Spectacular: Nineteen

19.

Noong hapong yon ay nagtext ako kay Gavin. Tinanong ko kung bakit hindi siya nakapunta sa meeting ng Arcadian. Pero sumapit ang gabi ay wala parin akong nakuhang reply mula sa kanya.

Nagsimula na akong mag alala. Kadalasan kapag nagtetext ako kay Gavin ay sumasagot ito sa oras na makita niya ang message. Sinubukan din namin siyang tawagan kanina pero nakapatay ang phone niya.

Nakahiga ako sa kama, with my pizza printed pajama habang nakaharap sa ceiling habang hawak ang phone ko at tinititigan ang screen nito. Maya maya pa halos mahulog ang phone sa mukha ko nang biglang tumunog ito.

Bahagya akong napadaing bago tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Charlie. Sinagot ko kaagad ang tawag. I wonder kung kamusta ang naging out of town ng pamilya niya.

“Hey.” bati ko.

Napansin ko agad na nasa loob siya ng sasakyan, maybe on their way home. Mahahalata ito sa boses niya at sa boses ng kanyang kapatid sa background tinatanong kung pwede silang mag stop over sa 7/11.

“Kamusta ang meeting?” tanong niya. “Did I miss something?”

It’s typical of Charlie to be concerned about missing the meeting since he’s the Associate EIC. Medyo strikto din siya minsan. Sa mga lalake, siya ang isa sa pinakamatinong kausap.

Sinabi ko ang ilan sa mga pinag usapan sa meeting. We talked about it for a while. Maya maya pa nasabi ko na hindi nakapunta si Gavin tulad niya. Sandali siyang natahimik dahil sa narinig.

“Hindi ba nagpaalam sa inyo?” takang tanong ni Charlie matapos tila nag isip. “Nakita ko siya bago kami umalis sa bayan. Ang aga niya nga eh. May bibisitahin ata sa Hospital.”

Hospital? Bigla akong nag alala. Walang sinasabi si Gavin tungkol dito. “Kamag anak niya ba?”

Hindi agad nakasagot si Charlie tila may inaalala. “Walang siyang sinabi eh. Basta pupunta sa Hospital.”

Tumagal ng ilang minuto ang pag uusap namin ni Charlie bago kami parehong nagpaalam. Nang ibaba ko ang phone hindi ko mapigilang matigilan. My thoughts drifted to Gavin. Noong mga oras na yon ay napagtanto ko ang isang bagay.

Gavin knows so much of me. Even those emotions and thoughts na kadalasan ay ako lang ang nakakalaam. Pero ako, wala akong alam tungkol sa kanya. Napansin ko hindi niya madalas mabangit ang mga personal na bagay tuwing nag uusap kami.

Maliban sa pagiging parte ng Arcadian, sino nga ba si Gavin Nicholo Delos Reyes?

—-

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng phone ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako habang nagbabasa ng libro. Inabot ko ang phone ko sa side table habang bahagya pang nakapikit. Nahulog sa sahig ang librong binabasa ko bago ako nakatulog. I groaned. Sinilip ko ang orasan sa pader. Past twelve ng gabi.

“Hello?” I asked sleepily whoever is on the phone.

“Babes.”

Tuluyan akong nagising dahil sa narinig. “Gavin?” I checked the screen of my phone to be sure. It was indeed Gavin.

“Nagising ba kita?”

Gavin’s voice was low, husky even, beneath a noiseless background. Tingin ko nasa loob siya ng kanyang kwarto.

“Nakatulog ako habang nagbabasa ng libro. But it’s fine.”

Sinindi ko ang lamp shade sa bed side table saka pinulot ang libro mula sa sahig at pinatong ng maayos sa mesa.

“Nag advance reading ka nanaman ba?” tanong niya. I imagine Gavin’s eyebrows furrowed. “Bakasyon, babes.”

Napangiti ako. I held the phone tighter into my ears. Muli akong humiga sa bed. “It’s a fiction book.” Maya maya pa tuluyang nawala ang ngiti sa labi ko. “Where are you? Bakit wala ka kanina sa meeting?”

