Spectacular: Nine
9.
It was Tuesday morning nang halos kompleto kami sa office. Nandoon ang lahat maliban kay Gavin na may klase. Kanya kanya din kaming focus sa mga ginagawa naming articles.
Habang nakaharap kami sa computer, papers, o di naman kaya ay sketches, si Lawrence naman ay busy sa pagkuha ng litrato. Kanina pa siya sinasaway ni Pia at sinasabihan na magfocus nalang sa dapat niyang gawin. Pero hindi ito natinag.
“Documentation, Boss.” nakangising sabi niya habang kinukunan ang nag aalburutong si Pia.
“Documentation mo ang mukha mo.” asik ni Pia. “Eh, bakit tatawa tawa ka? Paningin nga ng mga kinunan mo.”
Tumayo si Pia at inabot ang camera mula sa kamay ni Lawrence. Mabilis naman na tinaas ni Lawrence ang camera sa ere para hindi nito maabot. Di-hamak kasi na mas matangkad si Lawrence. Halos hangang dibdib niya lang si Pia.
“Akin na! Patingin sabi eh!” Tumalon talon si Pia para abutin ito. “Bakit ayaw mong ibigay? Sigurado akong kalokohan lang ang pinag gagagawa mo kanina pa.” Hinawakan niya ang braso si Lawrence na ngayon ay tawa na ng tawa. “Akin na sabi eh. Makinig ka sa EIC mo.”
Patuloy sila sa bangayan tungkol sa camera. Habang nakaupo sa sofa, nakarinig naman ako ng mahinang ingay sa paanan ng binti ko. Bumaba ang tingin ko dito at nakita ang itim na kuting na si Arki, short for Arcadian.
Si Rhea ang nag pangalan sa kanya since siya ang hindi tinigilan si Pia para gawing official na alaga ng grupo ang pusa. Pumayag naman si Pia with the note na tuwing weekend ay hindi ito maaaring manatili sa office since walang tao dito at walang magpapakain sa kanya.
Noong una akala namin hindi na ito babalik. Pero dumating ang Monday at nakita namin ang pusa na nag aabang sa tapat ng isa sa mga bintana ng office. Since then lagi na siyang nandito at kapag weekend naman ay gumagala kung saan.
“What’s up, Arki?” tanong ko sa pusa. Inabot ko ito at ni-pet ang chin niya. The kitten purred contentedly. “Maingay ba si Mommy at Daddy?” Napalingon sa akin si Pia at Lawrence. Napangiti naman ako.
Maya maya pa biglang bumukas ang pintuan. Napalingon ako at nakita si Gavin na pumasok. Nakasabit ang backpack niya sa kaliwang balikat. Natigilan siya nang makita ang patuloy na asaran ni Lawrence at Pia.
“May LQ nanaman?” balewalang tanong niya at naupo sa sofa sa tabi ko.
Sinamaan siya ng tingin ni Pia habang si Lawrence ay hindi na natigil sa pagtawa. She took a deep defeated breath at bumalik na lamang sa ginagawa muttering something about stress and choking the two.
“Ang liit mo kasi, Boss.” pang aasar pa ni Lawrene. “Oh, ito na nga.” Inabot niya ang camera pero hindi ito pinansin ni Pia.
“Hindi ko na kailangan!” asik ni Pia. Pigil naman ang ngiti ko dahil sa dalawa. Ang dalawang ‘to talaga.
Biglang nawala ang ngiti ko nang maramdaman ang paglapit ni Gavin sa akin habang magkatabi kami sa sofa. Halos nakasandal na siya sa balikat ko habang pinagmamasdan si Arki na binuhat ko mula sa sahig.
“Okay ka lang ba dito, hah?” tanong ni Gavin sa pusang nasa lap ko. “Hindi ka ba naiingayan? Maingay talaga dito, ano?” sinabi niya. In the corner of my eyes, nakita kong naka fixed ang mata niya sa pusa.
Gavin is wearing his prescription reading glasses. May history din kasi siya ng panlalabo ng mga mata. Minsan ko na siyang nakitang suot ito noong nasalubong ko siya malapit sa kanilang building. Pero ngayon ko lang nakitang suot niya ito sa malapitan.
Pakiramdam ko ibang tao ang kaharap ko. It’s the same Gavin but looks more— serious? Smart? Deep? He looks a bit nerdy with those glasses and his tousled dark hair na mukhang bagong gising. A good looking and cute nerd. Ngayon hindi na nakakapagtaka na ang Gavin na malalim kung magsalita at ang Gavin na mapang asar ay iisa.
