, naisip ko gusto kong magkaroon ng ganoong bahay.

Maraming halaman, lumang mga gamit, pero may kung ano doon na wala sa bahay namin. Maybe it's the homey atmosphere from the worn out furniture, or the noise, or the smell of the old style brick oven. Hindi ito katulad sa amin na halos automatic ang lahat ng makikita.

Wala pa sina Dad noong dumating ako sa bahay. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila ang pagsali ko sa Arcadian. Wala pa akong balak sabihin sa kanila ang tungkol dito. I will eventually tell them. Pero hindi pa sa ngayon.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top