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa kabilang linya bago siya sumagot. “Nag alala ka ba?”

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. “Yes. We all are.” sagot ko. “Are you okay? Nasabi ni Charlie na may binisita ka daw sa Hospital? Is it a relative? Is he or she okay?”

“Okay na, babes.” sagot niya. “Nakauwi na sila kanina. Pasensya na hindi ako nakapagpaalam.”

“Please do next time.” tahimik kong sagot.

“Nagtatampo ka ba, babes?” tanong ni Gavin sa kabilang linya nang mapansin ang tono ng boses ko.

I can hear a hint of playfulness in his voice. And just like that, the weight of our conversation lighten up and Gavin’s back to being his usual playful self. Kahit kasi sabihin niyang okay na ang lahat, hindi ko parin maiwasan na mapansin ang uneasiness sa boses ni Gavin tungkol sa topic. Kung nakikita ko lamang sana ang expression niya sa mga oras na ito.

“Sorry na, babes.” sinabi niya. “Magpaalam na ako sa susunod.”

“H-Hindi naman ako nagtatampo.” sagot ko.

Though totoo na kaya late na akong nakatulog ay dahil iniisip ko ang sinabi ni Charlie tungkol kay Gavin. I only read the book thirty minutes before I fell asleep.

Humalakhak si Gavin. A low and hearty chuckle which seems to be heard within the silence of the evening.

“Biro lang. Tulog na, babes.”

“You’ll be there on the next meeting right?” tanong ko.

“Nandoon ako.” sinabi niya and I know he’s saying the truth.

Nag yawn ako. Ngayon ko naramdaman ang antok ko ngayong alam kong okay na si Gavin.

“Gavin?”

“Babes?” Maging sa boses niya ay halata kong tinatablahan na din ng antok. It’s almost one o’clock after all.

“Did you already have a part time job?” tanong ko. I don’t know why, and I know it’s a random question, but I don’t want to end this talk yet.

“I’ll start tomorrow.”

“Gavin?”

“Hmm?”

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yon noong gabing yon. Subalit bago tuluyang pumikit ang aking mga mata, I told Gavin.

“Hwag ka ng mawawala, okay?”

—-

Maaga akong nagising kinabukasan. I found my phone with me on my bed instead on the bedside table kung saan madalas ko itong nilalagay. Hindi ko alam kung sino ang nag end tawag o kung gaano pa ito nagtagal. But I remember Gavin’s low voice bidding me goodnight.

Dumerecho agad ako sa kusina matapos kong makapagbihis. I have several things to do today. Pinusod ko ang buhok ko at sinuot ang apron. Pumunta ako sa cupboard at hinanda ang mga ingredients na kailangan ko.

Kahapon sa meeting isang bagay ang napag usapan namin ni Stephen. Since plano niyang tumulong sa coffee shop ng Mama niya ngayong bakasyon at madalas akong magbake kapag wala akong ginagawa, naisip kong magbake para sa shop ng Mama niya.

I’m not that good actually. I only bake average pastries like cookies and cakes. But I love the craft. I love the process of losing awareness of time and place while you’re doing it. And the feeling of seeing what you envision into finish products is really fulfilling.

“Walang lakad?” napalingon ako sa counter habang busy sa paghahalo ng flour at eggs.

Nakita ko si Nana Lourdes na pinagmamasdan ako. May hawak siyang ilang paper bags at bayong mula sa palengke. Mukhang kagagaling niya lamang sa pamimili. Madalas kasi maaga palang ay lumalabas na siya para mamalengke.

“Wala kaming nakaschedule na activity ngayon, Nana.” sagot ko habang bago nagpatuloy sa ginagawa. “But I need to bake several pastries for a friend.”

Pinatong niya ang mga pinamili sa counter. “You’re baking for a friend?” nakangiting sinabi niya. “That’s new.”

Inayos niya ang mga pinamili habang nakikipag usap sa akin. Ganitong oras ay nakaalis na sila Mom and Dad papuntang trabaho. I rarely got to it with them during breakfast.