“Ang ganda natin ngayon ah, ang bango pa.”
I snapped back in attention sa sinabi niya. Nakalean parin siya sa balikat ko habang pinagmamasdan ang pusa.
“Lininisan siya kanina ni Rhea sa labas.” sabi ko.
Umangat ang mukha ni Gavin para pagmasdan ako. Agad naman akong umiwas dahil halos magdikit na ang mga mukha namin. In the corners of my eyes, nakita kong ngumisi ito at ni-pat ang ulo ni Arki bago umalis mula sa pagkakasandal sa balikat ko.
“Guys, bili naman kayo ng pagkain. Gutom na ako.” sinabi ni Pia.
Lumingon ang grupo sa kanya. Asahan mo ang grupo na magiging attentive kapag narinig ang salitang ‘pagkain’. Isa sa mga na pansin ko sa grupo ay mahilig talaga silang kumain. Hindi lilipas ang isang araw sa office nang wala kang makikitang pinagkainan tulad ng plastic ng junk foods, crumbs ng tinapay sa sahig, paper cups at kung ano ano pa.
“Ako na ang bibili.” volunteer ko.
Tuwing bumibili kasi kami ng pagkain ay sa sarili naming bulsa kinukuha ang pang gastos. Hindi namin pwedeng galawin ang funds ng organization. Kahapon si Gavin na ang bumili kaya ngayon ako naman.
“Samahan na kita, babes.” sinabi ni Gavin.
“Sige.” sang ayon ko.
Tumayo si Gavin at nilahad ang kamay niya para hilain ako patayo habang nagsimula silang magsabi ng mga ipapabili sa amin.
“How about juice?” tanong ni Pia. Napatingin siya sa water dispenser sa sulok. “Sige, juice nalang, yong pwedeng timplahin.”
“Gusto ko ng pizza.” sabi ni Stephen na nakatutok sa laptop niya.
“Masyadong mahal yon.” sambit ni Charlie.
“No. Okay lang.” sagot ko.
Umakbay bigla sa akin si Lawrence. “Aba, rich kid ka talaga, Isabelle.” biro niya. Natatawa na kinurot ko siya sa pisngi. Ayaw na ayaw niyang ginagawa ko yon kaya inalis niya agad ang braso sa balikat ko.
“Isabelle naman, baka naman lumaylay ang gwapo kong mukha sa ginagawa mo.” reklamo niya habang nakahawak sa pisngi.
“Ikaw na ang gwapo.” irap ni Pia sa sinabi niya.
Tumawa si Lawrence. “Buti inamin mo na, boss.”
Pia scoffed. “Sarcasm yon.” Inayos niya ang bangs niya na tila ba bumabalik ang pagka-stress kay Lawrence.
“Okay. Pizza at juice, yong tinitimpla?” confirm ko bago pa magkaroon bagong bangayan.
“Pwede bang magpabili din ng pagkain ni Arki.” tanong ni Rhea. “Baka hindi niya makain ang pizza.”
“Sure. Wala na ba?” Nag thumbs up lamang si Charlie para sabihin na okay na ang lahat. Napatingin ako kay Gavin. “Let’s go?” Ngumisi siya at hinila na ako palabas ng office.
“Sige guys, date muna kami.” paalam niya sa grupo. Muntik ko siyang batukan dahil doon. Lalo na nang marinig ko ang pahabol ni Lawrence.
“Basta hwag niyo kaming kakalimutan. Nandito lang kami matyagang maghihintay sa inyong pagbabalik— Aray takte, boss naman—“ Halos matawa ako. Siguradong binatukan siya ni Pia.
Tss. Boys.
—-
Dumaan muna kami ni Gavin sa supermarket para bumili ng juice powder at canned tuna para kay Arki. Nakasunod lang si Gavin habang linilibot ko ang mga aisles at pinagmamasdan ako.
“Bumili din kaya tayo ng junk foods?” tanong ko nang madaanan namin ang aisle ng mga ito.
Inalis niya ang pagkakatitig sa mukha ko at nagkibit balikat. “Kaw bahala, babes.” tanging sagot niya.
Kumunot ang noo ko at tiningnan siya ng mabuti. Ano bang problema niya? “Okay, kumuha na din tayo.”
Inabot ko ang ilang malalaking bags nito at inabot sa kanya. “Doon na tayo sa juice. Hurry.” I muttered. Tumango lang naman siya. Mas lalo siyang nakaka intimidate tumingin lalo na kapag naka salamin siya. Para kasing ang tali-talino niya.