“Dati halos ayaw mong ipatikim ang mga gawa mo.”

Bigla akong natahimik. When I was in high school natuto akong mag bake because of Nana. Dati nagdadala ako ng mga ginawa kong cookies sa school. Gusto ito ng mga classmates ko. And I thought that means friendship. But I once heard three of my classmates talking on the bathroom.

“Ang loner ni Isabelle, no? Kung hindi lang siya galante, I don’t think my sasama sa kanya.”

“Madalas kasi siyang manlibre kaya sinasamahan siya nila Trishia. Pero ang boring niya sa totoo lang.”

Since then hindi na ako nagbake para sa ibang tao. Since then I never trusted those who offer friendship that much. Nag aral ako sa same private school since grade school. Familiar sa akin ang halos lahat ng mga tao. Pero kailanman hindi ako nagkaroon ng malapit na kaibigan.

When you’re on top, mahirap makita kung sino ang totoong kaibigan. Hindi mo alam kung ikaw ba talaga ang gusto nilang kasama o gusto lang nilang ang lugar kung nasaan ka.

“Kapag bakasyon naman.” sinabi ni Nana habang papunta sa fridge para ilagay ang mga gulay doon. “Masayang masaya ka dahil pwede kang magkulong maghapon sa kwarto mo. Ang sabi mo mas gusto mo ang katahimikan ng kwarto mo kesa sa environment ng school niyo.”

“People are right.” sinabi ko habang nakafocus sa ginagawa. Napangiti ako, a sad smile. “I was indeed a loner.”

“Mas okay kasi na mag isa ka nalang kesa ipilit ang sarili mo sa mga taong hindi ka naiintindihan. Explaining yourself is tiring. Hiding who you really are to keep up with them is tiring. But you know what I learn, Nana? Not all people around you can understand you. But you don’t have to be fixed on that certain place. You can move, you can search for people who understands your view and who you are, and when you do, you can either stay in the comforts of your solidarity or you can choose to be with them.”

“And you choose what?” tanong ni Nana na may ngiti sa labi.

“Finding someone who understands who you are is hard. Deciding to leave the place you’ve been comfortable with to be with them is harder.” Humarap ako kay Nana at ngumiti. “But I choose to be brave.”

—-

Bandang tanghali nang matapos ang lahat ng mga binabake ko kasama na ang packaging sa maliliit na kahon. Hapon na noong nakaalis ako sa bahay upang ibigay ang mga pastries kay Stephen. The two of us agreed to meet outside the university gate.

Pagbaba ko palang sa sasakyan ay nakita ko na ang minivan. Stephen is wearing a tshirt na may tatak ng coffee shop ng Mama niya. Mukhang nagdeliver muna siya somewhere bago dumaan para kunin ang mga ginawa ko.

“Thanks, Isabelle.” sinabi ni Stephen nang iabot ko sa kanya ang buong kahon. “Siguradong malaking tulong ito. Sa Arcadian kasi mapupunta lahat ng mapag bebentahan nito.”

“I’m glad I can help in some way. Mas okay pala kapag pinag tatrabahuhan mo.” nakangiting sinabi ko. Because it was indeed tiring. Halos makaidlip ako sa pagod noong matapos ko ang buong set ng cookies at cupcakes.

“Kahit hindi mo gawin ‘to madami ka ng natulong.”

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Bahagya akong nagtaka. Pero nawala dito ang attention ko nang magkwentuhan kami tungkol sa kasalukuyang part time job niya. Madami ang tao sa coffee shop ngayong araw. One of his jobs is to deliver some orders.

Matapos ang ilang minutong kwentuhan kalaunan ay kinailangan na niyang mag paalam. Tinanong niya ako kung ano ang sasakyan ko pauwi since nakaalis na ang naghatid sa akin.

“I’ll be fine. May bibilhin din kasi ako sa downtown.”

Tumango siya at sinabihan na mag ingat ako sa pag uwi bago nagpaalam. Bahagya akong kumaway habang nakangiti nang umandar paalis ang kulay pale blue na minivan.