Matapos bumili ng kailangan namin, nag check out kami at dumerecho sa food court kung nasaan ang pizza. Pagdating namin doon, napakahaba ng pila. Halos mga estudyante pa naman ang nandoon ngayon.
“Umupo ka muna, babes. Ako na ang pipila.” sinabi ni Gavin nang mapansin ang crowded na food court.
Puno ang food court ng mga university students na walang klase. Pinakamalapit kasi ang Mall na ito sa university. Umupo ako sa bakanteng mesa malapit sa ilang estudyante. Pinagmasdan ko si Gavin na nakapila sa dulo habang hawak ang yellow bag ng mga pinamili namin.
“Di ba siya yong Top 1 niyo sa klase?”
Napalingon ako sa direction ng mga nagsalita. Napakurap ako nang mamukhaan ko ang isa sa mga classmates ko.
“Oo. Matalino sana kaya lang hindi sumasali sa kung ano ano kaya halos walang nakakakilala sa kanya.”
Umiwas agad ako ng tingin dahil obvious na ako ang pinag uusapan nila.
“Ay ganoon? Bakit naman? Baka masyadong nape-pressure? Hindi kaya madaling maging Top 1.”
“Ang alam ko niyaya siya mismo ni Melanie Aragon na maging candidate sa partylist nila. Kaso tumangi.”
“Kaloka. Sayang naman. Iba talaga kasi kapag sobrang taas ng expectation sayo.”
Halos nakatitig na ako sa surface ng mesa habang naririnig ang pinag uusapan nila. Kaya kinailangan kong tumingala nang makita si Gavin na nakatayo sa tapat nito.
“Masyadong mahaba ang pila, babes. Doon nalang tayo bumili sa labas.”
Napa awang ang labi ko at balak sanang magsalita nang hilain niya ako paalis sa food court. Napansin ko na napatingin siya sa mga babaeng nag uusap bago kami tuluyang nakalayo.
Naglakad kami palabas ng Mall at tumawid sa kabilang kalye para pumunta sa pizza parlor na nasa tapat nito. Halos walang tao pero kinailangan parin naming mag hintay na maluto ang pizza.
Tahimik akong umupo sa silya malapit sa bintana. Tahimik na sumunod si Gavin matapos masabi ang order namin.
Umupo siya sa tapat ko. “Hindi mo pa sinasabi, hindi ba?”
Inalis ko ang tingin sa kalye at napalingon sa kanya.
“Hindi ka maapektuhan sa mga sinabi nila kung alam na ito ng mga taong mahalaga sayo.”
Nakuha ko agad ang tinutukoy niya. Hindi ko alam kung bakit, pero madali kong naintindihan ang gusto niyang iparating.
“You know what's the scary part in finally getting what you want? It’s knowing that this time, you have something worth losing.” Absentmindedly na binalik ko ang tingin sa kalye.
“Gustong gusto ko ito to the point na nakakatakot. Nakakatakot sabihin sa iba dahil may tendency na mawala ito sa akin.”
Umiling ako at bahagyang natawa.
“Ito lang yong totoong gusto ko na nakuha ko. All this time akala ko gusto ko yong nakukuha kong perfect score, o kaya kapag pinupuri ako ng professor, kapag nasasabihan ako ng magandang feedback tuwing reporting.”
“Yon pala, kailangan ko lang ang mga yon kaya pinilit kong gustuhin. Pero hindi ang mga bagay na yon ang totoong mahalaga para sa akin.”
Pinagmasdan ko ang pagdaan ng mga sasakyan sa kalye. It’s as if they are in slow motion.
“I wish everyone would stop expecting so much of me. Paano kung simple lang ang gusto ko. Paano kung ganito lang?”
Naramdaman ko bigla ang palad na nasa ulo ko at tila ba pina-pat ito. “Then tell them.”
Lumingon ako kay Gavin na naka rest ang chin sa isang palad at ang isa ay nananatili sa ulo ko. Nakatingin siya labas sa labas tulad ko na para bang maging ito ay may malalim na iniisip.
“Hindi lahat ng tao ay kayang mabasa ang iniisip o nararamdaman mo. Don’t assume that everyone is as sensitive as you.”
Bumuntong hininga siya.
“Madalas kailangan mong magsalita kung gusto mong mapakingan. Masyadong maingay ang mundong ito para marinig ang mga salitang pilit tinatago ng bawat isa.”
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top