I wonder kung kamusta na ang iba sa mga part time jobs nila. Nagsimula akong maglakad papunta sa downtown hindi kalayuan sa univeristy. Gusto kong doon tumingin ng mga gagamitin sa susunod na pagbabake ko.

Habang naglalakad ay naisip kong tumigil sandali sa nadaanan kong park para i-text sina Pia at kamustahin ang kanilang mga part time jobs. Ang park na ito ay nasa likod lamang ng downtown tent market na kabubukas lamang nitong nakaraang weekend bago natapos ang mga klase.

Dito ko planong pumunta. Dito kasi makikita ang mga tents ng mga nagbebenta ng pagkain at early Christmas gifts and products, at mga ingredients na madalas ay mahirap hanapin.

Napansin ko na madami ang mga tao sa park tuwing pinapatayo ang tent market. Maulap din ang langit ngayon kaya mas mainam sa mga mas gustong maglakad. Habang nagte-text sa isang bench, natigilan ako nang isang mascot ang nakakuha ng attention ko.

Nasa dulo ito ng park malapit sa entrance ng tent market. Nakikipaglaro ito sa mga bata. It was a teddy bear mascot. Nakasuot ito ng blue jean jumpers, malalaking sapatos na yellow, blue baseball cap, at may hawak na mga makukulay na balloons. Napansin ko ang familiar logo sa jumpers na suot nito. It was the mascot for the tent market.

Nang maitext ang mga kasama ko, tahimik akong naglakad sa kahabaan ng park habang nakalagay sa tenga ang headset ko. I hummed every now and then habang nadadaanan ang maberdeng park papunta sa entrance ng tent market. Ilang taong namamasyal sa park ang nasalubong ko.

Muli kong napansin ang mascot nang makalapit na ako. Nagbigay siya ng balloon sa nagdadaanan na mga bata. May tinuturo ang mascot. Sinundan ko yon at nakitang tinuro niya tent market. Nagsimulang magyaya ang ilang bata na pumunta doon kasama ang mga magulang nila. Napangiti ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok sa tent market. Subalit nabigla ako nang lumapit ang mascot sa akin at binigay ang huling lobo na hawak niya.  Tumigil ako sa paglalakad at inalis ang headset sa tenga ko. Nagtataka na kinuha ko ang binibigay niya.

“Sa akin?” turo ko sa sarili ko. Masiglang tumango ito. “Wow thank you.”

Nabigla ako nang marahan akong niyakap ng mascot. “Uhm, free hug. I guess?” natatawang sinabi ko.

Tumango ulit ito. The mascot’s body was warm, plushy, and very cozy. Para kang yumakap sa isang life size teddy bear.

“You’re so cozy.” sinabi ko nang sa wakas ay umalis na ako sa pagkakayapak sa kanya.

Hinawakan ng mascot ang ibabaw ng aking ulo. But instead of patting my head, sinandal niya ang kaliwang braso niya at para bang ginawang patungan ang ulo ko. Naalala ko bigla si Gavin. Mahilig siyang gawin ito.

Sandali— Hinawakan ko ang mabalahibong braso ng mascot. “Do I know you?” bigla kong natanong sa taong nasa loob ng mascot. Possible kaya? “Sa tingin ko talaga kilala kita.”

Isang tao lang naman ang mahilig gawing patungan ng braso ang ulo ko because he’s tall enough to do so. Yon ang sinasagot niya tuwing tinatanong ko siya kung bakit mahilig siyang gawin yon lalo na tuwing nag lalakad kami ng magkasama.

Umiling lamang ang mascot at ginulo ang buhok ko. Kumunot ang noo ko. Doon ko naramdaman ang bahagyang paghalakhak ng taong nasa loob ng mascot bago napapailing.

Hinawakan ng mascot ang kamay ko at dinala sa isang bench sa playground. Nang makarating kami doon, pinupo niya ako. Saka niya inalis ang suot niyang head ng mascot.

His quite messy hair fell all over his forehead. Nakangiti siya nang makita ako. I was dumbfounded.

It was Gavin.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top